Nanginginig ang mga kamay habang nakahawak ito sa manibela. Ilang oras ng naghihintay si Denice mula sa di kalayuan. Halos hindi na kumukurap ang kanyang mga mata na nakatitig sa malaking gate ng isang bunggalong bahay.Ilang sandali pa ay bumukas ang bakal na gate at lumabas ang isang itim na sasakyan. Dahil nakababa ang mga salaming bintana nito ay malayang nakikita ni Denice ang mga taong sakay nito. Wari moy hinampas ng maso ang kanyang dibdib ng makita ang masayang mukha ng kanyang asawang si Rhed. Sa tabi nito sa kabilang bahagi ng front seat ay nakaupo ang isang babae na may kalong na batang babae na sa tingin niya ay naglalaro sa edad na siyam. Sa unang pagkakataon ay ngayon lang niya ulit nakita na naging masaya ang mukha ng kanyang asawa. Sa kabila ng kasiyahan ng mga ito ay parang dinudurog naman ang puso ni Denice.Mabilis na pinagana ang makina ng kanyang kotse at pasimple na sinundan ang sasakyan ng kanyang asawa. Pagkatapos ng halos bente minuto ay humimpil ang sasakya
“Ayon sa report na nakalap ko ay kasalukuyang nag-file ng divorce si Mr. Rhed Harim sa kanyang asawa na si Mrs. Denice Harim. Aking napag-alaman din na hindi lingid sa kaalaman ni Mrs. Denice Harim ang pagkakaroon ng dalawang kabit ni Mr. Rhed. Sa ngayon ay stable ang kanilang kumpanya at wala akong nakikitang problema.” Habang nakikinig ako sa report ng binayaran kong tao na nag-imbestiga tungkol sa mag-asawang Rhed at Denice ay isa-isa kong sinusuri ang ilang mga larawan na nasa kamay ko.Tatlong babae ang nauugnay sa asawa ni Denice at dalawa na ang anak ni Rhed mula sa dalawang babae. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko tungkol sa mga nalaman ko. Narun ang lungkot, sakit at awa para sa taong minsan ng naging bahagi ng buhay ko. Pero higit na mas matimbang sa akin na makamit ko ang hustisya para sa pamilya ko.“Nariyan na rin ang listahan ng mga taong may kaugnayan sa kumpanya ng pamilyang Harim.” Ani ng lalaki na nanatiling nakatayo sa harap ng office table
“Sweetheart, I have an emergency meeting, pasensya na kung hindi kita masasamahan sa bidding. But don’t worry, I’ll try my best na makahabol.” Paalam sa akin ni Alistair habang ibinubutones nito ang kanyang polo. Dinampot ko ang kulay abuhin nitong kurbata at isinuot ito sa kanyang leeg saka maayos na i-binuhol. “It’s okay, I understand, sino nga pa lang ka-meeting mo?” Seryoso kong tanong habang inaayos ang kwelyo ng kanyang polo. Matamis na ngumiti ang aking asawa at may panggigigil na hinagkan nito ang mga labi ko.“Don’t worry, sweetheart, dahil lalaki ang ka-meeting ko.” Natatawa nitong sagot bago kinurot ang pisngi ko. “You know, mahirap ang magkaroon ng gwapong asawa, let say na may tiwala ako sayo pero wala akong tiwala sa mga babaeng umaaligid sayo.” Napangiti ako ng bumunghalit ito ng tawa na tila tuwang-tuwa sa sinabi ko. “Your so funny, Sweetheart, and I’m so happy because finally ay kumportable ka na sa presensya ko. Nakikita ko na ang totoong Louise.” Madamdamin niyan
“Kanina pa ako nakatulala sa mukha ng aking anak habang isa-isang inaalisa ang bawat parte ng mukha nito. Ang hugis ng kanyang mga kilay… tukso naman na lumitaw mula sa balintataw ko ang mukha ng aking asawa. Ang mga mata ni Aiden na sa biglang tingin ay iisipin mo na katulad ito ng mga mata ko pero kung iyong susuriing mabuti ay tila pinagsamang mata namin ni Alistair. Bumaba ang tingin ko sa ilong ng aking anak at ngayon ko lang napansin ang pagkakahawig nito mula sa matangos na ilong ng aking asawa. Maging ang mga labi nito, baba at hugis ng mukha. Habang isa-isang sinusuri ang lahat sa aking anak ay tila mas lalong bumibigat ang dibdib ko. “Ma’am, are you okay?” Nag-aalala na tanong sa akin ng aking assistant, bigla, nabalik sa reyalidad ang isipan ko. Saka ko lang napagtanto na pinoproseso na pala ang bidding at ngayon ay nasa kalagitnaan na ito. Napako ang tingin ko sa malaking screen ng projector dahil kasalukuyang nakasalang ang strategic plan ng kumpanya ni Mrs. Cynthia
