“Bakit ba ang kalat na naman ng apartment?” Dalawang araw lang akong nawala ay parang isang taon ng hindi nilinis ang buong kabahayan. Naiinis na ibinaba ko ang aking bag sa sofa at sinimulang damputin ang mga nagkalat na damit sa sahig. May ilang mga basyo din ng lata nang beer ang nagkalat sa sahig. At mula sa center table ay nandun pa ang mga ginamit na pinggan na nagsisimula ng mamaho. Napakarumi ng buong salas, at ito ang laging nadadatnan ko mula sa dalawang araw na bakasyon ko.
Tuwing Sabado at Linggo kasi ay umuwi ako sa amin sa Angeles upang makasama ko ang aking mga magulang. Bumabalik lang ako dito sa apartment tuwing Linggo ng hapon upang makapag-handa naman para sa pagpasok ko sa school kinabukasan. Pag-aari ni Denice ang apartment na ito, at dahil magkaibigan kami ay inalok niya ako na dito na mag-board sa kanyang apartment. Pumayag naman ang mommy nito, ngunit isa lang ang pakiusap sa akin ng mommy nito at iyon ay bantayan ang kilos ni Denice dahil may katigasan ang ulo ng kaibigan ko. Iyon ang kapalit ng libreng pagtirā ko sa apartment ng kanilang anak. “Masesermunan ko talaga ang babaeng iyon, napakarumi sa bahay.” Bumubulong ko pang sabi habang bitbit ang mga maruming damit na tumungo ng kwarto. Ngunit, pagdating ko sa nakabukas na pintuan ng silid ni Denice ay napatda ako sa aking kinatatayuan dahil tumambad sa ‘king paningin ang kaibigan kong hubo't-hubad! Nakapatong ito sa ibabaw ni Rhed habang patuloy na iginigiling nito ang kanyang balakang. Maging ang mga ito ay nagulat sa presensya ko kaya mabilis na hinila ni Denice ang kumot upang takpan ang kanilang mga katawan. “S-Sorry, hindi ko sinasadya!” Ito ang naibulalas ko bago mabilis na tumalikod. Hahakbang na sana ako paalis sa pintuan ng kwarto ni Denice ngunit mas lalong nanlaki ang aking mga mata. Kasabay ang paghampas ng matinding kabâ sa dibdib ko ng biglang bumukas ang pintuan ng bahay at iniluwa si tita Cynthia, ang ina ni Denice. “T-Tita!” Kunwaring natutuwa kong tawag sa bagong dating na Ginang, sinadya ko pang isigaw ang pagkakabigkas nito upang marinig ni Denice at Rhed mula sa loob ng silid. “S**t! Si Mommy!” Natataranta na sambit ni Denice. Nagmamadali itong umalis sa ibabaw ng lalaki at mabilis na binalot ng kumot ang kanyang katawan. Habang ang nobyo nito ay isa-isang dinampot ang kanyang mga damit na nagkalat sa kung saan. May pag-aatubili na lumapit ako kay Tita Cynthia at kunwa ay masayang nakipag beso-beso dito. “Biglaan yata ang pagdalaw mo tita, pasensya na kung magulo ang bahay, kararating ko lang kasi.” Medyo nahihiya ko pang sabi habang pasimple itong pinipihit patalikod sa direksyon ng kwarto. Napalunok ako ng wala sa oras, nang mula sa likuran ni tita ay nakita kong dumaan ang kapwa mga n*******d na si Denice at Rhed patungo sa silid na ginagamit ko. “Bakit parang namumutla ka yata, Louise, tell me, may hindi ka ba sinasabi sa akin?” Nagdududa na tanong nito sa akin kaya naman matamis akong ngumiti dito upang mapalis ang anumang mga pagdududa niya sa akin. “Ho? Wala po, ang totoo niyan ay nahihiya po ako sa inyo dahil masyadong makalat ang apartment. Minsan na nga lang po kayong dumalaw dito ito pa ang dadatnan nyo.” Medyo nahihiya kong sabi, may katotohanan naman ang mga sinabi ko dito, ngunit nakokonsensya