Third year college ako noon, unti unti akong natutong mag ayos at mag porma. Tumangkad din ako bigla. Dating 5 feet naging 5 feet and 6 inches ang height ko. Ang dating sunog parati sa araw ay pumusyaw naman at kuminis ang balat ko. Hindi ko alam at wala naman akong mga nilalagay sa katawan ko kundi lotion lang kasi wala naman akong extra money para bumili pa ng pampaganda. Bigla kasing nag iba ang shape ng katawan ko din. Masasabi ko ngang ganap na dalaga na kahit medyo late bloomer nga ako. May mga nanliligaw naman sa akin, pero hindi ko na binibigyan ng chance na manligaw sa kagustuhan ko ngang makagraduate at makapagtrabaho dahil sa financial problem namin. Nagkasakit kasi ang tatay ko at kinailangan ng tumigil sa trabaho at may mga iniinom pang maintenance dahil sa diabetic sya. Pangatlo ako sa pitong magkakapatid at wala ng mag papaaral sa mga sunod ko pang kapatid. At hindi ko nga maitatanggi na kahit nag iba na ang pakikitungo sa akin ni Paul at nagpapakita na ng sensi
Simula ng mangyari iyun, araw araw na lang ako umiiwas at nagpaka seryoso sa pag aaral. Halos buong taon ako umiwas at nilibang na lang ang sarili sa ibang bagay. Naging abala ako at nagpart time job pa ako sa isang fastfood para lang makadagdag ng gastusin lalo na sa mga projects. Hanggang sa naging third year college na kami, At lalong naging busy ako. Lalo na may mga thesis na at marami na rin akong kaibigan na masasamahan. At ganun din naman si Paul halos bihira na magcross ang landas namin. Parang hindi na nga kami magkakilala. Pero yung sakit na nararamdaman ko ay parang sariwa pa rin. Hanggang sa may nanligaw sa akin. Si Cris, nasa engineering department din siya. Civil engineering ang course nya. Kami naman ni Paul ay chemical engineering ang course. Ok naman si Cris. Mabait naman sya. Matangkad at maputi, medyo jolly kausap kaya napalagayan din ang loob ko sa kanya. Kaya lang kaibigan lang turing ko sa kanya kasi parang lambutin ang tingin ko sa kanya. Napaka mama's boy nya.
Kinaumagahan, papauwe na ako. Wala ng Cris na nag aantay sa akin sa labas. Medyo nanibago ako pero ayos lang kasi kahit papaano okay pa rin naman kami ni Cris. Naglalakad na ako pauwe mag isa na lang ako, gawa ng hindi alam ni Jen na binasted ko na si Cris. At pumunta sa mall si Jen after ng klase para mag grocery. Ako naman dali dali ng naglakad pauwe sa hapong iyun. Pagliko ko sa kanto malapit na ako sa bahay nang may biglang may humawak sa kamay ko at isinandal ako sa bakod o pader. Sobrang pagkabigla ko. At nakilala ko naman agad sya. Biglang sabi ko Paul. Hindi ko na naituloy ang sasabihin dahil siniil na nya ako ng halik. Hindi agad ako nakapalag dahil sobrang bilis ng pangyayari. Nang makabawi ako sa pagkabigla sabay tinulak ko at binigyan ko ng mag asawang sampal si Paul. At sabay takbo ako sa loob ng bahay. Litong lito ako at nagalit talaga ako kay Paul. Sobrang iniyak ko na naman. At kahit tapos na nya akong halikan, ramdam ko pa rin ang labi nya na parang ang sarap at yung
Panay pa rin ang pag aattempt na lumapit sa amin ni Jen si Paul, pero hindi ko binibigyan ng pagkakataon. Hanggang sa lumipas ang mga araw hindi ko namalayan malapit na pala kaming grumaduate. Ang saya ko kasi matatapos na rin sa wakas. Kaya lang may halong kaba kasi napipressure ako. Kasi dapat after graduation makahanap agad ako ng trabaho para matulungan ko si tatay at nanay ko sa pag papaaral sa mga sumunod ko pang kapatid. Eto na nga ang pinakahihintay namin araw na ng graduation. At cumlaude ako. As usual ganon din si Paul. Hindi ko nga kasi talaga sya matalo talo pag dating sa academics di ba? Tapos okay naman sana habang naghihintay na kami na magsimula. Kaya lang syempre mag kakaibigan ang magulang namin ni Paul dahil isang baryo nga kami. So ayun kahit anong iwas ko dahil nga kasama nya din magulang nya at ako din magulang ko kaya magkasama din kami. Biglang sabi nya "Nadine ahm gusto ko sanang humingi ng sorry sa mga nagawa ko. Alam ko madami akong kasalanan, at m
Sa bahay habang naghahanda ako ng mga gamit ko na dadalhin pagpunta namin ni Jen ng Maynila. Sumigaw ang kapatid ko. "Ate baba ka na dyan at andito si kuya Paul". Hala hindi ko alam kung ano gagawin ko. Magsusuklay ba ako o kaya magpapalit pa ba ako ng damit na pambahay at pakiramdam ko amoy pawis ako. Hindi ko rin alam kung paano ko sya haharapin, kasi ayaw ko talagang ipahalata na kahit papaano ay ganun pa rin ang pakiramdam ko sa kanya. "Ate!" Sabi ulit ng kapatid ko. "Pababa na nga" sabi ko naman. Pag baba ko nakita ko si Paul na nakaupo sa sala naming gawa sa kawayan. Biglang napatayo si Paul, pagkakita sa akin. "Bakit?" tanong ko agad sa kanya. "Ah itatanong ko lang sana kung kailan ang alis ninyo ni Jen paluwas ng maynila?" Sabi naman ni Paul. "Siguro baka next week pa kasi hindi pa naman namin nakukuha ang TOR at yung diploma. Bakit ikaw ba nakuha mo na? Saad ko. "Hindi ko pa rin naman nakukuha. Pero paluwas din ako pagkakuha ko." Sabi nya. "Oh ano naman ngayun kung paluwas k
PAUL ZABALA VASQUEZ Ang bigat ng bawat hakbang ko palayo sa bahay ng pinakamamahal ko. Oo Nads mahal na mahal kita noon pa. Hindi mo lang alam kung gaano kabigat ang ginawa kong desisyon na iyon para layuan mo ako. Bawat kirot na nararamdaman mo. Doble sa nararamdaman ko. Mas pinili kong layuan mo ako ng mga panahong iyun, dahil paghinayaan lang kita sa mga ginagawa mo sa akin, baka hindi ako makapagpigil. Aray ko, may humampas pala sa likod ko habang naglalakad ako pauwe. Si lolo Digoy pala. "Bakit po lolo?" sabi ko. "Ano bang nangyayari sayong bata ka? Kanina pa kita kinakausap habang naglalakad ka, hindi mo man lang ako pinapansin. Parang wala kang nakikita at naririnig." Ani ni lolo. "Ay sorry po lolo, hindi nga po kita narinig." Sabi ko habang papasok na kami sa tarangkahan ng bahay namin, medyo nag aagaw na ang dilim at liwanag noon. "Tinatawag kita kasi kakain na tayo ng hapunan" sabi ni lolo. Medyo maaga kasi sila kumain ng hapunan. Ganito din talaga pag dito sa probinsya
Umalis na nga ng probinsya sila Nadine at Jen. Pansamantalang tumuloy muna sila sa tiyahin ni Jen sa Calamba Laguna habang naghahanap sila ng matitirhan. At saktong malapit din doon yung company na tumawag sa kanila after nilang mag send ng CV. Scheduled interview nila kinaumagahan. Pareho naman sila na hire sa iisang company, as process engineer, magkaiba lang sila ng department. Pero pareho sila nasa chemical laboratory doon. Okay naman ang offer na sahod sa kanila kasi International company naman iyun kahit fresh graduate sila. At kumuha sila ng matitirhan na malapit lang sa kanilang pinag tatrabahuan. Bahay ang nakuha nila at may dalawang kwarto. Lingid sa kaalaman ni Nadine na alam ni Paul kung saan sila nagtatrabaho at kung saan sila nakatira, dahil sinabi ni Jen sa kanya. Si Paul naman ay nakatira sa mama niya at nakapasok sa company sa Sta. Rosa Laguna. Sa may pagawaan ng softdrinks. As engineer din, kasi yun naman talaga ang course nila. Madami na agad ang nagkagust
