Nang isara ni Analyn ang pinto, binawi ni Anthony ang tingin niya roon. Muli niyang ibinaba ito sa chess board, at saka nagsalita nang hindi tumitingin sa lolo niya.
“Yes, Lolo. Nung una. Pero ngayon gusto ko na si Analyn bilang siya.”
Ngumiti si Greg.
“It’s good that you really like Analyn. Ngayong lumagay ka na sa tahimik, matatahimik na rin ako. Hindi na kita kukulitin. Hindi na ako manghihinayang na mawala. Kasi alam kong may mag-aalaga na sa ‘yo.”
“Lolo…”
Bahagyang tumawa si Greg.
“Ano? Sa kamatayan na rin naman ako papunta talaga. Son, I am eighty years old already. Ano pa ba ang gusto mo? Umabot pa ako ng one hundred? Hinihintay na ako ng Lola mo. Ang gawin mo na lang, bilisan mo na at bigyan n’yo na ako ng apo sa tuhod ni Analyn,” nakangiting litanya ni Greg na para bang normal na paksa lang ang pinag-uusapan nila ni Anthony.
Nag-alangang sumagot si Anthony, pero nang makita niya sa mukha ng lolo niya ang saya, napilitan siyang sagutin ito.
“Sige, ‘Lo,”
Samantala, sa labas ng kuwarto ni Greg, naroroon pa rin si Analyn at kausap ang Mama niya sa kabilang linya. Wala namang bago sa mga sinabi ng Mama ni Analyn, pareho lang din ng mga sinabi nito bago siya umalis ng bahay nila. Kinukukit pa rin siya nito na hiwalayan ang pinakasalan niya at sumama na sa naka-blind date niyang si Michael.
Inayos ni Analyn ang mukha niya bago pumasok uli sa kuwarto ng matanda. Ayaw niyang isipin nito na may nagpapagulo sa isip niya. Ano pa nga ba at dinala siya rito ni Anthony para aliwin ang lolo nito.
“Oh? Tamang-tama. Hapunan na at nagugutom na ako. Tara, kumain muna tayo sa labas. Ngayon ko lang kayo makakasalong dalawa sa pagkain.,” masiglang sabi ni Greg nang makita na bumalik na si Analyn sa kuwarto.
Hindi na sila lumabas ng ospital dahil marami namang mapagpipiliang kainan sa loob ng building ng ospital. Pumili na lang si Anthony ng mga pagkain na magugustuhan ng lolo niya at pasok sa diet nito ngayon. Nang makapili ay inabot niya kay Analyn ang menu.
“Baka may gusto kang kainin diyan sa menu nila.”
Tiningnan ni Analyn ang menu. Hindi niya kasi kilala iyong mga pinili ni Anthony na mga pagkain kaya naghanap siya ng ulam na pamilyar siya.
Hindi nagtagal ay dumating na ang mga order nila. Hindi na nagulat si Analyn ng asikasong-asikaso siya ni Anthony. Pansin niya na natutuwa ang lolo nito sa ikinikilos ng apo. Kaya naman para suportahan pa si Anthony sa pagpapanggap sa lolo niya ay naisipan ni Analyn na gawin din ang ginagawa ni Anthony.
Kumuha siya ng isang putahe na inordee niya mismo at saka inilagay ito sa plato ni Anthony.
“Anthony, eto oh…,’yung favorite mo…” nakangiting sabi pa ni Analyn.
Nakasentro ang atensyon niya sa paglalagay ng pagkain sa plato ni Anthony kaya hindi niya napansin ang tila nagbibigay babala na tingin nito sa kanya. Napahinto lang si Analyn nang magsalita si Greg.
“Ha? Kailan pa naging paborito ni Anthony ang talong? Mula bata pa ’yan hindi iyan kumakain ng talong. Ever since… Analyn.”
Nag-angat ng tingin si Analyn. Nakatingin sa kanya si Lolo Greg habang may pagtataka sa mukha. Hindi alam ni Analyn kung ano ang sasabihin o gagawin kaya napangiti na lang siya sa matanda.
Tumikhim naman si Anthony kaya napabaling ang tingin at Lolo Greg sa binata.
“‘Lo… hindi mo ba alam? Kumakain na nito si Anthony ngayon,” biglang sabi ni Analyn.
