LIKE
(Kiray pov) Ang tapik ni manang Diday sa aking pisngi ang nagpagising sa akin. Nakatulog pala ako sa biyahe. “Nauna nang pumasok ang asawa mo, Madam. Halina’t pumasok na tayo sa loob,” paliwanag nito ng makitang tumingin ako sa kinauupuan ng asawa ko kanina. Nang makababa ay tumingala ako sa bahay—mas tamang sabihin na mansion na nasa harapan ko. Malaki at malawak ito, para itong palasyo. Pero nakakatakot dahil mukha itong haunted house. Black and sark red ang pintura, mukhang luma pa. Nakakadagdag takot din ang naglalakihang puno na nakapalibot dito. Nang tumingin ako sa malaking tarangkahan ay nakita ko may nakita ako na nag-iisang kulay puti—isang White Octagon Logo na may nakaukit na bungo sa gitna nito. White Octagon? Tumingin ako sa Logo at humawak sa baba ko. “Hindi kaya may samahan ng kulto ang asawa ko?” Mahinanh bulong ko. Nang makita kong lumakad na si manang ay lakad-takbo akong sumunod dito. “Manang Diday, dati po bang haunted house ‘to? Mukha kasing walang naka
Galit na galit na nagpumiglas si Alexa, humihiyaw siya sa galit. Hindi niya matanggap na ginawa ito ni Nissa sa kanila. “Don’t touch me with your filthy hands!” Singhal niya sa may hawak sa kanya. “Saan kami dadalhin ng asawa ko? Magkano ang binayad sa inyo ng babaeng ‘yon? Sabihin niyo lang at handa akong doblehin pakawalan niyo lang kami!” Imbes sumagot ay tinawanan lang sila ng mga ito. “Pasensya na, ma’am. Pero hindi nabibili ang katapatan… hindi kami katulad niyo,” Namula sa galit si Alexa. Nanginginig ang kalamnan na dinuraan niya sa mukha ang nagsabi nito sa kanya, na agad niyang pinagsisihan, dahil bilang ganti ay malakas nitong sinikmuraan ang asawa niyang si Cesar. “T-tama na! Tigilan niyo ang asawa ko!” Pakiusap niya ng simulan itong pagtulungan ng mga lalaki. Wala siyang nagawa kundi panoorin na bugbugin ito. ‘Walanghiya ka, Nissa! Pagbabayaran mo ang ginawa mong ito sa amin!’ Ngitngit na sumpa niya sa galit. Hindi niya akalain na sa isang iglap lang ay mawawala
Alam ng asawa ni Nissa na anumang oras ay maaari siyang mamatay. Para ma-protektahan ang kanilang yaman at hindi makuha ng gahaman nitong kapatid na si Alexa ang lahat, kinausap nito ang matalik na kaibigan, ang ama ni Laxus na itago ang 70% ng yaman na pinamana ng ama nito. At kondisyon para makuha ito ay kailangan magpakasal ng isa sa kanyang anak sa anak nitong si Laxus Kung. Walang alam si Alexa sa iniwang kasunduan ng dalawang magkaibigan, kaya hindi na pinagtangkaan ng dalawa ang buhay ng kanyang anak. Pero ng malaman ni Alexa na magpapakasal ang anak niya kay Laxus ay nabahala ito at pinapatay ang anak niya. Wala man konkretong ebidensya, alam ni Nissa na si Alexa ang nagpapatay sa kanyang anak. Kung nagpakasal lang sana ng mas maaga anak niya kay Laxus, hindi sana ito nawala. Kung hindi nalaman ng binata na hindi nito makukuha ang posisyon bilang Mafia boss ay hindi nito papakasalan ang anak niya. Kung pumayag lang sana si Laxus no’ng una na pakasalan ang anak niya ay hi
