Muli kaming bumalik sa Munisipyo at ngayon ay nagaganap ang pirmahan ng marriage contract sa harap mismo ng isang Judge. Nang matapos ang huling linya ng aking pangalan ay tila ito na rin ang huling maliligayang araw ko. Paano pa ako makakawala mula sa mga kamay ng lalaking ito gayung tuluyan na akong nakatali sa kanya. Isang mapusok na halik ang iginawad sa akin ni Mr. Alistair pagkatapos naming pirmahan ang marriage contract, at ngayon ay legal na kaming mag-asawa. “Wait me here may ibibilin lang ako sa aking assistant bago tayo umuwi.” Paalam niya sa akin habang hinihimas ng isang kamay nito ang aking balakang. Kung umakto siya sa harap ng lahat ay parang normal lang ang mga nagaganap sa pagitan naming dalawa na kung iyong susuriin ay tila walang nangyaring pwersahan. Sa tuwing nasa tabi ko ang lalaking ito ay parang nasasakal ako at halos hindi na ako makahinga dahil sa matinding takot sa kanyang presensya. Nang wala na sa tabi ko ang aking asawa ay mabilis na lumipat ang tingin
Parang pinitpit na luya ang itsura ni Louise habang tahimik na kumakain sa tabi ng kanyang asawa, kapwa sila tahimik at tanging mga tunog ng kubyertos ang maririnig sa loob ng dining room. Maging ang mga katulong ay nanatili lang sa kanilang mga kinatatayuan, kikilos lang ang mga ito kung kinakailangan na pagsilbihan ang kanilang mga amo. “I will pick you up at around six in the evening. We need to buy some clothes you'll wear for the party. The company's anniversary will be held here, so you need to look presentable in everyone's eyes as my wife.” Natigil sa pagsubo ng kanyang pagkain si Louise ng marinig ang naging pahayag ng kanyang asawa. Pasimple niyang pinuno ng hangin ang kanyang dibdib na tila ba nag-iipon ng lakas ng loob at ilang sagundo ang lumipas bago niya ito pinakawalan. “P-pwede ko bang dalawin ang mga magulang ko?” Taliwas ang naging sagot ko sa sinabi ng aking asawa kaya naudlot ang akmang paghigop sana nito sa hawak niyang tasa na may lamang mainit na kape. “Nag
Malungkot na pinasadahan ko ng tingin ang aking kabuuan mula sa malaking salamin na nasa aking harapan. Kung wala lang ako sa ganitong sitwasyon marahil ay matatuwa ako sa aking mga nakikita. Noon ay pangarap ko na magkaroon ng mamahaling gamit ngunit dahil sa payak lang ang aming pamumuhay ay nakuntento na lang ako sa kung ano ang kayang ibigay ng aking mga magulang. Pinagkakasya ko na lang ang aking sarili na pagmasdan ang mga kaibigan at kaklase ko na nakakapag suot ng mga mamahalin at branded na damit. Nagkakaroon lang ako ng mga branded na gamit sa tuwing nireregaluhan ako ni Denice ngunit ang lahat ng iyon ay may kapalit. Ako ang gumagawa ng kanyang mga project at maging ang kanyang mga reviewer sa tuwing may exam. Ngayon ko lang naisip na sadya pa lang ang lahat ng bagay na nababalot ng ginto ay hindi totoo. Dahil sa kabila ng mga mamahaling gamit na nasa paligid ko ay hindi ako masaya. Hindi ko kailangan ang yaman ng aking asawa dahil kailanman ay hindi maibabalik ng pera ni
“Para akong estatwa na nanatili lang sa aking kinatatayuan habang nakamasid sa bawat kilos ni Denice at ni Rhed. Marahil ay hindi napansin ng mga ito ang aking presensya dahil abalâ sila sa kanilang paglalambingan. Gusto ko silang sugurin at pagsasampalin ang kanilang mga mukha ngunit may bahagi ng utak ang humahadlang at sinasabi nito na hindi nila deserve ‘yun. Kung iyong susuriin mula sa mamahalin nilang kasuotan at sa maaliwalas na bukas ng kanilang mga mukha ay masasabi mong namumuhay ang mga ito sa karangyaan na walang bahid ng anumang isipin o problema.Nilamon ng matinding poot ang puso ko at sa unang pagkakataon ay parang hindi ko na kilala ang aking sarili dahil walang ibang tumatakbo sa utak ko kundi ang isang dalangin na sana ay mamatay na ang mga taong ito. Paano nila nagagawang matulog ng mahimbing sa gabi habang ako ay nagdurusa dahil sa tinakbuhan nilang kasalanan. Nilinlang ako ng mga taong ito at ginamit para maisalba ang kanilang mga sarili. “Mga hayop!” Ito ang t
“Gusto ko sanang sumabay sayo na maglunch, okay lang ba kung pupunta ako sa opisina mo para hatiran ka ng pagkain?” May halong lambing na tanong ko sa kanya, bago ko inilock ang pinakahuling butones ng kanyang polo at saka dinampot ang itim na kurbata upang isuot ito sa kanyang leeg. Sinusubukan ko na kumilos ng normal sa kanyang harapan na walang halong pagkukunwari. Matamang tumitig sa aking mukha ang kanyang mga mata na wari moy inaarok kung ano talaga ang tumatakbo sa utak ko. Aminado ako na medyo kinabahan ako sa ginawa ng aking asawa kaya lihim akong napalunok. Hindi kasi ako sanay na magsinungaling kaya mahirap para sa akin ang ginagawa kong ito. Narinig ko na nagpakawala siya ng isang mabigat na buntong hininga bago ngumiti sa akin, “Yeah, sure.” Tipid niyang sagot saka bumaba ang mukha nito upang hagkan ako sa labi na kaagad ko namang tinugon ng isang banayad na halik. Sa araw-araw na magkasama kami dito sa loob ng mansion ay unti-unti na akong nasanay sa presensya ng akin
May ilang hakbang pa lang ang layo ko mula sa pintuan ay kaagad ng binuksan ng tauhan ni Alistair ang pinto ng opisina. Diretso akong pumasok sa loob ng opisina ng aking asawa at nadatnan ko siya na nakatutok ang buong atensyon sa screen ng kanyang laptop. Ni hindi man lang ito nag-angat ng mukha para sulyapan ako kahit alam naman nito na nasa harapan na niya ako. Tahimik na lumapit ako sa center table at ibinaba ang hawak kong bag na may lamang lunch box. Lihim akong humanga sa ganda at lawak ng opisina nito. Para ka na ring nasa isang bahay dahil may sala set pa at mukhang mamahalin ang mga sofa nito. Masyadong elegante ang ayos ng opisina at masasabi ko na ang lahat ng bagay ay nasa tamang ayos. Pinuno ko muna ng hangin ang aking dibdib bago magdesisyon na humarap sa aking asawa upang asikasuhin ito. Subalit sa pagpihit ng aking katawan paharap sa direksyon ng aking asawa ay nagulat ako at kulang na lang ay mapatalon sa aking kinatatayuan. Sumalubong sa akin ang madilim na mukha n
Mabilis akong bumangon at halos takbuhin ko na ang banyo, pagdating sa loob ay nagmamadali na lumapit ako sa inidoro at doon ay sumuka kahit wala naman akong maisuka. Inabot ako ng ilang minuto bago unti-unting kumalma ang aking pakiramdam. Umayos ako ng tayo at kinuha ang toothpaste at toothbrush, saka nag toothbrush ng aking mga ngipin bago naghilamos. Nahulog ako sa malalim na pag-iisip, dahil sumagi sa isip ko ang dalawang buwan na pagka delay ng menstruation ko. Pinag-aralan namin ito noon kaya aware ako sa posibilidad na nangyayari sa akin. Malakas ang hinala ko na buntis ako at maaaring nagbunga ang unang gabi na panggagahasa sa akin. Nanlumo ako ng maisip ko ang bagay na ‘yun at kasabay nito ang pagbalong ng mga luha mula sa aking mga mata. Pinahid ko ang aking mga luha gamit ang likod ng palad ko bago pumihit paharap sa aking likuran. Napatda ako ng sumalubong sa akin ang seryosong mukha ng aking asawa habang ang kanyang mga mata ay wari moy nagtatanong na nakatingin sa
"Ms. Zakin, can you explain to this court how the suspect, Mr. Zelliam, was able to freely enter the victim Mr. Matthew's house?" Seryosong tanong ko sa witness na si Ms. Zakin, tanging ito lang ang witness sa nangyaring krimen ngunit kalaunan ay itinuring na rin ito na may personal interest sa nangyaring krimen mula sa tahanan ng yumaong si Mr. Matthew, dalawang buwan na ang nakalipas. Unang napansin ko ay ang mabilis na pagsulyap ni Ms. Zakin sa direksyon ng kanyang among babae. Ito ang huling hearing ng kaso ni Mr. Matthew at sadyang ibayong kabâ ang nararamdaman ng bawat isa sa amin. "Ms. Zakin, answer my question. Everyone needs to know what really happened the night the victim was killed. What happened on the Saturday before the victim, Mr. Matthew, died?" Seryoso, ngunit makapangyarihan kong tanong habang diretsong nakatitig sa kanyang mga mata at mabilis na binabasa ang bawat ekspresyon ng kanyang mukha. Kasinungalingan, pagpapanggap, pag-ako at matinding takot, ilan lamang