DESPERATE MOVE

DESPERATE MOVE

last updateLast Updated : 2024-08-30
By:   Dragon88@  Completed
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
4 ratings. 4 reviews
96Chapters
18.0Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

“WARNING! MATURED CONTENT! Read at your own risk…” “Masaya na ako sa isang payâk na pamumuhay, makatapos ng pag-aaral ang isa sa mga pangarap ko. Ngunit, paanong nasadlak ako sa isang kasalanan na hindi ako ang may gawa?”- LOUISE Louise Howard- isang simpleng dalaga na may pangarap sa buhay, lumaking may takot sa Diyos at busog sa pangaral ng magulang. Babaeng busilak ang kalooban na sinamantala ng kaibigang mapanlinlang. Nagising na lang si Louise na siya na ang sinisisi ng lahat sa nangyaring aksidente. Siya ang sumalo sa galit ng pamilyang Thompson, dahil sa minor de edad pa siya ay hindi nakulong ang dalaga. Ngunit biglang naglaho si Louise at maging ang mga magulang nito ay walang nagawa. Natagpuan na lang ni Louise ang sarili na nakatayo sa harap ng isang lalaking nakaratay sa kama. At bilang kabayaran sa kanyang kasalanan ay personal niyang aalagaan ang binatang naka-comatose. Akala ni Louise ay matatapos na ang delubyo sa kanyang buhay sa oras na magising ang lalaki. Subalit, hindi niya inaasahan na habambuhay pala niyang pagdudusahan ang kasalanan na hindi naman siya ang may gawa. Habang ang totoong may sala ay malayang namumuhay sa karangyaan. Magawa pa kayang makaalis ni Louise sa poder ng isang lalaking makasarili at tila malaki ang galit sa mundo? O tuluyan na niyang yayakapin ang masalimuot na sitwasyon? Ating subaybayan kung paanong ibangon ni Louise ang kanyang sarili at ibalik ang dignidad na winasak ng taong kanyang pinagkatiwalaan. “DESPERATE MOVE”

View More

Latest chapter

Free Preview

Teaser

“Alas tres ng hapon at katatapos lang ng huling klase ko. Kasalukuyan akong naglalakad sa gilid ng kalsada patungo sa sakayan ng jeep. Ngunit, hindi ko inaasahan ang biglaang pagsulpot ng isang puting kotse sa aking harapan kaya natigil ako sa paghakbang. Napaatras ang aking mga paa ng lumabas ang tatlong lalaki na pawang may mga baril na nakasuksôk sa kanilang mga baywang. “S-Sino kayo?” Nahintakutan kong tanong, ngunit, imbes na sumagot ay mabilis na lumapit sa akin ang mga ito. Tinangka kong tumakbo ngunit napakabilis ng mga pangyayari dahil hawak na nila ako sa magkabilang braso. Nalaglag ang mga libro ko at nagsabog ang mga ito sa lapag. “Bitawan ninyo ako!” Naiiyak kong sigaw habang pilit na nagpupumiglas mula sa mahigpit na pagkakahawak nila sa aking mga braso. Nagsimula na akong mag hysterical ng kaladkarin nila ako papasok sa loob ng sasakyan. “Tulong! Parang awa nyo na! Tulungan ninyo ako!” Halos mabasag na ang boses ko at kulang na lang ay mapatid ang mga litid ko dahil ...

