Tulala at tila wala sa kanyang sarili ng datnan ni Denice ang kaibigan niyang si Louise, habang nakasandal ang likod nito sa head board ng hospital bed. Tila piniga ang puso niya at matinding pagkahabag ang nararamdaman niya para sa kaibigan. Ni halos hindi man lang nito naramdaman ang kanyang pagdating. Hanggang sa tuluyan siyang nakalapit sa kama na kinauupuan ni Louise ay nanatili lang itong nakatitig sa labas ng bintana. Tahimik na umupo si Denice sa gilid ng kama saka naluluha na dinampot niya ang kamay ng kanyang kaibigan. Naisip niya, sadyang kay laki na ng kanilang pinagbago. Nawala na ang dating sigla at kainosente nito sa lahat ng bagay. Nagugunita pa niya noong mga panahon ng kanilang kabataan. Wala itong ibang inisip kundi ang matulungan siya sa kanyang pag-aaral para sabay nilang matapos ang kursong Abogasya. Aminado si Denice na simula ng magkahiwalay sila ni Louise ay malaki ang naging epekto nito sa kanyang pag-aaral. Wala na kasing nanenermon sa kanya
“Ma’am, Ms. Denice Melendez was here.” Pagbibigay alam ni secretary Josie, habang ako ay nanatili sa bungad ng pintuan. “Papasukin mo.” Narinig kong sagot ni Mrs. Thompson. Nang makalabas na ang sekretarya nito ay saka palang ako humakbang papasok sa loob ng opisina. “Yes, Denice, ano ang kailangan mo?” Seryoso niyang tanong, halatang hindi nito gusto ang aking presensya. “Naparito ako upang kausapin ka at humingi ng tawad.” “Bakit ka hihingi ng tawad sa akin?” Seryosong tanong ni Mrs. Thompson. Isang malungkot na ngiti ang lumitaw sa mga labi ko. “Pakiusap, itigil mo na ang hindi magandang pagtrato sa kaibigan ko.” Seryoso kong sagot, umangat ang sulok ng kanyang bibig, kasabay nito ang pagtaas ng kaliwang kilay nito. “Which friend are you talking about? Felma? Oh, she's already in jail.” Mataray na sagot nito sa akin. Subalit, labis na nagulat ito ng lumuhod ako sa kanyang harapan, at kita ko kung paano itong mataranta. “Stand up, Denice! Hindi ako Diyos para luh
“Maingat ang bawat kilos ko habang inaayos ang aking mga gamit dahil ngayong araw ay nakatakda na ang paglabas ko ng hospital. Sa totoo lang ay natatakot na akong kumilos dahil ayokong mawala sa akin ang aking anak. Tila nagkaroon ako trauma dahil sa nangyari noong gabing iyon. Hindi ko nakontrol ang galit ko kaya tuluyan na akong sumabog.Ilang araw akong na-confine dito sa hospital at mabuti na lang ay pinayagan ako ng doktor na sa bahay na lang magpagaling. Huminto ang mga kamay ko sa paglalagay ng mga importanteng gamit sa bag ng makarinig ako ng ilang mga yabag mula aking likuran. Hanggang sa pumulupot sa ilalim ng dibdib ko ang dalawang malaking braso ng aking asawa. kasunod ang pagbaon ng mukha nito sa pagitan ng leeg ko. Tumigas ang ekspresyon ng mukha ko, at pasimple kong pinuno ng hangin ang aking dibdib. Upang pawiin ang tensyon na nagsisimulang kumalat sa buong sistema ko. Oo, mahal ko ang asawa ko, pero simula ng malagay sa bingit ng kamatayan ang buhay ng aking anak
“Naalimpungatan ako dahil sa mabigat na nakadagan sa aking dibdib. Kahit hindi ko na imulat ang aking mga mata ay kilala ko na kung sino ang taong nakayakap sa akin. Pumihit ako patalikod dito. Saka ko pa lang iminulat ang aking mga mata ng alam ko na hindi ko na makikita ang mukha nito. Subalit hindi ko inaasahan ng kabigin niya ang katawan ko palapit sa kanya at mas humigpit pa ang pagkakayakap niya sa akin. Napalunok ako ng wala sa oras ng mas idiniin pa niya ang pagkalalaki sa pagitan ng aking pang-upo. Isang buwan ang mabilis na lumipas simula ng magmakaawa ako sa kanya, pero wala namang nangyari. Dahil ang magaling na lalaking ito ay dito rin umuwi sa bahay ng mga magulang ko. Hindi rin nasunod ang gusto ko, isang araw lang ang pinalipas nito at nagulat na lang kami ng dumating ang limang katulong. Bitbit ng mga ito ang gamit ng aking asawa na parang akala mo ay wala ng balak bumalik pa ng mansion. “Alistair.” Naiinis kong tawag dito, dahil nagsisimula ng maglumikot ang mga
Sa mga tumangkilik at tatangkilik pa lang ng kwentong DESPERATE MOVE, MARAMING3x salamat po. Kung ang iba man sa inyo ay hindi nasiyahan sa aking mga gawa, lubos akong humihingi ng malawak na pang-unawa dahil ito lang po ang nakayanan ko. Sa mga hindi po nakakaalam na ang book-6 ng Hiltons family ay kasalukuyan ng ongoing, baka sakaling magustuhan ninyo ang kwento ni Andrade Quiller Hilton at Maurine Kai Ramirez. ( The CEO’s Sudden Childs) Pakiadd na lang po sa inyong mga library ang mga kwentong inyong magugustuhan. Don’t Mess With Me The Billionaire’s Conquer My Heart Behind Her Innocence I’m yours Kapag Ako Ay Nagmahal Love Between The Words Kung hindi man po kalabisan, malaking tulong na rin po sa akin ang pagbibigay ng inyong komento sa page ng DESPERATE MOVE. MARAMING3X SALAMAT PO!
