“Ma’am, bawal kayong pumasok sa loob.” Narinig kong saad ng secretary ni Alistair mula sa labas ng opisina. Kasunod nito ay ang pagbukas ng pinto. Walang pasabi na pumasok si Felma sa loob ng opisina habang ang secretary ng aking asawa ay pilit itong pinipigilan. Nanlilisik ang mga mata nito na nakatitig sa akin na wari mo ay gusto na ako nitong patayin. “Ano ang ibig sabihin nito!?” Galit na tanong ni Felma sabay bagsak ng hawak nitong folder sa ibabaw ng table habang nanatiling nakatitig ng diretso sa mga mata ko. Pinagkibit-balikat ko lang ang marahas na aksyon ng babaeng ito, at nanatili lang akong kalmado.Samantalang ito ay hinihingal na sa matinding galit.Kahit hindi ko na basahin ang laman ng folder sa aking harapan ay alam ko na kung ano ang i-pinagpuputok ng butse nito. “What are you talking about? You see, I’m busy.” Walang gana kong sagot bago pumihit paharap sa screen ng aking laptop. Umakto ako ng kunway wala siya sa aking harapan.“Answer me, stupida!” Bulyaw nito
“Si Mamâ?” Malumanay kong tanong sa secretary ng aking biyenan. Mabilis itong tumayo at ngumiti sa akin. Marahil, sa sobrang abala nito ay hindi na niya namalayan ang pagdating ko. “Good morning, Ma’am! Nasa meeting pa po si Ma’am Barbara.” Nakangiti niyang sagot sa akin. “Papasok na ako sa loob para ihanda ang pagkain n’ya, please don’t tell her na, sa akin ito galing.” Nakakaunawa na kaagad siyang tumango. Ang secretary ng aking biyenan ang kasabwat ko para magkaroon ako ng pagkakataon na makapasok sa opisina nito. Alam naman ng secretary ni Mamâ ang pagnanais ko na mapalapit sa aking biyenan. Kaya personal kong ipinagluluto ito ng sarili niyang pagkain. Kahit na kinasusuklaman ako ng aking biyenan ay hindi pa rin ako sumusuko, umaasa pa rin ako na balang araw ay makukuha ko rin ang loob nito at magiging maayos ang relasyon naming magbiyenan. Ina siya ng aking asawa at isang kaming pamilya, kaya hindi ko pwedeng ipagsawalang bahala ang galit ng aking biyenan. “Makakaasa po k
“ta·ká·tak. png.….” (Tunog ng makinilya).Tanging ang tunog ng makinilya ang maririnig sa loob ng silid. Kasalukuyan akong nandito sa loob ng library at patuloy na nagsasaliksik at sinusuring mabuti ang tungkol sa kontrata. Inaalam ko kasi kung sino ang mga taong may konektado sa negosyong ito. Isa-isa kong kinukuha ang bawat pangalan ng mga taong nag-invest sa kumpanya ng pamilya ni Felma. Subalit, nahihirapan akong makakuha ng impormasyon. Ilang sandali pa ay biglang tumunog ang aking cellphone. Saglit na tumigil sa pagtipâ ang aking mga daliri upang sagutin ang tawag. “Yes?” “Hey best… kumusta?” Bati sa akin ng kaibigan kong reporter. Dahil sa kaibigan kong ito ay naging madali ang lahat para sa akin na turuan ng leksyon si Rhed. Marahil kung iisipin ay tila napakasama kong tao, pero wala akong pinagsisisihan sa mga nangyari. And besides, wala naman akong sinaktan, inilabas ko lang ang mga kalokohan ng Rhed na ‘yun sa publiko. Kung hindi ko kasi gagawin ‘yun ay siguradong pat
Humimpil ang aming sinasakyan sa tapat ng isang mamahaling restaurant. Pagkatapos na iparada ng maayos ni Alistair ang kotse ay bumaba ito ng sasakyan saka umikot sa kabilang side nito upang pagbuksan ako ng pinto. Nang makababâ, isang masuyong halik ang iginawad ko sa aking asawa na siyang ikina-ngiti nito. “Dapat araw-araw pala kitang i-pagbukas ng pinto para lagi akong may halik.” Natatawa na saad ni Alistair, sabay hapit sa maliit kong baywang. Nakakatuwa na nagagawa ng makipag-asaran sa akin ni Alistair kahit na nasa public place kami. “Pwede naman, Sweetheart, kaso, hindi ako kuntento sa halik lang.” ani ko habang nakapaskil ang isang pilyang ngiti sa mga labi ko, sabay pasok ng kamay ko sa kaliwang bulsa nito. Naramdaman ko na nanigas ang katawan nito ng nanunuksong hinaplos ng aking daliri ang pagkalalaki nito mula sa loob ng bulsa ng kanyang pantalon. “Damn, Louise.” Saway niya sa akin sa seryosong tinig, ramdam ko ang biglang pagtaas ng tensyon sa katawan nito. Hindi ko
