“N-No… p-pakiusap, ginoong Alistair, huwag mong gawin sa akin ‘to.” Nangangatal na ang mga labi ko sa pagsasalita habang patuloy sa pag-atras ang aking mga paa. “Oh, come on, Luise, ilang araw na kitang pinagbigyan, I think panahon na ako naman ang pagbigyan mo. Do your duty as my wife.” Seryoso niyang saad kaya mas lalo akong naguluhan. Ano ba ang sinasabi ng lalaking ito? Wife? Paano kami naging mag-asawa gayung sa tanang buhay ko ay never pa akong ikinasal. Ni wala nga akong naging boyfriend since birth dahil ang buong atensyon ko ay nakatuon lang sa aking pag-aaral. Siraulo ba s’ya? Nagtatanong ang mga mata na tumitig ako sa kanyang mga mata bakas sa mukha ko ang labis na pagkalito. Napasinghap ako ng tuluyan siyang nakalapit sa akin kaya lalong lumakas ang panginginig ng aking katawan. Napaigtad pa ako ng simulang haplusin ng mga kamay nito ang aking balat saka idinikit ang kanyang sarili sa aking katawan. Naninindig ang lahat ng balahibo ko sa buong katawan ng maramdaman
Marahang bumukas ang aking mga mata, at tanging puting kisame ang tumambad sa aking paningin. Ibinaling ko ang tingin sa nakabukas na bintana habang ang puting kurtina nito ay bahagyang inililipad ng sariwang hangin. Maaliwalas ang panahon at napakapayapa ng kapaligiran sa labas ngunit para sa akin ay walang buhay ang mga ito. Pagkatapos sa labas ng bintana ay lumipat ang tingin ko sa magulong kama na aking kinahihigaan. Wala na si Mr. Alistair at tanging ang bakanteng bahagi ng kama ang aking nagisnan. Nanghihina na bumangon ako at hubo’t-hubad na humakbang papasok sa loob ng banyo. Kusang nalaglag ang mga luha ko sa mata ng makita ko ang maraming pasa sa buong katawan ko. May ilang mga marka pa ng kagat na makikita sa balat ko. Nanginginig ang mga kamay na pinahid ko ang aking mga luha habang humahakbang papasok sa loob ng shower room. Tahimik na tumayo ako sa tapat ng dutsa at hinayaang dumaloy ang malamig na tubig sa ‘king kahubdan. Napangiwi pa ang mukha ko ng subukan
“Halos namumula na ang isang kamay ko dahil sa walang tigil na pagpigâ ko dito, kanina pa ako balisâ sa aking kinauupuan at halos pigil ko na rin ang aking paghinga. Sinikap kong kontrolin ang matinding tensyon na nararamdaman ko at kumilos ng normal sa harap ni Mr. Alistair. Subalit halos mabingi naman ako sa lakas ng kabôg nang dibdib ko. Lalo na ng humimpil ang minamanehong kotse ni Mr. Alistair sa tapat ng Munisipyo. Tahimik kong pinagmasdan ang bawat kilos niya mula sa pagkalas nito sa kanyang seatbelt, maging ang pagbaba niya ng sasakyan. Seryoso ang ekspresyon ng kanyang mukha habang natatakpan ng itim na salamin ang kanyang mga mata. Umikot siya sa tapat ko upang pagbuksan ako ng pintuan. Kung kailan nabuksan na niya ang pinto ay saka ko lang naalala na hindi ko pa pala nakakalas ang aking seatbelt. Nanginginig ang mga kamay na pinindot ko ang kabitan ng seatbelt habang naghihintay si Mr. Alistair sa tapat ko. May pag-aatubili na bumaba ako, ngunit pagtapak ng mga
Muli kaming bumalik sa Munisipyo at ngayon ay nagaganap ang pirmahan ng marriage contract sa harap mismo ng isang Judge. Nang matapos ang huling linya ng aking pangalan ay tila ito na rin ang huling maliligayang araw ko. Paano pa ako makakawala mula sa mga kamay ng lalaking ito gayung tuluyan na akong nakatali sa kanya. Isang mapusok na halik ang iginawad sa akin ni Mr. Alistair pagkatapos naming pirmahan ang marriage contract, at ngayon ay legal na kaming mag-asawa. “Wait me here may ibibilin lang ako sa aking assistant bago tayo umuwi.” Paalam niya sa akin habang hinihimas ng isang kamay nito ang aking balakang. Kung umakto siya sa harap ng lahat ay parang normal lang ang mga nagaganap sa pagitan naming dalawa na kung iyong susuriin ay tila walang nangyaring pwersahan. Sa tuwing nasa tabi ko ang lalaking ito ay parang nasasakal ako at halos hindi na ako makahinga dahil sa matinding takot sa kanyang presensya. Nang wala na sa tabi ko ang aking asawa ay mabilis na lumipat ang tingin