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Laine
Highly recommend
2024-09-21 21:36:23
1
user avatar
Dragon88@
Sa mga tumangkilik at tatangkilik pa lang ng kwentong DESPERATE MOVE, MARAMING3x salamat po. Kung ang iba man sa inyo ay hindi nasiyahan sa aking mga gawa, lubos akong humihingi ng malawak na pang-unawa dahil ito lang po ang nakayanan ko. Ikalukugod ko ang anumang komento mula sa inyo, Thank you!
2024-08-30 16:23:13
2
user avatar
Yanne bueno
highly recommended guys
2024-08-23 17:30:12
1
user avatar
Octav Bibi
ang ganda ng story.sana update na po miss A....
2024-08-07 20:37:01
1
96 Chapters
Teaser
“Alas tres ng hapon at katatapos lang ng huling klase ko. Kasalukuyan akong naglalakad sa gilid ng kalsada patungo sa sakayan ng jeep. Ngunit, hindi ko inaasahan ang biglaang pagsulpot ng isang puting kotse sa aking harapan kaya natigil ako sa paghakbang. Napaatras ang aking mga paa ng lumabas ang tatlong lalaki na pawang may mga baril na nakasuksôk sa kanilang mga baywang. “S-Sino kayo?” Nahintakutan kong tanong, ngunit, imbes na sumagot ay mabilis na lumapit sa akin ang mga ito. Tinangka kong tumakbo ngunit napakabilis ng mga pangyayari dahil hawak na nila ako sa magkabilang braso. Nalaglag ang mga libro ko at nagsabog ang mga ito sa lapag. “Bitawan ninyo ako!” Naiiyak kong sigaw habang pilit na nagpupumiglas mula sa mahigpit na pagkakahawak nila sa aking mga braso. Nagsimula na akong mag hysterical ng kaladkarin nila ako papasok sa loob ng sasakyan. “Tulong! Parang awa nyo na! Tulungan ninyo ako!” Halos mabasag na ang boses ko at kulang na lang ay mapatid ang mga litid ko dahil
last updateLast Updated : 2024-05-15
Read more
Chapter 01
“Bakit ba ang kalat na naman ng apartment?” Dalawang araw lang akong nawala ay parang isang taon ng hindi nilinis ang buong kabahayan. Naiinis na ibinaba ko ang aking bag sa sofa at sinimulang damputin ang mga nagkalat na damit sa sahig. May ilang mga basyo din ng lata nang beer ang nagkalat sa sahig. At mula sa center table ay nandun pa ang mga ginamit na pinggan na nagsisimula ng mamaho. Napakarumi ng buong salas, at ito ang laging nadadatnan ko mula sa dalawang araw na bakasyon ko. Tuwing Sabado at Linggo kasi ay umuwi ako sa amin sa Angeles upang makasama ko ang aking mga magulang. Bumabalik lang ako dito sa apartment tuwing Linggo ng hapon upang makapag-handa naman para sa pagpasok ko sa school kinabukasan. Pag-aari ni Denice ang apartment na ito, at dahil magkaibigan kami ay inalok niya ako na dito na mag-board sa kanyang apartment. Pumayag naman ang mommy nito, ngunit isa lang ang pakiusap sa akin ng mommy nito at iyon ay bantayan ang kilos ni Denice dahil may katigasan ang ulo
last updateLast Updated : 2024-05-24
Read more
Chapter 02
“M-Mommy….?” Sa pagmulat ng aking mga mata ang luhaang mukha ng aking ina ang tumambad sa aking paningin. “A-anak? Arthur! Si Louise nagisǐng na ang anak natin!” Natataranta na sabi ng aking ina at mabilis na pinindot nito ang red button sa bandang ulunan ko. Makikita ang matinding kasiyahan sa kanilang mga mukha habang patuloy na hinahaplos ng mainit na palad nito ang malambot kong pisngi. Naramdaman ko naman sa aking noo ang mariing pagdampi ng mga labi ng aking ama. Masasalamin sa kanilang mga mata ang labis na kagalakan. Inilibot ko ang aking mga mata sa kabuuan ng silid, wala akong ibang nakikita sa paligid kundi puting kisame at puting pader. Napako ang mga mata ko sa isang swero na nakakabit sa kanang kamay ko kaya nagtatanong ang mga mata na tumingin ako sa magandang mukha ng aking ina. Ngunit, sabay pa kaming lumingon ng aking mga magulang sa may pintuan ng pumasok sa loob ng silid ang tatlong nurse at isang doctor. Sinuri nila ang kalagayan ko at tinanong kung may masakit b
