Pagkagaling kay Richie, agad na bumalik si Anthony sa sasakyan niya kung saan naroroon ang tulog na si Analyn. Pagbukas niya ng pintuan ay agad na sumalubong sa ilong niya ang matapang na amoy ng alcohol kaya nahigit niya ang kanyang paghinga.
“Ayoko na… hindi ko na kaya… Hanggang isang baso lang ako.”
Ang lasing na si Analyn ang nagsalita habang nakataas pa ang kamay nito at ikinakaway na tila pinipigil ang kausap na bigyan pa siya ng alak.
Napabuga ng hangin si Anthony, at saka sinermunan si Analyn na parang maririnig siya nito.
“Kung ayaw mo talagang uminom, hindi ka iinom kahit anong pilit nila sa ‘yo.”
Nang mapagtanto ni Anthony na balewala lang ang pagsasabi niya nun dahil hindi naman naririnig ni Analyn, iniayos na niya ang dalaga sa pagkakaupo nito at saka siya umikot sa driver’s side.
Habang nasa biyahe, hindi mapakali si Analyn sa upuan niya. Galaw siya ng galaw kaya nadi-distract si Anthony sa pagmamaneho niya.
Nagmamadaling isinara ni Analyn ang pintuan ng kuwarto niya, kasabay ng pagtahip ng dibdib niya. Sapo-sapo ang ulo na naglakad siya papunta sa kama niya. Nahimasmasan na siya nang bahagya, pero nagtataka siya kung bakit siya nasa kuwarto ni Anthony ngayon-ngayon lang.Naupo siya sa gilid ng kama niya habang hinihilot ang noo niya.Ang natatandaan niya, pumunta siya sa restaurant na sinabi ni boss Richie na dadaluhan nito na dinner party, at sasamahan niya ito roon. Pagkatapos, pinainom siya ni Michael ng alak. Hindi lang isang baso. Actually, hindi na matandaan ni Analyn kung ilang baso ng alak ang tinungga niya. Kaya siguro masakit ang ulo niya ngayon.Pero ang tanong niya sa sarili kung bakit nandito na siya sa bahay ni Anthony. Paano siya nakauwi? Ano’ng oras siya umuwi?Sa kakaisip, hindi sinasadyang napatingin si Analyn sa suot niyang damit. Iyon pa rin naman ang suot niya nang nagpunta siya sa restaurant. Nakaramdam siya ng kampant
Naglalakad si Vi nang biglang may humila sa kanya mula sa loob ng pantry sa opisina.“Vi, ano’ng nangyari? Sabi mo hindi papasok ngayong araw si Analyn?”Sumimangot si Vi, at saka biglang naisip ang kuya niyang si Robert.“Pwede ba, huwag na huwag n’yo ng mababanggit sa akin ang pangalan na ‘yan?”Nagtinginan ang mga kasamahan ni Vi na nasa loob ng pantry. Lalo lang nainis si Vi. Ang gusto lang naman niya ay turuan ng leksyon si Analyn. Planado na ang lahat. Ang huling sabi ng Kuya niya sa text ay naroroon na kagabi si Analyn sa restaurant kasama nila ni boss Richie. Pero nakakapagtakang nandito ngayon si Analyn at hindi sinasagot ng kapatid ang mga tawag niya.“Bwisit talaga ‘yang Analyn na ‘yan! May sa malas!”Hindi na makapaghintay si Vi na dumating ang araw na magantihan niya si Analyn. MULA ng mawala si boss Richie sa Design department, mas nakakapagtrabaho na ng mabuti ang lahat ng emple