ako dahil pinagtatakpan ko ang maling gawain ng kanyang anak. Malaki ang malasakit ko sa aking kaibigan na hindi naman nito ina-appreciate. Malaki ang pagkakaiba naming magkaibigan dahil ako ay hinubog ng aking mga magulang sa magagandang payo kaya maagang namulat ang kaisipan ko sa mga imoralidad na gawain dito sa mundo. Ugali ko ang gawing aral ang pagkakamali ng iba upang hindi ito mangyari sa akin. Pero ang kaibigan kong si Denice ay malayo ang katangian sa akin, dahil masyado siyang liberated. Mula siya sa isang mayaman na pamilya kaya ang lahat ng kanyang gusto ay madali niyang nakukuha. Pareho kaming nag-iisang anak, ngunit, ang klase ng pamumuhay ng aking pamilya ay nasa middle class society lamang. Sapagkat ang aking Ama ay isang simpleng empleyado ng isang kumpanya. Habang ang aking ina ay isang guro sa public school. Simple lang ang pamumuhay namin ngunit masaya naman ang aming pamilya. “Hindi mo kailangan na humingi ng sorry, Louise, kahit hindi mo sabihin sa akin ang tungkol dito ay aware na ako.” Anya habang iniikot ang tingin sa kabuuan ng apartment. “Kasalanan ko ang lahat ng ito, dahil mali ang pagpapalaki ko sa aking anak.” Malungkot na pahayag ni Tita Cynthia kaya mas lalo lang akong na konsensya. Naaawa na hinagod ko ang likod ni tita. Napalingon ako sa pintuan ng pumasok ang tatlong katulong. May bitbit ang mga ito ng gamit na panglinis. Sinimulan nilang iligpit ang mga maruruming pinggan, habang ang dalawa sa kanila ay nagwawalis at nagpupunas. Ngunit, nabahala ako ng makita ko ang isang katulong na patungo sa kwarto. Mabilis akong umalis sa tabi ni tita at lumapit sa katulong. Tapatan kasi ang pintuan ng mga kwarto namin ni Denice, at natatakot ako na baka ang buksan nitong kwarto ay ang silid ko. “Ito po ang kwarto ni Denice, huwag n’yo na pong linisan ang kwarto ko at nakakahiya naman.” Nakangiti kong wika habang nakatayo sa tapat ng pintuan ng aking silid. Ngunit, biglang nanlaki ang aking mga mata ng mula sa gilid ng kama ay nakita ko na nakasampay ang brief ng walanghiyang nobyo ni Denice. Parang kidlat sa bilis na nalampasan ko ang katulong at natataranta na dinampot ko ang isang damit bago pahagis na tinakpan ko ang underwear saka ko ito dinampot at pasimpleng isinilid sa aking bulsa. Nagtataka na tumingin sa akin ang kasambahay kaya naman nakangiwi ang mukha ko na ngumiti dito sabay sabing, “t-tutulungan na kitang maglinis.” Ani ko sabay kamot sa aking batok kahit hindi naman makati. Kahit pagod galing sa biyahe ay nakitulong na rin ako sa paglilinis ng bahay habang si Tita Cynthia ay tahimik lang na nakaupo sa salas at pilit na tinatawagan ang kanyang anak. “Saan ba nagpunta ang batang ‘yun? Ni hindi na matawagan ang cellphone nito.” Naiimbyerna na sabi ni tita, maya-maya ay tumayo na ito ng makitang nakatayo na ang tatlong katulong sa gilid nito dahil tapos na nilang linisin ang buong kabahayan. “So, paano Iha, aalis na ako, sabihin mo sa kaibigan mo na kapag hindi siya tumawag kaagad sa akin ay babawasan ko ang allowance n’ya.” Galit na sabi ni tita, halata sa ekspresyon ng kanyang mukha na mukhang nasagad na ang pasensya nito kay Denice. “Yes, tita, makakaasa po kayo na makakarating sa kanya ‘yan.” Magalang kong sagot, actually kahit hindi ko na sabihin ay batid ko na