“Kasalukuyan kaming lulan ng isang magarang sasakyan. Ilang sandali pa ay humimpil ito sa tapat ng mansion. Nanatiling seryoso ang ekspresyon ng mukha ko habang nakatitig lamang sa i-isang direksyon. Hindi nakaligtas sa malakas na pakiramdam ng aking asawa ang pananahimik ko sa buong biyahe. Narinig ko na nagpakawala siya ng isang marahas na buntong hininga. Ginagap niya ang palad ko habang sa kanang bisig nito ay karga ang anak kong si Aiden na kasalukuyang tulog sa kanyang balikat. “Sweetheart, is there anything wrong?” Nag-aalala na tanong nito, imbes na sumagot ay walang gana kong piniksǐ ang kamay nitong nakahawak sa kanang braso ko. Muli, isang mabigat na buntong hininga ang narinig ko mula sa kanya, subalit, hindi ko na ito pinansin pa. Iniwan ko siya at diretso na pumanhik ng hagdan. Pagdating sa ikalawang palapag ng bahay, kaagad akong pumasok sa loob ng silid ng aking mga anak. Pagkatapos na mag-spray ng alcohol sa kamay ay nilapitan ko ang aming mga anak na mahimbing ng
“What happened to you, Denice!? Hinayaan mo na mapunta sa babaeng iyon ang malaking proyekto!?” Hindi makapaniwala na pahayag ni Cynthia. Kapapasok pa lang niya mula sa pintuan ng opisina nito ay ito kaagad ang bungad niya sa kanyang anak. Dalawang araw na ang lumipas simula ng manalo si Louise mula sa bidding. At hanggang ngayon ay hindi pa rin niya matanggap na nakuha nito ang lahat ng mga malalaking investor. Mas lalo siyang sumabog sa galit ng tuluyang umatras ang ilang investor na bumoto sa kanya. Natigil sa paghakbang ang mga paa ni Cynthia ng napansin niya na hindi gumagalaw mula sa kanyang kinauupuan si Denice. Ni hindi man lang ito nag-effort na lumingon sa kanya, para itong walang narinig. Isang marahas na buntong hininga ang pinakawalan ni Cynthia. Ibinabâ niya ang bag sa isang upuan na malapit sa kanya saka maingat na humakbang palapit sa kanyang anak. Humakbang si Cynthia at dumaan sa harap ng kanyang anak, subalit, ni ang kumurap ay hindi nito ginawa. Lagpasan ang tin
“Kumuha ka ng bagong appointment sa LTC company, at ibigay mo sa akin ang lahat ng listahan ng mga kumpanya na pwedeng maging supplier ng ating kumpanya.” Habang sinasabi ito ni Denice sa kanyang assistant ay wala kang makikita na anumang emosyon sa mukha nito. Iisipin ng sinumang makakita sa kanya na mukha siyang hindi marunong ngumiti. “Ma’am, ang mabuti pa ay manatili na lang muna kayo sa loob ng inyong opisina.” Alanganing saad ng kanyang assistant. Natigil sa paghakbang ang mga paa ni Denice at naguguluhan na hinarap ang kanyang assistant. “What do you mean?” Kunot ang noo na tanong nito sa kanyang assistant, napansin ni Denice na bahagyang lumunok ang kanyang empleyada, subalit, makikita sa mukha nito ang labis na pag-aalala para sa kanya. “Hindi po ba kayo active sa social media?” Balik tanong nito sa kanya kaya mas lalo lang naguluhan si Denice. Diretsahin mo ako, you know how busy I am.” Napipika na sermon niya sa kanyang tauhan, imbes na sumagot ay kinuha ng babae an
“Daddy, when are you coming home?" Malungkot na tanong ni Aiden sa kanyang Ama, kasalukuyan kaming palabas ng silid. Buhat niya sa magkabilang bisig ang aming panganay na si Aiden at ang pangalawa naming anak habang karga ko naman ang aming bunso. "Daddy will only be gone for three days, but I'll still try to come home earlier." Hindi nawawala ang ngiti sa mga labi ni Alistair habang nakikipag-usap sa kanyang mga anak. Maging ako ay nahawaan ng magandang ngiti nito, dahil hindi na mapaknit ang ngiti sa mga labi ko. “Uhm, Daddy, can we go with you?” Cute na tanong ng pangalawang anak namin, si Julien. Medyo bulol pa ito sa pagsasalita. Lumambong ang mukha ng kanilang ama at mula sa mga mata nito ay nakikita ko ang lungkot para sa maikling panahon na mawawalay sa aming mag-ina.“I’m sorry, son, maybe next time. This is an important matter, kaya biglaan ang business trip ni Daddy.” Malungkot na sagot ni Alistair bago isa-isang hinagkan sa pisngi ang kanyang mga anak. Mahigpit na yumaka