Share

Chapter 19

Author: Dragon88@
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56
“Wear this.” Seryosong utos sa akin ni Mr. Alistair ngunit nanatili lang ako sa aking kinatatayuan habang nakatitig sa kanyang mukha.

Marahil ay napansin niya na nakatulala lang ako sa kanya kaya nagpakawala muna siya ng isang marahas na buntong hininga bago muling nagsalita.

“What?” Kunot noo nitong tanong sa matigas na tinig, napakasuplado ng dating nito ngunit para sa akin ay ito ang dahilan kung bakit mas lalong tumingkad ang taglay nitong kagwapuhan. Pagkatapos na magtanong ay mataman niyang tinitigan ang mukha ko.

“O-Okay ka lang?” Nag-aalala kong tanong sa kanya dahil kagigising lang nito kaya sigurado ako na makakasamâ para sa kanya ang labis na paggalaw. Pagkatapos kong tanggapin ang t-shirt na ibinigay niya sa akin ay nagmamadali akong tumalikod at kaagad itong isinuot bago muling humarap sa kanya.

Napansin ko na natigilan siya sa naging tanong ko na tila nahulog ito sa malalim na pag-iisip. Mula pa kanina ay hindi na niya tinatanggal ang mga mata mula sa pagkakatiti
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • DESPERATE MOVE   Chapter 20

    NAKARAAN… Halos ma-patay na ni Alistair ang pinsan niyang si Marco, dahil sa walang humpay na pagsuntok sa mukha nito. Walang nagawa si Donita kundi ang patuloy na magmakaawa dito habang ang puso niya ay nababalot ng matinding kilabot dahil sa nagwawalang binata. Maya-maya ay hinihingal na tumigil si Alistair, dumura pa ito sa gilid bago nagsalita. “Do you think it's that easy to deceive me? Huh? You messed with the wrong person. This isn't over yet; I'm just getting started. I will crush you until you kneel before me." Ito ang matinding banta ni Alistair na naghatid ng matinding takot sa buong pagkatao ni Donita. Ang mga mata ni Alistair ay nagliliyab sa matinding galit, at tila nangangako ng matinding panganib para sa kanilang mga buhay. Batid ni Donita na napakadaling gawin iyon ng kanyang fianceé dahil sa yaman at kapangyarihan na taglay ng pamilya nito. Si Alistair ang binansagang the beast ng buong bansa dahil para itong halimaw sa kasakiman pagdating sa negosyo. Buko

  • DESPERATE MOVE   Chapter 21

    NAKARAAN… “Naalimpungatan ako dahil sa banayad na mga haplos sa aking katawan. Ang kamay na iyon ay tila kilala ng aking katawan, dahil ang bawat dantay ng malambot at mainit na palad nito ay nag-iiwan ng tila apoy sa aking balat. Pinilit kong igalaw ang aking katawan ngunit pakiramdam ko ay naging paralisado na yata ito. Marahil ay dahil sa tagal na pagkakahimlay ko sa higaan. Ilang sandali pa ay nakaramdam ako ng patutôl ng lumayo ang mainit na palad sa aking balat. Parang gusto ko itong habulin danang nga lang ay hindi ko maigalaw ang aking katawan. Maya-maya ay hindi ko na maramdaman ang presensya ng babae, hanggang sa narinig ko na bumukas sara ang pintuan ng banyo. Sinamantala ko ang pagkakataon at dahan-dahan na i-ginalaw ang aking mga daliri na kalaunan ay maging ang mga braso ko ay maayos ko na ring naigagalaw. Susubukan ko na sanang bumangon, ngunit muling bumukas ang pintuan ng banyo kaya nagpanggap ako na wala pa ring malay. Narinig ko ang isang ingay mula sa ba

  • DESPERATE MOVE   Chapter 22

    “It’s almost ten thirty na ng gabi ngunit dilat pa rin ang aking mga mata. Halos hindi ako mapakali sa aking kinatatayuan at hindi ko na rin mabilang sa daliri kung ilang beses na ba akong nag paro’t-parito ng lakad habang kagat ang isang daliri ko. Ilang araw na kasi akong nakakulong dito sa loob ng silid at hindi ko na alam kung paano pang makakalabas dito. Noong araw na dalhin ako ni ginoong Alistair sa loob ng silid na ‘to ay iyon din ang huling araw na nagpakita siya sa akin. Gusto ko ng umuwi at makasama ang aking mga magulang. Para sa akin ay wala ng dahilan pa na manatili ako dito. Batid ko na alam ni Mr. Thompson ang totoong nangyari ngunit bakit kailangan pa niya akong ikulong dito? Paano ko pa mapapatunayan na inosente ako kung mananatili ako sa apat na sulok ng silid na ito.“Click!” Bigla ang ginawa kong paglingon sa pintuan ng marinig ko ang tunog ng seradura tanda na may pumihit dito mula sa labas. Hindi ko maintindihan kung bakit tila kakaiba ang simoy ng hangin ngayo

