Kinabukasan, minabuti ni Analyn na gumising ng mas maaga. Hindi niya kayang harapin si Anthony ngayon. Pagkatapos ng tsismis tungkol sa eksena nila ni Anthony sa elevator kahapon, pihadong hindi rin makakaligtas ang pagtatanggol sa kanya ni Anthony nung uwian.
Matagumpay niyang naiwasan si Anthony, pero pagdating niya sa opisina, si boss Richie naman ang nakasalubong niya.
Bakit kaya ang agang pumasok nito?
Walang pagpipilian si Analyn kung hindi batiin ang boss niya. Ngumiti si Analyn at saka ito binati.
“Good morning, boss.”
Tiningnan lang siya ni Richie at bahagyang tumango. Walang emosyon ang mukha nito. Nang nakalampas na si Analyn kay Richie, biglang huminto ang lalaki at tinawag si Analyn.
Biglang huminto si Analyn sa paglakad at saka hinarap si Richie.
“Boss?”
“Samahan mo ko mamaya. May dinner party akong pupuntahan. Dress nicely. There are some business partners there. At ayokong
“Enough!”Sabay na napalingon si Analyn at Vi kay Richie. Itinuro ni Richie si Analyn.“Ikaw, Analyn. Huwag kang magparatang sa kasamahan mo. Paano mo nasabing ikaw ang gumawa nito, wala ka ngang maipakita sa akin ngayon. Bakit parang napakagaling mo kung magsalita ka? Wala ka pa namang napatunayan sa departamentong ito. I tell you, kung hindi ka magbabago, hindi ka tatagal sa departamento ko. This design department will not tolerate your bad habits!”Buong tapang na hinarap ni Analyn si Richie.“Boss Richie, design ko ‘yan. Ako ang gumawa. At patutunayan ko ‘yan sa ‘yo.”Bahagyang natawa si Richie.“Patutunayan mo? Kanino? Kapag sinabi ko sa managemen na design ni Vi ito, that's it! Design ni Vi ito, at walang kokontra dun. Sa tingin mo, hindi sila maniniwala kapag sinabi ko ‘yun?”Mariing naikuyom ni Analyn ang malayang kamay niya. Hawak niya kasi sa isa ang laptop niyang ayaw magbukas.So, naniniwala si boss Rich
Nagulat man si Analyn sa sinabi ni Anthony ay naisipan pa rin niyang magpasalamat sa lalaki.“Thank you. Sir. Maraming salamat, pero kaya ko pa naman.”Dahil mukhang desidido naman si Analyn na hindi magpatulong kay Anthony, nilingon ng binata ng assistant niya para senyasang aalis na sila roon. Kaagad namang nagpunta sa CCTV room si Analyn nang naglakad ng palayo ang dalawa.Sa loob ng CCTV room, natuklasan ni Analyn na ang lahat ng video ngayong umaga sa kanilang departamento ay burado lahat. Nanghina siya sa nalaman. Nagsisi siya na hindi siya nagpunta agad sa CCTV room pagkatapos ng sagutan niya kay Vi at boss Richie.Napakabilis ng mga kalaban niya. Nasira agad nila ang ebidensya na panghahawakan niya sana.Saka lang napansin ni Analyn ang sunod-sunod na message alert mula sa telepono niya. Wala sa loob na tiningnan ni Analyn kung bakit. Doon niya nakita sa group chat ng departamento nila ang maraming mensahe ng pagbati kau Vi, kas