(Kiray pov) Hindi ako nakagalaw ng bigla akong yakapin ni Laxus. Gusto kong kumawala sa yakap nito pero masyadong malakas ang braso nitong nakayakap sa bewang ko. “Manang Diday, tulungan niyo po ako na iakyat si Laxus sa kwarto—“ Gusto ko sanang magpatulong dito na i-akyat sa taas si Laxus pero paglingon ko ay wala na ito. Pati ang mga bodyguards ko at ng asawa ko ay biglang nawala na parang mga bula. Iniwan nila akong mag-isa kasama si Laxus. “My Queen, Rayana… please stay…” Sumubsob ang mukha nito sa leeg ko kaya napasinghap ako. Naku naman. Hindi pa naman ako marunong mag-alaga ng lasing. Hindi ko nakitang nag-inom ang lola ko. Kapag nalalasing naman sila nanay at tatay ay si lola ang nag-aalaga sa mga ito. Nakadama ako ng awa ng marinig ko ang paulit-ulit na pagtawag ni Laxus sa pangalan ni Rayana. Sabi nila kapag lasing ang tao ay nasasabi nito ang tunay na nilalaman ng kalooban nito. Sa nakikita ko ngayon ay talagang mahal ni Laxus ang kaibigan ko. “Don’t leave, Ray
(Kiray pov) Isa ito sa pantasya ko no’ng panget pa ako—ang makahawak at makahimas ng tunay na katawan ng lalaki. Kaya nga napakarami kong collection ng mens magazine. Nang mahubad ko ang pang-itaas ni Laxus ay napalunok ako. Mas maganda at kaakit-akit pala ang katawan nito sa malapitan. Walang sinabi ang mga lalaki sa mens magazine sa katawan ng asawa ko. Paano pa kaya kapag ang pang-ibaba na ang nahubad ko? Bumaba ang mata ko sa pagitan ng hita nito. “Ohlala…” Hindi pa galit pero malaki na. Mukhang dambuhala ang alaga nito. Binuksan ko ang shower at para hindi halata na tsina-tsansingan ko siya. Kunwari ay nagbubunganga ako at labag sa loob ko na alagaan siya. Nang mahubad ko ang slack nito ay tumingala ako sa kanya. “Pasensya ka na, Laxus. Pero sisilip lang naman ako… saka mag-asawa naman tayo kaya hindi masama ang gagawin ko.” Kausap ko na parang naririnig ako nito. Hindi na ako nag-aksaya ng oras, hinubad ko ang huling saplot na tumatakip sa pagitan ng hita nito. “A-a
(Laxus King pov) Damn it. Kanina pa hindi maalis ang tingin ko sa asawa ko na ngayon ay nakayukong kumakain. Hindi ko na rin mabilang kung ilang beses akong napamura sa isip ko habang mataman na nakatingin dito. Wala akong natandaan sa nangyari kagabi, but base on her reaction, parang guilty ito. Hindi ito makatingin ng diretso sa mga mata ko. Lalong pinagtibay niyon ang hinala ko na may ginawa itong hindi maganda sa akin. Napapitlag ito sa gulat ng malakas kong ipukpok ang kamao ko sa mesa. “Look at me, woman. Ano ang ginawa mo sa kwarto ko kagabi?” Malaki ang kasalanan sa akin ng babaeng ito at alam ko ang kaya nitong gawin. Kung pagdudahan ko man ito, kasalanan ito ng babaeng ito. This bitch knows how to play games well. Mukha itong inosente pero mapagpanggap ito. Umigting ang panga ko sa galit ng hindi ito nag-angat ng tingin, nagpanggap ito na hindi ako narinig. Tsk. Alam talaga ng babaeng ito kung paano pakukuluin ang dugo ko. “I’m asking you, woman… what did you do?!”