Biyernes ng hapon papauwe n ako galing company, biglang tumawag si Jen. "Day hindi ako makakauwe, biglaang nagkayayaan ng swimming dito sa Pansol overnight daw." "Okay enjoy kayo" sabi ko. Wala pala akong kakainin pag uwe ko kasi tinamad naman ako magluto at wala si Jen. Kaya dumaan muna ako sa fastfood para magtake out. Tama ba itong nakikita ko, habang paparating na ako sa gate ng bahay, nasa labas si Paul may dala ring pagkain. "Paul anong ginagawa mo dito? Tsaka paano mo nalaman na dito ako nakatira" Sobrang tumibok na naman ang puso ko, natatakot akong titigan sya sa mata baka mahalata nya. Pero deep inside sobrang miss ko na talaga sya. Ayaw kong mahalata nya ang nararamdaman ko sa kanya kaya gusto ko lang maging casual yung pakikitungo ko sa kanya. "Nads" ani Paul, naku yung tawag na naman nya sa akin ay para na naman akong nakalutang sa sarap pakinggan. "Kachat ko kasi kanina si Jen kaya sinabi nya sa akin kung saan kayo nakatira." Sabi naman ni Paul. Napaisip tuloy
"Babe naman eh, ayan ka na naman" sabi ni Nadine, pero may lambing na ang boses niya at babe na ang tawag niya kay Paul. "Babe ulitin mo nga ang sinabi mo? Ang sarap pakinggan ng boses mo lalo na pag malambing at lalo na pag naririnig ko na babe na ang tawag mo sa akin." ""Babe mahal na mahal kita, is that enough?" pabulong ni Nadine kay Paul. Niyakap siya ni Paul sabay sabi nang..."Babe sampalin mo nga ako?" "Hala, bakit?" takang tanong ni Nadine. "Kasi gusto kong malaman na lahat nang nangyayari sa atin ngayon ay totoo na at hindi kagaya dati noong andito tayo sa resort na eto. Pag uwi natin nag iba ka na." Ngumiti si Nadine sabay hinalikan siya nito. Ginantihan naman niya ito ng yakap at kinulong na niya ito sa mga bisig niya habang nakaupo lang sila sa kama na wala pang naisusuot na damit. "Babe naalala mo yung pumunta ka dati sa boarding house at isusuli mo nga ang backpack ko at tinawag mo akong babe?". Tumango lang si Nadine at ngumiti. "Gising ako nun, at baka pag hi
Para mas lalong romantic ang gabing iyun, binulungan ni Cris si Jen. Nagrequest sya ng isang love song mula kay Jen. Gusto ulit niya marinig ang magandang boses nito. Nawala kasi ang music after ng presentation, kaya muling nagpatugtog ulit at tumayo na si Jen para kumanta. "Ladies and gentlemen, good evening. I would like to serenade the beautiful couple, Nadine and Paul, with a song. And to you as well, mahal." nakangiting sabi ni Jen habang nakatingin kina Paul at Nadine. At syempre sa kanyang pinakamamahal na may kasamang irap sa huli, kaya napatawa na lang si Cris. Pati sila lola at Nay Nita napatawa sa inasal ni Jen, alam din nilang medyo jolly type ang kagaya ni Jen. Nagsimula na siyang kumanta, biglang napatayo silang lahat sa pagkabigla at hindi nila inaasahan na maganda ang boses ni Jen na pwede ng ilaban. At si lola napapalakpak at gandang ganda sa boses ni Jen. Si mama Emily naman napaiyak, iyun ata ang kanilang theme song ni mang Berto. Medyo luma na kasi ang piniling k