“Talaga?” Hindi pa rin makapaniwalang tanong ni Greg.
“Uh-huh… since… favorite ko po ang talong, kaya… nagustuhan na rin ni Anthony.” Napalunok nang malaki si Analyn. Hindi niya alam kung ano ang maaaring gawin sa kanya ng boss ng DLM pag-uwi nila.
“Sabagay…” tumango-tango si Greg, “ang sabi nga, kapag ang dalawang tao ay nagsasa,a na ng matagal, iyong mga paborito at ginagawa ng isa ay nahahawa niya na rin sa isa. Justbloke me, I am not accustomed to eating desserts after meal. Pero iyong asawa ko, itong lola ni Anthony, hindi nabubusog iyon kapag hindi nakakain ng panghimagas. Kaya nasanay na rin ako na kumakain ng sweets after meal.”
“Opo! Ganun nga po ‘yun!” natutuwang sang-ayon ni Analyn.
Hindi naman sinasadyang napatingin si Greg kay Anthony at sa talong na nasa plato niya.
“Oh, Tonton. Kainin mo na ‘yang talong! Paborito n’yo pala ni Analyn ‘yan,” nakangiting sabi ni Greg sa apo.
Walang nagawa si Anthony kung hindi sapilitang kainin ang pagkaing pinaka-ayaw niyang kainin. Tinandaan na lang niya na bibigyan niya ng leksyon mamaya ang dalaga pag-alis nila sa ospital.
Pagkatapos nilang kumain ay agad na ibinalik ng dalawa sa kuwarto niya si Greg. Nang maihiga na nila ito ay agad sila nitong itinaboy.
“Sige na. Okay na ko. Alam kong mga busy kayo kaya pwede na kayong umalis. Salamat sa pagdalaw, lalo na sa iyo, Analyn. Just bring her back here if you have time.”
“Sige, ‘Lo. Magpahinga ka na. Babalik na lang uli kami ni Analyn.”
Lumapit si Analyn sa matanda at saka masuyong niyakap ito. Hindi pa nagtatagal ang pagyakap niya sa matanda nang maramdaman niya ang kamay ni Anthony, tila inaaya na siya nitong umalis sila kaya bumitiw na siya kay Greg.
Hawak-hawak nang mahigpit ang mga kamay niya habang naglalakad sila papunta sa pintuan. Alam ni Analyn na sinasadya ni Anthony ang paghawak nito ng mahigpit sa kamay niya.
“Sir Anthony, nasasaktan ako,” pabulong na sabi ni Analyn dito, “nakatingin pa sa atin ang lolo mo.”
“Wala kang karapatang magreklamo,” impit na sagot sa kanya ni Anthony, halatang galit.
Hanggang sa paradahan ng sasakyan ay hindi inalis ni Anthony ang mahigpit na hawak niya kay Analyn. At dahil alam niyang natatanaw mula sa kuwarto ng Lolo niya ang puwesto nila ngayon kaya ipinagbukas niya ng pintuan at dalaga at saka maingat na isinakay.
“Sorry na, Sir. Hindi ko sinasadya ‘yung kanina. Gusto ko lang namang dagdagan ‘yung acting mo. Kaso nawala sa isip ko iyong mga pagkaing ayaw mo,” paghingi ng pasensya ni Analyn nang nakaupo na sila pareho.
“Sure ka ba diyan sa sinasabi mo? O sinadya mo talaga?” Matiim na nakatingin si Anthony sa mukha ng dalaga na tila pinag-aaralan nito ang katotohanan sa sinabi niya.
Itinaas ni Analyn ang kanang kamay niya na tila nanunumpa. “I swear, Sir. Hindi ko talaga sinadya.”
Lumunok si Analyn. Sa totoo lang ay sinadya niya talagang ipakain iyon sa binata, bilang ganti sa dalawang oras na paghihintay niya rito kagabi sa labas ng subdibisyon niya.
Naniniwala si Anthony na sinadya iyon ni Analyn. Hindi niya nakikita sa dalaga ang sinseridad. Minabuti niyang palampasin na lang ngayon ang ginawa nito.
Binawi niya ang tingin sa dalaga at saka pinaandar na ang sasakyan.
“Remember, Miss Ferrer. One wrong move or word, will likely let Lolo Greg know that our marriage is fake and only an act.”
