JENELLE FRIAS REYES Nakakapanibago talaga pag wala si Nadine. Pati pag gogrocery ko mag isa na lang ako. Nakakalungkot din lalo na pag ganitong restday ko. Habang pilit kong inaabot ang nakalagay na napkin sa itaas ng rack. Medyo hindi naman kasi ako ganun katangkad sa height ko na 5 feet and 2 inches. Nang may biglang kumuha ng inaabot kung napkin at binigay sa akin. Ang tagal naming nagkatinginan sabay banggit ng pangalan ko. Pero ako naman hindi ko talaga siya matandaan pero medyo pamilyar siya. "Jen!!! Ikaw ba iyan?" Sabi ng kausap ko. Habang ako'y nakatingin lang sa kanya ng may pagtataka. "Si Cris ito, remember?" Sabi pa rin nya. "Ah Cris Oliveros? Yung nasa civil engineering dati?" Sabi ko. "Oo ako nga ito." Sabay pa kami nagtanungan ng "anong ginagawa mo dito?" Ang gwapo na niya, ibang iba siya nung college days pa kami. Payat siya dati at maputi na parang lambutin. Pero ngayon ay napakatikas at medyo moreno na. Wow parang hunk na talaga siya. "Ah may project kasi
Jen "Upo po kayo tita" habang nilalapag ko sa mesa yung mga dala kong grocery. "Ipaghahanda ko po muna kayo ng maiinom at makakain." Sabi ko habang nag iisip kong ano ang ihahanda ko. "Wag na iha. Hindi rin naman ako magtatagal." Sabi nya. "Ah ganun po ba, sige po kahit tubig na lang po." Sabay kuha sa ref ng tubig. At umupo ako sa tabi ni tita. "Asan pala si Nadine? Hindi ba magkasama kayo dito sa bahay?". "Naku tita kaaalis lang po kahapon. Hindi po kayo nagpang abot." Sabi ko naman. "Ay talaga, bakit saan siya pumunta?" "Sa Malaysia po eh". "May pinapasabi lang kasi si Paul". "Ano po yun tita. Ako na lang po ang magsasabi kasi po tatawag po talaga ako ngayon." Sabay sabi ko. "Kasi galing daw siya dito nung nakaraan. Siguro mga dalawang linggo na yata ang nakaraan. Eh nagpromise daw sya kay Nadine na babalik agad, tapos hindi agad sya nakabalik." Sabay inom ng tubig na inihanda ko. "Oo nga po tita, hindi po sya bumalik. Bakit po?" "Kasi habang nagmamaneho siya papuntan
JenSabado ng hapon nagmomovie marathon lang ako sa bahay. Ayaw ko kasing gumala nang may biglang kumatok sa pinto. Nakakapagtaka lang at wala naman akong inaasahang darating."Sino yan!" Pasigaw na tanong ko. Baka kasi hindi marinig at nakasara pa ang pinto."Si Paul ito." Sabay bukas ko ng pinto."Paul kumusta ka na?" Tuloy ka. May dalawang buwan na pala ang nakalipas, kasi nakakalakad na nga si Paul eh. Akmang papaupo na si Paul sa sofa nang tinanong ko kung ano ang gustong inumin."Wag ka na mag abala, hindi naman ako magtatagal." Sabi naman ni Paul."Paul pasensya ka na kong naiblock kita sa sa fb ha. Hindi ko rin kasi alam ang nangyari sayo eh." Sabi ko."Kailan ba ang uwe ni Nadine?" Tanong naman ni Paul."Pasensya ka na. Hindi ako pwedeng magbigay ng impormasyon na walang pahintulot ni Nadine." Sabi ko habang si Paul naman ay nakayuko."Paul, paprangkahin na kita ha. Ano ba talaga ang plano mo sa kaibigan ko? Kasi kung nakikipag ayos ka lang naman, matagal ka nang napatawad n
Jen "Ihahatid na kita" sabi ni Cris after namin kumain. "Wag na, diyan lang naman ako nakatira sa kabilang kalsada, lalakarin ko na lang." "No, I insist. Alas otso na kaya, baka madaming loko diyan sa kanto." Pagpipilit ni Cris. "Ikaw ang bahala" sabi ko naman. Hinatid ako ni Cris hanggang gate ng bahay. At nagpaalam na siya pauwe, nag alangan kasi akong papasukin pa sa loob at wala naman kaming pag uusapan. Hindi rin naman din siya nagtanong ng tungkol kay Nadine. Pag uwe ko tumawag ako kay Nadine, naikwento ko na naman si Cris. Basta dalawang beses na kami nagpapanagpo. "Baka kayo ang nakatadhana Jen." Sabi ni Nadine. "Hay naku day, baka nakikipagclose iyun dahil nadulas akong magkasama pa rin tayo. Baka dahil sayo yun day." Sabi ko naman. "Sige, ganito na lang. Kapag nagkita ulit kayo sa hindi inaasahang pagkakataon sign na yan gurl." Sabi naman ni Nadine. "Naku, ako'y tigil tigilan mo day. Sa tangkad at gwapo ni Cris, ang isang kagaya ko ay hindi mapapansin.