(Kiray pov)Humahagulhol na lumabas ako ng silid ni Laxus, takot na takot ako habang umiiyak na lumuluha kipkip ang kumot upang takpan ang aking kahubaran. Madam, ano ang nangyari sa’yo—diyos ko na mahabagin!” Agad akong inalalayan ni manang ng makita ako, bumalatay ang labis na pag-aalala sa mukha nito ng makita ang kalagayan ko. Halatang gulat na gulat ito at hindi makapaniwala, agad nitong nahulaan ang ginawa sa akin ng asawa ko. “M-manang Diday, huhuhu… si Laxus po… si Laxus po…” Sumisigok na iyak ko habang takot na takot akong nakakapit sa damit nito. Awang-awa na binalot nito ng maayo ang kumot sa aking katawan. Dahil sa pagod at sakit ng aking katawan ay hindi ko na magawang ihakbang ang mga binti ko, ang nag-aalala na boses nito ang huli kong narinig bago ako nawalan ng malay at bumagsak sa sahig. ****** (Laxus King pov)Tumingin ako sa dugong nasa ibabaw ng kama. Kanina pa nakaalis ang asawa ko pero hindi ko magawa na ipag-utos na linisin ito. Hanggang ngayon ay hindi
(Laxus King pov) Kumunot ang noo ko ng makita si manang Diday na mag-isang dumating, oras ng dinner pero hindi nito kasamang dumating ang asawa ko. Bago pa makapagtanong ay nagsalita na ito, “Hindi makakasabay sa gabihan si Madam dahil masama pa rin ang pakiramdam niya, Mr. King. Pero wag kayong mag-alala dahil nagpahanda na ako ng pagkain na dadalhin sa kwarto niya.” Ani nito bago nagtungo sa kusina, halata na hindi maganda ang mood nito. Naging ganito na si manang Diday tatlong araw na ang nakakaraan, simula ng lumabas ng silid ko ang asawa ko. Mukhang sumama ang loob nito sa ginawa ko. Hindi lang ito, maging si Jigs ay naging malamig ang pakikitungo sa akin nitong nakaraang araw. Damn. Ano ang pinakain ng babaeng iyon sa mga tauhan ko para maging ganito sila sa akin? Amo na nila ako bago pa ito dumating dito, I ruled this house, I ruled them before my wife does. Tumingin ako sa mga pagkaing nasa harapan ko. It’s been three days simula ng nakakain ako ng maayos, kaya dapat
“Kung may halimaw man sa inyong dalawa, ikaw ‘yon at hindi anak ko!” Puno ng pait at pagkamuhi akong tumingin sa kanya. “Oo, Laxus… oo napakalaki ng kasalanan ko. Pero hindi kasalanan ang pagiging panget! Hindi ko ginusto ang nangyari sa akin! At lalong hindi kasalanan ng anak ko ang naging kasalanan ko para tawagin mo siyang halimaw at talikuran mo siya. N-napakasama mo, Laxus… napakasama mo!” Sobrang sakit. Sa sobrang sakit parang hindi ako makahinga. Akala ko ang anak namin ang magpapatibag sa galit niya pero hindi pala. Hindi lang nito tinalikuran ang anak naming dalawa, sinuka at nilait pa niya. Nang mapagod sa pagsuntok sa dibdib at pagsampal sa kanya ay lumayo ako sa kanya. Nang makita ko ang boteng naroon ay dali ko itong binasag at dumampot ng bubog mula sa basang na piraso nito. “Kiray!” Natigilan ako… sa kauna-unahang pagkakataon ay tinawag ako ni Laxus sa totoong pangalan ko. Noon ko pa pinangarap ito. Gusto kong makilala at tawagin ako ng asawa ko sa
Ang lalaking mahal ko… nalaman na ang totoo, na isa akong huwad at may malahalimaw na mukha noon. Gusto kong lapitan siya at yakapin, sabihin na heto pa rin ako, ang babaeng minahal nito, na ako pa rin ito. Pero ito na mismo ang lumapit sa akin at humawak sa braso ko. Napaigik ako sa sakit sa diin ng hawak nito, pakiramdam ko ay madudurog ang buto ko. Ngunit hindi ang sakit niyon ang ininda ko, mas masakit na makita ang pandidiri sa mata nito. Pandidiri dahil isa akong napaka panget na babae noon. Ang sakit! Walang-wala ang sakit na ito sa naramdaman ko sa tuwing nakakatanggap ako ng panlalait sa iba noon. Sampong doble pala ang sakit kapag nanggaling ito sa taong mahal mo. Noon pagmamahal ang nakikita ko at pag aalaga ang natanggap ko mula sa kanya. Nakakadurog ng pusong makita na napalitan na iyon ngayon ng pandidiri dahil totoo kong itsura. Dumiin ang kamay nito sa braso ko at halos bumaon ang kuko sa balat ko kaya napangiwi ako sa sakit. Naggagalawan ang panga ni Laxus a
Nang makita ko ang nakalarawang awa sa mata ni mommy Nissa para sa akin ay kinain ng malaking takot ang dibdib ko. H-hindi… sana mali ang iniisip ko. “Gusto ng bawiin ng anak ko ang posisyon niya, Kiray. Gusto na nang anak ko na bawiin ang buhay niya na pinahiram ko sayo. Patawad, Kiray, pero hindi kita matutulungan sa pagkakataong ito. Mahal ko ang anak ko at bilang ina, gusto kong makabawi sa kanya at ibigay ang lahat ng gusto niya. Sana maintindihan mo ako.” Makikita ang paghingi ng tawad sa mata ng matanda, paghingi ng tawad sa pagpili sa sarili nitong anak. Umiling-iling ako. “M-mommy Nissa, nagmamakaawa ako…” yumakap ako sa binti nito. “N-noong kailangan niyo ng tulong ko ay pumayag ako. K-kahit kapalit nito ay kalayaan ko at mabuhay sa totoong pagkatao ay pumayag ako. Kaya nakikiusap ako parang awa mo na tulungan mo ako na mabalik sa akin ang asawa ko. M-mahal na mahal ko po siya, hindi ko kayang mabuhay ng hindi siya kasama.” Humahagulhol na hinawakan ko ang tiyan ko..
