Palihim na nagpakasal si Analyn Ferrer sa masungit at demanding niyang boss ng DLM Group of Companies na si Anthony De la Merced. Isa lang itong marriage for convenience, at pareho silang makikinabang. Pero habang nagtatagal ang kanilang kunwariang kasal, hindi alam ni Analyn kung mawawasak ba ito ng kanilang mga sikreto? O matatagpuan ba nila ang mga sarili nilang umiibig na sa isa't isa?
View MoreMay nag-abot ng dokumento kay Anthony. SNakasulat doon na s isang kalapit na bansa nagpunta si Analyn. Pero paano kung pinapalabas lang ni Analyn na naroroon siya, pero ang totoo ay nasa ibang bansa na uli ito? Tinawag ni Anthony ang sekretraya at ang chief security ng security group niya. “Someone arrange a flight for me immediately. Susundan ko ang asawa ko.”“Hindi mo pwedeng gawin ‘yan!” Napalingon ang lahat sa bagong dating. Si Elle. Madilim ang mukha nito habang magma-martsa papunta kay Anhony. “I mean, wala kang karapatan na sundan pa si Analyn. Hindi niya deserve ang isang tulad mo,” deretsahang sabi ni Elle ng nasa harapan na siya ni Anthony.“Paano mo nasabi ‘yan, Elle? Asawa ko si Analyn. Ano’ng reason para hindi ko siya sundan?” sagot ni Anthony.“Reason? Ano rin ba ang reason mo nung iniwan mo si Analyn sa Hongkong para bumalik dito at dalawin si Ate Brittany? Nasaan ka ba nung kailangan ka niya? Wala ka naman sa tabi niya. So ano’ng diprensiya ngayon na nasa ibang
Nagulat si Analyn ng may huminto sa harapan niya na kulay itim na sasakyan paglabas niya ng ospital. Nang bumaba ang sakay nun ay tila tumigil ang pag-ikot ng mundo niya. Parang biglang nalagay sa PAUSE ang lahat sa paligid niya at ang nakikita lang niyang gumagalaw ay ang lalaking matagal ng hindi nasilayan ng mga mata niya. Iilang oras pa lang na nakabalik ng Tierra Nueva si Anthony pero nahanap na agad siya. Hindi nakagalaw si Analyn. Natulos siya sa kinatatayuan niya. Namalayan na lang niya na nasa harapan na pala niya si Anthony. “Masakit pa ba? May masakit ba sa ‘yo ngayon?”Nag-iwas ng tingin si Analyn. Hindi niya alam kung paano sasagutin ang tanong ni Anthony. Hindi niya kasi matukoy kung alin ba ang masakit na naramdaman niya ng mga nakaraang araw.Napilitang tingnan ni Analy si Anthony. Tinitigan niya ito sa mga mata nito. At saka niya napagtanto na ang lalaking dating pamilyar na pamilyar sa kanya, ngayon bigla, ay estranghero na sa kanya.Hindi malaman ni Analyn kung
Ngumiti si Analyn kay Edward. “Ayoko nga sana kasi masasarap ang pagkain dito, pero kailangan ko ng umalis talaga. Baka kasi singilin mo na ako.”“Hindi ko naisip ‘yan, pero binigyan mo ako ng idea,” ganting biro ni Edward. Malapad na ngumiti si Analyn. “Kaya nga uunahan ko ng umalis.” “So, saan ka pupunta pag-alis mo rito ngayon?” “Uhm? Sa ospital.” Tumaas ang isang kilay ni Edward. “Sa ospital?”“Kailangan ko munang mag-follow up check-up. Mula nang lumabas ako ng ospital sa Hongkong, hindi pa ako natingnan ulit ng doktor.” Nagkibit-balikat lang si Edward. Hindi naman nagsinungaling si Analyn. Sa ospital talaga siya nagpunta nang umalis siya sa poder ni Edward. Sa kabutihang palad, maganda ang resulta lahat ng laboratory test at iba pang eksaminasyon niya. “Doc, magkaka-anak pa ba ako?” Hindi napigilang itanong ni Analyn sa OB-Gyne na kaharap ngayon. “Ano ba’ng tanong ‘yan, iha? Bata ka pa, of course, pwede ka pang magbuntis at manganak,”Tipid na ngumiti si Analyn. NAPA
Tatlong araw na ang nakaraan. Biglang maraming dumating na investment sa DLM Group, dahilan para umayos na ang masamang sitwasyon ng kumpanya. Bigla, gumanda ang kinalalagyan ng kumpanya sa stock market, at bumagsak naman ang sa mga kumalaban na kumpanya sa DLM. Dahil ligtas na ang DLM sa posibleng tuluyang pagbagsak nito, bumalik na sa Tierra Nueva si Anthony. Sa airport, maraming reporters ang hindi inaasahan ni Anthony ang sumalubong sa kanya.“Mr. De la Merced, okay na po ba ang lagay ng DLM Group of Companies kaya bumalik ka na? For good na ba ang pagbalik mo rito?”“Pwede mo bang ibahagi sa amin ang mga naging plano mo ng counter- attack habang nasa Hongkong ka?”“Mr. De la Merced, ano ang magiging next step mo?” “Sir, Sir… ano po ang relasyon ninyo ni Miss Brittany Esguerra?” Dahil sa sobrang sikip at napapalibutan si Anthony ng mga bodyguard niya, hindi sinasadya ng isang taga-media na tamaan ng mic niya ang pisngi ni Anthony. Biglang huminto sa paglalakad si Anthony at s
“Hoy! Bakit ka sumasabat sa usapan namin? Isa ka lang na taga-silbi rito,” sita ng isang lalaki. “Oo nga, alam mo ba kung ano ang pinag-uusapan namin dito?” sabi pa ng isa.Ngumiti si Analyn. Umaayon sa plano niya ang nangyayari ngayon.“Yes, sino ba ang hindi nakakaalam ng kasalukuyang sitwasyon ng DLM Corporation? Nasa krisis ngayon ang nasabing kumpanya, pero sa palagay ko, kayang baligtarin ng DLM ang masamang kapalaran niya ngayon. From defeat to victory. Dati akong nagtatrabaho sa DLM, sa isang mahalagang departamento, kaya alam na alam ko ang financial situation ng kumpanya. At naaalala ko na itinago ni Sir Anthony ang strategy na iyon mula sa ibang mga kalabang kumpanya sa Tierra Nueva para subukan sila.”Napuno ng pagtataka ang mga mukha ng mga lalaking naroroon. “Ano’ng sabi mo? Nagtrabaho ka sa DLM?” tanong ng isang lalaki roon. “Kung ganun, ano’ng ginagawa mo rito bilang isang waiter?” tanong ng isa pa at saka pasimpleng hinagod ng tingin ang unipormeng pang-waiter na s
Tatlong araw ng nasa poder ni Edward si Analyn. Kalat na sa mga tao niya sa kusina na may itinatagong babae ang amo nila roon. Madalas naman talaga ay may inuuwing babae ang amo nila, pero kakaiba ang pag-aalaga niya sa babaeng nasa gusali nila ngayon. Ang tatlong pagkain na kailangang ibigay sa maghapon ay may sinusunod na mga espesyal na mga recipe. “Ang sabi, hindi raw okay ang kalusugan ngayon nung babae.” “Talaga ba?” “At take note. Araw-araw siyang pinupuntahan ni boss Edward dun sa kuwarto niya.” “Ano kaya ang itsura? Maganda siguro. Hindi naman siguro pagtutuunan ng pansin ng amo natin kung hindi.” “Malamang.”Nakatunghay muli si Analyn sa labas ng bintana. Eto lang naman kasi ang pinaka-libangan niya rito sa kinaroroonan niya. Hindi nga niya alam kung nasaan siya ngayon. Kung isa ba sa mga bahay ni Edward ito, o isa sa mga negosyo niya. Mahina pa ang katawan ni Analyn. Manaka-naka ay nakakaramdam siya ng pagkahilo. At minsan ay hirap siyang magsalita. Minsan, kapag nap
Nag-iwas ng tingin si Analyn. Alam naman niya iyon, pero gusto niyang sumugal. Para kay Anthony. Muli niyang tiningnan si Edward.“Pero hindi naman siya ang may idea ng project na iyon. Si Brittany, tama? Kayong dalawa ni Brittany ang nag-tandem, para pabagsakin n’yo si Anthony.”Si Edward naman ang nag-iwas ng tingin sa babae, at saka nagbuga ng hangin.“Analyn, ang larangan ng negosyo ay isa ring larangan ng digmaan. Walang permanenteng kaibigan dito, kung hindi, permanenteng interes lang.”“Oo, nandoon na ako. Kaya nga hindi na ako lumapit sa iyo. Kaya nga si Sir Sixto ang nilapitan ko. Siya na lang ang alam kong pwedeng makatulong sa akin. Siya na lang ang alam kong pwede kong lapitan.”“Alam mo bang pinuntahan ni Anthony si Brittany? Ako na ang nagsasabi sa ‘yo, hindi ka siniseryoso ni Anthony bilang asawa niya. Wala siyang permanenteng interes sa ‘yo, so bakit sa kanya umiikot ang mundo mo?”“Iniisip n’yo siguro na tanga ako. Uto-uto. Bobo. Pero hindi ba dapat iisa lang ang mag
