Share

Chapter 12

Tumigil ang mga kamay ko na may hawak na kumot sa tapat ng dibdib ni Mr. Thompson ng biglang bumukas ang pinto ng silid. Napatayo ako ng tuwid habang ang dalawa kong kamay ay napahawak sa laylayan ng suot kong duster. Kinabahan ako ng pumasok ang isang magandang babae.

Tulad ni Mrs. Thompson, ang awra nito ay naghuhumiyaw sa karangyaan. Katunayan ang mga alahas niyang kumikinang na bumagay sa makinis at maputi nitong balat.

Ngunit ang higit na umagaw ng atensyon ko ay ang mga mata nitong nanlilisik sa galit, parang gusto na ako nitong patayin. Nalipat ang tingin ko sa bandang likuran ng babae ng biglang lumitaw ang matapang na mukha ni Mrs. Thompson.

“Tita, why did you let her stay here!?” Mataray at maarteng tanong ng babae bago nito pinasadahan ng tingin ang kabuuan ko mula ulo hanggang paa at paa hanggang ulo. Ewan ko ba, ngunit ang nakikita kong ekspresyon mula sa mukha nito ay tila inggit at pagkamuhi.

“You don’t have to worry, Iha, she’s a piece of garbage na kailangan
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status