narinig naman ito ni Denice. Isang mabigat na buntong hininga ang aking pinakawalan ng tuluyang umalis ang ina ni Denice. Pakiramdam ko ay ngayon pa lang ako nakahinga ng maluwag. Mula sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko na lumabas mula sa aking silid ang dalawa at pinukol ko ang mga ito ng isang nakamamatay na tingin. “Best, thank you ha, at hindi mo ako ibinuking kay mommy.” Malumanay na wika ni Denice na tila balewala lang sa kanya ang galit na nakikita nito sa ‘king mukha. “Ayusin mo naman, Denice, pati ako ay nadadamay sa kalokohan n’yo! Nagawa ko pang magsinungaling para lang pagtakpan ang mga maling gawain n’yo. Hindi ka ba naaawa kay tita?” Masama ang loob ko habang sinasabi ko ang mga bagay na ito. Napakaswerte niya dahil binigyan siya ng kanyang mga magulang ng isang marangyang pamumuhay pero hindi ito pinahahalagahan ng kaibigan ko. Nanatiling tahimik lang si Denice habang ang nobyo nitong si Rhed ay tila walang pakialam sa kanyang paligid habang abala ito sa pagtatali ng sintas ng kanyang sapatos. Nagdadabog na tinalikuran ko na sila, ngunit pagdating sa pintuan ng aking silid ay natigil ako sa paghakbang na may maalala akong bigla. Naiinis na dinukot ko ang brief ng lalaking ito mula sa bulsa ng suot kong pantalon at marahas na ibinato ito sa direksyon ni Rhed. Sakto naman na nag-angat ito ng kanyang mukha kaya sa mukha nito tumama ang kanyang underwear. Pagkatapos kong gawin iyon ay pabagsak na isinarado ko ang pinto ng aking silid. Kailan ba matututo ang kaibigan kong ito na pahalagan ang mga bagay-bagay sa kanyang paligid? Lalo na ang sakripisyo ng kanyang mga magulang? Nakakalungkot mang isipin ngunit kung sino pa ang sagana sa karangyaan ay sila pa itong walang disiplina sa kanilang mga sarili. Habang ang mga taong salat sa buhay ay siya pang pilit na nagpapakabuti…”“M-Mommy….?” Sa pagmulat ng aking mga mata ang luhaang mukha ng aking ina ang tumambad sa aking paningin. “A-anak? Arthur! Si Louise nagisǐng na ang anak natin!” Natataranta na sabi ng aking ina at mabilis na pinindot nito ang red button sa bandang ulunan ko. Makikita ang matinding kasiyahan sa kanilang mga mukha habang patuloy na hinahaplos ng mainit na palad nito ang malambot kong pisngi. Naramdaman ko naman sa aking noo ang mariing pagdampi ng mga labi ng aking ama. Masasalamin sa kanilang mga mata ang labis na kagalakan. Inilibot ko ang aking mga mata sa kabuuan ng silid, wala akong ibang nakikita sa paligid kundi puting kisame at puting pader. Napako ang mga mata ko sa isang swero na nakakabit sa kanang kamay ko kaya nagtatanong ang mga mata na tumingin ako sa magandang mukha ng aking ina. Ngunit, sabay pa kaming lumingon ng aking mga magulang sa may pintuan ng pumasok sa loob ng silid ang tatlong nurse at isang doctor. Sinuri nila ang kalagayan ko at tinanong kung may masakit b