Kinabahan si Analyn. Hindi niya alam na kasali ang pag-inom ng alak sa mga ganitong negosasyon sa kumpanya. Ang buong akala niya ay mauupo lang siya at makikinig sa usapan.“S-Sorry… hindi ako umiinom. Allergic ako sa alcoholic drinks.”Biglang sumama ang mukha ni Michael, ganun din iyong Robert. Hindi kasi talaga umiinom ng alak si Analyn, mababa ang alcohol tolerance niya. Hindi niya alam kung saan siya pupulutin nito mamaya kung pagbibigyan niya ang alok nilang uminom siya ng tatlong baso.“Okay, ganito lang. Instead ng wine, iced tea na lang ang iinumin ko. Tatlong baso. Deal!”“Richie? Ano ba ‘tong tao mo?” reklamo ni Robert.“Ang KJ mo naman pala, Analyn,” sabi naman ni Michael.“Analyn, hindi mo naman pala kayang makipagsabayan dito, sana sinabi mo na agad kanina. Nagsayang lang ako ng laway sa ‘yo. Sana, iba na lang ang isinama ko,” reklamo naman ni Richie.Lahat ng tatlong lalaki ay sabay-sabay na nagsasalita. Hin
Nanlaki ang mga mata ni Richie.“S-Sir An-Anthony.”Tila nanghina bigla si Richie nang makita ang big boss ng DLM sa harapan nya. Hindi niya tuloy napansin na lumuwag ang pagkakahawak niya sa katawan ni Analyn. Dumausdos tuloy si Analyn.Hindi sana maghihinala si Anthony, pero sa reaksyon na nakita niya kay Richie, alam niyang may mali kaya pinindot niya ang HOLD na buton para hindi magsara ang pintuan ng elevator.“S-Sir Anthony, ano’ng– ano’ng ginagawa n’yo rito? I mean, bakit kayo narito?”“Richie, ano ‘to?”“Ah, ah… ‘yung… ‘yung isa ko kasing tao sa Creatives, naparami ng inom. Eh, pagpapahingahin ko muna sa taas habang hinihintay ang sundo niya.”Ngumiti si Richie kay Anthony, pero hindi siya sigurado kung ngiti ba talaga ang nagawa niya o ngiwi.Hindi pinansin ni Anthony ang sinasabi ni Richie. Agad niyang dinaluhan si Analyn na nakahandusay pa rin sa lapag ng elevator. Agad niyang itinayo si Analyn at saka mabilis
Pagkagaling kay Richie, agad na bumalik si Anthony sa sasakyan niya kung saan naroroon ang tulog na si Analyn. Pagbukas niya ng pintuan ay agad na sumalubong sa ilong niya ang matapang na amoy ng alcohol kaya nahigit niya ang kanyang paghinga.“Ayoko na… hindi ko na kaya… Hanggang isang baso lang ako.”Ang lasing na si Analyn ang nagsalita habang nakataas pa ang kamay nito at ikinakaway na tila pinipigil ang kausap na bigyan pa siya ng alak.Napabuga ng hangin si Anthony, at saka sinermunan si Analyn na parang maririnig siya nito.“Kung ayaw mo talagang uminom, hindi ka iinom kahit anong pilit nila sa ‘yo.”Nang mapagtanto ni Anthony na balewala lang ang pagsasabi niya nun dahil hindi naman naririnig ni Analyn, iniayos na niya ang dalaga sa pagkakaupo nito at saka siya umikot sa driver’s side.Habang nasa biyahe, hindi mapakali si Analyn sa upuan niya. Galaw siya ng galaw kaya nadi-distract si Anthony sa pagmamaneho niya.
Nagmamadaling isinara ni Analyn ang pintuan ng kuwarto niya, kasabay ng pagtahip ng dibdib niya. Sapo-sapo ang ulo na naglakad siya papunta sa kama niya. Nahimasmasan na siya nang bahagya, pero nagtataka siya kung bakit siya nasa kuwarto ni Anthony ngayon-ngayon lang.Naupo siya sa gilid ng kama niya habang hinihilot ang noo niya.Ang natatandaan niya, pumunta siya sa restaurant na sinabi ni boss Richie na dadaluhan nito na dinner party, at sasamahan niya ito roon. Pagkatapos, pinainom siya ni Michael ng alak. Hindi lang isang baso. Actually, hindi na matandaan ni Analyn kung ilang baso ng alak ang tinungga niya. Kaya siguro masakit ang ulo niya ngayon.Pero ang tanong niya sa sarili kung bakit nandito na siya sa bahay ni Anthony. Paano siya nakauwi? Ano’ng oras siya umuwi?Sa kakaisip, hindi sinasadyang napatingin si Analyn sa suot niyang damit. Iyon pa rin naman ang suot niya nang nagpunta siya sa restaurant. Nakaramdam siya ng kampant
Naglalakad si Vi nang biglang may humila sa kanya mula sa loob ng pantry sa opisina.“Vi, ano’ng nangyari? Sabi mo hindi papasok ngayong araw si Analyn?”Sumimangot si Vi, at saka biglang naisip ang kuya niyang si Robert.“Pwede ba, huwag na huwag n’yo ng mababanggit sa akin ang pangalan na ‘yan?”Nagtinginan ang mga kasamahan ni Vi na nasa loob ng pantry. Lalo lang nainis si Vi. Ang gusto lang naman niya ay turuan ng leksyon si Analyn. Planado na ang lahat. Ang huling sabi ng Kuya niya sa text ay naroroon na kagabi si Analyn sa restaurant kasama nila ni boss Richie. Pero nakakapagtakang nandito ngayon si Analyn at hindi sinasagot ng kapatid ang mga tawag niya.“Bwisit talaga ‘yang Analyn na ‘yan! May sa malas!”Hindi na makapaghintay si Vi na dumating ang araw na magantihan niya si Analyn. MULA ng mawala si boss Richie sa Design department, mas nakakapagtrabaho na ng mabuti ang lahat ng emple
“Hala! Bakit nandito si boss Anthony?” gulat na sabi ni Michelle sa likuran ni Analyn.Hindi namalayan ni Analyn na nasa likod na pala niya ang kaibigan sa katititingin kay Anthony sa mesa nito.Paano ba naman, napaka-finese nitong kumain. Akala mo prinsipe na de numero ang pagsubo. Para bang ninanamnam niyang mabuti ang lasa ng pagkain.“Pati kung kumain, ang hot ano?” puna uli ni Michelle.“Hot, hot ka diyan. Iinit talaga ang ulo niyan sa atin kapag nakita niya tayong nakatunganga sa kanya. Tara na! Dito tayo sa kabilang side!” aya ni Analyn sa kaibigan.“Bakit naman ang layo ng napili mong mesa?” tanong ni Michelle.Ayaw kasi ni Analyn na makita siya ni Anthony. Hindi pa nga malinaw sa kanya kung ano talaga ang nangyari kagabi at si Anthony ang nag-uwi sa kanya. Lalo na at nahihiya siya rito sa pagpasok at pagtabi niya sa kama nito. Pakiramdam niya, hindi niya kayang tumingin at makipag-usap kay Anthony
“Hi, Analyn! Laki ng damage nung kuwarto ko nang dahil dito kay Ton kaya ako naparito.”Nakagat ni Analyn ang ibabang labi. Alam naman niyang siya ang dahilan ng pagkasira ng property ni Edward at hindi si Anthony. Iniligtas lang siya ng amo. Tumayo si Edward at saka lumapit kay Analyn. Sinipat nito ang mukha ng dalaga kung alin ang may gasa dahil sa sugat niya.“Masakit pa ba?”Nailang naman si Analyn sa pagsipat ni Edward sa pisngi niya kaya nag-iwas siya ng tingin sa lalaki. Hindi naman sinasadyang kay Anthony siya napatingin. Saktong nakatingin din pala sa kanya ang lalaki kaya nagbaba siya ng tingin. Nahihiya siya kay Anthony.Nahalata ni Edward ang tensyon sa pagitan ng dalawa kaya minabuti niyang magpaalam na para umalis.“Aalis na muna ako. Aasikasuhin ko muna ang kapatid mo,” sabi ni Edward kay Analyn.“Ako na ang humihingi ng pasensiya para sa kapatid ko. Pasaway kasi talaga ‘yun.”Tinapik ni Edward ang braso ni Analyn.“Don’t worry. Ako’ng bahala sa kapatid mo. Ibabalik ko