Biglang tumayo sila mama Emily at lola nang makita na nila sila Paul. "Andito na pala sila, pwede na ba tayong pumunta?" tanong ni mama Emily sa kanila."Anong oras na ba?" sabi naman ni Jen."Seven o clock na, tara na, mukhang ready naman na ang lahat. Lalo ka na babe" sabi naman ni Paul habang papalapit kay Nadine at ginawaran pa niya ito ng halik, sabay bulong nang "ang ganda mo talaga babe, parang mahihirapan ako nito"."Bakit""Kasi ang hirap pigilin ng nararamdaman ko sa tuwing katabi kita". "Eh, doon na lang ako matutulog mamaya sa kwarto nila lola, para hindi ka na mahirapan, ganun lang kasimple yun.""Wag naman ganun babe, parusa na ang gagawin mo sa akin eh." "Ewan ko sayo, hirap mong kausap" natatawang sabi ni Nadine, habang akbay siya ni Paul na naglalakad papunta sa venue. "Sila nay Nita at ate Jane?" tanong ni Nadine kay Paul."Andoon na yata, kasi mas malapit sila doon eh". Sakto at andoon na rin si nay Nita at Jane sa venue. Nakahanda na rin ang mesa nila. Halo
Hindi makapaniwala si Jen. Parang gusto niya kurutin ang sarili niya. Kaya para siyang natitigilan, sa isip niya, baka panaginip lang ito. Nakaluhod na si Cris, ang tagal niyang sumagot kaya naghihiyawan na ang mga tao. Kaya nang matauhan siya napaluha na siya bago sumigaw ng yes at napalundag pa siya sa tuwa. Hinalikan niya si Cris na halos ayaw na maghiwalay ng mga labi nila, parang wala na siyang pakialam kung maraming tao sa paligid. Kaya nagsigawan ulit yung mga tao sa paligid at may sumigaw nang, mga bata takpan niyo ang mga mata niyo. Kumakanta pa rin ang banda habang sinusuot ni Cris ang singsing kay Jen, at tuloy tuloy na umagos ang luha niya sa tuwa. Kasi kahit sa pangarap hindi pa niya naiisip ang ganitong pangyayari na para sa kanya. Si Nadine naman ay hindi maiwasang napaluha na din sa sobrang saya niya para sa kaibigan. Halos umayon lahat sa plano at panahon ang mga nangyari. Kahit sinong nakasaksi ay kinilig sa kanila. Lalo na at may music pa na nagpeperform. Kanina p
At eto na nga ang pinakaaantay nilang lahat. Hindi nila maitatanggi na lahat sila excited. At may kanya kanya silang rason kung bakit. Wednesday na ng umaga halos lahat abala. Sa bahay nila Paul ay nagluluto na si lola at mama Emily ng almusal. Si Nadine naman ay tumulong na din. Samantalang kina Jen at Cris naman ay halos tulog pa ang dalawa. Gawa nang sabi naman ni Cris ay gabi pa gaganapin ang pagpropose ni Paul kay Nadine. Kaya patanghali na sila aalis. Kina Paul naman ang instruction daw ni Cris ay dapat maaga sila at mauuna dapat sila. Para pagdating naman nila ni Jen, andoon na silang lahat. Napapatawa na lang si mama Emily at lola dahil alam nila ang lahat na double ang magpopropose na magaganap. Isinama na nila mama Emily si lolo kasi mabilis naman ang recovery nito. Nakakaupo na siya sa wheelchair. At maigi din ang simoy ng hangin sa dagat para kay lolo. "Ready na ba ang lahat? sabi ni Paul habang pinapaandar ang sasakyan. "Si lola po, asan na?" tanong ni Nadine kay M
Sa bahay naman nila Paul, Friday ng umaga pagkagising ni Nadine, andoon pa rin sa tabi niya si Paul. Nakayakap na naman ito sa kanya. Dahan dahan niyang inaalis ang kamay nito at babangon na sya. Lalong hinigpitan nito ang pagkakayakap sa kanya, kahit nakapikit pa ito. "Alam ko gising ka na, alisin mo nga kamay mo at babangon na ako. Bakit hindi ka pa pumasok ngayon? Okay naman na ako eh, kasi di ba sa Wednesday aabsent ka ulit at pupunta naman sa beach." "Baka kasi pag umalis ako, umalis ka na rin." sabi naman ni Paul. "Ah yun pala ang dahilan mo kung bakit ayaw mong pumasok. Magpapaalam naman ako pag aalis na ako eh. Tsaka hìndi naman pwedeng dito na ako tumira." "Pwede naman na dito ka na tumira" sabi naman ni Paul. "Bitawan mo na nga ako at ako'y naiihi na. Tutulong pa ako kay lola sa pagluluto ng almusal" ani Nadine. Napapangiti na lamang siya habang naglalakad papuntang cr. Ang isipan na ayaw na siyang paalisin ni Paul at takot nito na umalis siya, ay sobrang saya ni