“Hala! Bakit nandito si boss Anthony?” gulat na sabi ni Michelle sa likuran ni Analyn.Hindi namalayan ni Analyn na nasa likod na pala niya ang kaibigan sa katititingin kay Anthony sa mesa nito.Paano ba naman, napaka-finese nitong kumain. Akala mo prinsipe na de numero ang pagsubo. Para bang ninanamnam niyang mabuti ang lasa ng pagkain.“Pati kung kumain, ang hot ano?” puna uli ni Michelle.“Hot, hot ka diyan. Iinit talaga ang ulo niyan sa atin kapag nakita niya tayong nakatunganga sa kanya. Tara na! Dito tayo sa kabilang side!” aya ni Analyn sa kaibigan.“Bakit naman ang layo ng napili mong mesa?” tanong ni Michelle.Ayaw kasi ni Analyn na makita siya ni Anthony. Hindi pa nga malinaw sa kanya kung ano talaga ang nangyari kagabi at si Anthony ang nag-uwi sa kanya. Lalo na at nahihiya siya rito sa pagpasok at pagtabi niya sa kama nito. Pakiramdam niya, hindi niya kayang tumingin at makipag-usap kay Anthony
“An– Sir Anthony!”Nagulat si Analyn nang makita si Anthony na nasa harap ng mesa niya.Bakit nandito itong taong ito? Hindi ba at iniwan namin siya ni Michelle sa elevator? Kanina pa ba siya sa harapan ko?Pasimpleng sinuyod ni Analyn ng tingin ang paligid. Baka mamaya ay may nakatingin na naman sa kanilang dalawa na mga kasamahan nila at mapag-usapan pa sila.“I want to see the company’s proposed packaging design,” pautos na sabi ni Anthony.Nang narinig iyon ay agad na tumayo si Analyn at saka kinuna ang laptop niya. “Ah yes, Sir.”Bubuksan na sana niya ang laptop, nang bigla siyang natigilan at napahinto.“Ah, Sir… Sir Anthony. Sorry. Wala po sa akin ang approved design. Kung gusto mong makita, kay V– kay boss Vi na lang.”Naningkit ang mga mata ni Anthony. Nalito siya bigla. Mabilis niyang inalisa ang nangyayari.“From the last time I talked with Richie, nabanggit niya na he is
“In that case, I will fulfill your wish.”Muling tiningnan ni Anthony ang pamilyar na disenyo at nagmamadaling lumabas na ng opisina ni Vi.Kinakabahang nasundan na lang ng tingin ni Vi si Anthony. Hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin ng sinabi nito. Pero base sa timbre ng boses nito, parang may alam siya sa disenyo. Iniisip niya kung nagsumbong nga ba talaga si Analyn sa kanya.Pero kahit pa nagsumbong si Analyn kay Anthony, hindi gumagana ang laptop nito. Wala siyang pruweba kay Anthony na totoo ang sinasabi niya. At alam ni Vi na hindi basta-basta maniniwala ang isang tulad ni Anthony sa isang sabi-sabi lang at walang katibayan.Nagmartsa si Vi sa loob ng opisina niya. Naglakad siya paroon at parito sa maliit na espasyo nito. Hindi siya mapakali. Hindi siya makampante. Hindi niya matukoy ang totoong damdamin ni Anthony. Wala siyang makitang emosyon sa mukha nito kanina.Samantala, pagkalabas ni Anthony mula sa opisina ni Vi ay dumiretso siy
Naramdaman ni Anthony na tila may nakatingin sa kanya kaya mabilis niyang sinupil ang ngiti bago nilingon si Raymond. Nahuli niyang nakangiti ito sa kanya na tila nanunukso. Tiningnan niya ng masama ang lalaki na nagbibigay babala na wala siyang nakita kay Anthony.“Salamat, Sir Anthony, salamat,” masayang-masaya na sabi ni Analyn habang yakap-yakap ang laptop niya.Napukaw nun ang atensyon ng dalawang lalaki at sabay silang lumingon kay Analyn. Nagpatuloy ito sa masayang pag-indak yakap ang laptop niya. Tunay na walang pagsidlan ang saya na nararamdaman niya ngayon.“Instead of thanking me, use your brain on your work,” sa halip ay sagot ni Anthony.Hindi alam ni Anthony kung maaawa o maiinis siya sa dalaga. Tinatapakan na siya sa departamento niya, pero hindi niya makuhang lumaban. Sayang ang talento niya na inaabuso ng mga nagiging boss niya. Kung hindi pa niya nakita mismo ng dalawang mata niya ang disenyo na iyon ni Analyn, malamang