“Let’s go?” Nakangiting tanong ni Rhed ng makalapit siya sa amin, imbes na ngiti ang ibigay ko sa kanya ay isang nakamamatay na irap ang natanggap niya mula sa akin. Sanay naman na sa ugali ko ang lalaking ito dahil kahit anong pagsusungit ang gawin ko ay hindi pa rin nagbago ang pakikitungo niya sa akin. Isa sa kinaiinisan ko sa lalaking ito ay ang malagkit nitong mga titig kaya hindi ako kumportable sa presensya nito. Nagdadabog na sumakay ako sa passenger seat ng kotse ni Denice habang ang magnobyo ay sa driver seat naka pwesto. Pagkatapos ng ilang minuto ay nagtaka ako kung bakit lumampas na ang minamanehong kotse ni Rhed sa aming tirahan kaya naalarma ako at naiinis na hinarap ang mga ito. “Teka! Lumampas na ako.” Reklamo ko sa kanila at napatuwid na ako ng upo, ngunit ni hindi man lang inihinto ni Rhed ang sasakyan bagkus ay patuloy lang ito sa pagmamaneho. Nakangiti na humarap sa akin si Denice at pilit na pinapakalma ako nito. “May pupuntahan kaming party kaya sumama ka na
“Louise…” natigilan ako ng marinig ko na tinawag ako ng aking kaibigan kaya bigla kong naimulat ang aking mga mata. “Denice!” Natutuwa kong tawag at sinubukan kong bumangon. “ Hello po Tita, Kumusta ka? Okay na ang mga sugat mo?,” pagkatapos na bumati kay tita Cynthia ay nag-aalala na binalingan ko naman aking kaibigan. Ngunit nagtakâ ako dahil sa kakaibang awra nito ngyon lalo na ng malungkot siyang ngumiti sa akin. “Mom, pakiiwan muna kami ni Louise, kailangan lang naming mag-usap.” Utos nito sa kanyang ina sa seryosong tinig kaya bigla akong natahimik. “Masaya ako at walang masamang nangyari sayo, Louise. Sa nakikita ko ay maayos na ang kalagayan mo.” Ani ni Tita Cynthia, nakangiti man ito ngunit para sa akin ay walang buhay ang mga ngiting iyon. “Thank you Tita.” Isang marahang pagtango ang naging tugon ni tita bago siya tuluyang lumabas ng aking silid kaya nakatuon na ang attension ko kay Denice. “Ang sabi ng doctor ay maaari na raw akong lumabas ng hospital dahil konting pil
Pasig City Regional Trial court Branch 101… 10:30 am, araw ng Lunes, kasalukuyang nililitis ang nangyaring aksidente, isang linggo na ang nakaraan. “Sinasabi mo ba na inosente ka sa nangyaring aksidente tama ba, Ms. Melendez?” Patanong na wika ng abogado nang biktima kay Denice. “Opo.” Mahinahon na sagot naman nito habang nakatingin sa mga mata ng kanyang ina. “Kung ganun, maaari mo bang ituro sa hukumang ito kung sino ang nagmamaneho ng iyong sasakyan, noong araw na naganap ang aksidente?” Muling tanong ng abogado kay Denice. Nang dahil sa tanong na ‘yun ay nakaramdam ng matinding tensyon ang dalaga at ng lumingon siya sa direksyon ng kanyang kaibigan na si Louise ay napalunok siya ng wala sa oras. Pasimple niyang pinuno ng hangin ang kanyang dibdib at dahan-dahan itong pinakawalan. Hinawi niya ang sarili bago sumagot sa tanong ng abogado. “Opo, siya po.” Walang pag-aalinlangan na pahayag ni Denice sabay angat ng kanyang kamay sa ere. Itinutok niya ang hintuturo sa direksyon
“Ako, ako ang may hawak ng manibela nung araw na mangyari ang aksidenteng iyon.” Walang pag-aalinlangan na sagot ko sa tanong ng abogado. Halatang hindi inaasahan ng abogado ang naging sagot ko, at hindi iyon maikakaila ng ekspresyon na nakikita ko sa kanyang mukha. Samu’t-saring reaksyon ang nababasa ko sa mukha ng mga tao na nasa aking harapan, narun ang galit, inis, pagdududa, lungkot at higit sa lahat ay pagkamuhi. Sa kabila ng mga nanghahamak na tingin na natatanggap ko mula sa mga tao ay hindi nito natibâg ang katatagan ko na panindigan ang aking mga salita, at masasalamin iyon mula sa seryoso kong mukha. Sandaling katahimikan… “No, pakiusap anak, huwag mong gawin ito…” ang pagsusumamo ng aking ina ang siyang bumasag sa pananahimik ng lahat. Parang piniga ang puso ko ng matitigan ko ang luhaan nitong mukha habang paulit-ulit na umiiling ang ulo nito, tanda ng di pagsang-ayon sa naging pahayag ko. Mas pinili ko na ibaling na lang sa ibang direksyon ang aking tingin, dahil h
