Share

Chapter 05

Pasig City Regional Trial court Branch 101…

10:30 am, araw ng Lunes ay kasalukuyang nililitis ang nangyaring aksidente, isang linggo na ang nakaraan.

“Sinasabi mo ba na inosente ka sa nangyaring aksidente tama ba, Ms. Melendez?” Patanong na wika ng abogado nang biktima kay Denice. “Opo.” Mahinahon na sagot naman nito habang nakatingin sa mga mata ng kanyang ina. “Kung ganun, maaari mo bang ituro sa hukumang ito kung sino ang nagmamaneho ng iyong sasakyan noong araw na naganap ang aksidente?” Muling tanong ng abogado kay Denice. Nang dahil sa tanong na ‘yun ay nakaramdam ng matinding tensyon ang dalaga at ng lumingon siya sa direksyon ng kanyang kaibigan na si Louise ay napalunok siya ng wala sa oras. Pasimple niyang pinuno ng hangin ang kanyang dibdib at dahan-dahan itong pinakawalan. Hinawi niya ang sarili bago sumagot sa tanong ng abogado.

“Opo, siya po.” Walang pag-aalinlangan na pahayag ni Denice sabay turo sa kaibigan niyang si Louise habang ito ay seryoso lang na nakatingin sa kanya. Kakat’wang nagawa pang makipag titigan ni Denice sa mga mata ng kanyang matalik na kaibigan. “Sinungaling! Hindi totoo ‘yan! Nagsisinungaling ka Denice, sabihin mo ang totoo.” Nanggagalaiti sa galit na pahayag ni Mrs. Melody Howard, dahil nasasaktan siya sa pagdiin nito sa kanyang anak. Mabilis na pinakalma ito ng kanyang asawa at nang kanilang abogado. Nagsimulang umugong ang ingay sa buong paligid, nang marinig ng lahat ang pagpukpok ng Judge sa kanyang gavel ay biglang natahimik ang lahat. “Proceed.” Ani ng Judge.

Nang tawagin sa unahan si Louise ay ibayong kabâ ang nararamdaman ng kanyang mga magulang ngunit naroon ang tiwala ng mga ito sa kanilang anak.

“Ms. Louise Howard, gaano mo katagal na kakilala si Ms. Denice Melendez?” Tanong ng kanyang abogado. Isang matamis na ngiti ang lumitaw sa mga labi ni Louise kaya natigilan ang lahat ng tao sa kanyang paligid. Dahil ang awra ng dalagita ay masyadong kalmado na parang walang ginawang kasalanan na tulad ng ibinibintang sa kanya. “I have known her since grade five. Classmate ko na siya mula grade five until now na third year college na kami.” Nakangiting sagot ni Louise, nahawa sa kanyang ngiti ang abogado kaya maging ito ay nakangiti rin habang marahang tumatango.

Muling nagtanong ang abogado kay Louise, “ano ang pagkakakilala mo kay Ms. Melendez?” Sa pangalawang tanong ng kanyang abogado ay seryoso na ang mukha nito. Diretso namang tumingin si Louise sa mga mata ng kanyang kaibigan bago matamis na ngumiti dito. Tila nakunsensya naman si Denice dahil nagbaba ito ng tingin na para bang hindi nito kayang makipag titigan sa kanya.

“She's a good and very supportive friends. There’s a lot of time na nagtutulungan kami sa mga problema namin specially when it comes to studies.” Diretsong sagot ni Louise, kampante itong sumagot dahil para sa kanya ay napakasimple lang ng tanong. Pagkatapos na magsalita ay lumipat sa mukha ng abogado ang kanyang tingin. “I see, ngayon, Ms. Howard, may isa akong katanungan at sana ay sagutin mo ito ng maayos na walang halong kasinungalingan. Sino ang nagmamaneho ng sasakyan ni Ms. Denice Mendez ng araw na mangyari ang aksidenteng iyon?” Seryoso ngunit may diin ang bawat pagbigkas ng abogado sa katanungan nito, sandaling katahimikan ang namayani sa loob ng trial court. Ang bawat isa ay kabado sa magiging sagot ni Louise.

