“Alas tres ng hapon at katatapos lang ng huling klase ko. Kasalukuyan akong naglalakad sa gilid ng kalsada patungo sa sakayan ng jeep. Ngunit, hindi ko inaasahan ang biglaang pagsulpot ng isang puting kotse sa aking harapan kaya natigil ako sa paghakbang. Napaatras ang aking mga paa ng lumabas ang tatlong lalaki na pawang may mga baril na nakasuksôk sa kanilang mga baywang. “S-Sino kayo?” Nahintakutan kong tanong, ngunit, imbes na sumagot ay mabilis na lumapit sa akin ang mga ito. Tinangka kong tumakbo ngunit napakabilis ng mga pangyayari dahil hawak na nila ako sa magkabilang braso. Nalaglag ang mga libro ko at nagsabog ang mga ito sa lapag.
“Bitawan ninyo ako!” Naiiyak kong sigaw habang pilit na nagpupumiglas mula sa mahigpit na pagkakahawak nila sa aking mga braso. Nagsimula na akong mag hysterical ng kaladkarin nila ako papasok sa loob ng sasakyan. “Tulong! Parang awa nyo na! Tulungan ninyo ako!” Halos mabasag na ang boses ko at kulang na lang ay mapatid ang mga litid ko dahil sa labis na pagsigaw. Ngunit ang mga pagmamakaawa ko ay nawalan ng saysay nang tuluyan akong naisakay ng mga armadong lalaki sa loob ng kanilang sasakyan. Nadismaya ako ng wala ni isa man sa mga tao sa paligid ang naglakas loob na tulungan ako. Pagdating sa loob ng sasakyan ay nanginginig sa takot na isiniksik ko ang aking sarili sa nakasardong pintuan ng kotse. Puno ng matinding pangamba ang buong pagkatao ko habang mula sa aking isipan ay paulit-ulit na tinatawag sina mommy at daddy. Tahimik akong umiiyak sa isang tabi at ni gumalaw ay hindi ko ginawa, habang pasimple kong tinitingnan ang mukha ng dalawang lalaki na nakaupo sa tabi ko. Napaka seryoso ng ekspresyon nang kanilang mga mukha at ni hindi man lang sila tumitingin sa akin. Tanging sa unahan lang ng sasakyan nakatuon ang kanilang mga atensyon. Mukha naman silang mga disenteng tao dahil pawang mga naka-corporate attire ang mga ito, kaya para silang mga empleyado sa isang kumpanya. Pagkatapos ng halos isang oras na biyahe ay humimpil ang sinasakyan naming kotse sa tapat ng isang marangyang bahay. Kahit na natatakot ako ay hindi ko pa rin mapigilan ang aking sarili na humanga sa napakalaking bahay na nakatayo sa aking harapan. “Babâ!” Matigas na utos sa akin ng isang lalaki na may mabagsik na mukha. Dala ng matinding takot na baka saktan ako ng mga ito ay natataranta akong bumaba ng sasakyan. Pagkababâ ng sasakyan ay mahigpit na hinawakan nito ang kanang braso ko saka hinatak papasok sa loob ng mala palasyong bahay. “P-Pakiusap, pakawalan n’yo na ako, ano bang kasalanan ko sa inyo at kailangan niyo pa akong dukutin?” Lakas loob kong tanong sa garalgal na tinig habang pilit na binabawi ang sariling braso mula dito. Natigilan ako ng pagdating sa malawak salas ay huminto kami sa harap ng isang maedad na babae. Kahit nakatalikod siya sa amin ay mula sa tindig nito’y batid ko na hindi ito basta-bastang tao.. Binitawan na ng lalaki ang aking braso at umatras muna ito ng isang hakbang bago nagyuko ng kanyang ulo. “Señora, narito na si Ms. Louise Howard.” Ani ng lalaki mula sa likuran ko. Lumalim ang gatla sa aking noo dahil sa labis na pagtataka. Bakit ako kilala ng mga taong ito? Sino ba sila? At ano ang kailangan nila sa akin? Maraming katanungan ang gumugulo sa isipan ko at labis akong nahihiwagaan sa matandang babae na nakatayo sa aking harapan. Bumalik sa reyalidad ang utak ko ng tila slow motion na humarap sa akin ang babaeng tinawag na Señora. Tila may kubg anong kilabot ang bumalot sa buong pagkatao ko ng masilayan ko ang matapang nitong mukha. Ang mga mata niya ay puno ng poôt habang nanlilisik ito na nakatingin sa akin. Napalunôk ako ng wala sa oras at bahagyang umatras ang isang paa ngunit nahinto ito ng bumangga ang likod ko sa katawan ng lalaking nakatayo sa aking likuran. “PAK!” Isang malutong na sampal ang tumama sa kaliwang pisngi ko na siyang gumimbal sa akin. Sa lakas nito ay bumagsak ako sa sahig, parang natulig yata ang utak ko dahil sa ginawa ng Ginang. Nahintakutan na nag-angat ako ng mukha at nagtatanong ang mga mata na tumitig sa kanyang mga mata. “Sa wakas, nagkita rin tayo babae. Akala mo siguro ay habang buhay mo ng matatakasan ang kasalanan mo sa pamilya ko? Kung nalusutan mo man ang batas ay sisiguraduhin ko sayo na hindi mo ako matatakasan. Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa aking anak.” Matigas nitong wika ngunit ramdam ang matinding panganib sa kanyang tinig. Dahil sa tinuran nito ay isa-isang lumitaw sa utak ko ang mga ala-ala mula sa nakaraan; Ang aksidente na naganap, isa’t-kalahating taon na ang nakalipas. Maging ang duguang mukha ng isang lalaki habang nakataas ang kamay nito na wari mo’y gusto niya akong abutin. Sa huling bahagi ng mga ala-ala ay ang nakikiusap na mukha ng aking kaibigan at ang tuluyang pag-ako ko sa isang malaking kasalanan na hindi naman ako ang may gawa. “N-Nagkakamali po kayo ng akala, wala akong kasalanan! Si D-Denice at ang boyfriend niya! Sila ang dapat na tumanggap ng parusa at hindi ako. Inosente ako sa lahat ng mga nangyari- Ah!” Naputol ang pagsasalita ko ng muli na naman akong nakatanggap ng isang malakas na sampal mula sa Ginang. “Ang lakas ng loob mo na umamin sa harap ng lahat! At ngayon ay naghuhugas kamay ka? Huh!” Pagkatapos nitong magsalita ay nagulat ako ng haklitin niya ang buhok ko. kinaladkad ako nito papunta sa nakasaradong silid. Ramdam ko ang matinding sakit mula sa aking anit, habang pilit na inaalis ko ang kamay niya na mahigpit na nakasabunot sa aking buhok. Pagdating sa loob ng silid ay halos masubsob pa ako ng pwersahan niya akong iharap sa isang lalaking nakahiga sa kama. Wala itong malay at tanging swero at fingertip pulse device lang ang nakakabit sa katawan nito. “Pagmasdan mo ang taong nasa harapan mo! Pagmasdan mo kung paanong naghihirap ang anak ko habang ikaw ay nagpapakasarap na mamuhay sa labas ng silid na ito! Pagmasdan mo!” Nanggigigil na bulyaw niya sa tapat ng mukha ko habang nakatayo siya sa tabi ko. Ramdam ko ang panginginig ng kanyang katawan mula sa kamay niya na nakahawak sa mahaba kong buhok. Pakiramdam ko ay matatanggal na yata ang anit ko. “Mananatili ka sa loob ng silid na ito para pagbayaran ang kasalanan mo sa anak ko.” Matigas niyang wika pagkatapos ay marahas na binitawan nito ang aking buhok. Naalarma ako ng lumabas ng silid ang babae at kasunod nito ay ang pagsara ng pintuan. Natataranta na lumapit ako sa pinto ngunit ng pihitin ko ang doorknob ay naka-lock na ito. “Pakiusap, buksan ninyo ang pinto, palabasin nyo ako dito! Wala akong kasalanan! Parang-awa n’yo na!” Pagsusumamo ko sa kanila habang binabayo ko ang dahon ng pintuan. IIang minuto ang lumipas ay wala akong napala. Umiiyak na pumihit ako paharap sa lalaking nakahimlay sa kama at dahan-dahan akong humakbang hanggang sa huminto ako sa gilid ng kama nito. Pinahid ko ang mga luha sa magkabilang pisngi ko habang nakatitig gwapong mukha ng lalaki. “Pakiusap, gumising ka na, ikaw na lang ang pag-asa ko para mapatunayan sa lahat na wala akong kasalanan.” Umiiyak kong wika bago maingat na hinawakan ang kaliwang kamay nito at ikinulong ko ito sa aking mga palad.”