Share

Chapter 36

“Five thirty ng hapon ng lumapag ang private plane sa Manila International Airport.

Diretso lang ang tingin ko sa unahan ng aming nilalakaran habang karga ang bunso kong anak. Komportable naman ako sa suot kong mahabang puting bestida na hanggang talampakan ang haba. Kahit maluwang ang laylayan ng damit na ‘to ay bagsak naman ang malambot nitong tela kaya halos hakab pa rin itong tingnan at sunod sa bawat kumpas ng aking katawan ang bestidang ito. Habang sa tabi ko ay ang aking asawa na naka-casual attire ngunit kagalang-galang pa rin itong tingnan.

Paglabas namin ng airport ay nagulat ako ng sumalubong sa amin ang napakaraming reporter na tila sadyang kami ang hinihintay ng mga ito. Mabuti na lang ay may suot akong malaking shades kaya kahit papaano ay maikukubli ko ang aking mukha. Nagtataka na lumingon ako sa aking asawa ngunit hindi na ako nito pinansin dahil ang kanyang atensyon ay nasa media na walang humpay ang pagkuha ng mga litrato sa aming mag-asawa. Mabilis kong kinabig an
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status