From ugly duckling teens to a fully grown woman. With all she has been through, she has decided that the cheap love of her past doesn't define her as woman. Her past is ugly, but look at how beautiful she had decided to be. it's really hard for her to give love a second chance after she's built walls. And he said, "I know it's too much to ask for a second chance. Because deep in my heart I know how badly I hurt you. And my heart aches replaying everything in my mind what I said and what I did. I wish I could take it all back. I know your afraid and hesitant, but please let me in again".
View More"Babe naman eh, ayan ka na naman" sabi ni Nadine, pero may lambing na ang boses niya at babe na ang tawag niya kay Paul. "Babe ulitin mo nga ang sinabi mo? Ang sarap pakinggan ng boses mo lalo na pag malambing at lalo na pag naririnig ko na babe na ang tawag mo sa akin." ""Babe mahal na mahal kita, is that enough?" pabulong ni Nadine kay Paul. Niyakap siya ni Paul sabay sabi nang..."Babe sampalin mo nga ako?" "Hala, bakit?" takang tanong ni Nadine. "Kasi gusto kong malaman na lahat nang nangyayari sa atin ngayon ay totoo na at hindi kagaya dati noong andito tayo sa resort na eto. Pag uwi natin nag iba ka na." Ngumiti si Nadine sabay hinalikan siya nito. Ginantihan naman niya ito ng yakap at kinulong na niya ito sa mga bisig niya habang nakaupo lang sila sa kama na wala pang naisusuot na damit. "Babe naalala mo yung pumunta ka dati sa boarding house at isusuli mo nga ang backpack ko at tinawag mo akong babe?". Tumango lang si Nadine at ngumiti. "Gising ako nun, at baka pag hi
Para mas lalong romantic ang gabing iyun, binulungan ni Cris si Jen. Nagrequest sya ng isang love song mula kay Jen. Gusto ulit niya marinig ang magandang boses nito. Nawala kasi ang music after ng presentation, kaya muling nagpatugtog ulit at tumayo na si Jen para kumanta. "Ladies and gentlemen, good evening. I would like to serenade the beautiful couple, Nadine and Paul, with a song. And to you as well, mahal." nakangiting sabi ni Jen habang nakatingin kina Paul at Nadine. At syempre sa kanyang pinakamamahal na may kasamang irap sa huli, kaya napatawa na lang si Cris. Pati sila lola at Nay Nita napatawa sa inasal ni Jen, alam din nilang medyo jolly type ang kagaya ni Jen. Nagsimula na siyang kumanta, biglang napatayo silang lahat sa pagkabigla at hindi nila inaasahan na maganda ang boses ni Jen na pwede ng ilaban. At si lola napapalakpak at gandang ganda sa boses ni Jen. Si mama Emily naman napaiyak, iyun ata ang kanilang theme song ni mang Berto. Medyo luma na kasi ang piniling k
Biglang tumayo sila mama Emily at lola nang makita na nila sila Paul. "Andito na pala sila, pwede na ba tayong pumunta?" tanong ni mama Emily sa kanila."Anong oras na ba?" sabi naman ni Jen."Seven o clock na, tara na, mukhang ready naman na ang lahat. Lalo ka na babe" sabi naman ni Paul habang papalapit kay Nadine at ginawaran pa niya ito ng halik, sabay bulong nang "ang ganda mo talaga babe, parang mahihirapan ako nito"."Bakit""Kasi ang hirap pigilin ng nararamdaman ko sa tuwing katabi kita". "Eh, doon na lang ako matutulog mamaya sa kwarto nila lola, para hindi ka na mahirapan, ganun lang kasimple yun.""Wag naman ganun babe, parusa na ang gagawin mo sa akin eh." "Ewan ko sayo, hirap mong kausap" natatawang sabi ni Nadine, habang akbay siya ni Paul na naglalakad papunta sa venue. "Sila nay Nita at ate Jane?" tanong ni Nadine kay Paul."Andoon na yata, kasi mas malapit sila doon eh". Sakto at andoon na rin si nay Nita at Jane sa venue. Nakahanda na rin ang mesa nila. Halo