“Bakit ba ang kalat na naman ng apartment?” Dalawang araw lang akong nawala ay parang isang taon ng hindi nilinis ang buong kabahayan. Naiinis na ibinaba ko ang aking bag sa sofa at sinimulang damputin ang mga nagkalat na damit sa sahig. May ilang mga basyo din ng lata nang beer ang nagkalat sa sahig. At mula sa center table ay nandun pa ang mga ginamit na pinggan na nagsisimula ng mamaho. Napakarumi ng buong salas, at ito ang laging nadadatnan ko mula sa dalawang araw na bakasyon ko. Tuwing Sabado at Linggo kasi ay umuwi ako sa amin sa Angeles upang makasama ko ang aking mga magulang. Bumabalik lang ako dito sa apartment tuwing Linggo ng hapon upang makapag-handa naman para sa pagpasok ko sa school kinabukasan. Pag-aari ni Denice ang apartment na ito, at dahil magkaibigan kami ay inalok niya ako na dito na mag-board sa kanyang apartment. Pumayag naman ang mommy nito, ngunit isa lang ang pakiusap sa akin ng mommy nito at iyon ay bantayan ang kilos ni Denice dahil may katigasan ang ulo
“M-Mommy….?” Sa pagmulat ng aking mga mata ang luhaang mukha ng aking ina ang tumambad sa aking paningin. “A-anak? Arthur! Si Louise nagisǐng na ang anak natin!” Natataranta na sabi ng aking ina at mabilis na pinindot nito ang red button sa bandang ulunan ko. Makikita ang matinding kasiyahan sa kanilang mga mukha habang patuloy na hinahaplos ng mainit na palad nito ang malambot kong pisngi. Naramdaman ko naman sa aking noo ang mariing pagdampi ng mga labi ng aking ama. Masasalamin sa kanilang mga mata ang labis na kagalakan. Inilibot ko ang aking mga mata sa kabuuan ng silid, wala akong ibang nakikita sa paligid kundi puting kisame at puting pader. Napako ang mga mata ko sa isang swero na nakakabit sa kanang kamay ko kaya nagtatanong ang mga mata na tumingin ako sa magandang mukha ng aking ina. Ngunit, sabay pa kaming lumingon ng aking mga magulang sa may pintuan ng pumasok sa loob ng silid ang tatlong nurse at isang doctor. Sinuri nila ang kalagayan ko at tinanong kung may masakit b
“Let’s go?” Nakangiting tanong ni Rhed ng makalapit siya sa amin, imbes na ngiti ang ibigay ko sa kanya ay isang nakamamatay na irap ang natanggap niya mula sa akin. Sanay naman na sa ugali ko ang lalaking ito dahil kahit anong pagsusungit ang gawin ko ay hindi pa rin nagbago ang pakikitungo niya sa akin. Isa sa kinaiinisan ko sa lalaking ito ay ang malagkit nitong mga titig kaya hindi ako kumportable sa presensya nito. Nagdadabog na sumakay ako sa passenger seat ng kotse ni Denice habang ang magnobyo ay sa driver seat naka pwesto. Pagkatapos ng ilang minuto ay nagtaka ako kung bakit lumampas na ang minamanehong kotse ni Rhed sa aming tirahan kaya naalarma ako at naiinis na hinarap ang mga ito. “Teka! Lumampas na ako.” Reklamo ko sa kanila at napatuwid na ako ng upo, ngunit ni hindi man lang inihinto ni Rhed ang sasakyan bagkus ay patuloy lang ito sa pagmamaneho. Nakangiti na humarap sa akin si Denice at pilit na pinapakalma ako nito. “May pupuntahan kaming party kaya sumama ka na
“Louise…” natigilan ako ng marinig ko na tinawag ako ng aking kaibigan kaya bigla kong naimulat ang aking mga mata. “Denice!” Natutuwa kong tawag at sinubukan kong bumangon. “ Hello po Tita, Kumusta ka? Okay na ang mga sugat mo?,” pagkatapos na bumati kay tita Cynthia ay nag-aalala na binalingan ko naman aking kaibigan. Ngunit nagtakâ ako dahil sa kakaibang awra nito ngyon lalo na ng malungkot siyang ngumiti sa akin. “Mom, pakiiwan muna kami ni Louise, kailangan lang naming mag-usap.” Utos nito sa kanyang ina sa seryosong tinig kaya bigla akong natahimik. “Masaya ako at walang masamang nangyari sayo, Louise. Sa nakikita ko ay maayos na ang kalagayan mo.” Ani ni Tita Cynthia, nakangiti man ito ngunit para sa akin ay walang buhay ang mga ngiting iyon. “Thank you Tita.” Isang marahang pagtango ang naging tugon ni tita bago siya tuluyang lumabas ng aking silid kaya nakatuon na ang attension ko kay Denice. “Ang sabi ng doctor ay maaari na raw akong lumabas ng hospital dahil konting pil