last updateLast Updated : 2024-05-27
Read more
Chapter 03
“Let’s go?” Nakangiting tanong ni Rhed ng makalapit siya sa amin, imbes na ngiti ang ibigay ko sa kanya ay isang nakamamatay na irap ang natanggap niya mula sa akin. Sanay naman na sa ugali ko ang lalaking ito dahil kahit anong pagsusungit ang gawin ko ay hindi pa rin nagbago ang pakikitungo niya sa akin. Isa sa kinaiinisan ko sa lalaking ito ay ang malagkit nitong mga titig kaya hindi ako kumportable sa presensya nito. Nagdadabog na sumakay ako sa passenger seat ng kotse ni Denice habang ang magnobyo ay sa driver seat naka pwesto. Pagkatapos ng ilang minuto ay nagtaka ako kung bakit lumampas na ang minamanehong kotse ni Rhed sa aming tirahan kaya naalarma ako at naiinis na hinarap ang mga ito. “Teka! Lumampas na ako.” Reklamo ko sa kanila at napatuwid na ako ng upo, ngunit ni hindi man lang inihinto ni Rhed ang sasakyan bagkus ay patuloy lang ito sa pagmamaneho. Nakangiti na humarap sa akin si Denice at pilit na pinapakalma ako nito. “May pupuntahan kaming party kaya sumama ka na
last updateLast Updated : 2024-05-27
Read more
Chapter 04
“Louise...” natigilan ako ng marinig ko na tinawag ako ng aking kaibigan kaya bigla kong naimulat ang aking mga mata. “Denice!” Natutuwa kong tawag sa kanya at sinubukan kong bumangon. “ Hello po Tita, Kumusta ka? Okay na ang mga sugat mo?” Pagkatapos na bumati kay tita Cynthia ay nag-aalala na binalingan ko naman aking kaibigan. Ngunit nagtakâ ako dahil sa kakaibang awra nito ngayon lalo na ng malungkot siyang ngumiti sa akin. “Mom, pakiiwan muna kami ni Louise, kailangan lang naming mag-usap.” Utos nito sa kanyang ina sa seryosong tinig kaya bigla akong natahimik. “Masaya ako at walang masamang nangyari sayo, Louise. Sa nakikita ko ay maayos na ang kalagayan mo.” Ani ni Tita Cynthia, nakangiti man ito ngunit para sa akin ay walang buhay ang mga ngiting iyon. “Thank you, Tita.” Isang marahang pagtango ang naging tugon ni tita bago siya tuluyang lumabas ng aking silid kaya nakatuon na ang attension ko kay Denice. “Ang sabi ng doctor ay maaari na raw akong lumabas ng hospi
last updateLast Updated : 2024-05-30
Read more
Chapter 05
Pasig City Regional Trial court Branch 101... 10:30 am, araw ng Lunes, kasalukuyang nililitis ang nangyaring aksidente, isang linggo na ang nakaraan. “Sinasabi mo ba na inosente ka sa nangyaring aksidente tama ba, Ms. Melendez?” Patanong na wika ng abogado nang biktima kay Denice. “Opo.” Mahinahon na sagot naman nito habang nakatingin sa mga mata ng kanyang ina. “Kung ganun, maaari mo bang ituro sa hukumang ito kung sino ang nagmamaneho ng iyong sasakyan, noong araw na naganap ang aksidente?” Muling tanong ng abogado kay Denice. Nang dahil sa tanong na ‘yun ay nakaramdam ng matinding tensyon ang dalaga. Nang lumingon siya sa direksyon ng kanyang kaibigan na si Louise ay napalunok siya ng wala sa oras. Pasimple niyang pinuno ng hangin ang kanyang dibdib at dahan-dahan itong pinakawalan. Hinawi niya ang sarili bago sumagot sa tanong ng abogado. “Opo, siya po.” Walang pag-aalinlangan na pahayag ni Denice sabay angat ng kanyang kamay sa ere. Itinutok niya ang hintuturo sa direk
last updateLast Updated : 2024-05-31
Read more
Chapter 06
“Ako, ako ang may hawak ng manibela nung araw na mangyari ang aksidenteng iyon.” Walang pag-aalinlangan na sagot ko sa tanong ng abogado. Halatang hindi inaasahan ng abogado ang naging sagot ko, at hindi iyon maikakaila ng ekspresyon na nakikita ko sa kanyang mukha. Samu’t-saring reaksyon ang nababasa ko sa mukha ng mga tao na nasa aking harapan, narun ang galit, inis, pagdududa, lungkot at higit sa lahat ay pagkamuhi. Sa kabila ng mga nanghahamak na tingin na natatanggap ko mula sa mga tao ay hindi nito natibâg ang katatagan ko na panindigan ang aking mga salita, at masasalamin iyon mula sa seryoso kong mukha. Sandaling katahimikan… “No, pakiusap anak, huwag mong gawin ito…” ang pagsusumamo ng aking ina ang siyang bumasag sa pananahimik ng lahat. Parang piniga ang puso ko ng matitigan ko ang luhaan nitong mukha habang paulit-ulit na umiiling ang ulo nito, tanda ng di pagsang-ayon sa naging pahayag ko. Mas pinili ko na ibaling na lang sa ibang direksyon ang aking tingin, dahil h
