“Kumuha ka ng bagong appointment sa LTC company, at ibigay mo sa akin ang lahat ng listahan ng mga kumpanya na pwedeng maging supplier ng ating kumpanya.” Habang sinasabi ito ni Denice sa kanyang assistant ay wala kang makikita na anumang emosyon sa mukha nito. Iisipin ng sinumang makakita sa kanya na mukha siyang hindi marunong ngumiti. “Ma’am, ang mabuti pa ay manatili na lang muna kayo sa loob ng inyong opisina.” Alanganing saad ng kanyang assistant. Natigil sa paghakbang ang mga paa ni Denice at naguguluhan na hinarap ang kanyang assistant. “What do you mean?” Kunot ang noo na tanong nito sa kanyang assistant, napansin ni Denice na bahagyang lumunok ang kanyang empleyada, subalit, makikita sa mukha nito ang labis na pag-aalala para sa kanya. “Hindi po ba kayo active sa social media?” Balik tanong nito sa kanya kaya mas lalo lang naguluhan si Denice. Diretsahin mo ako, you know how busy I am.” Napipika na sermon niya sa kanyang tauhan, imbes na sumagot ay kinuha ng babae an
“Daddy, when are you coming home?" Malungkot na tanong ni Aiden sa kanyang Ama, kasalukuyan kaming palabas ng silid. Buhat niya sa magkabilang bisig ang aming panganay na si Aiden at ang pangalawa naming anak habang karga ko naman ang aming bunso. "Daddy will only be gone for three days, but I'll still try to come home earlier." Hindi nawawala ang ngiti sa mga labi ni Alistair habang nakikipag-usap sa kanyang mga anak. Maging ako ay nahawaan ng magandang ngiti nito, dahil hindi na mapaknit ang ngiti sa mga labi ko. “Uhm, Daddy, can we go with you?” Cute na tanong ng pangalawang anak namin, si Julien. Medyo bulol pa ito sa pagsasalita. Lumambong ang mukha ng kanilang ama at mula sa mga mata nito ay nakikita ko ang lungkot para sa maikling panahon na mawawalay sa aming mag-ina.“I’m sorry, son, maybe next time. This is an important matter, kaya biglaan ang business trip ni Daddy.” Malungkot na sagot ni Alistair bago isa-isang hinagkan sa pisngi ang kanyang mga anak. Mahigpit na yumaka
“Oh my God! Arthur! Madali ka!” Malakas na wika ni Mommy, kaya naman mula sa bintana ay kita ko na nagmamadali si daddy na makalabas ng bahay. Pagdating niya sa bungad ng pintuan ay katulad ni Mommy, nanlalaki rin ang mga mata nito habang nakatitig sa aming mag-ina. Halatang labis na nagulat ang aking mga magulang ng makita ang kanilang mga apo. “A-apo ko na ba ang tatlong anghel na ‘to?” Di makapaniwala na tanong ni daddy. Naluluha sa galak na lumuhod siya sa sahig habang nakalahad sa ere ang kanyang mga braso. “Aiden, hug your Lolo-daddy.” Utos ko sa aking panganay, natuwa ako ng sugurin nito ng yakap ang kanyang lolo. Makikita ang kasiyahan sa mukha nila habang buong pananabik na binuhat ni Daddy ang panganay ko saka ito mahigpit na niyakap. Habang ang anak kong si Julien ay tumakbo papunta sa kanyang lola. Matapos ang ilang minuto ay ibinaba ni daddy si Aiden upang ang pangalawa kong anak na si Julien ang sunod nitong yayakapin. Natigilan kaming lahat ng napansin namin si Aide
“S**t!” Pagkatapos ng malutong na mura ay padabog na ibinaba ni Rhed sa ibabaw ng lamesa ang hawak niyang folder. Isa itong report ng kanyang mga empleyado tungkol sa kasalukuyang estado ng kanilang kumpanya. Disappointed, ito ang nararamdaman niya ng mga sandaling ito. Nagpupuyos ang kanyang kalooban dahil sa nangyayari sa kanilang kumpanya. Pabagsak na umupo siya sa kanyang swivel chair, at walang tigil ang pagpapakawala niya ng buntong hininga. Mabilis siyang nag-angat ng tingin dahil sa biglaang pagbukas ng pinto. Kasunod nito ang pagpasok ng kanyang ama na may matapang na mukha. Base sa mga tingin nito at batid niya na alam na nito ang mga nangyayari sa kumpanya. “D-Dad?” Alabganing tawag niya sa kanyang ama saka mabilis na tumayo. Pagkatapos ng apat na hakbang ay huminto siya sa mismong tapat ng kanyang ama. Subalit, isang malakas na suntok ang naging tugon ng kanyang ama. Ang mga bagâng nito ay nagngangalit, halatang nanggagalaiti ito sa galit. “Ipinagkatiwala ko s
“Excuse me, Ma’am, nagpupumilit si Mr. Harim na makausap ka, hindi na raw niya mahihintay pa ang kanyang appointment.” May pag-aatubili na wika ng aking secretary, bigla na lang itong pumasok sa loob ng opisina ko ng wala man lang permiso. “I’m busy.” Tipid kong sagot bago muling ibinaling ang tingin sa dokumento na nasa kamay ko. “Pero, Ma’am, nagkakagulo na sa lobby at mukhang walang balak na umalis si Mr. Harim.” Hindi magkandatuto na paliwanag nito, halata sa mukha ng aking sekretarya na hindi na nito alam kung ano ang gagawin. Marahas na buntong hininga ang aking pinakawalan bago sumagot dito. “Papasukin mo.” Tila walang gana na sagot ko dito, mabilis na nagyuko ng kanyang ulo ang aking sekretarya bago dali-dali itong lumabas ng opisina ko. Umangat ang sulok ng bibig ko at lumitaw ang isang makahulugang ngiti saka prenteng i-sinandal ang aking likod sa sandalan ng upuan. Makalipas ang kinse minuto ay muling bumukas ang pinto. Pumasok si Rhed na may seryosong mukha.