Tok! Tok! “Mabilis na umangat ang mga mata ko ng marinig ko ang ilang pagkatok mula sa pintuan.. “Yes?” Tanong ko sa lalaking nakatayo sa bungad ng pintuan. Maganda ang ngiti na nakapaskil sa mga labi nito kaya mabilis akong nahawaan ng ngiti nito. Gwapo ang lalaki at mukha naman siyang mabait. Iyon bang tipong hindi gagawa ng kalokohan. “Good morning, Ma’am. Hindi ko alam na ikaw pala ang dadatnan ko dito. Hm, pwede ko bang tawagin ang araw na ito as may lucky day?” Pabiro niyang turan kaya natawa ako. Well, masarap siyang kausap at talagang mapapangiti ka nito. Pamilyar sa akin ang mukha ng lalaki. Hanggang sa naalala ko na siya ‘yung lalaki na kasama nina Denice noong araw na may party sa Mansion.“Please come in, ano pong kailangan nila?” Malumanay kong tanong dito, narun ang pagtataka kung paanong nakapasok ito ng hindi ako iniinform ng secretary ni Alistair.Sandaling umalis ang aking asawa dahil nagkaroon ng emergency meeting. “Take a seat, Sir.” Magalang kong saad, huma
“Isinara ni Alistair ang pinto, narinig ko ng i-lock nito ang doorknob kaya naman napangiti ako. “Bakit kailangan mo pang iparinig sa akin ang pag-uusap n’yo?” Seryoso niyang tanong, subalit ang mga kamay nito ay abalâ sa pagkalas ng buckle ng kanyang sinturon. Sa bawat hakbang ng kanyang mga paa ay siya namang pag-atras ng aking mga paa. Tulad nito ay kinakalas ko rin ang hook ng aking slacks. Hanggang sa kusa itong bumagsak sa sahig. Sunod kong hinubad ay ang aking itim na lace saka hinagis ito aa direksyon ni Alistair. Mabilis naman nitong nasalo ang aking undies, inamoy niya ito habang pumipikit ang kanyang mga mata. Kung iyong titingnan ay mukha siyang sumisinghot ng droga.Kagat-labi na kinalas ko ang bawat butones ng lavender kong polo, ginagawa namin ito ng hindi inaalis ang malagkit na titig sa isa’t-isa. “Kung hindi ko ginawa ‘yun, di, wala ka sana sa harap ko.” Tila nang-aakit na sagot ko dito, saka hinagis ang polo ko sa ibabaw ng sofa. “Naughty.” Komento nito, pero s
Mula sa loob ng opisina ni Barbara ay prenteng nakasandal ang kanyang likod sa sandalan ng kanyang swivel chair. Habang tahimik niyang binabasa ang isang papeles mula sa kanyang kliyente. Ilang sandali pa, hindi na siya mapakali sa kanyang kinauupuan. Ibinaba niya ang hawak na papel sa ibabaw ng lamesa saka isinandig ang ulo sa sandalan. Nahilot niya ang sintido ng makaramdam siya ng pananakit ng ulo. Nagtataka na nilingon niya ang aircon, bukas naman ito? Dahil ramdam niya ang lamig nito na nanunuot sa kanyang balat. Nagtaka siya sa kanyang sarili. Sandaling pinakiramdaman ang kanyang katawan.Maya-maya ay wala sa sarili na napahawak ito sa kanyang leeg. Mabilis na pinindot ang intercom, kaya kaagad na pumasok ang kanyang sekretarya. “Yes, Ma’am?” Magalang na saad ng kanyang secretary. Lumalim ang gatla sa noo nito at matamang tumitig sa mukha ng kanyang boss. Sa ilang segundo na pagtitig ay bigla itong kinabahan ng makita niya na humawak sa kanyang leeg si Ginang Barbara. “J-J
“Magkahawak kamay na naglalakad kaming mag-asawa dito sa pasilyo ng hospital. Habang sa kanang kamay ay hawak ko naman ang isang paper bag na may lamang lunch box. Ipinagluto ko kasi ng masarap na pagkain ang aking biyenan. Masarap ang pagkakaluto ko nito dahil pinalambot ko pa ng husto ang karne ng baka gamit ang pressure cooker. Ilang araw na ring naka-confined ang aking biyenan sa hospital na ito. At ayon sa doctor ay maayos na ang kondisyon ni Mamâ at baka daw bukas ay maaari na itong umuwi at sa bahay na lang magpagaling. “Sweetheart, ano kaya kung ikaw na lang ang pumasok sa loob? Alam mo naman na galit sa akin si Mamâ, natatakot ako na baka mas lalo lang lumala ang kanyang karamdaman sa oras na makita niya ako.” Malungkot kong wika, habang nakatingin ang mga mata ko sa sahig. “Nakikita ko ang pagpupursige mo na makuha ang loob ni Mama, but I think, hindi mo makukuha ‘yun kung lagi ka na lang iiwas. I know my mother, hindi siya likas na masama. Nagkataon lang na sa maling