~C.J.
Nahalata ni Analyn na hindi nagbibiro si Anthony. Tumuwid siya ng upo at saka bahagyang nilingon ang lalaki. “Sorry. Hindi na mauulit. Mag-iingat na ako sa next time.”“Next time? Next time, you’re done,” malamig na sagot ni Anthony sa dalaga.“Bababa ako sa susunod na pagliko. Babalik ako sa ospital para puntahan muna si Papa.”Palibhasa ay nasa parehong ospital lang ang papa niya at ang lolo ni Anthony, pero nasa magkaibang building. Hindi naman kumontra si Anthony at sinunod ang utos ni Analyn. Bago bumaba si Analyn, hinarap niya si Anthony. “Sir Anthony, ang galing ko, di ba? Mukha namang masaya si Lolo Greg sa pagbisita ko.”Bahagyang tumaas ang isang kilay ni Anthony. “And so?”“Nangako ka, iyong isang linggong sahod ko.”“Ang dami ko nang binili sa ‘yo na mga damit at sapatos, kulang pa ba ‘yun?” Hindi nun nasindak si Analyn. Sa halip, inalis niya ang lock ng seatbelt niya at saka akmang bababa na ng sasakyan. “Okay. Pupuntahan ko na lang uli si Lolo Greg pagkagaling ko kay
Ilang minuto pang nag-usap sila Analyn at Jan. Lampas na ng alas-singko nang magpaalam na si Analyn. Dumaan muna siya sa isang malapit na grocery store para bumili ng mga gulay. Tamang-tama naman na malapit na lang din doon ang sakayan ng bus papunta sa Grace Village.Nakapagluto at nakakain na si Analyn pero hindi pa rin dumadating si Anthony. Hindi na niya hinintay ang lalaki. Umakyat na siya sa kuwarto niya at saka nag-shower nang mabilis. At dahil wala naman na siyang gagawin pa, minabuti niyang matulog na. Nasa kalaliman na ng gabi ang tulog ni Analyn nang makaramdam siya ng uhaw. Wala siyang choice kung hindi ang lumabas ng kuwarto niya at bumaba sa kusina para uminom ng tubig. Samantala, halos mag-uumaga na ng nakauwi si Anthony. Dumiretso siya sa kuwarto niya. Nakainom siya ng kaunti kaya gusto niyang mag-shower muna ng mabilis bago matulog. Nang buksan ni Anthony ang ilaw ng kuwarto niya, nagulat siya ng makita ang kama niya.“Ano’ng ginagawa ng babaeng ito sa kama ko?” i
Abala si Analyn sa pagtapos sa design niya kaya hindi niya namalayan na lunch break na pala. Nang igala niya ang tingin sa paligid ay nagtatayuan na ang mga kasamahan niyang mga designers at isa-isa nang lumalabas sa opisina nila. Marahil ay para mananghalian na.“Analyn, tara na!” pagtawag ng kaibigan ni Analyn na si Michelle.“Eto na,” sagot ni Analyn at saka pinatay ang power ng laptop niya.Nilapitan na ni Analyn ang naghihintay na si Michelle. Palabas na sila ng pintuan ng bumulaga si Karla, ang Mama ni Analyn. “Analyn,” walang emosyong pagtawag nito kay Analyn. Nagtaka naman si Analyn kung bakit siya pinuntahan ng Mama niya. “Magandang tanghali, Tita,” bati ni Michelle. “Michelle, sandali lang, ha?” paghingi ng paumanhin ni Analyn sa kaibigan, tapos ay binalingan ang Mama niya, “‘Ma, dito tayo.”Iginiya ni Analyn ang babae sa balcony sa labas ng opisina nila. “Bakit kayo nandito?”“Analyn, hindi ako nagbibiro. Kailangan na ni Jiro ang pera para sa kasal nila ni Frances.”Ba