Maagang nagising si Cris. Alam niyang sa canteen na si Jen nag aalmusal. Kaya nagluto na sya nang maaga para sabay na sila at huwag na sa canteen kumain si Jen.Pagkatapos niya magluto bumalik ulit siya sa kwarto para gisingin si Jen. Pinagmamasdan niya ito bago gisingin. Nakahubad pa rin ito at may kumot lang. Hinawi nya ang buhok ni Jen para mapagmasdan pa ito sa mukha habang tulog ito. Mahal na mahal niya ito at sigurado siya sa desisyon nya. Pakakasalan niya si Jen at sa palagay niya ito yung pinakatamang desisyon niya. Marami rin siyang nakarelasyon noon pero kahit minsan hindi sumagi sa isip niya ang kasal. Pero ngayon iba na, natatangi para sa kanya si Jen, pagkakita pa lang niya noon sa mall kay Jen, sinundan na niya ito at humanap ng timing para mapalapit siya. Kaya siya ang umabot ng napkin na nasa taas ng rack para lang makausap niya ito. Akala niya hindi na niya ulit makikita si Jen, kaya noong nakita niya ulit sa isang fastfood na kakain at andoon na siya, gumawa talaga s
Tinawagan ni Paul si Cris about sa suggestion ni Nadine. Si Cris naman ay kararating lang galing trabaho. Naligo muna siya at pupuntahan niya si Jen. Nadatnan niya doon si Jen na halos kararating lang galing trabaho din. Pag open pa lang ng pinto ni Jen ay hinalikan na nya ito. Hindi pa nga ito nakakabihis kaya nakurot na naman siya nito. "Ikaw talaga, parang hindi tayo nagkita ng isang buwan ah. Kakaalis mo lang dito noong isang araw eh" sabi ni Jen. "Eh anong gagawin, eh miss ko na agad ang mga labi mo eh." sabi ni Cris. Umupo si Jen sa sofa ng pabagsak at halatang pagod. "Mahal, mukhang pagod ka ah, gusto mo imassage kita?" paglalambing ni Cris. "Wag na, at masakit ka magmasahe eh" sabi ni Jen habang nakasandal sa upuan at nakapikit. "Eh lalambutan ko na lang, yun nga lang baka may ibang tumigas" pagbibiro ni Cris. "Iyun na nga sinasabi ko eh, kaya ayaw ko at iba na naman ang punta nun. Kunyari ipatatanggal mo na naman damit ko at lalagyan mo ng oil ang likod ko, tapos sa
Pagkaalis ni Victoria, pinapakiramdaman ni Paul si Nadine. Umupo ito sa tabi nya sa sofa. Samantalang si Mama Emily naman ang tumayo at may aasikasuhin daw muna sya. Inakbayan ni Paul si Nadine at tiningnan niya ito. Walang reaksyon ang mukha ni Nadine. Hindi mabasa ni Paul kung ano ang nasa isip nito. "Babe, sorry talaga. Akala ko kasi...." "Na ano? Anong akala mo? sabi naman ni Nadine, na parang may pinipigilan siyang sabihin pa. "Akala ko kasi, hindi na tayo magkakaayos, akala ko sa tuwing nakikita mo ako naaalala mo yung nakaraan natin. Na pakiramdam ko sa tuwing nakikita mo ako, paulit ulit ko sayong pinapaalala ang pananakit ko sayo dati. Pakiramdam ko na sa tuwing nakikita mo ako nasasaktan pa rin kita. Kaya minabuti ko na lang na lumayo." Mahinahon pero halos pabulong na lang na sabi ni Paul. "Kaya humanap ka ng 'hon'? tapos baka may 'mahal' pa na pupunta ulit dito, ano pa ba ang kulang? Sweetheart? Love? Darling? Sabihin mo na para hindi ako nabibigla" mahinang sabi