“Sabihin mo sa akin Denice, paano ako napunta sa driver seat? Bakit mo ginawa sa akin ‘yun!?” Nanggagalaiti kong tanong na kulang na lang ay sabunutan ko na ito dahil sa matinding galit na nararamdaman ko. Dalawang araw na ang lumipas ng magharap kami sa korte at ngayon lang ako nabigyang ng pagkakataon na makausap ito. “Huwag ka ng magalit sa akin Loui, huwag kang mag-alala, dahil sa oras na muling buksan ang kaso ay hindi na ako papayag na hindi pananagutan ni Rhed ang kanyang kasalanan. Ako mismo ang magdidiin sa lalaking ‘yun at wala na akong pakialam kahit pa makulong ako.” Naluluha niyang sagot habang ang mga mata nitong nakatingin sa akin ay tila nagmamakaawa. Sa totoo lang ay hindi ko na alam kung maniniwala pa ba ako sa kanya, dahil sa pangungunsinti nito sa maling ginawa ng kanyang nobyo. Maya-maya ay sabay pa kami na napalingon sa bumukas na pinto at pumasok ang ina nitong si Tita Cynthia na may madilim na ekspresyon sa mukha. “Nakita mo na ang pagiging iresponsable
“Mommy, anong nangyari dito?” Nagtataka kong tanong dahil napakagulo ng buong kabahayan, habang ang aking ina ay di magkandatuto sa pagsilid ng mga damit sa loob ng traveling bag. “Maghanda ka Louise aalis tayo ngayon din, parating na ang daddy mo.” Natataranta na sabi ni mommy kaya napako ako sa aking kinatatayuan. “Saan tayo pupunta, Mommy?” Naguguluhan kong tanong, kinakabahan ako dahil sa matinding tensyon na nararamdaman ng aking ina na para bang may labis itong kinatatakutan. “Huwag ka ng maraming tanong pa d’yan, ayusin mo na ang mga gamit mo. Piliin mo lang ang mga mahahalagang bagay.” Bulyaw niya sa akin kaya naman pati ako ay nahawaan na ng pagiging balisa ni mommy. Nagmamadali na pumasok ako sa loob ng aking silid at inilabas mula sa kabinet ang ilang mga pirasong damit. Pati ang ilang mga gamit ko sa school, maging ang ilang mga requirements na maaari kong magamit in the future. Wala akong ideya sa kung ano ba talaga ang nangyayari, kaya hindi ko alam kung ilang pir
13 Months later… “Mabilis ang bawat hakbang ng aking mga paa habang alerto ang pakiramdam ko sa paligid. Nakahinga lang ako ng maluwag ng nasa loob na ako nang aming tarangkahan. Sa araw-araw na ginawa ni Diyos ay laging ganito ang sitwasyon namin. Sa tuwing lalabas ako ng bahay ay ibayong takot ang nararamdaman ko. Simula ng umalis kami sa dati naming tinitirhan ay tuluyan ng naghirap ang pamilya ko. Kasalukuyan kaming naninirahan sa isang maliit na Nayon, malayo ito sa kabihasnan. Dito kami napadpad sa ilang beses naming pagtakas. Bigla na lang pumatak ang mga luha ko ng naisip ko na naman ang aming sitwasyon, dahil para kaming mga kriminal na nagtatago, gayung wala naman kaming mga kasalanan. At ang lahat ng iyon ay kasalanan ng pamilya ni Denice. Abot hanggang langit ang galit ko sa kanila na para bang gusto ko silang patayin. Nang dahil sa kagagawan nila pati ang mga magulang ko ay nagdurusa. Sinira nila ang payak at tahimik naming buhay. Simula ng manirahan kami dito sa