Akala ni Analyn, pagkatapos malaman ng mga ka-opisina niya na kasal na siya ay wala ng problema. Napansin niya na nag-iba na ang trato sa kanya ng mga kasamahan niya pagkatapos nun. Iyong iba ay tahasan siyang pinag-uusapan kahit pa nandoon lang siya at naririnig niya. Iyong iba ay nagpupunta pa talaga sa mesa niya at kung ano-ano ang pang-iinsulto na sinasabi sa kanya. Nasasaktan man, pero kailangang tiisin lahat iyon ni Analyn.“Okay lang. Sige lang,” mahinang sabi ni Analyn sa sarili. After all, ang Papa niya naman ang nakinabang sa kasalang inoohan niya.Nang gabi ring iyon, may meeting na dinaluhan si Anthony kaya naman late na siya nakauwi sa bahay. Pagkapasok ng bahay, agad niyang hinubad ang coat niya pati na ang sapatos niya. Nagsuot siya ng tsinelas niyang pambahay at nakahanda ng umakyat ng hagdan nang mapahinto siya sa pag-akyat. May nakita siyang pigura na nakahiga sa sofa. Nilapitan ni Anthony ang babaeng nakabaluktot sa sofa. Tila balisa ito habang natutulog. Halos ma
Pagkapasok ni Analyn sa pintuan ng opisina nila, saka lang niya nalaman na nagpa-meeting pala ang boss niya ngayong umaga. Wala naman siyang natanggap na abiso kaya wala siyang alam. At dahil hindi siya nakita nito sa loob ng meeting room, as usual, puro insulto na naman ang sinasabi nito kay Analyn sa harap ng buong departamento. Alam na alam ni Analyn dahil dinig na dinig niya ang mga sinasabi nito kahit nasa labas siya ng meeting room.“Hindi ko kailangan ang tatamad-tamad na mga empleyado dito sa departamento ko! Aanhin n’yo ang ganda, kung wala naman kayong sipag sa trabaho? Ano’ng oras na ba? Hanggang ngayon, hindi ko pa rin nakikita ni dulo ng buhok ni Analyn dito?” Alam ni Analyn na kapag pumasok pa siya ngayon sa loob ng meeting room ay hindi naman hihinto si Richie sa pagbira sa kanya. Sa tingin ni Analyn, para pa ngang mas nasisiyahan si Richie na may audience siya habang nilalait siya. Para kasing ang dating mas makapangyarihan siya kapag ganun. Umalis na si Analyn sa la
Walang nakapagsalita sa nangyari. Lahat ay tulala na nakatingin kay Analyn. Hindi nila inaasahan na ang tahimik na si Analyn ay kayang gawin ang ganung katapang na kilos.“Analyn,” pagtawag kay Analyn ng babaeng sinampal niya, “may araw ka rin sa aking malandi ka,” galit na galit na sabi nito, sabay duro pa ng daliri kay Analyn, “pagbabayaran mo ang ginawa mong pagsampal sa akin.”Hindi na nagawang sumagot ni Analyn dahil pagkasabi nun ay tumalikod na ang babae at naglakad pabalik sa mesa niya. Iyong mga nanonood naman sa kanila ay isa-isa na ring nag-alisan mula sa pagkakatyo nila sa mga puwesto nila. Agad namang hinila ni Michelle si Analyn palayo roon. “Friend, kamag-anak mo pala si Gabriela Silang?” pabirong sabi nito kay Analyn.“Hindi ko naman siya kakantiin, kung hindi niya ako kinanti,” seryosong sagot ni Analyn, “isa pa, masyado ng foul ang binitawan niyang salita sa akin. Hindi ko na puwedeng palampasin.” “Ang inaalala ko lang, friend… baka mapag-initan ka na naman ni boss
“Analyn.”Bahagyang nagulat si Analyn sa pagtawag ni Anthony sa kanya. Lalo na ng lumapit si Anthony sa kanya at saka hinawakan ang kamay niya. “Bakit hindi ka pa diretsong umuwi pagkatapos ng trabaho mo?”Naguluhan si Analyn sa inaakto ni Anthony. Gusto niya sanang kumawala mula sa pagkakahawak nito, pero sadyang mariin ang pagkakahawak nito sa kamay niya. Lalong nagtaka si Analyn nang lingunin ni Analyn ang lalaking may pilat sa mukha. “Kayo? Ano ba’ng kailangan n’yo?”Sa halip na matakot ang lalaki, bahagya lang itong tuumawa. Sino ba naman kasi ang hindi matatawa? Ang lakas ng loob ni Anthony na sitahin siya gayong nag-iisa lang siya, samantalang ang lalaki ay maraming kasama at mukhang mga palabang katulad niya.“Ano? Magpapakabayani ka ba dito kay ganda?” sita ng lalaki kay Anthony.Hindi sumagot si Anthony, at seryoso lang na nakatingin sa lalaki na tila sinusukat ang kakayanan nito.“Okay, tingnan nga natin ang ibubuga mo,” nakangising sabi ng lalaki kay Anthony. Naglabas ng
Kinabukasan, minabuti ni Analyn na gumising ng mas maaga. Hindi niya kayang harapin si Anthony ngayon. Pagkatapos ng tsismis tungkol sa eksena nila ni Anthony sa elevator kahapon, pihadong hindi rin makakaligtas ang pagtatanggol sa kanya ni Anthony nung uwian.Matagumpay niyang naiwasan si Anthony, pero pagdating niya sa opisina, si boss Richie naman ang nakasalubong niya.Bakit kaya ang agang pumasok nito?Walang pagpipilian si Analyn kung hindi batiin ang boss niya. Ngumiti si Analyn at saka ito binati.“Good morning, boss.”Tiningnan lang siya ni Richie at bahagyang tumango. Walang emosyon ang mukha nito. Nang nakalampas na si Analyn kay Richie, biglang huminto ang lalaki at tinawag si Analyn.Biglang huminto si Analyn sa paglakad at saka hinarap si Richie.“Boss?”“Samahan mo ko mamaya. May dinner party akong pupuntahan. Dress nicely. There are some business partners there. At ayokong
Dalawang buwan na rin si Analyn sa kumbento. Ngayon, mas payapa na ang kalooban niya. Sa loob ng mga buwan na ito, hindi niya inihinto ang trabaho niya sa maliit na kumpanya niya. Nagdo-drawing pa rin siya at tinapos ang mga naiwang trabaho. Sa email lang niya ipinapadala kay Elle ang mga natapos niyang disenyo. Hindi pa rin niya binubuksan ang telepono niya. May usapan sila ni Elle na hindi pwedeng ipagsabi kahit kanino na may ugnayan sila. Pero hindi rin alam ni Elle kung nasaan talaga siya. Panay ang tanong sa kanya ni Elle. Nag-aalala siya para kay Analyn. Ang nasa isip ni Elle ay ang itsura nito nung huli niya itong nakita. Payat at maputla. [“Basta, ingatan mong mabuti ang sarili mo. Kung ayaw mo munang magpakita sa amin, sige lang. Huwag mong isipin ang Blank, kaya ko ‘to.”]Alam ni Analyn na sinasabi lang iyon ni Elle. Alam naman niyang may sarili ring problemang pinagdadaanan ang babae. Baka nahihirapan na itong balansehin ang trabaho at ang pasaway na asawa nito. Dahil dit
Dalawang buwan na ang nakalipas…Sa unang linggo pa lang ng buwan ay may isang magandang pangyayari ang naganap sa kasaysayan ng DLM Group of Companies. May isang international investor na mula pa sa Germany ang nag-invest ng 500 million US dollars dito. Muling nagbunyi ang buong pamunuan ng DLM. Sa unang pagkakataon mula ng umalis si Analyn, ngayon lang uli humarap sa media si Anthony. Sa tingin ng ibang tao, nakabawi na ito mula sa krisis na kinasadlakan niya dalawang buwan na ang nakakaraan.Sinagot niya isa-isa ang mga tanong ng mga media, at pagkatapos ay nagpaalam na. Pagkasakay sa sasakyan, agad na pinasibad ito ni Karl habang mabilis namang nagpahayag ng mga report ang sekretarya. Pero kung titingnan si Anthony, halata mong hindi siya interesado sa mga sinasabi ng sekretarya niya. “May balita na ba?” Tumigil ang sekretarya sa pagsasalita. Huminga ito ng malalim at saka sinagot ang paulit-ulit ng tanong ni Anthony sa loob ng dalawang buwan. “Wala pa po, boss. Hindi pa rin
