Nads, pwede ba tayo mag usap?" Tiningnan lang siya ni Nadine at walang sinabi, habang balik sa pagbabasa ng nasa phone niya. Umupo sa tabi niya si Paul. "Asan nga pala si Cris at si Jen?" "Nasa tabing dagat namamasyal" sagot naman niya. "Nads , alam ko mahirap paniwalaan ang sinasabi ko, kung ayaw mong maniwala okay naiintindihan ko basta sana payagan mo akong makalapit sayo para mapatunayan sayo na seryoso ako sa mga sinasabi ko." Tiningnan lang ulit siya ni Nadine, at pinagpatuloy ang pagbabasa ng nasa phone niya. "Ahm, kahit sana ngayong gabi lang at wala man lang akong makausap dito" dagdag pa ni Paul. Saka nakaimik si Nadine nang "bakit kasi pumunta ka pa dito, alam mong mag isa ka lang." "Dahil sayo at gagawin ko ang lahat bumalik ka lang sa akin". "Bakit naging sayo ba ako dati?" "Oo, nagpromise ka sa akin noong bata pa tayo na ako lang ang papakasalan mo di ba?" Napatawa na si Nadine sa sinabi ni Paul. "Hahaha, para kang bata, bumenta naman yung joke mo
Last Updated : 2025-02-10 Read more