  • DESPERATE MOVE   Chapter 23

    “N-No… p-pakiusap, ginoong Alistair, huwag mong gawin sa akin ‘to.” Nangangatal na ang mga labi ko sa pagsasalita habang patuloy sa pag-atras ang aking mga paa. “Oh, come on, Luise, ilang araw na kitang pinagbigyan, I think panahon na ako naman ang pagbigyan mo. Do your duty as my wife.” Seryoso niyang saad kaya mas lalo akong naguluhan. Ano ba ang sinasabi ng lalaking ito? Wife? Paano kami naging mag-asawa gayung sa tanang buhay ko ay never pa akong ikinasal. Ni wala nga akong naging boyfriend since birth dahil ang buong atensyon ko ay nakatuon lang sa aking pag-aaral. Siraulo ba s’ya? Nagtatanong ang mga mata na tumitig ako sa kanyang mga mata bakas sa mukha ko ang labis na pagkalito. Napasinghap ako ng tuluyan siyang nakalapit sa akin kaya lalong lumakas ang panginginig ng aking katawan. Napaigtad pa ako ng simulang haplusin ng mga kamay nito ang aking balat saka idinikit ang kanyang sarili sa aking katawan. Naninindig ang lahat ng balahibo ko sa buong katawan ng maramdaman

  • DESPERATE MOVE   Chapter 24

    Marahang bumukas ang aking mga mata, at tanging puting kisame ang tumambad sa aking paningin. Ibinaling ko ang tingin sa nakabukas na bintana habang ang puting kurtina nito ay bahagyang inililipad ng sariwang hangin. Maaliwalas ang panahon at napakapayapa ng kapaligiran sa labas ngunit para sa akin ay walang buhay ang mga ito. Pagkatapos sa labas ng bintana ay lumipat ang tingin ko sa magulong kama na aking kinahihigaan. Wala na si Mr. Alistair at tanging ang bakanteng bahagi ng kama ang aking nagisnan. Nanghihina na bumangon ako at hubo’t-hubad na humakbang papasok sa loob ng banyo. Kusang nalaglag ang mga luha ko sa mata ng makita ko ang maraming pasa sa buong katawan ko. May ilang mga marka pa ng kagat na makikita sa balat ko. Nanginginig ang mga kamay na pinahid ko ang aking mga luha habang humahakbang papasok sa loob ng shower room. Tahimik na tumayo ako sa tapat ng dutsa at hinayaang dumaloy ang malamig na tubig sa ‘king kahubdan. Napangiwi pa ang mukha ko ng subukan

  • DESPERATE MOVE   Chapter 25

    “Halos namumula na ang isang kamay ko dahil sa walang tigil na pagpigâ ko dito, kanina pa ako balisâ sa aking kinauupuan at halos pigil ko na rin ang aking paghinga. Sinikap kong kontrolin ang matinding tensyon na nararamdaman ko at kumilos ng normal sa harap ni Mr. Alistair. Subalit halos mabingi naman ako sa lakas ng kabôg nang dibdib ko. Lalo na ng humimpil ang minamanehong kotse ni Mr. Alistair sa tapat ng Munisipyo. Tahimik kong pinagmasdan ang bawat kilos niya mula sa pagkalas nito sa kanyang seatbelt, maging ang pagbaba niya ng sasakyan. Seryoso ang ekspresyon ng kanyang mukha habang natatakpan ng itim na salamin ang kanyang mga mata. Umikot siya sa tapat ko upang pagbuksan ako ng pintuan. Kung kailan nabuksan na niya ang pinto ay saka ko lang naalala na hindi ko pa pala nakakalas ang aking seatbelt. Nanginginig ang mga kamay na pinindot ko ang kabitan ng seatbelt habang naghihintay si Mr. Alistair sa tapat ko. May pag-aatubili na bumaba ako, ngunit pagtapak ng mga