Parang pinitpit na luya ang itsura ni Louise habang tahimik na kumakain sa tabi ng kanyang asawa, kapwa sila tahimik at tanging mga tunog ng kubyertos ang maririnig sa loob ng dining room. Maging ang mga katulong ay nanatili lang sa kanilang mga kinatatayuan, kikilos lang ang mga ito kung kinakailangan na pagsilbihan ang kanilang mga amo. “I will pick you up at around six in the evening. We need to buy some clothes you'll wear for the party. The company's anniversary will be held here, so you need to look presentable in everyone's eyes as my wife.” Natigil sa pagsubo ng kanyang pagkain si Louise ng marinig ang naging pahayag ng kanyang asawa. Pasimple niyang pinuno ng hangin ang kanyang dibdib na tila ba nag-iipon ng lakas ng loob at ilang sagundo ang lumipas bago niya ito pinakawalan. “P-pwede ko bang dalawin ang mga magulang ko?” Taliwas ang naging sagot ko sa sinabi ng aking asawa kaya naudlot ang akmang paghigop sana nito sa hawak niyang tasa na may lamang mainit na kape. “Nag
Malungkot na pinasadahan ko ng tingin ang aking kabuuan mula sa malaking salamin na nasa aking harapan. Kung wala lang ako sa ganitong sitwasyon marahil ay matatuwa ako sa aking mga nakikita. Noon ay pangarap ko na magkaroon ng mamahaling gamit ngunit dahil sa payak lang ang aming pamumuhay ay nakuntento na lang ako sa kung ano ang kayang ibigay ng aking mga magulang. Pinagkakasya ko na lang ang aking sarili na pagmasdan ang mga kaibigan at kaklase ko na nakakapag suot ng mga mamahalin at branded na damit. Nagkakaroon lang ako ng mga branded na gamit sa tuwing nireregaluhan ako ni Denice ngunit ang lahat ng iyon ay may kapalit. Ako ang gumagawa ng kanyang mga project at maging ang kanyang mga reviewer sa tuwing may exam. Ngayon ko lang naisip na sadya pa lang ang lahat ng bagay na nababalot ng ginto ay hindi totoo. Dahil sa kabila ng mga mamahaling gamit na nasa paligid ko ay hindi ako masaya. Hindi ko kailangan ang yaman ng aking asawa dahil kailanman ay hindi maibabalik ng pera ni
“Para akong estatwa na nanatili lang sa aking kinatatayuan habang nakamasid sa bawat kilos ni Denice at ni Rhed. Marahil ay hindi napansin ng mga ito ang aking presensya dahil abalâ sila sa kanilang paglalambingan. Gusto ko silang sugurin at pagsasampalin ang kanilang mga mukha ngunit may bahagi ng utak ang humahadlang at sinasabi nito na hindi nila deserve ‘yun. Kung iyong susuriin mula sa mamahalin nilang kasuotan at sa maaliwalas na bukas ng kanilang mga mukha ay masasabi mong namumuhay ang mga ito sa karangyaan na walang bahid ng anumang isipin o problema.Nilamon ng matinding poot ang puso ko at sa unang pagkakataon ay parang hindi ko na kilala ang aking sarili dahil walang ibang tumatakbo sa utak ko kundi ang isang dalangin na sana ay mamatay na ang mga taong ito. Paano nila nagagawang matulog ng mahimbing sa gabi habang ako ay nagdurusa dahil sa tinakbuhan nilang kasalanan. Nilinlang ako ng mga taong ito at ginamit para maisalba ang kanilang mga sarili. “Mga hayop!” Ito ang t
“Gusto ko sanang sumabay sayo na maglunch, okay lang ba kung pupunta ako sa opisina mo para hatiran ka ng pagkain?” May halong lambing na tanong ko sa kanya, bago ko inilock ang pinakahuling butones ng kanyang polo at saka dinampot ang itim na kurbata upang isuot ito sa kanyang leeg. Sinusubukan ko na kumilos ng normal sa kanyang harapan na walang halong pagkukunwari. Matamang tumitig sa aking mukha ang kanyang mga mata na wari moy inaarok kung ano talaga ang tumatakbo sa utak ko. Aminado ako na medyo kinabahan ako sa ginawa ng aking asawa kaya lihim akong napalunok. Hindi kasi ako sanay na magsinungaling kaya mahirap para sa akin ang ginagawa kong ito. Narinig ko na nagpakawala siya ng isang mabigat na buntong hininga bago ngumiti sa akin, “Yeah, sure.” Tipid niyang sagot saka bumaba ang mukha nito upang hagkan ako sa labi na kaagad ko namang tinugon ng isang banayad na halik. Sa araw-araw na magkasama kami dito sa loob ng mansion ay unti-unti na akong nasanay sa presensya ng akin