Sa mga tumangkilik at tatangkilik pa lang ng kwentong DESPERATE MOVE, MARAMING3x salamat po. Kung ang iba man sa inyo ay hindi nasiyahan sa aking mga gawa, lubos akong humihingi ng malawak na pang-unawa dahil ito lang po ang nakayanan ko. Sa mga hindi po nakakaalam na ang book-6 ng Hiltons family ay kasalukuyan ng ongoing, baka sakaling magustuhan ninyo ang kwento ni Andrade Quiller Hilton at Maurine Kai Ramirez. ( The CEO’s Sudden Childs) Pakiadd na lang po sa inyong mga library ang mga kwentong inyong magugustuhan. Don’t Mess With Me The Billionaire’s Conquer My Heart Behind Her Innocence I’m yours Kapag Ako Ay Nagmahal Love Between The Words Kung hindi man po kalabisan, malaking tulong na rin po sa akin ang pagbibigay ng inyong komento sa page ng DESPERATE MOVE. MARAMING3X SALAMAT PO!
“Alas tres ng hapon at katatapos lang ng huling klase ko. Kasalukuyan akong naglalakad sa gilid ng kalsada patungo sa sakayan ng jeep. Ngunit, hindi ko inaasahan ang biglaang pagsulpot ng isang puting kotse sa aking harapan kaya natigil ako sa paghakbang. Napaatras ang aking mga paa ng lumabas ang tatlong lalaki na pawang may mga baril na nakasuksôk sa kanilang mga baywang. “S-Sino kayo?” Nahintakutan kong tanong, ngunit, imbes na sumagot ay mabilis na lumapit sa akin ang mga ito. Tinangka kong tumakbo ngunit napakabilis ng mga pangyayari dahil hawak na nila ako sa magkabilang braso. Nalaglag ang mga libro ko at nagsabog ang mga ito sa lapag. “Bitawan ninyo ako!” Naiiyak kong sigaw habang pilit na nagpupumiglas mula sa mahigpit na pagkakahawak nila sa aking mga braso. Nagsimula na akong mag hysterical ng kaladkarin nila ako papasok sa loob ng sasakyan. “Tulong! Parang awa nyo na! Tulungan ninyo ako!” Halos mabasag na ang boses ko at kulang na lang ay mapatid ang mga litid ko dahil
“Bakit ba ang kalat na naman ng apartment?” Dalawang araw lang akong nawala ay parang isang taon ng hindi nilinis ang buong kabahayan. Naiinis na ibinaba ko ang aking bag sa sofa at sinimulang damputin ang mga nagkalat na damit sa sahig. May ilang mga basyo din ng lata nang beer ang nagkalat sa sahig. At mula sa center table ay nandun pa ang mga ginamit na pinggan na nagsisimula ng mamaho. Napakarumi ng buong salas, at ito ang laging nadadatnan ko mula sa dalawang araw na bakasyon ko. Tuwing Sabado at Linggo kasi ay umuwi ako sa amin sa Angeles upang makasama ko ang aking mga magulang. Bumabalik lang ako dito sa apartment tuwing Linggo ng hapon upang makapag-handa naman para sa pagpasok ko sa school kinabukasan. Pag-aari ni Denice ang apartment na ito, at dahil magkaibigan kami ay inalok niya ako na dito na mag-board sa kanyang apartment. Pumayag naman ang mommy nito, ngunit isa lang ang pakiusap sa akin ng mommy nito at iyon ay bantayan ang kilos ni Denice dahil may katigasan ang ulo
“M-Mommy….?” Sa pagmulat ng aking mga mata ang luhaang mukha ng aking ina ang tumambad sa aking paningin. “A-anak? Arthur! Si Louise nagisǐng na ang anak natin!” Natataranta na sabi ng aking ina at mabilis na pinindot nito ang red button sa bandang ulunan ko. Makikita ang matinding kasiyahan sa kanilang mga mukha habang patuloy na hinahaplos ng mainit na palad nito ang malambot kong pisngi. Naramdaman ko naman sa aking noo ang mariing pagdampi ng mga labi ng aking ama. Masasalamin sa kanilang mga mata ang labis na kagalakan. Inilibot ko ang aking mga mata sa kabuuan ng silid, wala akong ibang nakikita sa paligid kundi puting kisame at puting pader. Napako ang mga mata ko sa isang swero na nakakabit sa kanang kamay ko kaya nagtatanong ang mga mata na tumingin ako sa magandang mukha ng aking ina. Ngunit, sabay pa kaming lumingon ng aking mga magulang sa may pintuan ng pumasok sa loob ng silid ang tatlong nurse at isang doctor. Sinuri nila ang kalagayan ko at tinanong kung may masakit b
