“Nervous?” Pagkapatapos na maghilamos ay natigilan si Denice ng marinig niya mula sa kanyang likuran na nagsalita si Louise. Mabilis siyang nag-angat ng mukha at nanlilisik sa galit na tumitig siya sa salamin. Sumalubong sa kanyang mga mata ang matapang na mukha ni Louise habang nakapaskil sa sulok ng bibig nito ang nang-uuyam na ngiti.Pak!” Isang malakas na sampal ang gumimbal kay Denice mula kay Louise ng pumihit siya paharap dito. Kasalukuyan silang nasa loob ng restroom. Hindi alam ni Denice na sinundan pala siya ni Louise. Nanlalaki ang mga mata na nag-angat ng mukha si Denice at wala sa sarili na tumitig siya sa mukha ni Louise habang sapo ng kanyang palad ang nasaktang pisngi. Madilim ang ekspresyon ng mukha ni Louise na para bang gusto na siya nitong patayin. Nakadama ng matinding takot si Denice kaya paulit-ulit na kumurap ang kanyang mga mata. “Now tell me, bakit mo ako trinaidor? Wala akong maalala na ginawa kong kasalanan sayo Denice!” Matigas kong tanong sa kanya habang
Halos pigil ko na ang aking hininga habang hawak ang serradura ng pinto. Isang marahas na buntong hininga ang aking pinakawalan bago ako nagdesisyon na pihitin ito at tuluyang pumasok sa loob ng silid naming mag-asawa. Ang madilim na silid ang sumalubong sa aking paningin, at tanging ang matamlay na liwanag ng buwan ang nagsisilibing ilaw ng buong silid. Nakabibinging katahimikan ang nangingibabaw habang inililibot ko ang aking mga mata hanggang sa napako ang tingin ko sa likod ng aking asawa. Kasalukuyan siyang nakatayo sa pintuan ng beranda, nakapamewang ito at abalâ sa pakikipag-usap mula sa cellphone na nasa tapat ng kanyang tenga. Madilim na ang paligid sa labas at tanging ang tunog ng mga kulisap ang maririnig, habang sa magkabilang gilid ng aking asawa ay inililipad ng panggabing hangin ang manipis na puting kurtina. Ramdam ko ang matinding pressure sa awra ng aking asawa at batid ko na ang pananahimik nito ay nagbabadya ng panganib para sa aking kaligtasan. Dahan-dahan kong
Five star hotel and restaurant… “Oh my, I’m sorry, hindi ko sinasadya, Miss.” ani ni Rhed ng mabangga niya ang isang babae mula sa kanyang likuran. Abalâ kasi siya sa pakikipag-usap sa kanyang cellphone kaya hindi niya ito napansin. Mabuti na lang at mabilis niyang nahawakan ang braso nito bago pa man ito bumagsak sa sahig. Labis na namangha si Rhed ng masilayan niya ang magandang hubog ng katawan ng babae. Kaya hindi niya pinalampas ang pagkakataon masusi niyang pinagmasdan ito mula sa dulo ng kulay kremang sapatos nito. Maging ang bawat anggulo ng suot nitong hapit na minidress at nagtagal pa ang mga mata niya sa malusog nitong dibdib. Halos sabay na nag-angat ng mukha ang dalawa at ganun na lang ang gulat ni Rhed ng matitigan niya ang mukha ng babae. “L-Louise?” Base sa reaksyon ng mukha ni Rhed, akala mo’y nakakita ito ng multo. Saglit siyang natulala sa magandang mukha ni Louise. Hindi siya makapaniwala na ito na ngayon si Louise, dahil para sa kanya ay higit itong gumanda ku
“Tell me, sino ang lalaking ‘yun, Louise?” Ito kaagad ang tanong sa akin ni Alistair at ramdam ko na pinagdududahan pa rin ako nito. Hindi na kami nakakain pa ng dinner, dahil pagkatapos ng mga nangyari sa restaurant ay dito na kami dumiretso sa kanyang opisina.Lumambot ang ekspresyon ng mukha ko at nagsimula ng lumuha ang aking mga mata. Hindi ko pinansin ang galit nito bagkus ay isang malungkot na ngiti ang lumitaw sa mga labi ko habang diretsong nakatitig sa kanyang mga mata. Parang may sariling isip ang mga paa ko dahil kusa itong humakbang palapit sa kinatatayuan ng aking asawa. Nang nasa tapat na ako nito ay maingat na niyakap ko ang kanyang katawan tila sa mga bisig nito nakasumpong ng kakampi.“Siya ang lalaking sumira ng buhay ko, marahil ay hindi mo na naalala pero siya ang nagmamaneho ng sasakyan noong araw na naaksidente tayo.” Mababa ang tinig ko habang nagsasalita ngunit ramdam mo ang matinding emosyon na bumabalot sa aking katawan. Marahil ay naramdaman ni Alistair ku
Blag! Gulat na napalingon si Denice sa may pintuan ng kanyang silid ng padabog na bumukas ang pinto. Tumambad sa kanya ang mukha ng kanyang asawa na halatang balisâ at halata sa hilatsa ng mukha nito na labis itong nababahala. “Huh? Himala? Mukhang napaaga yata ang uwi mo ngayon? Bakit? Hindi ka ba pinadali ni kumare kaya mainit ang ulo mo ngayon!?” Nang-uuyam na tanong ni Denice sa kanyang asawa, ngunit nanatiling seryoso ang ekspresyon ng mukha nito na para bang wala itong narinig. Patuloy sa paghakbang ang mga paa ni Rhed hanggang sa huminto mismo ito sa tapat ng kanyang asawa. Tumigas ang ekspresyon ng mukha ni Denice ng marahas na haklitin ni Rhed ang kanyang braso. “Tell me? Alam mo na asawa ni Louise si Mr. Thompson, Right?” Matigas na tanong ni Rhed na tila nanggigigil, gahibla na lang ang layo ng mukha nito sa mukha ni Louise. “Why? Scared?” Nang-aasar na tanong ni Denice habang pinanatili nito ang nang-uuyam na ngiti sa kanyang mga labi. “Huwag mong ubusin ang ang p
Mula sa malawak na mansion ng mga Thompson ay kasalukuyang nagaganap ang isang magarbong kasiyahan. Halos nandito ang lahat ng mga empleyado ng kumpanya ng mga Thompson. Maging ang mga business partner ng kanilang pamilya ay hindi nagpahuli at halatang pinaghandaan ng mga ito ang naturang okasyon. Kasalukuyang ipinagdiriwang ng lahat ang anibersaryo ng kumpanya at masaya sila dahil sa ilang dekada na itong namamayagpag. Eleganteng tingnan ang venue sa ng party dahil sa simple ngunit high class na pagkakaayos ng lahat. Ang lahat ay pawang mga nakasuot ng kaswal na damit ngunit makikita mula sa pinong galaw ng mga bisita ang mataas na antas ng pamumuhay ng mga ito sa buhay. Pumailanlang ang isang malamyos na tugtugin sa buong paligid habang ang mga tao ay masayang nagkukwentuhan. Hindi magkandamayaw ang mga waiter na nagkalat sa paligid habang bitbit ang kanilang mga tray na may laman na iba’t-ibang klase ng alak. “Attention please, Excuse me everyone, sandaling puputulin ko muna
“Walang pagsidlan ang kasiyahan ko ng mga oras na ito, dahil ngayon ay nakatayo ako sa harap ng maraming tao. Kung noon ay panlilibak at nang uusig na tingin ang natatanggap ko mula sa ibang tao? Ngayon, puno ng paghanga na may kasamang paggalang ang ibinibigay nila sa akin. Pakiramdam ko ay para akong nasa isang mataas na pedestrian at tinitingala ng lahat. Ganun pa man, hindi pa rin ako kuntento sa atensyon na natatanggap ko. Sapagkat batid ko na ang lahat ng ito ay dahil sa aking asawa. “We would like to extend our heartfelt gratitude to everyone who attended and participated in our special occasion. Ang presensya ng bawat isa sa inyo ang dahilan upang maging matagumpay ang selebrasyong ito. We deeply appreciate your time and support for us. Sa ilang dekada na lumipas ay mas tumibay pa ang ating samahan, dahilan kung bakit higit na lumago ang kumpanya. However, it is no secret that this event is more significant than the previous company celebrations. This time, this celebration
Ang kasiyahan ng mga tao ay sumasabay sa saliw ng malamyos na musika. Walang humpay na kwentuhan na may kasamang tawanan mula sa mga bisita na labis na nagagalak. Habang ang mag-asawang Alistair at Louise ay abalâ sa pakikipag-usap sa ibang mga bisita. Nanatili ang magandang ngiti sa mga labi ni Louise at napaka pino rin niyang kumilos na naaayon lamang sa kanyang sitwasyon. Hindi maikakaila na kaya niyang makipagsabayan sa mga bigating bisita. Kung noon, sa tuwing nakakasalamuha niya ang mga mayayamang tao ay nanliliit siya sa kanyang sarili? Subalit ngayon, taas noo niya itong hinaharap na parang ang tingin niya sa mga ito ay mga ordinaryong tao lamang. “Mrs. Thompson, ikinagagalak ko na makadaupang palad ka. Mukhang napakaswerte ko yata ngayong gabi.” Nakangiting bati sa akin ng may edad na lalaki, nababasa ko mula sa kanyang mukha na may kailangan siya sa akin. Kaaalis lang ni Alistair sa tabi ko, dahil nagpaalam ito na ka-kausapin lang niya ang kanyang mga ka-business partner