“Paano ba nasusukat ang pagiging okay, ‘Nay Mercy?” balik-tanong niya sa ginang.“Huwag mong pilitin ang sarili mo, Analyn. Dadating din ang tamang oras at panahon. Malalaman mo na lang na naghilom na ang sugat sa puso mo. Hindi ko alam kung anong pinagdaanan mo o kung ano’ng problema ang meron ka. Pero lahat ng nararamdaman mo, ibigay mo sa Maykapal. Siya lang ang makakatulong sa iyo. Ituturo niya sa iyo kung ano ang dapat mong gawin.” Nang nagpunta si Analyn dito sa kumbento, hindi niya sinabi kay Mercy ang dahilan ng kagustuhan niya na pansamantalang manirahan sa lugar. Hindi rin naman siya tinanong ng matandang babae, at sa halip ay inirekomend pa siya sa head ng mga madre roon. Tumango-tango si Analyn. Nagbaling siya ng tingin sa iba’t-ibang mga punong nasa harapan ng kumbento, habang kinakapa niya ang damdamin niya ngayon. Pagkatapos ay muling nagbaling ng tingin kay Mercy.“Ikaw, ‘Nay. Matagal ka na kamo rito, hindi ka pa ba okay sa tagal mo na rito sa kumbento?”“Malalaki na
“Get out,” utos ni Anthony kay Karl, na siyang nakaupo sa driver's seat. “Boss, saan tayo pupunta?” tanong ni Karl. “I said get out! Ako ang magda-drive!”“P-Pero, Boss…” atubiling sagot ni Karl dahil napansin nito ang hindi magandang itsura ng mukha ng amo. “Aalis ka riyan o aalisin kita sa trabaho?” tila pikon na pikon na tanong ni Anthony. Nagmamadaling binuksan ni Karl ang pintuan at saka bumaba ng sasakyan.Mabilis namang umakyat ng sasakyan si Anthony pagkababa ni Kar. “Boss, samahan na kita,” alok ni Karl sa amo. “Shut up!” Pagkatapos ay malakas na isinara ni Anthony ang pintuan ng sasakyan niya. Wala ng nagawa si Karl ng pasibarin ng amo ang sasakyan nito. Sakto naman na kalalabas lang ng sekretarya ni Anthony at nakita niya ang pagharurot ng sasakyan na kinalululanan nito.“Bakit mo pinayagang mag-drive?” nag-aalalang tanong ng sekretarya kay Karl habang pareho silang nakatingin sa papalayong sasakyan ng amo. Binitiwan ni Karl ang tingin sa sasakyan at saka nagbaling
May nag-abot ng dokumento kay Anthony. SNakasulat doon na s isang kalapit na bansa nagpunta si Analyn. Pero paano kung pinapalabas lang ni Analyn na naroroon siya, pero ang totoo ay nasa ibang bansa na uli ito? Tinawag ni Anthony ang sekretraya at ang chief security ng security group niya. “Someone arrange a flight for me immediately. Susundan ko ang asawa ko.”“Hindi mo pwedeng gawin ‘yan!” Napalingon ang lahat sa bagong dating. Si Elle. Madilim ang mukha nito habang magma-martsa papunta kay Anhony. “I mean, wala kang karapatan na sundan pa si Analyn. Hindi niya deserve ang isang tulad mo,” deretsahang sabi ni Elle ng nasa harapan na siya ni Anthony.“Paano mo nasabi ‘yan, Elle? Asawa ko si Analyn. Ano’ng reason para hindi ko siya sundan?” sagot ni Anthony.“Reason? Ano rin ba ang reason mo nung iniwan mo si Analyn sa Hongkong para bumalik dito at dalawin si Ate Brittany? Nasaan ka ba nung kailangan ka niya? Wala ka naman sa tabi niya. So ano’ng diprensiya ngayon na nasa ibang
Nagulat si Analyn ng may huminto sa harapan niya na kulay itim na sasakyan paglabas niya ng ospital. Nang bumaba ang sakay nun ay tila tumigil ang pag-ikot ng mundo niya. Parang biglang nalagay sa PAUSE ang lahat sa paligid niya at ang nakikita lang niyang gumagalaw ay ang lalaking matagal ng hindi nasilayan ng mga mata niya. Iilang oras pa lang na nakabalik ng Tierra Nueva si Anthony pero nahanap na agad siya. Hindi nakagalaw si Analyn. Natulos siya sa kinatatayuan niya. Namalayan na lang niya na nasa harapan na pala niya si Anthony. “Masakit pa ba? May masakit ba sa ‘yo ngayon?”Nag-iwas ng tingin si Analyn. Hindi niya alam kung paano sasagutin ang tanong ni Anthony. Hindi niya kasi matukoy kung alin ba ang masakit na naramdaman niya ng mga nakaraang araw.Napilitang tingnan ni Analy si Anthony. Tinitigan niya ito sa mga mata nito. At saka niya napagtanto na ang lalaking dating pamilyar na pamilyar sa kanya, ngayon bigla, ay estranghero na sa kanya.Hindi malaman ni Analyn kung