“Alas tres ng hapon at katatapos lang ng huling klase ko. Kasalukuyan akong naglalakad sa gilid ng kalsada patungo sa sakayan ng jeep. Ngunit, hindi ko inaasahan ang biglaang pagsulpot ng isang puting kotse sa aking harapan kaya natigil ako sa paghakbang. Napaatras ang aking mga paa ng lumabas ang tatlong lalaki na pawang may mga baril na nakasuksôk sa kanilang mga baywang. “S-Sino kayo?” Nahintakutan kong tanong, ngunit, imbes na sumagot ay mabilis na lumapit sa akin ang mga ito. Tinangka kong tumakbo ngunit napakabilis ng mga pangyayari dahil hawak na nila ako sa magkabilang braso. Nalaglag ang mga libro ko at nagsabog ang mga ito sa lapag. “Bitawan ninyo ako!” Naiiyak kong sigaw habang pilit na nagpupumiglas mula sa mahigpit na pagkakahawak nila sa aking mga braso. Nagsimula na akong mag hysterical ng kaladkarin nila ako papasok sa loob ng sasakyan. “Tulong! Parang awa nyo na! Tulungan ninyo ako!” Halos mabasag na ang boses ko at kulang na lang ay mapatid ang mga litid ko dahil
“Bakit ba ang kalat na naman ng apartment?” Dalawang araw lang akong nawala ay parang isang taon ng hindi nilinis ang buong kabahayan. Naiinis na ibinaba ko ang aking bag sa sofa at sinimulang damputin ang mga nagkalat na damit sa sahig. May ilang mga basyo din ng lata nang beer ang nagkalat sa sahig. At mula sa center table ay nandun pa ang mga ginamit na pinggan na nagsisimula ng mamaho. Napakarumi ng buong salas, at ito ang laging nadadatnan ko mula sa dalawang araw na bakasyon ko. Tuwing Sabado at Linggo kasi ay umuwi ako sa amin sa Angeles upang makasama ko ang aking mga magulang. Bumabalik lang ako dito sa apartment tuwing Linggo ng hapon upang makapag-handa naman para sa pagpasok ko sa school kinabukasan. Pag-aari ni Denice ang apartment na ito, at dahil magkaibigan kami ay inalok niya ako na dito na mag-board sa kanyang apartment. Pumayag naman ang mommy nito, ngunit isa lang ang pakiusap sa akin ng mommy nito at iyon ay bantayan ang kilos ni Denice dahil may katigasan ang ulo
“M-Mommy….?” Sa pagmulat ng aking mga mata ang luhaang mukha ng aking ina ang tumambad sa aking paningin. “A-anak? Arthur! Si Louise nagisǐng na ang anak natin!” Natataranta na sabi ng aking ina at mabilis na pinindot nito ang red button sa bandang ulunan ko. Makikita ang matinding kasiyahan sa kanilang mga mukha habang patuloy na hinahaplos ng mainit na palad nito ang malambot kong pisngi. Naramdaman ko naman sa aking noo ang mariing pagdampi ng mga labi ng aking ama. Masasalamin sa kanilang mga mata ang labis na kagalakan. Inilibot ko ang aking mga mata sa kabuuan ng silid, wala akong ibang nakikita sa paligid kundi puting kisame at puting pader. Napako ang mga mata ko sa isang swero na nakakabit sa kanang kamay ko kaya nagtatanong ang mga mata na tumingin ako sa magandang mukha ng aking ina. Ngunit, sabay pa kaming lumingon ng aking mga magulang sa may pintuan ng pumasok sa loob ng silid ang tatlong nurse at isang doctor. Sinuri nila ang kalagayan ko at tinanong kung may masakit b