“Hindi ko alam kung ano ang nagustuhan ng anak ko sa babaeng ‘yan. Bukod sa tamad na ay inaasa na lang ang lahat sa mga katulong ang pag-aalaga sa kanyang mga anak.” Pagpasok ko pa lang sa pintuan ng Mansion ay ito na kaagad ang sumalubong sa akin. Ang pasaring ng aking biyenan. Palihim akong nagpakawala ng isang marahas na buntong hininga. Upang habaan pa ang aking pasensya. Nagkunwari akong bingi at pipi sa harap ng mga ito, maging si Felma ay hindi ko pinag-aksayahan ng oras na tapunan ng tingin. Napapadalas na kasi ang pananatili nito sa Mansion at batid ko na sinasadya ito ng aking biyenan. Hindi ko naman pwedeng pagtabuyan ang babaeng ito dahil sigurado na ang biyenan ko naman ang makakalaban ko. “Mommy!” Sabay na tawag sa akin ng bunso kong si Chad at ni Julien. Nag-unahan ang magkapatid na makalapit sa akin habang ako ay nakangiti na ibinuka ang mga braso ere at hinintay ang kanilang paglapit. Lihim akong napangiti ng makita ko ang sabay na pag-ismid ng dalawan
“Naalimpungatan ako na may humahalik sa bibig ko, ramdam ko ang kabigatan nito sa ibabaw ng aking katawan. Nakadama ako ng kasiyahan dahil sa kaalamang dumating na ang asawa ko, pero nangingibabaw pa rin ang galit na nararamdaman ko.Imbes na tumugon ay pinalis ko siya sa ibabaw ko. Puwersahan akong tumagilid at tahimik na bumangon. Natigilan si Alistair sa naging reaksyon ko at matamang pinagmasdan ang bawat kilos ko. Walang ingay na lumabas ako sa silid ng mga bata habang ibinubuhol ang tali ng roba sa gilid ng aking katawan. Ramdam ko ang presensya ng asawa ko mula sa aking likuran habang tinatahak ang madilim na pasilyo patungo sa silid naming mag-asawa.“Bakit ka nagagalit?” Naguguluhan na tanong sa akin ni Alistair, pero hindi ko siya pinansin. Lumapit ako sa kama, dinampot ko ang isang unan bago humakbang patungo sa sofa na dati kong tinutulugan noong mga panahon na naka-comatose pa ang asawa ko. Hindi ko siya pinansin at kumilos ako na tila wala akong kasama. “Sweetheart,
“Pakiusap! Huwag ang mga sasakyan ko…” natataranta na wika ni Mrs. Harim habang ang mag-amang Rhed at Fernand ay bagsak ang mga balikat at pawang mga nakayuko. Tila hindi nila kayang panoorin kung paanong hatakin ng mga taga bangko ang kanilang mga sasakyan. “Ano ba Fernand, gumawa kayo ng paraan.” Galit na singhal ni Mrs. Harim sa kanyang mag-ama. Kapwa nagpakawala ng marahas na buntong hininga ang mag-ama. Tila tanda ng pagsuko na wala na talaga silang magagawa sa problemang kinakaharap. Mabigat ang mga hakbang na pumasok si Mr. Harim sa loob ng kanilang bahay. Tinungo niya ang kanilang mini bar, dinampot ang pinakamatapang na alak na nakadisplay mula sa malapad na shelf. Pagkatapos na salinan ng alak ang maliit na baso ay kaagad itong tinungga na parang akala mo ay tubig lang ang kanyang iniinom. Umasim pa ang kanyang mukha dahil sa tapang ng alak. Ang isang pagtagay ay nasundan pa ng maraming beses habang nakatulala sa kawalan. “I’m sorry, Dad…” malungkot na wika ni Rhed hab