“Let’s go?” Nakangiting tanong ni Rhed ng makalapit siya sa amin, imbes na ngiti ang ibigay ko sa kanya ay isang nakamamatay na irap ang natanggap niya mula sa akin. Sanay naman na sa ugali ko ang lalaking ito dahil kahit anong pagsusungit ang gawin ko ay hindi pa rin nagbago ang pakikitungo niya sa akin. Isa sa kinaiinisan ko sa lalaking ito ay ang malagkit nitong mga titig kaya hindi ako kumportable sa presensya nito. Nagdadabog na sumakay ako sa passenger seat ng kotse ni Denice habang ang magnobyo ay sa driver seat naka pwesto. Pagkatapos ng ilang minuto ay nagtaka ako kung bakit lumampas na ang minamanehong kotse ni Rhed sa aming tirahan kaya naalarma ako at naiinis na hinarap ang mga ito. “Teka! Lumampas na ako.” Reklamo ko sa kanila at napatuwid na ako ng upo, ngunit ni hindi man lang inihinto ni Rhed ang sasakyan bagkus ay patuloy lang ito sa pagmamaneho. Nakangiti na humarap sa akin si Denice at pilit na pinapakalma ako nito. “May pupuntahan kaming party kaya sumama ka na
“Louise…” natigilan ako ng marinig ko na tinawag ako ng aking kaibigan kaya bigla kong naimulat ang aking mga mata. “Denice!” Natutuwa kong tawag at sinubukan kong bumangon. “ Hello po Tita, Kumusta ka? Okay na ang mga sugat mo?,” pagkatapos na bumati kay tita Cynthia ay nag-aalala na binalingan ko naman aking kaibigan. Ngunit nagtakâ ako dahil sa kakaibang awra nito ngyon lalo na ng malungkot siyang ngumiti sa akin. “Mom, pakiiwan muna kami ni Louise, kailangan lang naming mag-usap.” Utos nito sa kanyang ina sa seryosong tinig kaya bigla akong natahimik. “Masaya ako at walang masamang nangyari sayo, Louise. Sa nakikita ko ay maayos na ang kalagayan mo.” Ani ni Tita Cynthia, nakangiti man ito ngunit para sa akin ay walang buhay ang mga ngiting iyon. “Thank you Tita.” Isang marahang pagtango ang naging tugon ni tita bago siya tuluyang lumabas ng aking silid kaya nakatuon na ang attension ko kay Denice. “Ang sabi ng doctor ay maaari na raw akong lumabas ng hospital dahil konting pil
Pasig City Regional Trial court Branch 101… 10:30 am, araw ng Lunes, kasalukuyang nililitis ang nangyaring aksidente, isang linggo na ang nakaraan. “Sinasabi mo ba na inosente ka sa nangyaring aksidente tama ba, Ms. Melendez?” Patanong na wika ng abogado nang biktima kay Denice. “Opo.” Mahinahon na sagot naman nito habang nakatingin sa mga mata ng kanyang ina. “Kung ganun, maaari mo bang ituro sa hukumang ito kung sino ang nagmamaneho ng iyong sasakyan, noong araw na naganap ang aksidente?” Muling tanong ng abogado kay Denice. Nang dahil sa tanong na ‘yun ay nakaramdam ng matinding tensyon ang dalaga at ng lumingon siya sa direksyon ng kanyang kaibigan na si Louise ay napalunok siya ng wala sa oras. Pasimple niyang pinuno ng hangin ang kanyang dibdib at dahan-dahan itong pinakawalan. Hinawi niya ang sarili bago sumagot sa tanong ng abogado. “Opo, siya po.” Walang pag-aalinlangan na pahayag ni Denice sabay angat ng kanyang kamay sa ere. Itinutok niya ang hintuturo sa direksyon
“Ako, ako ang may hawak ng manibela nung araw na mangyari ang aksidenteng iyon.” Walang pag-aalinlangan na sagot ko sa tanong ng abogado. Halatang hindi inaasahan ng abogado ang naging sagot ko, at hindi iyon maikakaila ng ekspresyon na nakikita ko sa kanyang mukha. Samu’t-saring reaksyon ang nababasa ko sa mukha ng mga tao na nasa aking harapan, narun ang galit, inis, pagdududa, lungkot at higit sa lahat ay pagkamuhi. Sa kabila ng mga nanghahamak na tingin na natatanggap ko mula sa mga tao ay hindi nito natibâg ang katatagan ko na panindigan ang aking mga salita, at masasalamin iyon mula sa seryoso kong mukha. Sandaling katahimikan… “No, pakiusap anak, huwag mong gawin ito…” ang pagsusumamo ng aking ina ang siyang bumasag sa pananahimik ng lahat. Parang piniga ang puso ko ng matitigan ko ang luhaan nitong mukha habang paulit-ulit na umiiling ang ulo nito, tanda ng di pagsang-ayon sa naging pahayag ko. Mas pinili ko na ibaling na lang sa ibang direksyon ang aking tingin, dahil h