Nagmamadaling tinapos na ni Anthony ang paliligo para mapuntahan na niya si Analyn sa kuwarto ng dalaga. Hindi pa nawawala ang anestisya sa katawan ng dalaga kaya hindi pa ito nagigising.Tahimik na pumasok si Anthony sa kuwarto ng dalaga. Lumapit siya sa kama nito at saka matamang pinagmasdan ang mukha nito. Maputla pa rin ang mga labi niya, at natatakpan pa ng gasa ang kaliwang bahagi ng mukha niya. Napakapayapa nitong pagmasdan. Sinamantala ni Anthony na pagmasdan ang dalaga habang hindi pa ito nagigising.Nang biglang tumunog ang telepono ni Anthony na nasa bulsa ng pantalon niya. Bago pa magising si Analyn sa ingay ng telepono niya ay minabuti ni Anthony na lumabas na muna ng kuwarto ng dalaga.NANG nagdilat ng mga mata si Analyn, isang nag-aalalang Manang Edna
Muling ngumisi si Carlito habang nakatingin sa kutsilyo niya na may bahid ng dugo ni Analyn. Mukhang natutuwa siya sa dugong nakikita. Habang si Analyn ay putlang-putla na ang mukha sa takot na nararamdaman.Balak sanang ulitin uli ni Carlito ang ginawa niya sa mukha ng dalaga nang biglang may ingay siyang narinig sa pintuan kaya napalingon siya roon.“De– De la Merced?”Nakatayo lang si Anthony sa tapat ng pintuan. Matiim siyang nakatingin kay Carlito. Napansin niya ang dalawang tao na nasa tapat ni Carlito kaya lumipat ang tingin niya sa mga iyon. Doon niya nakita ang hindi okay na itsura ni Analyn at may dugong bahagyang umaagos mula sa pisngi nito.Agad na nagdilim ang awra ng mukha ni Anthony. Lumipat muli ang tingin niya kay Carlito. Agad namang n
Hindi pa nakaka-move on si Analyn dahil sa nalamang kay Edward ang casino na kinaroroonan niya ngayon nang tabihan uli siya ni Carlito sa sofa.Inakbayan siya ng lalaki, habang ang isang kamay ay dumampot ng stick ng sigarilyo mula sa mesa. Agad namang dinampot ni Analyn ang lighter na naroroon din sa ibabaw ng mesa sa kabila ng kabang nadarama niya. Sinindihan niya ang sigarilyong nasa mga labi ni Carlito, na ikinatuwa naman ng huli.“Michelle, eh kung sumama ka kaya mamaya sa bahay ko? Ang dami kasing istorbo rito. Doon, walang iistorbo sa atin,” nakangising sabi ni Carlito. Inilapit pa nito ang mukha niya sa mukha ni Analyn na parang gustong halikan ang dalaga.Nagkunwari naman si Analyn na nahulog ang lighter para magkaroon siya ng dahilan na yumuko at para hindi mahalikan ni Carlito.&nbs
“Boss Edward?” gulat na sabi ni Carlito sa taong nasa labas ng pintuan.Nanlaki naman ang mga mata ni Analyn. Hindi niya alam ang gagawin. Nakatingin sa kanya ngayon si Edward, ang lalaking ka-meeting ni Anthony nung nakaraang araw.Agad na nagbawi ng tingin si Analyn. Hindi niya alam kung ano ang tumatabo sa isip ngayon ng lalaki sa itsura ng make up niya ngayon at sa mapangahas niyang pagdadamit.Agad na tumayo si Carlito at sinalubong si Edward.“Boss Edward… ano’ng masamang hangin ang nagtaboy sa iyo sa kuwarto ko?” nakangiting sabi ni Carlito sa bagong dating.“May palabas ka raw rito, nasagap ko,” walang emosyon na sagot ni Edward.Humalakhak si Carli
Matamis na ngumiti si Analyn sa lalaki.“Hi. Nandiyan ba si Mr. Sy? Dito ako pinapunta ng amo ko. Room 349, tama naman, di ba?” Kumindat pa si Analyn sa lalaki.Lumingon naman sa loob ng kuwarto ang lalaki.“Bosing Carlito, humingi ka ba ng babae kay Mr. Sy?”Bigla namang kinabahan si Analyn. Mabubulilyaso pa yata ang plano niya. Naisipan niyang alisin ang pangalawang butones ng pang-itaas niya kaya bahagyang lumitaw ang itaas na bahagi ng pisngi ng dibdib niya. Sakto namang muli siyang nilingon ng lalaki at sa dibdib niya ito napatingin.“Babae? Maganda ba?” sabi mula sa loob, malamang iyong Carlito na tinawag ng lalaking kausap ngayon ni Analyn.