  • DESPERATE MOVE   Chapter 26

    Muli kaming bumalik sa Munisipyo at ngayon ay nagaganap ang pirmahan ng marriage contract sa harap mismo ng isang Judge. Nang matapos ang huling linya ng aking pangalan ay tila ito na rin ang huling maliligayang araw ko. Paano pa ako makakawala mula sa mga kamay ng lalaking ito gayung tuluyan na akong nakatali sa kanya. Isang mapusok na halik ang iginawad sa akin ni Mr. Alistair pagkatapos naming pirmahan ang marriage contract, at ngayon ay legal na kaming mag-asawa. “Wait me here may ibibilin lang ako sa aking assistant bago tayo umuwi.” Paalam niya sa akin habang hinihimas ng isang kamay nito ang aking balakang. Kung umakto siya sa harap ng lahat ay parang normal lang ang mga nagaganap sa pagitan naming dalawa na kung iyong susuriin ay tila walang nangyaring pwersahan. Sa tuwing nasa tabi ko ang lalaking ito ay parang nasasakal ako at halos hindi na ako makahinga dahil sa matinding takot sa kanyang presensya. Nang wala na sa tabi ko ang aking asawa ay mabilis na lumipat ang tingin

  • DESPERATE MOVE   Chapter 27

    Parang pinitpit na luya ang itsura ni Louise habang tahimik na kumakain sa tabi ng kanyang asawa, kapwa sila tahimik at tanging mga tunog ng kubyertos ang maririnig sa loob ng dining room. Maging ang mga katulong ay nanatili lang sa kanilang mga kinatatayuan, kikilos lang ang mga ito kung kinakailangan na pagsilbihan ang kanilang mga amo. “I will pick you up at around six in the evening. We need to buy some clothes you'll wear for the party. The company's anniversary will be held here, so you need to look presentable in everyone's eyes as my wife.” Natigil sa pagsubo ng kanyang pagkain si Louise ng marinig ang naging pahayag ng kanyang asawa. Pasimple niyang pinuno ng hangin ang kanyang dibdib na tila ba nag-iipon ng lakas ng loob at ilang sagundo ang lumipas bago niya ito pinakawalan. “P-pwede ko bang dalawin ang mga magulang ko?” Taliwas ang naging sagot ko sa sinabi ng aking asawa kaya naudlot ang akmang paghigop sana nito sa hawak niyang tasa na may lamang mainit na kape. “Nag

Pinakabagong kabanata

  • DESPERATE MOVE   Chapter 95 Author’s Note

    Sa mga tumangkilik at tatangkilik pa lang ng kwentong DESPERATE MOVE, MARAMING3x salamat po. Kung ang iba man sa inyo ay hindi nasiyahan sa aking mga gawa, lubos akong humihingi ng malawak na pang-unawa dahil ito lang po ang nakayanan ko. Sa mga hindi po nakakaalam na ang book-6 ng Hiltons family ay kasalukuyan ng ongoing, baka sakaling magustuhan ninyo ang kwento ni Andrade Quiller Hilton at Maurine Kai Ramirez. ( The CEO’s Sudden Childs) Pakiadd na lang po sa inyong mga library ang mga kwentong inyong magugustuhan. Don’t Mess With Me The Billionaire’s Conquer My Heart Behind Her Innocence I’m yours Kapag Ako Ay Nagmahal Love Between The Words Kung hindi man po kalabisan, malaking tulong na rin po sa akin ang pagbibigay ng inyong komento sa page ng DESPERATE MOVE. MARAMING3X SALAMAT PO!

  • DESPERATE MOVE   Chapter 94

    “Naalimpungatan ako dahil sa mabigat na nakadagan sa aking dibdib. Kahit hindi ko na imulat ang aking mga mata ay kilala ko na kung sino ang taong nakayakap sa akin. Pumihit ako patalikod dito. Saka ko pa lang iminulat ang aking mga mata ng alam ko na hindi ko na makikita ang mukha nito. Subalit hindi ko inaasahan ng kabigin niya ang katawan ko palapit sa kanya at mas humigpit pa ang pagkakayakap niya sa akin. Napalunok ako ng wala sa oras ng mas idiniin pa niya ang pagkalalaki sa pagitan ng aking pang-upo. Isang buwan ang mabilis na lumipas simula ng magmakaawa ako sa kanya, pero wala namang nangyari. Dahil ang magaling na lalaking ito ay dito rin umuwi sa bahay ng mga magulang ko. Hindi rin nasunod ang gusto ko, isang araw lang ang pinalipas nito at nagulat na lang kami ng dumating ang limang katulong. Bitbit ng mga ito ang gamit ng aking asawa na parang akala mo ay wala ng balak bumalik pa ng mansion. “Alistair.” Naiinis kong tawag dito, dahil nagsisimula ng maglumikot ang mga