Jen "Kaya nga binalikan ko agad ikaw, kahit medyo may kalayuan na rin yung natatakbo ko, gawa ng napakaimportante nito." Ani Cris habang inaabot sa akin ang wallet. "Naku salamat naman kung ganun." Sabay kuha ng wallet ko. Medyo natahimik kami pareho kasi naiilang talaga ako. Siya na ulit ang nagsalita. "Hindi ka ba natatakot dito at mag-isa ka lang pala" "Saan sa multo" tanong ko. "Hahaha, hindi. Sa mga masasamang loob dito sa paligid mo, malay mo may nakatanda at alam na mag- isa ka lang dito. Alam mo na, buti kong manakawan lang, eh paano kung may gawing masama pa sayo." "Wag mo naman akong takutin. Kaya nga parating nakasara ang pinto eh. Tsaka matagal na kami dito." "Wag ka masyado pakakampante, basta mag iingat ka na lang." Sabay tayo at nagcheck ng mga grills ng bintana ng bahay at yung doble lock ng pinto. "Medyo matibay naman yung grills pati ang lock." Sabi nya, palibhasa'y engineer nga. "So, paano, ako'y aalis na, ingat ka dito." nakalabas na siya nang
Jen Medyo tinanghali ako ng gising kinaumagahan. Pagtingin ko ng oras, alas nuwebe na pala. Naku parang gutom na gutom na ako. Brunch na ang kakainin ko nito at malamang kanin na. Pag open ko ng cp, ilang minuto lang may chat na si Cris. "Siguro tinanghali ka ng gising ano? Kasi ngayon ka lang nag online." Nagsend lang ako ng kamay na nakathumbs up. Habang nagbibihis ako at plano ko ngang lumabas at bibili na lang ako sa may talipapa ng maluluto, nang biglang tumunog ulit ang cp ko. Nagchat ulit si Cris na wag na akong magluto or lumabas. Parating na daw sya at may dalang pagkain. Idadaan lang daw nya sa akin, kasi may pupuntahan daw siya at doon ang daan nya. Hindi agad ako makareply, kasi hindi ko alam ang sasabihin ko. Andaming tanong na naglalaro sa kukuti ko. Bakit ganun na lang ang pakikitungo nya sa akin, eh hindi naman nga kami close. Ah baka nagpapa impress sa akin para pagdating ni Nadine tulungan ko syang ibuild up ulit. Pero bakit hindi naman sya masyadong nagtat
Nadine Schedule ng flight ko sa makalawa, habang ako'y nag iimpake ng gamit, napag desisyunan ko na umuwe muna sa probinsya kasi binigyan naman kami ng 2 weeks na bakasyon para daw sa pamilya. May halong pananabik ang naramdaman ko kasi pauwe ako kina inay at itay. Balik tanaw na naman ako sa nakaraan kasi matagal tagal na din pala ako hindi nakauwe. Malapit na rin makagraduate ang kapatid ko sa college na siyang pinapaaral ko. At yung isang kapatid ko naman dalawang taon pa siguro ang bubunuin bago makapagtapos. Halos tapos na rin yung bahay na pinapaayos ko. Kaya lang pilit na naman sumasagi sa isipan ko si Paul. Nasa proseso din talaga ang paghilom ng sakit. At saka siguro yung pagtanggap na halos kasalanan ko naman lahat. Hindi ko naman pwede isisi kay Paul kung bakit nya ako nasaktan. Sa tuwing naiisip ko mga pinag gagawa ko napapatawa na lang ako at may hiyang nararamdaman sa sarili. Siguro if ever man na magcross ang landas namin, palagay ko kaya ko na. Kasi mangyayari at m