“Magtatagal ka ba rito, Analyn? Dinner tayo,” yaya ni Jan sa dalaga.Sandaling nag-isip si Analyn. Parang gusto na niyang pagbigyan ang binata. Ilang araw na siyang kumakaing mag-isa sa bahay ni Anthony at nalulungkot siya. At least ngayon may kakuwentuhan siya at kasabay kakain.Sasagot na sana siya kay Jan nang biglang mag-ring ang telepono ni Analyn. Tiningnan ni Analyn ang screen, nakita niya ang isang hindi naka-rehistrong numero.“Sandali, Jan. Sasagutin ko lang ito.”Tumango lang si Jan. Naglakad na palabas si Analyn.“Hello?” agad na sabi niya pagkalabas niya ng pintuan.[“Miss Ferrer, hawak namin ang kapatid mo. Gusto mo bang mabuhay pa siya?”]Nanlaki ang mga mata ni Analyn. Bigla siyang kinabahan. Muli niyang tiningnan ng screen ng telepono niya. Paano kaya nila nalaman ang numero niya?Muling ibinalik ni Analyn ang telepono sa tapat ng tenga
Hindi pa rin umuuwi si Anthony sa bahay niya. Subsob siya sa trabaho sa opisina. Ngayong hapon, may appointment siyang dinner sa may-ari ng Del Mundo Corp. Isinama niya si Vivian.Nang nasa loob na sila ng elevator, nagtaka si Vivian nang biglang pindutin ni Anthony ang 31st floor nang nasa ika-33rd floor na sila, sa halip na sa lower basement na una niyang pinindot.Nagkaroon ng hinala sa isip ni Vivian nang lumabas si Anthony ng elevator at naglakad patungo sa salaming pinto ng opisina ng Creatives, Inc.Sumilip si Anthony sa loob. Iyong mesa agad ni Analyn ang tinignan niya. Nakita nyang wala roon ang dalaga. Nagkataon naman na palabas na ng kuwarto si Michelle.“S-Sir Anthony? May kailangan po kayo?”Lumunok muna si Anthony bago nagsalita. Ayaw niya sanang hanapin si Analyn pero parang may nagsasabi sa kanya sa isip niya mapapalagay lang siya sa pupuntahan kung alam niya kung nasaan ang dalaga.“
“Have a seat, Ms. Employee,” yaya ng lalaking kasama ni Anthony sa kuwarto.Tiningnan muna ni Analyn si Anthony. Nang nakita niyang bahagya itong tumango sa kanya, tanda ng pagsang-ayon nito ay nagsimula na siyang naglakad patungo sa sofa na kinauupuan ng dalawa. Minabuti niyang maupo sa pang-isahang upuan.Nakaupo na si Analyn ay nakatingin pa rin sa kanya ang kasama ni Anthony.“Ako nga pala si Edward, Ms. Employee,” sabay abot nito ng kamay niya kay Analyn, “tutal mukhang walang balak ang boss mo na ipakilala ako sa ‘yo,” nakangiting sabi ni Edward.Napilitang abutin ni Analyn ang kamay ni Edward. Isa pa, kaibigan ito ng amo niya kaya kailangan niyang maging magalang dito.Nang magdaop ang mga kamay nila ay mabilis na sumulyap si Edward kay Antony, tila sinusubukan ang binata.“Oh? Baka pwede ko ng malaman ang pangalan mo, Ms. Employee. Nagpakilala na ako sa &ls