  • DESPERATE MOVE   Chapter 93

    “Maingat ang bawat kilos ko habang inaayos ang aking mga gamit dahil ngayong araw ay nakatakda na ang paglabas ko ng hospital. Sa totoo lang ay natatakot na akong kumilos dahil ayokong mawala sa akin ang aking anak. Tila nagkaroon ako trauma dahil sa nangyari noong gabing iyon. Hindi ko nakontrol ang galit ko kaya tuluyan na akong sumabog.Ilang araw akong na-confine dito sa hospital at mabuti na lang ay pinayagan ako ng doktor na sa bahay na lang magpagaling. Huminto ang mga kamay ko sa paglalagay ng mga importanteng gamit sa bag ng makarinig ako ng ilang mga yabag mula aking likuran. Hanggang sa pumulupot sa ilalim ng dibdib ko ang dalawang malaking braso ng aking asawa. kasunod ang pagbaon ng mukha nito sa pagitan ng leeg ko. Tumigas ang ekspresyon ng mukha ko, at pasimple kong pinuno ng hangin ang aking dibdib. Upang pawiin ang tensyon na nagsisimulang kumalat sa buong sistema ko. Oo, mahal ko ang asawa ko, pero simula ng malagay sa bingit ng kamatayan ang buhay ng aking anak

  • DESPERATE MOVE   Chapter 92

    “Ma’am, Ms. Denice Melendez was here.” Pagbibigay alam ni secretary Josie, habang ako ay nanatili sa bungad ng pintuan. “Papasukin mo.” Narinig kong sagot ni Mrs. Thompson. Nang makalabas na ang sekretarya nito ay saka palang ako humakbang papasok sa loob ng opisina. “Yes, Denice, ano ang kailangan mo?” Seryoso niyang tanong, halatang hindi nito gusto ang aking presensya. “Naparito ako upang kausapin ka at humingi ng tawad.” “Bakit ka hihingi ng tawad sa akin?” Seryosong tanong ni Mrs. Thompson. Isang malungkot na ngiti ang lumitaw sa mga labi ko. “Pakiusap, itigil mo na ang hindi magandang pagtrato sa kaibigan ko.” Seryoso kong sagot, umangat ang sulok ng kanyang bibig, kasabay nito ang pagtaas ng kaliwang kilay nito. “Which friend are you talking about? Felma? Oh, she's already in jail.” Mataray na sagot nito sa akin. Subalit, labis na nagulat ito ng lumuhod ako sa kanyang harapan, at kita ko kung paano itong mataranta. “Stand up, Denice! Hindi ako Diyos para luh

  • DESPERATE MOVE   Chapter 91

    Tulala at tila wala sa kanyang sarili ng datnan ni Denice ang kaibigan niyang si Louise, habang nakasandal ang likod nito sa head board ng hospital bed. Tila piniga ang puso niya at matinding pagkahabag ang nararamdaman niya para sa kaibigan. Ni halos hindi man lang nito naramdaman ang kanyang pagdating. Hanggang sa tuluyan siyang nakalapit sa kama na kinauupuan ni Louise ay nanatili lang itong nakatitig sa labas ng bintana. Tahimik na umupo si Denice sa gilid ng kama saka naluluha na dinampot niya ang kamay ng kanyang kaibigan. Naisip niya, sadyang kay laki na ng kanilang pinagbago. Nawala na ang dating sigla at kainosente nito sa lahat ng bagay. Nagugunita pa niya noong mga panahon ng kanilang kabataan. Wala itong ibang inisip kundi ang matulungan siya sa kanyang pag-aaral para sabay nilang matapos ang kursong Abogasya. Aminado si Denice na simula ng magkahiwalay sila ni Louise ay malaki ang naging epekto nito sa kanyang pag-aaral. Wala na kasing nanenermon sa kanya

