May ilang hakbang pa lang ang layo ko mula sa pintuan ay kaagad ng binuksan ng tauhan ni Alistair ang pinto ng opisina. Diretso akong pumasok sa loob ng opisina ng aking asawa at nadatnan ko siya na nakatutok ang buong atensyon sa screen ng kanyang laptop. Ni hindi man lang ito nag-angat ng mukha para sulyapan ako kahit alam naman nito na nasa harapan na niya ako. Tahimik na lumapit ako sa center table at ibinaba ang hawak kong bag na may lamang lunch box. Lihim akong humanga sa ganda at lawak ng opisina nito. Para ka na ring nasa isang bahay dahil may sala set pa at mukhang mamahalin ang mga sofa nito. Masyadong elegante ang ayos ng opisina at masasabi ko na ang lahat ng bagay ay nasa tamang ayos. Pinuno ko muna ng hangin ang aking dibdib bago magdesisyon na humarap sa aking asawa upang asikasuhin ito. Subalit sa pagpihit ng aking katawan paharap sa direksyon ng aking asawa ay nagulat ako at kulang na lang ay mapatalon sa aking kinatatayuan. Sumalubong sa akin ang madilim na mukha n
Mabilis akong bumangon at halos takbuhin ko na ang banyo, pagdating sa loob ay nagmamadali na lumapit ako sa inidoro at doon ay sumuka kahit wala naman akong maisuka. Inabot ako ng ilang minuto bago unti-unting kumalma ang aking pakiramdam. Umayos ako ng tayo at kinuha ang toothpaste at toothbrush, saka nag toothbrush ng aking mga ngipin bago naghilamos. Nahulog ako sa malalim na pag-iisip, dahil sumagi sa isip ko ang dalawang buwan na pagka delay ng menstruation ko. Pinag-aralan namin ito noon kaya aware ako sa posibilidad na nangyayari sa akin. Malakas ang hinala ko na buntis ako at maaaring nagbunga ang unang gabi na panggagahasa sa akin. Nanlumo ako ng maisip ko ang bagay na ‘yun at kasabay nito ang pagbalong ng mga luha mula sa aking mga mata. Pinahid ko ang aking mga luha gamit ang likod ng palad ko bago pumihit paharap sa aking likuran. Napatda ako ng sumalubong sa akin ang seryosong mukha ng aking asawa habang ang kanyang mga mata ay wari moy nagtatanong na nakatingin sa
"Ms. Zakin, can you explain to this court how the suspect, Mr. Zelliam, was able to freely enter the victim Mr. Matthew's house?" Seryosong tanong ko sa witness na si Ms. Zakin, tanging ito lang ang witness sa nangyaring krimen ngunit kalaunan ay itinuring na rin ito na may personal interest sa nangyaring krimen mula sa tahanan ng yumaong si Mr. Matthew, dalawang buwan na ang nakalipas. Unang napansin ko ay ang mabilis na pagsulyap ni Ms. Zakin sa direksyon ng kanyang among babae. Ito ang huling hearing ng kaso ni Mr. Matthew at sadyang ibayong kabâ ang nararamdaman ng bawat isa sa amin. "Ms. Zakin, answer my question. Everyone needs to know what really happened the night the victim was killed. What happened on the Saturday before the victim, Mr. Matthew, died?" Seryoso, ngunit makapangyarihan kong tanong habang diretsong nakatitig sa kanyang mga mata at mabilis na binabasa ang bawat ekspresyon ng kanyang mukha. Kasinungalingan, pagpapanggap, pag-ako at matinding takot, ilan lamang
Louise Point of view“Pigil ko ang aking hininga habang nakikiramdam sa bawat kilos ng kanyang katawan. Mahigpit niya akong niyakap habang ipinagdidiinan ang kanyang matambok na kargada sa aking pang-upo. Alam ko kung ano ang nais niyang ipahiwatig dahil madalas niya itong ginagawa sa akin sa tuwing dadalaw siya dito sa Canada.“H-Honey, biglaan yata ang pagpunta mo dito, hindi ka man lang nagpasabi na darating ka p-para n-nasundo sana k-kita…” kandautal pa ako sa pagsasalita dahil kasalukuyang nilalamas ng kanang kamay niya ang kaliwang dibdib ko habang pinaglalaruan ng mga daliri nito ang aking utong. “Really? Pero iba ang sinasabi ng katawan mo honey, until now ay natatakot ka pa rin ba sa akin?” Mahinang bulong niya sa tapat ng tenga ko habang sinisinghot pataas ang balat ko. Dahil sa ginawa niya ay nanindig ang lahat ng balahibo ko sa buong katawan. Magkasunod na paglunok ang ginawa ko habang pilit na kinakalma ang aking sarili upang maiwasan ang panginginig ng aking katawan. Is