last updateLast Updated : 2024-06-02
Read more
Chapter 07
“Sabihin mo sa akin Denice, paano ako napunta sa driver seat? Bakit mo ginawa sa akin ‘yun!?” Nanggagalaiti kong tanong na kulang na lang ay sabunutan ko na ito dahil sa matinding galit na nararamdaman ko. Dalawang araw na ang lumipas ng magharap kami sa korte at ngayon lang ako nabigyang ng pagkakataon na makausap ito. “Huwag ka ng magalit sa akin Loui, huwag kang mag-alala, dahil sa oras na muling buksan ang kaso ay hindi na ako papayag na hindi pananagutan ni Rhed ang kanyang kasalanan. Ako mismo ang magdidiin sa lalaking ‘yun at wala na akong pakialam kahit pa makulong ako.” Naluluha niyang sagot habang ang mga mata nitong nakatingin sa akin ay tila nagmamakaawa. Sa totoo lang ay hindi ko na alam kung maniniwala pa ba ako sa kanya, dahil sa pangungunsinti nito sa maling ginawa ng kanyang nobyo. Maya-maya ay sabay pa kami na napalingon sa bumukas na pinto at pumasok ang ina nitong si Tita Cynthia na may madilim na ekspresyon sa mukha. “Nakita mo na ang pagiging iresponsable
last updateLast Updated : 2024-06-02
Read more
Chapter 08
“Mommy, anong nangyari dito?” Nagtataka kong tanong dahil napakagulo ng buong kabahayan, habang ang aking ina ay di magkandatuto sa pagsilid ng mga damit sa loob ng traveling bag. “Maghanda ka Louise aalis tayo ngayon din, parating na ang daddy mo.” Natataranta na sabi ni mommy kaya napako ako sa aking kinatatayuan. “Saan tayo pupunta, Mommy?” Naguguluhan kong tanong, kinakabahan ako dahil sa matinding tensyon na nararamdaman ng aking ina na para bang may labis itong kinatatakutan. “Huwag ka ng maraming tanong pa d’yan, ayusin mo na ang mga gamit mo. Piliin mo lang ang mga mahahalagang bagay.” Bulyaw niya sa akin kaya naman pati ako ay nahawaan na ng pagiging balisa ni mommy. Nagmamadali na pumasok ako sa loob ng aking silid at inilabas mula sa kabinet ang ilang mga pirasong damit. Pati ang ilang mga gamit ko sa school, maging ang ilang mga requirements na maaari kong magamit in the future. Wala akong ideya sa kung ano ba talaga ang nangyayari, kaya hindi ko alam kung ilang pir
last updateLast Updated : 2024-06-04
Read more
Chapter 09
13 Months later… “Mabilis ang bawat hakbang ng aking mga paa habang alerto ang pakiramdam ko sa paligid. Nakahinga lang ako ng maluwag ng nasa loob na ako nang aming tarangkahan. Sa araw-araw na ginawa ni Diyos ay laging ganito ang sitwasyon namin. Sa tuwing lalabas ako ng bahay ay ibayong takot ang nararamdaman ko. Simula ng umalis kami sa dati naming tinitirhan ay tuluyan ng naghirap ang pamilya ko. Kasalukuyan kaming naninirahan sa isang maliit na Nayon, malayo ito sa kabihasnan. Dito kami napadpad sa ilang beses naming pagtakas. Bigla na lang pumatak ang mga luha ko ng naisip ko na naman ang aming sitwasyon, dahil para kaming mga kriminal na nagtatago, gayung wala naman kaming mga kasalanan. At ang lahat ng iyon ay kasalanan ng pamilya ni Denice. Abot hanggang langit ang galit ko sa kanila na para bang gusto ko silang patayin. Nang dahil sa kagagawan nila pati ang mga magulang ko ay nagdurusa. Sinira nila ang payak at tahimik naming buhay. Simula ng manirahan kami dito sa
last updateLast Updated : 2024-06-04
Read more
DMCA.com Protection Status