Pagkaalis ni Cris, sabay paalam ni Jen na idlip daw muna sya at medyo napagod daw sya sa byahe. Nabatukan ko tuloy, "opps saan ka pupunta? Matutulog ka hindi pa nga tayo nag uusap. Umupo ka dito bilis." Patawang sabi ko habang inaabot sa kanya yung pasalubong ko. Sumunod naman si Jen, umupong pabagsak sa sofa, kunyaring walang ganang makipag usap. Nag aarteng inaantok na sabi ng salamat sa pasalubong. "Bakit nilihim mo sa akin na nagkikita pa rin pala kayo ni Cris? Nililigawan ka ba ni Cris? O baka naman kayo na? Sagot! Pabirong tanong ko kay Jen. "Pwede bang isa isa lang. Sunod sunod naman tanong mo eh. Para kang ano diyan. Tinalo mo pa imbestigador eh." Pairap na sabi ni Jen "Oh ano nga?" Pagpipilit ko. "Ganito kasi iyun, bumalik sya dito nung time na hinatid niya ako at naiwan ko wallet sa kotse nya, tapos nagfriend request sya sa akin tapos ayon na. Nag kakachat kaya nga nasundo ka namin eh." "Ganon lang? Nagkakachat o kayo na? Sabay kiliti ko kay Jen. "Ano ka ba. Syem
"Babe naman eh, ayan ka na naman" sabi ni Nadine, pero may lambing na ang boses niya at babe na ang tawag niya kay Paul. "Babe ulitin mo nga ang sinabi mo? Ang sarap pakinggan ng boses mo lalo na pag malambing at lalo na pag naririnig ko na babe na ang tawag mo sa akin." ""Babe mahal na mahal kita, is that enough?" pabulong ni Nadine kay Paul. Niyakap siya ni Paul sabay sabi nang..."Babe sampalin mo nga ako?" "Hala, bakit?" takang tanong ni Nadine. "Kasi gusto kong malaman na lahat nang nangyayari sa atin ngayon ay totoo na at hindi kagaya dati noong andito tayo sa resort na eto. Pag uwi natin nag iba ka na." Ngumiti si Nadine sabay hinalikan siya nito. Ginantihan naman niya ito ng yakap at kinulong na niya ito sa mga bisig niya habang nakaupo lang sila sa kama na wala pang naisusuot na damit. "Babe naalala mo yung pumunta ka dati sa boarding house at isusuli mo nga ang backpack ko at tinawag mo akong babe?". Tumango lang si Nadine at ngumiti. "Gising ako nun, at baka pag hi
Para mas lalong romantic ang gabing iyun, binulungan ni Cris si Jen. Nagrequest sya ng isang love song mula kay Jen. Gusto ulit niya marinig ang magandang boses nito. Nawala kasi ang music after ng presentation, kaya muling nagpatugtog ulit at tumayo na si Jen para kumanta. "Ladies and gentlemen, good evening. I would like to serenade the beautiful couple, Nadine and Paul, with a song. And to you as well, mahal." nakangiting sabi ni Jen habang nakatingin kina Paul at Nadine. At syempre sa kanyang pinakamamahal na may kasamang irap sa huli, kaya napatawa na lang si Cris. Pati sila lola at Nay Nita napatawa sa inasal ni Jen, alam din nilang medyo jolly type ang kagaya ni Jen. Nagsimula na siyang kumanta, biglang napatayo silang lahat sa pagkabigla at hindi nila inaasahan na maganda ang boses ni Jen na pwede ng ilaban. At si lola napapalakpak at gandang ganda sa boses ni Jen. Si mama Emily naman napaiyak, iyun ata ang kanilang theme song ni mang Berto. Medyo luma na kasi ang piniling k
Biglang tumayo sila mama Emily at lola nang makita na nila sila Paul. "Andito na pala sila, pwede na ba tayong pumunta?" tanong ni mama Emily sa kanila."Anong oras na ba?" sabi naman ni Jen."Seven o clock na, tara na, mukhang ready naman na ang lahat. Lalo ka na babe" sabi naman ni Paul habang papalapit kay Nadine at ginawaran pa niya ito ng halik, sabay bulong nang "ang ganda mo talaga babe, parang mahihirapan ako nito"."Bakit""Kasi ang hirap pigilin ng nararamdaman ko sa tuwing katabi kita". "Eh, doon