Hindi makapaniwala si Jen. Parang gusto niya kurutin ang sarili niya. Kaya para siyang natitigilan, sa isip niya, baka panaginip lang ito. Nakaluhod na si Cris, ang tagal niyang sumagot kaya naghihiyawan na ang mga tao. Kaya nang matauhan siya napaluha na siya bago sumigaw ng yes at napalundag pa siya sa tuwa. Hinalikan niya si Cris na halos ayaw na maghiwalay ng mga labi nila, parang wala na siyang pakialam kung maraming tao sa paligid. Kaya nagsigawan ulit yung mga tao sa paligid at may sumigaw nang, mga bata takpan niyo ang mga mata niyo. Kumakanta pa rin ang banda habang sinusuot ni Cris ang singsing kay Jen, at tuloy tuloy na umagos ang luha niya sa tuwa. Kasi kahit sa pangarap hindi pa niya naiisip ang ganitong pangyayari na para sa kanya. Si Nadine naman ay hindi maiwasang napaluha na din sa sobrang saya niya para sa kaibigan. Halos umayon lahat sa plano at panahon ang mga nangyari. Kahit sinong nakasaksi ay kinilig sa kanila. Lalo na at may music pa na nagpeperform. Kanina p
At eto na nga ang pinakaaantay nilang lahat. Hindi nila maitatanggi na lahat sila excited. At may kanya kanya silang rason kung bakit. Wednesday na ng umaga halos lahat abala. Sa bahay nila Paul ay nagluluto na si lola at mama Emily ng almusal. Si Nadine naman ay tumulong na din. Samantalang kina Jen at Cris naman ay halos tulog pa ang dalawa. Gawa nang sabi naman ni Cris ay gabi pa gaganapin ang pagpropose ni Paul kay Nadine. Kaya patanghali na sila aalis. Kina Paul naman ang instruction daw ni Cris ay dapat maaga sila at mauuna dapat sila. Para pagdating naman nila ni Jen, andoon na silang lahat. Napapatawa na lang si mama Emily at lola dahil alam nila ang lahat na double ang magpopropose na magaganap. Isinama na nila mama Emily si lolo kasi mabilis naman ang recovery nito. Nakakaupo na siya sa wheelchair. At maigi din ang simoy ng hangin sa dagat para kay lolo. "Ready na ba ang lahat? sabi ni Paul habang pinapaandar ang sasakyan. "Si lola po, asan na?" tanong ni Nadine kay M
Sa bahay naman nila Paul, Friday ng umaga pagkagising ni Nadine, andoon pa rin sa tabi niya si Paul. Nakayakap na naman ito sa kanya. Dahan dahan niyang inaalis ang kamay nito at babangon na sya. Lalong hinigpitan nito ang pagkakayakap sa kanya, kahit nakapikit pa ito. "Alam ko gising ka na, alisin mo nga kamay mo at babangon na ako. Bakit hindi ka pa pumasok ngayon? Okay naman na ako eh, kasi di ba sa Wednesday aabsent ka ulit at pupunta naman sa beach." "Baka kasi pag umalis ako, umalis ka na rin." sabi naman ni Paul. "Ah yun pala ang dahilan mo kung bakit ayaw mong pumasok. Magpapaalam naman ako pag aalis na ako eh. Tsaka hìndi naman pwedeng dito na ako tumira." "Pwede naman na dito ka na tumira" sabi naman ni Paul. "Bitawan mo na nga ako at ako'y naiihi na. Tutulong pa ako kay lola sa pagluluto ng almusal" ani Nadine. Napapangiti na lamang siya habang naglalakad papuntang cr. Ang isipan na ayaw na siyang paalisin ni Paul at takot nito na umalis siya, ay sobrang saya ni
Maagang nagising si Cris. Alam niyang sa canteen na si Jen nag aalmusal. Kaya nagluto na sya nang maaga para sabay na sila at huwag na sa canteen kumain si Jen.Pagkatapos niya magluto bumalik ulit siya sa kwarto para gisingin si Jen. Pinagmamasdan niya ito bago gisingin. Nakahubad pa rin ito at may kumot lang. Hinawi nya ang buhok ni Jen para mapagmasdan pa ito sa mukha habang tulog ito. Mahal na mahal niya ito at sigurado siya sa desisyon nya. Pakakasalan niya si Jen at sa palagay niya ito yung pinakatamang desisyon niya. Marami rin siyang nakarelasyon noon pero kahit minsan hindi sumagi sa isip niya ang kasal. Pero ngayon iba na, natatangi para sa kanya si Jen, pagkakita pa lang niya noon sa mall kay Jen, sinundan na niya ito at humanap ng timing para mapalapit siya. Kaya siya ang umabot ng napkin na nasa taas ng rack para lang makausap niya ito. Akala niya hindi na niya ulit makikita si Jen, kaya noong nakita niya ulit sa isang fastfood na kakain at andoon na siya, gumawa talaga s