Pasig City Regional Trial court Branch 101… 10:30 am, araw ng Lunes, kasalukuyang nililitis ang nangyaring aksidente, isang linggo na ang nakaraan. “Sinasabi mo ba na inosente ka sa nangyaring aksidente tama ba, Ms. Melendez?” Patanong na wika ng abogado nang biktima kay Denice. “Opo.” Mahinahon na sagot naman nito habang nakatingin sa mga mata ng kanyang ina. “Kung ganun, maaari mo bang ituro sa hukumang ito kung sino ang nagmamaneho ng iyong sasakyan, noong araw na naganap ang aksidente?” Muling tanong ng abogado kay Denice. Nang dahil sa tanong na ‘yun ay nakaramdam ng matinding tensyon ang dalaga at ng lumingon siya sa direksyon ng kanyang kaibigan na si Louise ay napalunok siya ng wala sa oras. Pasimple niyang pinuno ng hangin ang kanyang dibdib at dahan-dahan itong pinakawalan. Hinawi niya ang sarili bago sumagot sa tanong ng abogado. “Opo, siya po.” Walang pag-aalinlangan na pahayag ni Denice sabay angat ng kanyang kamay sa ere. Itinutok niya ang hintuturo sa direksyon
“Ako, ako ang may hawak ng manibela nung araw na mangyari ang aksidenteng iyon.” Walang pag-aalinlangan na sagot ko sa tanong ng abogado. Halatang hindi inaasahan ng abogado ang naging sagot ko, at hindi iyon maikakaila ng ekspresyon na nakikita ko sa kanyang mukha. Samu’t-saring reaksyon ang nababasa ko sa mukha ng mga tao na nasa aking harapan, narun ang galit, inis, pagdududa, lungkot at higit sa lahat ay pagkamuhi. Sa kabila ng mga nanghahamak na tingin na natatanggap ko mula sa mga tao ay hindi nito natibâg ang katatagan ko na panindigan ang aking mga salita, at masasalamin iyon mula sa seryoso kong mukha. Sandaling katahimikan… “No, pakiusap anak, huwag mong gawin ito…” ang pagsusumamo ng aking ina ang siyang bumasag sa pananahimik ng lahat. Parang piniga ang puso ko ng matitigan ko ang luhaan nitong mukha habang paulit-ulit na umiiling ang ulo nito, tanda ng di pagsang-ayon sa naging pahayag ko. Mas pinili ko na ibaling na lang sa ibang direksyon ang aking tingin, dahil h
“Sabihin mo sa akin Denice, paano ako napunta sa driver seat? Bakit mo ginawa sa akin ‘yun!?” Nanggagalaiti kong tanong na kulang na lang ay sabunutan ko na ito dahil sa matinding galit na nararamdaman ko. Dalawang araw na ang lumipas ng magharap kami sa korte at ngayon lang ako nabigyang ng pagkakataon na makausap ito. “Huwag ka ng magalit sa akin Loui, huwag kang mag-alala, dahil sa oras na muling buksan ang kaso ay hindi na ako papayag na hindi pananagutan ni Rhed ang kanyang kasalanan. Ako mismo ang magdidiin sa lalaking ‘yun at wala na akong pakialam kahit pa makulong ako.” Naluluha niyang sagot habang ang mga mata nitong nakatingin sa akin ay tila nagmamakaawa. Sa totoo lang ay hindi ko na alam kung maniniwala pa ba ako sa kanya, dahil sa pangungunsinti nito sa maling ginawa ng kanyang nobyo. Maya-maya ay sabay pa kami na napalingon sa bumukas na pinto at pumasok ang ina nitong si Tita Cynthia na may madilim na ekspresyon sa mukha. “Nakita mo na ang pagiging iresponsable
“Mommy, anong nangyari dito?” Nagtataka kong tanong dahil napakagulo ng buong kabahayan, habang ang aking ina ay di magkandatuto sa pagsilid ng mga damit sa loob ng traveling bag. “Maghanda ka Louise aalis tayo ngayon din, parating na ang daddy mo.” Natataranta na sabi ni mommy kaya napako ako sa aking kinatatayuan. “Saan tayo pupunta, Mommy?” Naguguluhan kong tanong, kinakabahan ako dahil sa matinding tensyon na nararamdaman ng aking ina na para bang may labis itong kinatatakutan. “Huwag ka ng maraming tanong pa d’yan, ayusin mo na ang mga gamit mo. Piliin mo lang ang mga mahahalagang bagay.” Bulyaw niya sa akin kaya naman pati ako ay nahawaan na ng pagiging balisa ni mommy. Nagmamadali na pumasok ako sa loob ng aking silid at inilabas mula sa kabinet ang ilang mga pirasong damit. Pati ang ilang mga gamit ko sa school, maging ang ilang mga requirements na maaari kong magamit in the future. Wala akong ideya sa kung ano ba talaga ang nangyayari, kaya hindi ko alam kung ilang pir