Sobrang kahihiyan ang nararamdaman ngayon ni Ailyn. Hindi pa siya napahiya sa buong buhay niya. Dalawa lang sila ni Anthony na nakakaalam sa nangyari, pero pakiramdam niya ay wala siyang mukhang maiharap sa lalaki ngayon. Aaminin niya, naapektuhan siya kanina sa ginawa ni Anthony. Pero obvious na obvious naman na kay Analyn niya lang gustong gawin ang makamundong pagnanasa niya. “Bakit? Akala mo ba na ako ang asawa mo kaya mo ginawa ‘yun?” Wala na sanang balak si Anthony na sagutin ang tanong ni Ailyn, pero muli itong nagsalita, dahilan para mapahinto siya sa paglabas sa kuwarto. “Huwag ka ng umasang dadating ang asawa mo! Kalat na kalat na ang balita na pumirma na siya ng annulment paper para mapawalang-bisa ang kasal n’yo.” Madilim ang aura na nilingon ni Anthony si Ailyn. Natakot ang babae sa nakita niyang itsura ni Anthony. “Ulitin mo nga ang sinabi mo.” Tunay na nakakatakot ang boses ni Anthony nang sinabi niya iyon. Napalunok si Ailyn. Parang may biglang bumara sa lalam
Walang nagawa si Elle kung hindi samahan si Analyn doon. Naupo naman sa wheelchair si Analyn kaya hindi masyadong nag-alala si Elle para rito. Kaya lang, nang tumatagal na, tumitindi na rin ang sikat ng araw. Kaya ang ginawa ni Elle ay pumasok muna sa loob para humingi ng payong sa kasambahay doon. “Nariyan ba si Brittany sa loob?” tanong ni Analyn ng muling lumabas si Elle. “Ang press release di ba ay may lagnat o siya, o maysakit. Whatsoever. Pero hindi totoo ‘yun. Busy siya. Super busy. Marami siyang pinagkakaabalahan. Umaalis siya ng maagang-maaga at gabi na bumabalik.”Samantala, nasa study room na si Edward, kausap si Sixto. Halos dalawang oras na sila magka-usap. Wala naman silang importanteng pinag-uusapan, kung ano-ano lang. Gusto lang ni Edward na pigilan si Sixto na lumabas ng kuwarto. Kapansin-pansin din na parang lumilipad ang isip ni Sixto at wala sa kuwartong iyon ang isip niya. Manaka-naka rin siyang tumitingin sa labas ng bintana, kung saan mula roon ay kita niya
Bumaba ng taksi si Analyn. Nasa harap siya ngayon ng Peach Blossom Restaurant, isang fine dining na kainan. Ang dahilan kung bakit siya nandito ngayon sa isang mamahaling restaurant sa kabila ng kakapusan niya sa pera? Isinet lang naman siya ng blind date ng Mama niya. Tiningnan ni Analyn ang pambisig na relo. Sakto lang siya sa oras. Sinadya niyang hindi dumating ng mas maaga sa sinabing oras ng Mama niya. Hindi naman kasi siya interesado sa date na ito. Minabuti ni Analyn na pumasok na sa loob ng restaurant. Sinalubong siya ng staff pagkapasok niya ng pintuan.“Hi. Reservation under Michael Corpuz?” Hindi naman sa excited na si Analyn na makita ang itsura ng Michael Corpuz na iyon, pero gusto na niya kasing matapos na ang date na ito. Tumingin ang staff sa monitor sa harapan niya. Piping ipinalangin ni Analyn na sana ay nag-kansel na lang sana ang ka-date. “Yes, Mam. Table number 15. Kaya lang Mam, as of now, hindi pa po dumarating si Sir Michael.” Nakaramdam ng tuwa si Analyn....
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments