Blag! Gulat na napalingon si Denice sa may pintuan ng kanyang silid ng padabog na bumukas ang pinto. Tumambad sa kanya ang mukha ng kanyang asawa na halatang balisâ at halata sa hilatsa ng mukha nito na labis itong nababahala. “Huh? Himala? Mukhang napaaga yata ang uwi mo ngayon? Bakit? Hindi ka ba pinadali ni kumare kaya mainit ang ulo mo ngayon!?” Nang-uuyam na tanong ni Denice sa kanyang asawa, ngunit nanatiling seryoso ang ekspresyon ng mukha nito na para bang wala itong narinig. Patuloy sa paghakbang ang mga paa ni Rhed hanggang sa huminto mismo ito sa tapat ng kanyang asawa. Tumigas ang ekspresyon ng mukha ni Denice ng marahas na haklitin ni Rhed ang kanyang braso. “Tell me? Alam mo na asawa ni Louise si Mr. Thompson, Right?” Matigas na tanong ni Rhed na tila nanggigigil, gahibla na lang ang layo ng mukha nito sa mukha ni Louise. “Why? Scared?” Nang-aasar na tanong ni Denice habang pinanatili nito ang nang-uuyam na ngiti sa kanyang mga labi. “Huwag mong ubusin ang ang p
Mula sa malawak na mansion ng mga Thompson ay kasalukuyang nagaganap ang isang magarbong kasiyahan. Halos nandito ang lahat ng mga empleyado ng kumpanya ng mga Thompson. Maging ang mga business partner ng kanilang pamilya ay hindi nagpahuli at halatang pinaghandaan ng mga ito ang naturang okasyon. Kasalukuyang ipinagdiriwang ng lahat ang anibersaryo ng kumpanya at masaya sila dahil sa ilang dekada na itong namamayagpag. Eleganteng tingnan ang venue sa ng party dahil sa simple ngunit high class na pagkakaayos ng lahat. Ang lahat ay pawang mga nakasuot ng kaswal na damit ngunit makikita mula sa pinong galaw ng mga bisita ang mataas na antas ng pamumuhay ng mga ito sa buhay. Pumailanlang ang isang malamyos na tugtugin sa buong paligid habang ang mga tao ay masayang nagkukwentuhan. Hindi magkandamayaw ang mga waiter na nagkalat sa paligid habang bitbit ang kanilang mga tray na may laman na iba’t-ibang klase ng alak. “Attention please, Excuse me everyone, sandaling puputulin ko muna
“Walang pagsidlan ang kasiyahan ko ng mga oras na ito, dahil ngayon ay nakatayo ako sa harap ng maraming tao. Kung noon ay panlilibak at nang uusig na tingin ang natatanggap ko mula sa ibang tao? Ngayon, puno ng paghanga na may kasamang paggalang ang ibinibigay nila sa akin. Pakiramdam ko ay para akong nasa isang mataas na pedestrian at tinitingala ng lahat. Ganun pa man, hindi pa rin ako kuntento sa atensyon na natatanggap ko. Sapagkat batid ko na ang lahat ng ito ay dahil sa aking asawa. “We would like to extend our heartfelt gratitude to everyone who attended and participated in our special occasion. Ang presensya ng bawat isa sa inyo ang dahilan upang maging matagumpay ang selebrasyong ito. We deeply appreciate your time and support for us. Sa ilang dekada na lumipas ay mas tumibay pa ang ating samahan, dahilan kung bakit higit na lumago ang kumpanya. However, it is no secret that this event is more significant than the previous company celebrations. This time, this celebration
Ang kasiyahan ng mga tao ay sumasabay sa saliw ng malamyos na musika. Walang humpay na kwentuhan na may kasamang tawanan mula sa mga bisita na labis na nagagalak. Habang ang mag-asawang Alistair at Louise ay abalâ sa pakikipag-usap sa ibang mga bisita. Nanatili ang magandang ngiti sa mga labi ni Louise at napaka pino rin niyang kumilos na naaayon lamang sa kanyang sitwasyon. Hindi maikakaila na kaya niyang makipagsabayan sa mga bigating bisita. Kung noon, sa tuwing nakakasalamuha niya ang mga mayayamang tao ay nanliliit siya sa kanyang sarili? Subalit ngayon, taas noo niya itong hinaharap na parang ang tingin niya sa mga ito ay mga ordinaryong tao lamang. “Mrs. Thompson, ikinagagalak ko na makadaupang palad ka. Mukhang napakaswerte ko yata ngayong gabi.” Nakangiting bati sa akin ng may edad na lalaki, nababasa ko mula sa kanyang mukha na may kailangan siya sa akin. Kaaalis lang ni Alistair sa tabi ko, dahil nagpaalam ito na ka-kausapin lang niya ang kanyang mga ka-business partner
“Yeah, she’s right, we know each other very well. Come on, Denice, tell them how close we are to each other. Remember? Ako pa nga ‘yung gumagawa ng mga homework mo sa tuwing nakikipag-date ka sa mga boyfriend mo? Ah, yeah! Naalala ko pa nga kung paano kita gawan ng mga kodigo para sa exam natin. hahaha! Babasahin mo na nga lang hindi mo pa magawa.” Ito ang naging sagot ko sa sinabi ni Denice na idinaan ko sa biro. Natawa naman ang lalaki na tila tuwang-tuwa sa mga naging pahayag ko. Parang gusto kong matawa ng sabay nilingon ng mag-ina ang lalaki sa kanilang likuran at pinukol ito ng isang matalim na tingin. “That’s funny, right?” Saad naman ng lalaki na tila walang epekto dito ang galit ng mag-ina. “Stop it, Louise, hanggang ngayon pa rin ba ay hindi ka pa nagma-matured?” Sawata sa akin ni Mrs. Cynthia kaya naging seryoso ang ekspresyon ng mukha ko habang matapang na nakatitig sa mga mata nito. “Don’t worry, Tita, nagmatured na ang isip ko, dahil napagtanto ko kung anong klase kan
Tumigas ang ekspresyon ng mukha ko dahil sa aking nasaksihan. Ang mas ikinasama pa ng loob ko ay ang pag-uusap nila na para bang wala ako sa paligid. Parang gusto kong sugurin ang babaeng ito! Gusto kong magwala at sumigaw ng malakas para mabawasan ang bigat ng dibdib ko. “B-Bakit ako nasasaktan? Dapat okay lang ang lahat, because you don’t love him! Tama! Itatak mo sa kokote mo na wala kang nararamdaman para sa lalaking ito. Kailangan mo lang si Alistair para makapaghiganti sa lahat ng mga umabuso sayo! Wake up, Louise! Hindi ka nasasaktan kasi manhid ka na.” Ito ang mga salitang umuukilkil sa utak ko, pero malalim na ang bawat hugot ng aking hininga nanpara bang nasasakal na ako. “Felma? Kailan ka pa bumalik ng bansa?” Seryosong tanong ni Alistair pagkatapos siyang halikan ng babae. Halatang hindi ito makapaniwala sa presensya ng bagong dating na si Felma. Samantala mula sa gilid ng mata ko ay hindi nakaligtas sa akin ang makahulugang ngiti ng aking biyenan. Malakas ang hinala ko
“Since the accident? P-paanong nangyari ‘yun?” Hindi makapaniwala na tanong ko kay Alistair. Lumamlam ang bukas ng kanyang mukha at masuyo akong hinagkan nito sa labi habang isa-isang tinatanggal ang bawat butones ng kanyang polo. “Ano ba, tinatanong ka, panay naman ang halik mo!” Naiinis kong sabi sabay hampas sa malapad nitong dibdib. Lihim akong napangiti ng marinig ko ang masayang tawa nito. Napakasarap pakinggan ng mga tawa niya na wari moy kinikiliti ang puso ko.“I’m worried that time when I saw you lying on the ground, gusto kitang lapitan that time, para sana itakbo sa hospital. But sad to say, wala akong magawa dahil mas malala pala ang tinamo kong pinsala. And I’m so happy ng sa pagmulat ng aking mga mata ay ang mukha mo ang unang nasilayan ko. But I got mad ng makita ko ang determinasyon sa mukha mo na umalis sa mansion na ito para iwan ako. But later on, I realized na ako pala ang mali. I’ll become a selfish, nakalimutan ko ang age gap natin. You’re still nineteen that t
Nanginginig ang mga kamay habang nakahawak ito sa manibela. Ilang oras ng naghihintay si Denice mula sa di kalayuan. Halos hindi na kumukurap ang kanyang mga mata na nakatitig sa malaking gate ng isang bunggalong bahay.Ilang sandali pa ay bumukas ang bakal na gate at lumabas ang isang itim na sasakyan. Dahil nakababa ang mga salaming bintana nito ay malayang nakikita ni Denice ang mga taong sakay nito. Wari moy hinampas ng maso ang kanyang dibdib ng makita ang masayang mukha ng kanyang asawang si Rhed. Sa tabi nito sa kabilang bahagi ng front seat ay nakaupo ang isang babae na may kalong na batang babae na sa tingin niya ay naglalaro sa edad na siyam. Sa unang pagkakataon ay ngayon lang niya ulit nakita na naging masaya ang mukha ng kanyang asawa. Sa kabila ng kasiyahan ng mga ito ay parang dinudurog naman ang puso ni Denice.Mabilis na pinagana ang makina ng kanyang kotse at pasimple na sinundan ang sasakyan ng kanyang asawa. Pagkatapos ng halos bente minuto ay humimpil ang sasakya