na lang ako matutulog mamaya sa kwarto nila lola, para hindi ka na mahirapan, ganun lang kasimple yun.""Wag naman ganun babe, parusa na ang gagawin mo sa akin eh." "Ewan ko sayo, hirap mong kausap" natatawang sabi ni Nadine, habang akbay siya ni Paul na naglalakad papunta sa venue. "Sila nay Nita at ate Jane?" tanong ni Nadine kay Paul."Andoon na yata, kasi mas malapit sila doon eh". Sakto at andoon na rin si nay Nita at Jane sa venue. Nakahanda na rin ang mesa nila. Halo
Hindi makapaniwala si Jen. Parang gusto niya kurutin ang sarili niya. Kaya para siyang natitigilan, sa isip niya, baka panaginip lang ito. Nakaluhod na si Cris, ang tagal niyang sumagot kaya naghihiyawan na ang mga tao. Kaya nang matauhan siya napaluha na siya bago sumigaw ng yes at napalundag pa siya sa tuwa. Hinalikan niya si Cris na halos ayaw na maghiwalay ng mga labi nila, parang wala na siyang pakialam kung maraming tao sa paligid. Kaya nagsigawan ulit yung mga tao sa paligid at may sumigaw nang, mga bata takpan niyo ang mga mata niyo. Kumakanta pa rin ang banda habang sinusuot ni Cris ang singsing kay Jen, at tuloy tuloy na umagos ang luha niya sa tuwa. Kasi kahit sa pangarap hindi pa niya naiisip ang ganitong pangyayari na para sa kanya. Si Nadine naman ay hindi maiwasang napaluha na din sa sobrang saya niya para sa kaibigan. Halos umayon lahat sa plano at panahon ang mga nangyari. Kahit sinong nakasaksi ay kinilig sa kanila. Lalo na at may music pa na nagpeperform. Kanina p
At eto na nga ang pinakaaantay nilang lahat. Hindi nila maitatanggi na lahat sila excited. At may kanya kanya silang rason kung bakit. Wednesday na ng umaga halos lahat abala. Sa bahay nila Paul ay nagluluto na si lola at mama Emily ng almusal. Si Nadine naman ay tumulong na din. Samantalang kina Jen at Cris naman ay halos tulog pa ang dalawa. Gawa nang sabi naman ni Cris ay gabi pa gaganapin ang pagpropose ni Paul kay Nadine. Kaya patanghali na sila aalis. Kina Paul naman ang instruction daw ni Cris ay dapat maaga sila at mauuna dapat sila. Para pagdating naman nila ni Jen, andoon na silang lahat. Napapatawa na lang si mama Emily at lola dahil alam nila ang lahat na double ang magpopropose na magaganap. Isinama na nila mama Emily si lolo kasi mabilis naman ang recovery nito. Nakakaupo na siya sa wheelchair. At maigi din ang simoy ng hangin sa dagat para kay lolo. "Ready na ba ang lahat? sabi ni Paul habang pinapaandar ang sasakyan. "Si lola po, asan na?" tanong ni Nadine kay M
Sa bahay naman nila Paul, Friday ng umaga pagkagising ni Nadine, andoon pa rin sa tabi niya si Paul. Nakayakap na naman ito sa kanya. Dahan dahan niyang inaalis ang kamay nito at babangon na sya. Lalong hinigpitan nito ang pagkakayakap sa kanya, kahit nakapikit pa ito. "Alam ko gising ka na, alisin mo nga kamay mo at babangon na ako. Bakit hindi ka pa pumasok ngayon? Okay naman na ako eh, kasi di ba sa Wednesday aabsent ka ulit at pupunta naman sa beach." "Baka kasi pag umalis ako, umalis ka na rin." sabi naman ni Paul. "Ah yun pala ang dahilan mo kung bakit ayaw mong pumasok. Magpapaalam naman ako pag aalis na ako eh. Tsaka hìndi naman pwedeng dito na ako tumira." "Pwede naman na dito ka na tumira" sabi naman ni Paul. "Bitawan mo na nga ako at ako'y naiihi na. Tutulong pa ako kay lola sa pagluluto ng almusal" ani Nadine. Napapangiti na lamang siya habang naglalakad papuntang cr. Ang isipan na ayaw na siyang paalisin ni Paul at takot nito na umalis siya, ay sobrang saya ni