(Kiray pov) Si Laxus agad ang unang pumasok sa isip ko ng bumalik ang malay ko. Inalis ko agad ang karayom sa kamay ko kaya nag alalang nilapitan ako ni Mariz at Jayson. “Kiray, please! Wag ka munang tumayo. Kailangan mong magpahinga!” “P-Pero ang asawa ko, Mariz! K-kailangan ko siyang puntahan—“ muntik na akong mabuwal kaya inalalayan nila akong dalawa at dahan-dahan na binalik sa kama para iupo. Naalala ko ang nakita ko bago ako nawalan ng malay. Nangilid ang luha ko habang kagat ng madiin ang labi ko. ‘Wag kang iiyak, Kiray! Wag kang iiyak!’ Paalala ko sa sarili ko pero kusang tumutulo ang luha ko sa magkahalong takot at pagkabahala. Kakaiba ang kabang lumulukob sa dibdib ko… hindi ko mapaliwanag. Para akong hindi makahinga. Nagkatinginan sila Jayson at Mariz, bakas sa mukha ang pag aalinlangan at labis na pag aalala. Namumula ang mata na hinawakan ni Mariz ang kamay ko. “Kiray, alam kong mahalaga sayo sobra ang asawa mo… pero kakagaling lang natin sa aksidente at nasag
(Kiray pov) “Madam, nasaan ka ngayon? Bumalik na ang asawa mo at kanina pa nag aalala. Umalis siya rito kasama si Jigs at iba pa para hanapin ka.” Bumuntonghininga ako bago sinagot si manang. “Pauwi na rin po ako, manang. Wag ka pong mag alala tatawagan ko po siya para ipaalam na uuwi na po ako.” Pagkatapos ibaba ang tawag ay tumingin ako sa cellphone na hawak ko. Hindi ko magawang tawagan si Laxus para sabihin kung nasaan ako. “Ayos ka lang ba? Kung ayaw mo pang umuwi sabihin mo nalang na namamasyal pa tayong dalawa.” Untag na sabi sa akin ni Mariz. Umiling ako. Kilala ko kasi si Laxus. Sigurado ako na hahanapin ako nito at hindi papayagan na hindi kasamang umuwi. Lalo na’t nabanggit kanina ni manang na nag aalala ito dahil sa death threats na natanggap nito. “Hindi na kailangan, Mariz. Sa tingin ko parating na siya dito. Saka tumakas lang kasi ako sa bantay kaya kailangan ko na rin umuwi.” Tumayo na ako at nakangiting nagpaalam dito. Nag init ang sulok ng mata naming dala
(Laxus King pov) “Mr. King, may dumating na kahon galing sa hindi kilalang tao.” Nilapag ni Jigs sa harapan ko ang isang kahon. Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa kahon. Ayon rito ay kahapon pa ito dumating. Hindi na-trace ang nagpadala dito. Hmm. I think galing ito sa mga kalaban ko sa negosyo, o baka sa organisasyon. Lately ay napapabayaan ko na ang organisasyon dahil sa asawa ko. I rather went to the doctor with her than to attend a meeting na siyang ikinagagalit ng mga kasosyo ko. Napangiti ako ng maalala ang dahilan kaya mas pinili ko ng manatili sa bahay muna kaysa ang unahin ang ibang bagay. Because of my beautiful wife and our baby. Sila ang dahilan kaya naging makulay ang buhay ko ngayon. Hindi ako sumaya ng ganito noong wala pa sila sa buhay ko. Now I can’t imagine my life without them. Nawala ang ngiti ko ng makita ang laman ng kahon. Duguang wedding dress at duguang baby dress. Dumilim ang mukha ko. Nagulantang si Jigs ng ihampas ko ang kuyom kong ka