“Mommy!” Naalimpungatan ako ng marinig ko ang malakas na sigaw ng aking mga anak. Sa pagmulat ng aking mga mata ay sumalubong sa aking paningin ang tatlong anak ko na nag-uunahan na makapasok sa loob ng silid naming mag-asawa. Isang matamis na ngiti ang lumitaw sa mga labi ko at nagmamadaling bumangon habang kipkip ang kumot sa tapat ng dibdib ko.Nang kumilos ako ay naalimpungat si Alistair at mabilis na bumangon din ito habang nakatitig sa mga bata, halatang inaantok pa rin ito ngunit kalaunan ay lumapad ang ngiti sa mga labi ng aking asawa ng masilayan niya ang mukha ng aming mga anak na puro lalaki. Kaagad na inabot ko ang aking roba na nakatupi sa gilid ng kama at may pagmamadali na isinuot ito. Wala kasi akong saplot sa katawan. Samantalang si Alistair ay tanging puting brief lang ang suot nito kaya nakahantad ang maskulado nitong katawan. “My sons!” Sabik na bigkas ni Alistair habang nakalahad sa ere ang mga braso nito. Ngunit natigil sa paghakbang ang aking mga anak habang na
“Five thirty ng hapon ng lumapag ang private plane sa Manila International Airport. Diretso lang ang tingin ko sa unahan ng aming nilalakaran habang karga ang bunso kong anak. Komportable naman ako sa suot kong mahabang puting bestida na hanggang talampakan ang haba. Kahit maluwang ang laylayan ng damit na ‘to ay bagsak naman ang malambot nitong tela kaya halos hakab pa rin itong tingnan at sunod sa bawat kumpas ng aking katawan ang bestidang ito. Habang sa tabi ko ay ang aking asawa na naka-casual attire ngunit kagalang-galang pa rin itong tingnan.Paglabas namin ng airport ay nagulat ako ng sumalubong sa amin ang napakaraming reporter na tila sadyang kami ang hinihintay ng mga ito. Mabuti na lang ay may suot akong malaking shades kaya kahit papaano ay maikukubli ko ang aking mukha. Nagtataka na lumingon ako sa aking asawa ngunit hindi na ako nito pinansin dahil ang kanyang atensyon ay nasa media na walang humpay ang pagkuha ng mga litrato sa aming mag-asawa. Mabilis kong kinabig an
“N-No… Mom, nagbalik s’ya, nagbalik si Louise…” nahintakutan na saad ni Denice habang nakatitig ang nanlalaki niyang mga mata sa malaking flat screen ng TV na nasa kanilang salas. Samantala, nanatili lang na tahimik si Mrs. Cynthia ngunit ang mga mata nito ay nakatutok sa mukha ng babaeng kasalukuyang pinagkaguluhan ng mga media. “Attorney Thompson, sa tingin mo ba ay kaya mong ipanalo ang kasong ito? At hindi ka ba natatakot na malagay sa alanganin ang buhay mo?” Seryosong tanong ng reporter kay Louise ngunit mas lalong napako ang tingin ng mag-ina sa mukha ng lalaking nasa tabi nito na naka suot ng mamahaling suit habang ang mga mata ay natatakpan ng mamahalin sunglasses. “Of course we will, at bakit ako matatakot? May mas nakakatakot pa ba sa asawa ko?” Puno ng confindence na sagot ni Louise habang nakapaskil ang isang tipid na ngiti mula sa malarosas nitong mga labi. Natawa ang lahat dahil sa kanyang tinuran maging ang asawa nito na nakayakap ang isang braso sa maliit niyang
Naka-corporate attire at nakasukbit naman sa kanang braso ni Denice ang latest design ng isang mamahaling bag habang taas noo na naglalakad papasok sa loob ng isang mamahaling Chinese restaurant. Halos hindi mapigilan ng mga tao sa loob ng restaurant ang lumingon sa kanyang direksyon at ang mga mata ng lahat ay kakikitaan mo ng paghanga. Nagdiwang ang kalooban ni Denice dahil sa atensyon na nakukuha niya mula sa mga tao sa kanyang paligid. Kaya naman mas lalong tumaas ang kumpiyansa niya sa kanyang sarili na para bang ang mga paa nito ay nakalutang sa alapaap. Isang matamis na ngiti ang lumitaw sa kanyang mga labi ng makita niya na kumakaway ang isang Ginang mula sa isang lamesa na nasa dulong bahagi ng restaurant. Hindi nawawala ang magandang ngiti sa kanyang mga labi hanggang sa nakalapit na siya sa pwesto ng kanyang kliyente. "Hi, Mrs. Celiz. Finally, I had the opportunity to meet a beautiful lady like you.” Magalang na bati ni Denice sa malambing na tono na may kalakip na papu