Ngumiti si Analyn kay Edward. “Ayoko nga sana kasi masasarap ang pagkain dito, pero kailangan ko ng umalis talaga. Baka kasi singilin mo na ako.”“Hindi ko naisip ‘yan, pero binigyan mo ako ng idea,” ganting biro ni Edward. Malapad na ngumiti si Analyn. “Kaya nga uunahan ko ng umalis.” “So, saan ka pupunta pag-alis mo rito ngayon?” “Uhm? Sa ospital.” Tumaas ang isang kilay ni Edward. “Sa ospital?”“Kailangan ko munang mag-follow up check-up. Mula nang lumabas ako ng ospital sa Hongkong, hindi pa ako natingnan ulit ng doktor.” Nagkibit-balikat lang si Edward. Hindi naman nagsinungaling si Analyn. Sa ospital talaga siya nagpunta nang umalis siya sa poder ni Edward. Sa kabutihang palad, maganda ang resulta lahat ng laboratory test at iba pang eksaminasyon niya. “Doc, magkaka-anak pa ba ako?” Hindi napigilang itanong ni Analyn sa OB-Gyne na kaharap ngayon. “Ano ba’ng tanong ‘yan, iha? Bata ka pa, of course, pwede ka pang magbuntis at manganak,”Tipid na ngumiti si Analyn. NAPA
Tatlong araw na ang nakaraan. Biglang maraming dumating na investment sa DLM Group, dahilan para umayos na ang masamang sitwasyon ng kumpanya. Bigla, gumanda ang kinalalagyan ng kumpanya sa stock market, at bumagsak naman ang sa mga kumalaban na kumpanya sa DLM. Dahil ligtas na ang DLM sa posibleng tuluyang pagbagsak nito, bumalik na sa Tierra Nueva si Anthony. Sa airport, maraming reporters ang hindi inaasahan ni Anthony ang sumalubong sa kanya.“Mr. De la Merced, okay na po ba ang lagay ng DLM Group of Companies kaya bumalik ka na? For good na ba ang pagbalik mo rito?”“Pwede mo bang ibahagi sa amin ang mga naging plano mo ng counter- attack habang nasa Hongkong ka?”“Mr. De la Merced, ano ang magiging next step mo?” “Sir, Sir… ano po ang relasyon ninyo ni Miss Brittany Esguerra?” Dahil sa sobrang sikip at napapalibutan si Anthony ng mga bodyguard niya, hindi sinasadya ng isang taga-media na tamaan ng mic niya ang pisngi ni Anthony. Biglang huminto sa paglalakad si Anthony at s
“Hoy! Bakit ka sumasabat sa usapan namin? Isa ka lang na taga-silbi rito,” sita ng isang lalaki. “Oo nga, alam mo ba kung ano ang pinag-uusapan namin dito?” sabi pa ng isa.Ngumiti si Analyn. Umaayon sa plano niya ang nangyayari ngayon.“Yes, sino ba ang hindi nakakaalam ng kasalukuyang sitwasyon ng DLM Corporation? Nasa krisis ngayon ang nasabing kumpanya, pero sa palagay ko, kayang baligtarin ng DLM ang masamang kapalaran niya ngayon. From defeat to victory. Dati akong nagtatrabaho sa DLM, sa isang mahalagang departamento, kaya alam na alam ko ang financial situation ng kumpanya. At naaalala ko na itinago ni Sir Anthony ang strategy na iyon mula sa ibang mga kalabang kumpanya sa Tierra Nueva para subukan sila.”Napuno ng pagtataka ang mga mukha ng mga lalaking naroroon. “Ano’ng sabi mo? Nagtrabaho ka sa DLM?” tanong ng isang lalaki roon. “Kung ganun, ano’ng ginagawa mo rito bilang isang waiter?” tanong ng isa pa at saka pasimpleng hinagod ng tingin ang unipormeng pang-waiter na s