Tinawagan ni Paul si Cris about sa suggestion ni Nadine. Si Cris naman ay kararating lang galing trabaho. Naligo muna siya at pupuntahan niya si Jen. Nadatnan niya doon si Jen na halos kararating lang galing trabaho din. Pag open pa lang ng pinto ni Jen ay hinalikan na nya ito. Hindi pa nga ito nakakabihis kaya nakurot na naman siya nito. "Ikaw talaga, parang hindi tayo nagkita ng isang buwan ah. Kakaalis mo lang dito noong isang araw eh" sabi ni Jen. "Eh anong gagawin, eh miss ko na agad ang mga labi mo eh." sabi ni Cris. Umupo si Jen sa sofa ng pabagsak at halatang pagod. "Mahal, mukhang pagod ka ah, gusto mo imassage kita?" paglalambing ni Cris. "Wag na, at masakit ka magmasahe eh" sabi ni Jen habang nakasandal sa upuan at nakapikit. "Eh lalambutan ko na lang, yun nga lang baka may ibang tumigas" pagbibiro ni Cris. "Iyun na nga sinasabi ko eh, kaya ayaw ko at iba na naman ang punta nun. Kunyari ipatatanggal mo na naman damit ko at lalagyan mo ng oil ang likod ko, tapos sa
Pagkaalis ni Victoria, pinapakiramdaman ni Paul si Nadine. Umupo ito sa tabi nya sa sofa. Samantalang si Mama Emily naman ang tumayo at may aasikasuhin daw muna sya. Inakbayan ni Paul si Nadine at tiningnan niya ito. Walang reaksyon ang mukha ni Nadine. Hindi mabasa ni Paul kung ano ang nasa isip nito. "Babe, sorry talaga. Akala ko kasi...." "Na ano? Anong akala mo? sabi naman ni Nadine, na parang may pinipigilan siyang sabihin pa. "Akala ko kasi, hindi na tayo magkakaayos, akala ko sa tuwing nakikita mo ako naaalala mo yung nakaraan natin. Na pakiramdam ko sa tuwing nakikita mo ako, paulit ulit ko sayong pinapaalala ang pananakit ko sayo dati. Pakiramdam ko na sa tuwing nakikita mo ako nasasaktan pa rin kita. Kaya minabuti ko na lang na lumayo." Mahinahon pero halos pabulong na lang na sabi ni Paul. "Kaya humanap ka ng 'hon'? tapos baka may 'mahal' pa na pupunta ulit dito, ano pa ba ang kulang? Sweetheart? Love? Darling? Sabihin mo na para hindi ako nabibigla" mahinang sabi
"Jen kanino galing eto?" Ang tanong ko sabay hawak ang isang bungkos ng bulaklak na nakalagay sa bedside ko. Ah kay Paul, ibigay ko daw sayo. Napaupo ako sa kama habang nakatitig sa bulaklak at nag-iisip. Hindi ko na kasi mabilang kung ilang taon na ba ang pag iwas at hindi ko pagpapakita sa kanya. Hindi ko alam ang nararamdaman ko, pilit ko kasing nilalabanan. Ang naiisip ko lang ang mga bagay na sobrang pinag sisisihan ko na mga ginawa ko sa kanya at ang mga ginawa nya sa akin n sobrang sakit pa rin hanggang ngayun. Pilit bumabalik sa akin ang nakaraan kung paano nagsimula akong ibigin sya at paano nya ako kinasuklaman at pandirian at siguro ikahiya pa. Hindi ko na mabilang. Hanggang di ko na namalayan na pinagmamasdan na pala ako ni Jen. Si Jen ay isang roomate at bestfriend ko n rin. At alam naman nya ang mga nangyari sa amin. "Nadine Vergara Briones" ani Jen habang nakasandal sa may pinto at nakapamewang pa. "Ang lalim na naman ng iniisip mo. Sa sobrang lalim hindi ko na maab...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments