Sa bahay habang naghahanda ako ng mga gamit ko na dadalhin pagpunta namin ni Jen ng Maynila. Sumigaw ang kapatid ko. "Ate baba ka na dyan at andito si kuya Paul". Hala hindi ko alam kung ano gagawin ko. Magsusuklay ba ako o kaya magpapalit pa ba ako ng damit na pambahay at pakiramdam ko amoy pawis ako. Hindi ko rin alam kung paano ko sya haharapin, kasi ayaw ko talagang ipahalata na kahit papaano ay ganun pa rin ang pakiramdam ko sa kanya. "Ate!" Sabi ulit ng kapatid ko. "Pababa na nga" sabi ko naman. Pag baba ko nakita ko si Paul na nakaupo sa sala naming gawa sa kawayan. Biglang napatayo si Paul, pagkakita sa akin. "Bakit?" tanong ko agad sa kanya. "Ah itatanong ko lang sana kung kailan ang alis ninyo ni Jen paluwas ng maynila?" Sabi naman ni Paul. "Siguro baka next week pa kasi hindi pa naman namin nakukuha ang TOR at yung diploma. Bakit ikaw ba nakuha mo na? Saad ko. "Hindi ko pa rin naman nakukuha. Pero paluwas din ako pagkakuha ko." Sabi nya.
"Oh ano naman ngayun kung paluwas ka rin?" Sabi ko naman. Bigla syang natahimik at napayuko. "Nads" aniya. Yun kasi ang tawag talaga nya sa akin noon. Tahimik lng ako at umupo habang inaantay paang susunod nyang sasabihin. Umupo din sya sa tabi ko. "Nads salamat at sa kabila ng ginawa ko sayo, nagawa mo pa rin akong pakiharapan at kausapin. Gusto ko lng malaman mu na pinagsisisihan ko lahat ng mga sinabi at ginawa ko sayo. Sa tuwing naalala ko lahat ng ginawa ko nasasaktan din ako. Hindi ko alam kung bkit nagawa ko sayo lahat ng iyun." Gusto ng pumatak ng luha ko pero mahigpit kung pinipigilan gawa ng baka makita ako ng mga kapatid ko at ng tatay at nanay ko. "Alam mo Paul, naiintindihan ko yung pagtaboy mo sa akin noon. Kasi kahit ako sa sarili ko ay naiinis din ako sa mga ginawa kong pagbuntot buntot sayo. Ang hindi ko lang talaga maintindihan ay kung bakit mo ako sinusundan at hinalikan pa, eh di ba nga nandidiri ka sa akin." Pabulong kung tanong baka kasi marinig ng mga alaskador kung kapatid at lalo na ng mga magulang ko. Napabuntong hininga si Paul sa pagkakataong iyun. Sabay labas naman ni inay na may dalang dalawang tasang kape at tinapay. "Paul,magmeryenda muna kayong dalawa". Kayo bang dalawa ay sabay na aalis? "Naku, hindi po inay" sabi ko. "Nakwento kasi sa akin ni manoy Digoy nang kami ay nagkasalubong sa palengke kanina" ani inay. Lolo ni Paul si manoy Digoy na sambit bi inay. "Napaka delikado magbyahe at aabutin kayo doon ng halos desisyete oras sa byahe. Dapat mag sama sama na lang sana kayong tatlo nila Jen" ani inay. "Eh inay naman, magkaiba naman kami ng pupuntahan eh". Pero sa totoo lang ayaw ko talaga muna siyang makasama kahit sa byahe man lang at natatakot ako sa sarili ko. Baka tuluyang bumigay. "Inay magpapaalam na daw po si Paul" sabi ko na ikinabigla naman ni Paul. "Ah opo inay pauwe na rin po talaga ako" sabi naman ni Paul. Sabay hakbang pababa ng bahay. Ako naman pumasok ulit sa kwarto. Sabi ni Inay "ay siya, kami na lng ng Itay mu ang iinom nitong kape". Pagkapasok ko sa kwarto, biglang tumunog ang cp ko. Si Paul may message, actually hindi ko sya friend sa f*, nag unfriend kasi ako sa kanya noon. Pero in add naman nya ulit ako after 2 years. Hindi ko lang kinoconfirm. " Nads I'm really really sorry. Please give me a second chance to treat you how I should've from the start. I never meant to hurt you, I never meant to make you cry. I know it's hard for you to believe me again. But please let me in."PAUL ZABALA VASQUEZ Ang bigat ng bawat hakbang ko palayo sa bahay ng pinakamamahal ko. Oo Nads mahal na mahal kita noon pa. Hindi mo lang alam kung gaano kabigat ang ginawa kong desisyon na iyon para layuan mo ako. Bawat kirot na nararamdaman mo. Doble sa nararamdaman ko. Mas pinili kong layuan mo ako ng mga panahong iyun, dahil paghinayaan lang kita sa mga ginagawa mo sa akin, baka hindi ako makapagpigil. Aray ko, may humampas pala sa likod ko habang naglalakad ako pauwe. Si lolo Digoy pala. "Bakit po lolo?" sabi ko. "Ano bang nangyayari sayong bata ka? Kanina pa kita kinakausap habang naglalakad ka, hindi mo man lang ako pinapansin. Parang wala kang nakikita at naririnig." Ani ni lolo. "Ay sorry po lolo, hindi nga po kita narinig." Sabi ko habang papasok na kami sa tarangkahan ng bahay namin, medyo nag aagaw na ang dilim at liwanag noon. "Tinatawag kita kasi kakain na tayo ng hapunan" sabi ni lolo. Medyo maaga kasi sila kumain ng hapunan. Ganito din talaga pag dito sa probinsya
Umalis na nga ng probinsya sila Nadine at Jen. Pansamantalang tumuloy muna sila sa tiyahin ni Jen sa Calamba Laguna habang naghahanap sila ng matitirhan. At saktong malapit din doon yung company na tumawag sa kanila after nilang mag send ng CV. Scheduled interview nila kinaumagahan. Pareho naman sila na hire sa iisang company, as process engineer, magkaiba lang sila ng department. Pero pareho sila nasa chemical laboratory doon. Okay naman ang offer na sahod sa kanila kasi International company naman iyun kahit fresh graduate sila. At kumuha sila ng matitirhan na malapit lang sa kanilang pinag tatrabahuan. Bahay ang nakuha nila at may dalawang kwarto. Lingid sa kaalaman ni Nadine na alam ni Paul kung saan sila nagtatrabaho at kung saan sila nakatira, dahil sinabi ni Jen sa kanya. Si Paul naman ay nakatira sa mama niya at nakapasok sa company sa Sta. Rosa Laguna. Sa may pagawaan ng softdrinks. As engineer din, kasi yun naman talaga ang course nila. Madami na agad ang nagkagust
Biyernes ng hapon papauwe n ako galing company, biglang tumawag si Jen. "Day hindi ako makakauwe, biglaang nagkayayaan ng swimming dito sa Pansol overnight daw." "Okay enjoy kayo" sabi ko. Wala pala akong kakainin pag uwe ko kasi tinamad naman ako magluto at wala si Jen. Kaya dumaan muna ako sa fastfood para magtake out. Tama ba itong nakikita ko, habang paparating na ako sa gate ng bahay, nasa labas si Paul may dala ring pagkain. "Paul anong ginagawa mo dito? Tsaka paano mo nalaman na dito ako nakatira" Sobrang tumibok na naman ang puso ko, natatakot akong titigan sya sa mata baka mahalata nya. Pero deep inside sobrang miss ko na talaga sya. Ayaw kong mahalata nya ang nararamdaman ko sa kanya kaya gusto ko lang maging casual yung pakikitungo ko sa kanya. "Nads" ani Paul, naku yung tawag na naman nya sa akin ay para na naman akong nakalutang sa sarap pakinggan. "Kachat ko kasi kanina si Jen kaya sinabi nya sa akin kung saan kayo nakatira." Sabi naman ni Paul. Napaisip tuloy
Binuhat ako ni Paul sa sofa habang hinahalikan sa may tenga sabay bulong kung nasaan ang kwarto ko. Tinuro ko naman at buhat buhat nya ako papasok sa kwarto. Ang kaninang gentle kiss ay naging mapusok na nang pinatong nya ako sa kama. Dahan dahan niyang hinubad ang blouse na suot ko habang nakatitig sa akin. "God youre so beautiful. Hindi ko na kayang pigilin ang nararamdaman kong ito sayo Nads." Pabulong na sabi ni Paul. Sa pagkakataong iyun, pinakawalan ko na ang nararamdaman ko kay Paul. Hinaplos ko sya sa mukha at hinawakan ko ang ilong nya pati mga labi niya. At inilapit ko mukha ko at banayad ko syang hinalikan. Hinubad ni Paul ang damit nya sa harap ko. Dahan dahan kong hinawakan ang dibdib nya pababa sa mga abs nya. Ang ganda ng katawan ni Paul, parang napapanood ko lang sa mga model ng bench. Ninanamnam ko ang bawat segundo na pwede ko syang hawakan. Na malaya akong iparamdam sa kanya kong gaano ko sya namimiss sa sobrang tagal na hindi ko sya nakasama. Hinayaan ko lang s
Sabay dating ni Jen. "Hay naku day, ang init init sa labas, sinabayan pa ng traffic. Tomguts na ako day, ano bang ulam? Ay wow your favorite, aba aba at sinipag ka yata magluto ngayun?" "Hindi ako ang nagluto niyan" sabi ko.Sabay irit ni Jen. "Ayyyyy, ibig sabihin kakauwe lang ni Paul kanina? Ibig sabihin may nangyaring chukchak chenes kagabi?"Lulundag lundag si Jen at iirit na naman. "Ano ang feeling? As in all the way day" sabi ni Jen. Pareho pa kami ni Jen walang experience sa ganun. Pero nagkaboyfriend na rin si Jen. Pero sa ngayon wala kasi masyado syang naging abala sa trabaho nya. "Oo na. Ano sa palagay mu ang ginagawa namin buong magdamag, nag jajack stone? Mahina ang pangontrol ng lola mo. At kasalanan mo eto. Sinet up mo yata kami eh?" "At effective naman ang nangyari diba" sabi naman ni Jen. "Tange ka talaga, ang tahitahimik na ng mundo ko, gumulo na naman tuloy." Sabi ko "Anong masama dun, eh dalaga ka naman at binata naman sya di ba? Tsak
PAUL Napaka wrong timing naman bakit pa ngayon nagkaproblema, kung kailan pagkakataon ko na sana sabihin sayo Nads kung gaano kita kamahal. Saglit lang ako Nads, aayusin ko lang kung ano man ang nangyari sa planta. Babalik agad ako. Yun ang tumatakbo sa isip ko habang pinapaharurot ko ang sasakyan. Napasobra ang bilis ng pagpatakbo ko, nang biglang nagmenor yung sa unahan ng sasakyan ko. Alanganin ang pagtapak ko sa preno kaya sumalpok yung sasakyan ko sa unahan. Tapos hindi ko na alam ang mga nangyari. Nagising na lang ako sobrang sakit ng nararamdaman ko. Pagmulat ko, nakita ko mama ko na naiyak kausap yung doktor. Saka ko lang napagtanto na nasa ospital na pala ako. Nakita ako ni mama na gumalaw kaya patakbo syang pumunta sa akin. "Anak, salamat naman at nagising ka na. Kausap ko ang doktor kanina, sabi nya under observation ka pa habang nag aantay sila ng result ng CT's scan mo at MRI. Maya pa schedule ng xray ng paa mo "Sabi ng mama ko habang alalang alala sa akin.
NADINE Buong maghapon walang Paul na nagparamdam sa bahay. "Day nakablock na sa akin si Paul, sabi mo eh" ani Jen. Kaya naisipan ko na rin iblock. Bahala na, sobrang sakit pero kakayanin ko. Lunes na may pasok na ulit kami ni Jen. Pilit kong pinapakita kay Jen na okay lang ang lahat. Kasi ayaw kong makita ulit niya ako na nasasaktan baka sisihin pa niya sarili niya dahil sa ginawa nyang pang si set up sa amin ni Paul. May biglaang meeting sa department namin. Kailangan daw nila ng limang tao na ipapadala sa Muar, Malaysia for six months for the launching of new products. Saktong nasa list yung name ko. Kaya pumayag na rin ako. Pag uwe ng hapon habang naghahapunan na kami ni Jen saka ko sinabi sa kanya. "Sakto iyan day, makakaiwas ka na rin kay Paul ng tuluyan. Pagpumunta pa dito, sasabihin ko naman na for good ka na doon. Kailan daw ang alis?" Tanong ni Jen. Dahil nga nabanggit na naman ang name na Paul hindi ko maitago ang lungkot ko. "Next
JENELLE FRIAS REYES Nakakapanibago talaga pag wala si Nadine. Pati pag gogrocery ko mag isa na lang ako. Nakakalungkot din lalo na pag ganitong restday ko. Habang pilit kong inaabot ang nakalagay na napkin sa itaas ng rack. Medyo hindi naman kasi ako ganun katangkad sa height ko na 5 feet and 2 inches. Nang may biglang kumuha ng inaabot kung napkin at binigay sa akin. Ang tagal naming nagkatinginan sabay banggit ng pangalan ko. Pero ako naman hindi ko talaga siya matandaan pero medyo pamilyar siya. "Jen!!! Ikaw ba iyan?" Sabi ng kausap ko. Habang ako'y nakatingin lang sa kanya ng may pagtataka. "Si Cris ito, remember?" Sabi pa rin nya. "Ah Cris Oliveros? Yung nasa civil engineering dati?" Sabi ko. "Oo ako nga ito." Sabay pa kami nagtanungan ng "anong ginagawa mo dito?" Ang gwapo na niya, ibang iba siya nung college days pa kami. Payat siya dati at maputi na parang lambutin. Pero ngayon ay napakatikas at medyo moreno na. Wow parang hunk na talaga siya. "Ah may project kasi
Kinatok sila ni Lola at mag aalmusal na daw. Dahan dahang bumaba si Nadine sa kama at maglilinis muna siya ng sarili niya sa cr. Tumayo si Paul at binuhat siya nito papuntang cr. "Ano ka ba, kaya ko naman maglakad, may kukunin pa kasi ako eh" sabi niya. "Ah yung towel ba?" sabi ni Paul. "Tsaka yung napkin at panty ko na rin, alam mo ba kung saan nakalagay iyun?" "Sa kabinet ba? Sige hanapin ko na lang" Iniabot sa kanya ni Paul ang towel, kasama ang napkin at panty nito. Inantay siya nito, at binuhat na naman siya paglabas niya ng cr habang nakatowel pa siya. "Ano ka ba, sobra ka na" pagtataray niya habang buhat buhat siya nito. "Siya pa ang nagagalit, siya na nga ang binubuhat" sabi naman ni Paul habang iniuupo siya sa kama nito. Nakatayo lang si Paul habang pinapanood siya na magbibihis. "Oh ano pa ang ginagawa mo? Bakit nakatayo ka pa diyan, wag mong sabihing papanoorin mo pa ako sa pagbibihis?" Tumawa si Paul at nagsabi nang "hindi, gusto ko ako na ang magbibihis say
Habang pinapatakbo ni Paul ang sasakyan, pinapakalma siya ni Emily. "Anak, huwag mo masyadong bilisan ang pagpapatakbo at baka lalo lang tayo magkaproblema. Malapit lang naman na tayo eh." Dinala na nila si Nadine sa emergency, dahil nag ispotting na pala si Nadine. Hanggang sa tuloy tuloy nang may lumabas na dugo. Si mama Emily na ang nag aasikaso kay Nadine at nakikipag usap sa Doktor. Habang si Paul ay tulala at hindi alam ang gagawin. Paikot ikot lang siya at halos suntukin ang pader kung saan ay pinalabas na siya ni Mama Emily. "Iha, pinalabas ko muna si Paul at mukhang hindi mapakali eh," sabi ni Mama Emily kay Nadine. Habang si Nadine naman ay natutuyo na ang luha sa kakaiyak. Ang isiping wala na talaga ang baby niya ay halos mahirap din ang proseso ng pagtanggap. May pag aalala din siyang nararamdaman kay Paul, dahil sa mga binitawang salita nito kanina, na hindi mapapatawad ang sarili pag may nangyaring masama sa kanila ni baby. "Ma si Paul, ikaw na po bahala baka
Nasa office na siya pero naalala pa rin niya ang nangyari sa kanila ni Paul. Oo, hindi si Paul ang nakauna sa kanya dahil nagkaboyfriend na rin siya kaya lang nagkahiwalay din dahil nagcheat sa kanya ang bf nya. Nawala lang siya sa pag iisip nang may biglang kumatok sa office niya. "Come in" sabi niya. Ang secretary niya na may dalang bulaklak. Single rose lang ito at may maliit na card na nakalagay sa may tangkay. "Ibigay ko daw sayo ito maam" "Kanino galing?" "Hindi ko po alam, nakita ko na lang sa table ko at may nakalagay na please give it to Ms. Ruiz, pero may card naman po sa loob" pagpapaliwanag nang secretary niya. "Ah, okay salamat" sabi niya at lumabas na ang secretary niya. Binuksan niya ang maliit na card na may nakalagay na "I regret my actions and the pain I caused you. I promise to learn from my mistake and become a better person for you. Paul" Naguluhan siya sa message na iyun. Alam niya kasing hindi sinadya ni Paul na may mangyari sa kanila, pero bakit
Victoria Ruiz, Paul's lover. Noon pa walang siniseryoso si Paul. Pero dahil akala niya hindi na talaga sila ni Nadine magkakaayos kaya unti unti na sana niyang inilalapit ang loob niya dito. Unti unti niyang pinag aaralan na mahalin ito. Si Victoria ay katrabaho ni Paul, manager siya sa purchasing department. Maputi, matalino at maganda din sya. Nasa 5'3" ang height niya at solong anak. Matanda siya kay Paul ng dalawang taon. Matagal din siyang single dahil sa medyo choosy din siya pagdating sa lalaki. Kaya lang si Paul, nang una pa lang niyang makita ay gusto na agad niya ito. Lalo na at suplado si Paul tingnan. At wala din siyang nababalitaan nakakarelasyon ni Paul, kaya parati niya itong inistalk sa f******k nito. Kilala na siya ni Paul pero hanggang tango lamang sila pag nagkakasalubong. Siya na rin ang gumawa ng paraan para magkrus ang landas nila at magkaroon sila ng connection. Kaya nakipagkaibigan siya sa secretary ni Paul na si Karen. Parati niya niyayaya si Karen na sa k
Bumulong si Nadine kay Paul "saan ako matutulog?" "Sa kwarto ko" sabi naman ni Paul habang inaalalayan siya sa paglalakad papasok sa kwarto nila.Nakita niya na nasa kwarto si lola at inaayos ang mga damit niya na nasa bag at nilagay na nito sa kabinet."La nag abala pa po kayo diyan, salamat po""Hindi ka kasi pwede mapagod kaya ako na ang gumawa, basta kong may kailangan ka magsabi ka lang ha at kami na ang bahala" tumayo na ito at naglakad na palabas.Si Nadine naman ay kumuha na ng damit na pantulog at pumunta na siya sa cr, habang si Paul ay may tinawagan sa phone niya at lumabas ito ng kwarto.Pagpasok ulit ni Paul ay nakahiga na si Nadine sa kama habang nagbabasa ng nasa phone niya. Nakatingin lang si Paul kay Nadine, kaya napalingon si Nadine sa kanya at nagtanong ng bakit."Wala, masaya lang ako at kapiling kita ngayon" sabi ni Paul. Hindi umimik si Nadine at patuloy lang siya sa pagbabasa.Pumasok si Paul sa cr at naligo, paglabas niya ay nakabrief lang siya habang namimili
Habang nag aantay sila kay Jen na dumating, naidlip si Nadine samantalang si Paul naman ay tumabi kay Nadine sa kama ng dahan dahan para hindi magising at pinagmasdan niya ito na punong puno ng pagmamahal hanggang sa napapikit na rin siya. Dumating si Jen sa bahay at nagulat ito sa nakitang bag na nasa sala. "Day aalis ba kayo? Pagtatanong ni Jen ng malakas at nasa loob sila ng kwarto ni Paul". Napamulat si Nadine at napagmasdan niya ang mukha ni Paul na nakapikit pa rin. Akmang tatayo na siya nang magising din si Paul. Inalalayan siya nito palabas ng kwarto. Saktong paglabas nila dumating din si Cris. "Ano may reunion ba tayo?" pagbibiro ni Cris. "Doon muna siya sa bahay para may mag aasikaso sa kanya habang pumapasok ako sa trabaho" banggit ni Paul habang paupo na sila sa sofa. "Sama tayo sa kanila para malaman din natin kung saan sila nakatira, para madali nating puntahan pagdadalaw tayo." ani Jen. "Sige doon na rin kayo maghapunan at nagpaluto ako kay mama ng hapu
"Paul, dito ka ba natulog?" tanong niya kay Paul. "Papasok ka ba? Eh alam mong pinapahinga ka ng doktor" "Eh ngayon lang naman at marami akong iendorse sa office". "Hindi pwede, tawagan mo na lang ang secretary mo at baka kung ano pa ang mangyari sayo" habang inaalalayan siya ni Paul papunta sa sofa. Saktong labas din ni Jen galing kwarto na nakabihis na. "See? Sabi ko sayo eh, papasok at papasok iyan kaya sinabihan na kita, oh paano maiwan ko na kayo" sabi ni Jen at papasok na siya sa trabaho. "Paul, hindi kita inoobliga para dito, okay lang naman kung hindi ka pa handa ang" Hindi na pinatapos ni Paul ang sasabihin niya at niyakap niya si Nadine at sinabihan na ginusto ko ito. "Gusto kong malaman mo na masaya ako at magkakababy na tayo. Kung ayaw mo pa rin sa akin, kahit para lang sa baby natin payagan mo akong makalapit at alagaan ka" pagpapaliwanag ni Paul. "Ano ba daw ang sabi ng doktor maliban sa bed rest ka? Ano ba ang dapat mong kainin at bawal sayo? "Wala
Kinaumagahan nagpacheck up sila sa kaibigan ni Cris na OB. Pinakilala sila ni Cris sa doctor at after ng check up may pinagawa ang ob na series of test and laboratories tapos pinababalik sila ng hapon after makuha ang result. Kaya kumain muna sila after ng mga pinapagawa ng ob tapos bumalik sila ayon sa tinakdang oras. After makita ng doctor ang mga results. "Okay, Ms. Briones, I know this pregnancy has been a bit challenging for you, especially with a threatened abortion episodes. I want to reassure you that we're doing everything possible to ensure the best outcome. So based on your current condition, I strongly recommend that you undergo bed rest to ensure your health and the well-being of your baby" Nanlumo si Nadine sa mga narinig dahil hindi niya inaasahan at ayaw rin niya mawala si baby sa kanya. Oo hindi nga siya handa sa mga nangyari sa kanya pero ang isipin na may buhay na umaasa sa kanya ang nagpalakas at nagbigay ng bagong pag asa. Kaya pinilit niyang maging matata
Si Nadine naman ay parati ring abala sa trabaho, hanggang sa isang araw parang nagiging moody na siya at parang nakicrave siya sa mga pagkain na dati namang ayaw niya. Biglang kinausap niya si Jen nang. "Gurl, di ba halos magkasunod lang tayo dinatnan?" "Oo, tsaka kakatapos ko lang, kasi di ba nga ikaw ay 3days lang ako nga yung parating 5days. Huwag mong sabihing" Biglang umupo sa sofa si Nadine at parang nanghina. Sabay takbo ni Jen at kuha ng tubig para mapakalma ang kaibigan. Tinawagan niya si Cris at may inutos siyang bilhin dito. Maya maya ay andiyan na si Cris at dala na ang utos ni Jen. "Ano ba ang nangyari mahal, buntis ka na ba" nag aalalang tanong ni Cris. "Tange, alam mong kakatapos ko lang di ba" sabi ni Jen. Biglang nagkatinginan sila at biglang lingon kay Nadine na nasa sofa at nakatingin sa kawalan. "Day, try mo muna ito para malaman na agad natin ang sagot" sabi ni Jen habang si Cris naman ay lumabas muna. Pumasok si Nadine sa cr, habang si Jen ay palakad l