(Kiray pov) “May naisip ka na bang plano, ma’am?” Umiling ako. “Wala pa, Jayson. Hindi ko rin alam ang gagawin ko sa totoo lang.” “Hmm… ano kaya kung ipadukot natin siya at itapon sa dagat? Joke lang, ma’am, ikaw naman hindi mabiro.” Bawi nito ng tingnan ko ng masama. “Ayoko siyang saktan, Jayson. K-Kaibigan ko kasi siya.” Nag iwas ako ng tingin ng magulat ito sa sinabi ko. “M-mahabang kwento. Alam kong masama ang tingin mo sa akin ngayon. Pero hindi ko naman ginusto na mapunta sa sitwasyong ‘to. Ang mommy niya ang dahilan kaya nandito ako.” Kinuwento ko sa kanya ang lahat. Gulat na gulat ito at hindi makapaniwala. Kahit ako din naman ay magugulat kung ako ang nasa posisyon nito. Para kaming nasa isang movie—hindi makatotohanan at hindi kapani-paniwala. “Mahirap nga ang sitwasyon mo, ma’am. Pero walang ibang paraan para protektahan ang posisyon mo ngayon. Kailangan natin na maging madahas.” Napalunok ako. “Kailangan ba talaga? Wala na bang ibang paraan?“ Umiling ang la
(Kiray pov) Inayos ko ang suot kong mask at sumbrero. Nang masiguro ko na hindi ako nakikilala sa suot ko ay napangiti ako. Aalis ako ngayon ng hindi alam ng asawa ko. Wala naman magagawa ang pag iyak ko. Hindi no’n maaalis ang takot at pag aalala ko. Nakapagdesisyon na ako—aayusin ko ang problema ko. Aalisin ko ang balakit sa landas ko at buhay namin ng anak ko. Hindi ako mauupo lang at hihintayin na mawasak ang pamilya ko. Ako mismo ang aayos nito! Hindi ko alam kung paano nangyari na buhay si Rayana. Masaya man ako na buhay ang kaibigan ko. Pero mas nangibabaw ang takot sa puso ko para sa amin ng anak ko. Nagkaro’n ng emergency meeting ngayon si Laxus dito sa Cebu. Ang alam nito ay aalis ako kasama si Mariz. Pero iba ang plano ko. Tinawag ko ang mapagkakatiwalaan kong mga tauhan. Oo mayro’n akong mga tapat na tauhan. Kinuha ko sila para magsilbi sa akin at gumawa ng mga utos ko. Si Jayson ang mga naghanap ng mga tauhan na ito sa akin. “Hello, nasa’n ka na?” “Nan
‘Hindi! Sigurado ako na namamalikmata lang ako!’ “Queen,” Napapitlag ako ng hawakan ni Laxus ang kamay ko. Kunot ang noo at may pagtataka sa mukha nitong nakatingin sa mukha ko. “You looked pale.” “A-ah, wala lang ‘to… napagod lang ako.” “Then rest. Kung inaalala mo si manang, wag kang mag alala, i will make sure na madadala siya sa ospital at maaalagaan. Kapag nalaman niya na napagod ka at hindi nagpahinga dahil sa kanya, sigurado ako na mapapagalitan ka niya.” “S-sige.” PAGDATING namin sa King Hotel na pag aari ng asawa ko kung saan kami tumutuloy ngayon, agad akong nagkulong sa kwarto namin. Ayaw sana akong iwan ni Laxus kung hindi ko pa sinabi na mapapanatag lang ako kapag kasama siya sa ospital kung sana dadalhin si manang. “I-Imposible. Sigurado ako na namamalikmata lang ako.” Tama. Namamalikmata lang ako sigurado ako. Patay na si Rayana kaya malabo na siya ang nakita ko kanina. Tumingin ako sa kamay ko. Namamawis at nanginginig ito. Nanlalamig ang buong katawan