  • DESPERATE MOVE   Chapter 90

    “Masaya ako dahil naging maayos na ang lahat sa amin ni Denice, nag kapatawaran na kami. Marahil hindi na tulad ng dati ang relasyon namin sa isa’t-isa dahil may lamat na ito. Pero, naniniwala ako na hindi pa naman huli ang lahat para makapag simula kaming muli. Ang pinakamahirap na maibalik sa lahat ay ang tiwala. Maybe I trust her, subalit hindi na tulad ng tiwala na binigay ko sa kanya noon. Ang lahat kasi ng bagay ay may limitasyon, at kailangan ay hindi lalampas sa limitasyong iyon ang tiwala na ibibigay ko sa kaibigan ko. Para kung sakali na maulit ang mga nangyari sa aming dalawa ay hindi na nito maapektuhan ang buhay ko. Mabigat ang mga paa na bumaba ako ng sasakyan. Sa dami ng trabaho ko sa maghapon ay kulang na lang bibigay na ang utak ko kaya ramdam ito ng katawan ko. Pagtuntong ng isang paa ko sa unang baitang ng hagdan dito sa pintuan ng Mansion ay narinig ko na kaagad ang malakas na boses ng aking biyenan. Simula ng matalo ito sa kaso at napatunayan ko n

  • DESPERATE MOVE   Chapter 89

    “Ahhhhh!” Crash! Nilamon ng malakas na sigaw ni Felma ang buong silid ng kanyang opisina. Malakas niyang ibinato ang nameplate na nakapatong sa ibabaw ng kanyang lamesa. Nabasag sa sahig ang babasaging nameplate kung saan ay nakaukit ang kanyang pangalan. “How dare you ruin my career!? Papatayin kita Louise! I swear, mapapatay talaga kita!” Halos mapatid ang kanyang mga litid dahil sa malakas na pagkakasigaw niya sa mga salitang ito. Habang sa kanyang isipan ay paulit-ulit na minura niya ang babae na siyang naging dahilan ng unti-unti niyang pagbagsak. Hindi niya alam kung paanong mabilis na kumalat sa social media ang tungkol sa kinakaharap niyang problema. At ngayon ay pinuputakti siya ng publiko.Lampasan ang tingin sa salaming pader ng kanyang opisina habang nakatitig sa kawalan. Dahil sa pagkakasiwalat ni Louise mula sa mga taong nadehado ng kanyang mga project, maging ang mga kontrata na hindi dumaan sa maayos na proseso ay marami ang nagalit sa kanya. Dumagdag pa ang galit

  • DESPERATE MOVE   Chapter 88

    “Will the jury foreperson, please stand. Has the jury reached a unanimous verdict?” “Yes, your honor.” Narinig kong sagot ng Jury sa tanong ni Judge Cabrahim. Kahit na hu-hulaan ko na ang magiging hatol ng korte ay hindi ko pa rin maiwasan na kabahan. Kasalukuyan kaming nandito ngayon sa loob ng trial court upang pakinggan ang magiging hatol sa akin ng hukuman. Napangiti ako ng pisilin ni Alistair ang kanang kamay ko. Wari moy nais nitong sabihin na okay lang ang lahat at hindi mo na kailangan pang mangamba. Isang matamis na ngiti ang naging tugon ko sa kanya bago inilipat ang tingin sa aming paligid. Sa kabilang panig ng silid ay nakatayo ang aking biyenan habang sa unahan nito ay ang kanyang mga abogado. Sa bandang likuran nito ay si Felma na tahimik lang sa kanyang kinatatayuan. Kapansin-pansin na hindi nagpapansinan ang dalawa. Nawala na ang dating closeness ng mga ito, malayo na rin sila sa isa’t-isa na di tulad ng dati na mukha silang mag-ina dahil lagi silang magk

  • DESPERATE MOVE   Chapter 87

    “Atty. Thompson, maaari mo bang sabhin sa amin kung paanong napunta sayo ang kopya ng kontrata gayong pribadong pag-aari ito ng biktima. Isa kang abogado at alam mo na pwede kang kasuhan ng Contract Trespass.” Nagpatuloy ang hearing at ngayon ay inuusig na ako ng abogado ni Mamâ. “I’m aware about that, at handa akong harapin ang anumang consequences ng mga naging hakbang ko. Nang huling araw na nagpunta ako sa opisina ng aking biyenan ay aksidente kong nakita ang confidential folder na naglalaman ng kontrata. I was there to court my mother in-law, para maayos na ang conflict sa pagitan naming dalawa hindi para lasunin siya. I have a valid reason kung bakit kailangan kong gawin ang bagay na ‘yun. Kahit ilang beses man akong isuka ng aking biyenan ay hindi na nito mababago ang reyalidad na isa kaming pamilya. She’s not my enemy here, I am fighting for the sake of my family.” Matatag kong pahayag bago diretsong tumitig sa mga mata ng abogado. Marahil ay nabasa nito sa

DMCA.com Protection Status