Nang muling tumingin si Louise sa mga mata ni Denice ay naroon ang matinding pagsusumamo mula sa luhaan nitong mga mata. Maging ang ina nitong Si Cynthia ay tila nakikiusap rin sa kanya. Hindi ito naka ligtas sa matalas na pakiramdam ng ina niyang si Melody Howard dahil tila nahuhulaan na niya kung ano ang nangyayari sa pagitan ng pamilya ni Denice ng kanyang anak.

Nakaraan…

“Tell me, anong maitutulong ko sayo, Denice?” Alanganing tanong ni Louise kay Denice na kasalukuyang nakaluhod sa kanyang harapan. Lumunok muna ito upang alisin ang barâ sa kanyang lalamunan bago ito nagsalita. “Gusto kong aminin mo sa lahat na ikaw ang nagmamaneho ng kotse ko noong araw na mangyari ang aksidenteng iyon, Louise.” Matatag na pahayag ni Denice na labis na ikinagimbal ni Louise. “What!?” No! No! Hindi ko magagawa ang nais mong mangyari Denice! Batid nating pareho na ang nobyo mong si Rhed ang nag-da-drive ng sasakyan ng araw na ‘yun! Kamuntikan na nga tayong mamatay ng dahil sa walang kwentang lalaki na ‘yun! Tapos ngayon ay handa ka pa ring pagtakpan s’ya? Pasensya na, pero hindi ko kayang gawin ang nais mong mangyari!” Galit na sagot ni Louise, ang mga mata nito ay kakikitaan mo ng matinding pagkamuhi para sa nobyo ng kanyang kaibigan.

“Louise, alam mo na hindi lang si Rhed ang may hawak ng manibela ng mga oras na ‘yun. Tinakot ako ng pamilya n’ya na sa oras na siya ang ituro ko ay sisiguraduhin nila na kasama akong mabubulok sa loob ng kulungan!” Umiiyak na paliwanag ni Denice. Hindi makapaniwala si Louise sa kanyang mga narinig dahil sagad sa buto ang sama ng ugali ng lalaking iyon. Matitiis nito na makulong ang kanyang mag-ina dahil lang sa pagiging makasarili nito!?

“Alam ba ni Rhed na buntis ka?” Seryosong tanong ni Louise na sinagot naman nito ng isang marahang pagtango habang patuloy itong umiiyak. “Hayop s’ya, napaka walang kwenta niyang tao!” Galit na turan ni Louise.

“Sa oras na akuin mo ang lahat, ay maaaring mabalewala ang kaso dahil minor de edad ka pa lang. At pagkatapos ng anim na buwan, sa pagtuntun mo sa tamang edad ay kukuha si Mommy ng magaling na abogado. Pero sa pagkakataong iyon ay aaminin ko na sa lahat na kaming dalawa ni Rhed ang nagmamaneho ng sasakyan. Handa kong gawin ang bagay na ‘yun Louise, dahil sigurado ako na bago pa lumabas ang hatol ng korte ay nai-panganak ko na ang anak ko.”

Kasalukuyang sitwasyon….

“Ako, ako ang may hawak ng manibela nung araw na mangyari ang aksidenteng iyon.” Walang pag-aalinlangan na pahayag ng Louise na labis na kinabigla ng abogado nito. Bagsak ang mga balikat ng abugado at ang ekspresyon ng mukha nito ay kakikitaan mo ng matinding disappointment. Nanlaki ang mga mata ni Mrs. Howard dahil sa walang takot na pag-amin ng kanyang anak. Halos mamutla ang mukha nito habang paulit-ulit sa kanyang isipan ang mga katagang,”No, Louise! Hindi mo alam ang ginagawa mo…”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status