Nang pumasok si Analyn sa Design department, kitang-kita ang lungkot sa mga mata niya. Agad siyang nilapitan ng mga kasamahan niya.“Bakit? Ano’ng nangyari? Bakit ka pinaakyat ni boss Anthony sa opisina niya?” Si Michelle ang nagtanong.Malalim na bumuntong-hininga si Analyn. “Gusto nga kasing makita ni Sir Anthony ang ga drawings ko sa laptop ko, kaso hindi talaga nito mabuksan. Napagalitan pa tuloy ako.”“Kawawa ka naman,” sabi ng isang kasamahan ni Analyn.“Oo nga. Pakiramdam ko tuloy para rin akong napagalitan ni boss Anthony,” sabi naman ng isa pa.Tahimik na naglakad si Analyn papunta sa mesa niya. “Tapusin ko na nga ang mga papel na ‘to.”Samantala, hindi mapigilan ng nakatagong si Vi ang mapangiti. Biglang nawala ang kabang kanina pa niya nararamdaman. Ngayon, nakakasigurado siya na talagang walang kamukha ang disenyo niya.Umalis na siya sa may pintuan at kinuha ang bag niya. Mabuti pang umuwi na siya. Panatag na ang lo
“Okay. Okay. Sorry. Nakalimutan ko ‘yan sabihin. Sorry. First time ko lang kasi mag-present, medyo kinakabahan ako.” Bahagya pang yumukod si Vi sa mga tao niya.Pagkatapos ay nilingon niya si Analyn.“Thank you for adding that up, Analyn. You are very meticulous, napansin mo ang maliit na bagay na ‘yun,” nakangiting sabi ni Vi kay Analyn, kahit sa loob niya ay gigil na gigil na siya sa babae.“You may take your seat, Analyn.”Pero hindi sumunod si Analyn. Hindi siya umalis sa kinatatayuan niya na ipinagtaka ni Vi.“Hindi mo ba itatanong boss Vi kung bakit alam na alam ko?Biglang nanlamig ang mga kamay ni Vi sa tanong na iyon ni Analyn. Idagdag pa ang confident na aura ngayon ng babae. Habang siya ay kanina pa kinakabahan at ang gisto na lang niya ay matapos na ang panahon na ito.Pero naisip niya, kahit ano pa ang sabihin ni Analyn ngayon, wala naman siyang patunay na sa kanya ang disenyo.“Okay, pagbibigyan
Dalawang araw na ang lumipas mula ng nalaman ni Anthony ang pagkakasangkot ni Analyn sa nag-viral na proyekto ni Edward, Dalawang araw na ring hindi pinapansin ni Analyn si Anthony. Oo nga at may kasalanan siya sa lalaki, pero bakit parang siya lang ang nadidiin? Naglilihim din naman ang asawa sa kanya. Kung bakit naman kasi hindi niya magawang direktang tanungin ang asawa. Dala-dala ang tray na may lamang dalawang base ng mango shake, inilabas niya ito sa terrace. Naroroon ang ama at hinihintay siya. Kaagad niyang ibinigay ang isang baso sa ama at kaagad namang tinikman iyon ni Damian. “Iha… huwag ka ng gagawa ulit ng mango shake. Wala kang talent.” Tumikwas ang isang kilay ni Analyn. Dinampot niya ang isang baso ng shake na para sa kanya at saka uminom mula roon. Napangiwi siya pagkatapos sumayad ang shake sa bibig niya. “See? Naniwala ka na sa akin? Mag-drawing ka na lang, anak. Huwag mo ng ulitin na gumawa ng shake.” “Grabe siya, oh… hindi man lang ma-appreciate ‘yung ginawa
