PAUL ZABALA VASQUEZ Ang bigat ng bawat hakbang ko palayo sa bahay ng pinakamamahal ko. Oo Nads mahal na mahal kita noon pa. Hindi mo lang alam kung gaano kabigat ang ginawa kong desisyon na iyon para layuan mo ako. Bawat kirot na nararamdaman mo. Doble sa nararamdaman ko. Mas pinili kong layuan mo ako ng mga panahong iyun, dahil paghinayaan lang kita sa mga ginagawa mo sa akin, baka hindi ako makapagpigil. Aray ko, may humampas pala sa likod ko habang naglalakad ako pauwe. Si lolo Digoy pala. "Bakit po lolo?" sabi ko. "Ano bang nangyayari sayong bata ka? Kanina pa kita kinakausap habang naglalakad ka, hindi mo man lang ako pinapansin. Parang wala kang nakikita at naririnig." Ani ni lolo. "Ay sorry po lolo, hindi nga po kita narinig." Sabi ko habang papasok na kami sa tarangkahan ng bahay namin, medyo nag aagaw na ang dilim at liwanag noon. "Tinatawag kita kasi kakain na tayo ng hapunan" sabi ni lolo. Medyo maaga kasi sila kumain ng hapunan. Ganito din talaga pag dito sa probinsya
Last Updated : 2024-12-28 Read more