Maagang nagising si Cris. Alam niyang sa canteen na si Jen nag aalmusal. Kaya nagluto na sya nang maaga para sabay na sila at huwag na sa canteen kumain si Jen.Pagkatapos niya magluto bumalik ulit siya sa kwarto para gisingin si Jen. Pinagmamasdan niya ito bago gisingin. Nakahubad pa rin ito at may kumot lang. Hinawi nya ang buhok ni Jen para mapagmasdan pa ito sa mukha habang tulog ito. Mahal na mahal niya ito at sigurado siya sa desisyon nya. Pakakasalan niya si Jen at sa palagay niya ito yung pinakatamang desisyon niya. Marami rin siyang nakarelasyon noon pero kahit minsan hindi sumagi sa isip niya ang kasal. Pero ngayon iba na, natatangi para sa kanya si Jen, pagkakita pa lang niya noon sa mall kay Jen, sinundan na niya ito at humanap ng timing para mapalapit siya. Kaya siya ang umabot ng napkin na nasa taas ng rack para lang makausap niya ito. Akala niya hindi na niya ulit makikita si Jen, kaya noong nakita niya ulit sa isang fastfood na kakain at andoon na siya, gumawa talaga s
Tinawagan ni Paul si Cris about sa suggestion ni Nadine. Si Cris naman ay kararating lang galing trabaho. Naligo muna siya at pupuntahan niya si Jen. Nadatnan niya doon si Jen na halos kararating lang galing trabaho din. Pag open pa lang ng pinto ni Jen ay hinalikan na nya ito. Hindi pa nga ito nakakabihis kaya nakurot na naman siya nito. "Ikaw talaga, parang hindi tayo nagkita ng isang buwan ah. Kakaalis mo lang dito noong isang araw eh" sabi ni Jen. "Eh anong gagawin, eh miss ko na agad ang mga labi mo eh." sabi ni Cris. Umupo si Jen sa sofa ng pabagsak at halatang pagod. "Mahal, mukhang pagod ka ah, gusto mo imassage kita?" paglalambing ni Cris. "Wag na, at masakit ka magmasahe eh" sabi ni Jen habang nakasandal sa upuan at nakapikit. "Eh lalambutan ko na lang, yun nga lang baka may ibang tumigas" pagbibiro ni Cris. "Iyun na nga sinasabi ko eh, kaya ayaw ko at iba na naman ang punta nun. Kunyari ipatatanggal mo na naman damit ko at lalagyan mo ng oil ang likod ko, tapos sa
Pagkaalis ni Victoria, pinapakiramdaman ni Paul si Nadine. Umupo ito sa tabi nya sa sofa. Samantalang si Mama Emily naman ang tumayo at may aasikasuhin daw muna sya. Inakbayan ni Paul si Nadine at tiningnan niya ito. Walang reaksyon ang mukha ni Nadine. Hindi mabasa ni Paul kung ano ang nasa isip nito. "Babe, sorry talaga. Akala ko kasi...." "Na ano? Anong akala mo? sabi naman ni Nadine, na parang may pinipigilan siyang sabihin pa. "Akala ko kasi, hindi na tayo magkakaayos, akala ko sa tuwing nakikita mo ako naaalala mo yung nakaraan natin. Na pakiramdam ko sa tuwing nakikita mo ako, paulit ulit ko sayong pinapaalala ang pananakit ko sayo dati. Pakiramdam ko na sa tuwing nakikita mo ako nasasaktan pa rin kita. Kaya minabuti ko na lang na lumayo." Mahinahon pero halos pabulong na lang na sabi ni Paul. "Kaya humanap ka ng 'hon'? tapos baka may 'mahal' pa na pupunta ulit dito, ano pa ba ang kulang? Sweetheart? Love? Darling? Sabihin mo na para hindi ako nabibigla" mahinang sabi