Share

Chapter 61

“Hindi ko alam kung ano ang nagustuhan ng anak ko sa babaeng ‘yan. Bukod sa tamad na ay inaasa na lang ang lahat sa mga katulong ang pag-aalaga sa kanyang mga anak.”

Pagpasok ko pa lang sa pintuan ng Mansion ay ito na kaagad ang sumalubong sa akin. Ang pasaring ng aking biyenan. Palihim akong nagpakawala ng isang marahas na buntong hininga. Upang habaan pa ang aking pasensya.

Nagkunwari akong bingi at pipi sa harap ng mga ito, maging si Felma ay hindi ko pinag-aksayahan ng oras na tapunan ng tingin.

Napapadalas na kasi ang pananatili nito sa Mansion at batid ko na sinasadya ito ng aking biyenan.

Hindi ko naman pwedeng pagtabuyan ang babaeng ito dahil sigurado na ang biyenan ko naman ang makakalaban ko.

“Mommy!” Sabay na tawag sa akin ng bunso kong si Chad at ni Julien. Nag-unahan ang magkapatid na makalapit sa akin habang ako ay nakangiti na ibinuka ang mga braso ere at hinintay ang kanilang paglapit.

Lihim akong napangiti ng makita ko ang sabay na pag-ismid ng dalawan
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status