“Maganda!“Sinamaan ni Analyn ng tingin si Edward. “Hindi ‘yan ang ibig kong sabihin. May picture ka ba niya?”Kumunot ang noo ni Edward. “Hindi mo ba nakita kanina?”“Hindi, eh.”“Wala akong picture niya. Kahit pa nakita ko na siya, hindi ko siya pwedeng piktyuran in public. Ako lang ang magiging number one suspect ng mga Esguerra kapag nagkataong lumabas ang litrato niya.”“Pero hindi ba dapat nga ay ipagyabang nila sa mundo na nakita na ang nawawala nilang anak?”“Hindi nila minamadali iyan. May tamang panahon para isiwalat ang pagbabalik ng panganay na anak ng mga Esguerra. Hinihintay lang nila ang tamang panahon.”NANG bumalik si Analyn sa bahay nila ni Anthony, nagulat pa siya ng nakita ang asawa sa sala. Naka-dekuwatro ito ng upo habang nagbabasa ng diyaryo. Nag-angat si Anthony ng mukha ng narinig niya ang pagbukas ngp pintuan. “Bakit ang aga mo? Akala ko ba mamayang tanghali ka pa uuwi?” tanong sa kanya ni Analyn.“Saan ka galing?” sa halip ay sagot ni Anthony sa kanya.
Kahit na nakaawang na ng kaunti ang pintuan, hindi pa rin naiintindihan ni Analyn ang pinag-uusapan ng mga nasa loob. Naririnig lang niya ang mga boses ng mga ito, pero hindi niya nauunawaan ang mga sinasabi nila. Minabuti ni Analyn na umalis na sa kinatatayuan niya, tutal naman, wala naman siyang naririnig sa usapan sa loob ng kuwarto. Bumalik siya sa kuwartong pinagdalhan sa kanya ni Jean. Naupo siya roon at saka muling nag-isip. Maraming mga katanungan ang pumapasok sa isipan niya pero hindi niya kayang bigyan ng kasagutan. Pakiramdam niya ay sasabog na ang ulo niya sa kakaisip. Kaya naman napagpasyahan niyang umalis na lang at iwanan na ang lugar na iyon. Tumayo na si Analyn at saka tinungo ang pintuan. Sakto naman na pagbukas niya ng pintuan ay sakto rin na bumukas ang pintuan ng kuwartong kinaroroonan nila Anthony. Biglang naisara ni Analyn ang pintuan ng kuwarto niya sa takot na makita siya ni Anthony o ni Greg. Nakiramdam si Analyn habang nakasara ang pinto. Nang sa ting
Pagkatapos ng tatlumpung minuto, dumating na si Anthony. Kasama niya si Damian. Agad na sinalubong sila ni Analyn. “Napaka-thoughtful nitong si Antony,” sabi ni Damian kay Analyn.“Nahihiya nga po ako sa inyo. Although nagdya-jive naman kayo ni Lolo, pero siyempre, iba pa rin ‘yung nasa sarili kang bahay. Pasensiya na po at hindi namin kayo agad nabalikan, naging busy kami ni Analyn,” paliwanag ni Anthony.Tinapik ni Damian ang balikat ni Anthony habang nakangiti.“So, bakit ang tagal nakabalik?” sabat naman ni Analyn.Binuksan ni Anthony ang pintuan sa likurang bahagi ng sasakyan at saka may kinuha mula roon. Isang katamtamang laki ng kahon ang kinuha niya mula roon na may tatak ng ipinapabiling pagkain ni Analyn.“Mahaba ang pila nitong tiramisu crepe mo kaya ako natagalan.” Agad namang kinuha ni Analyn ang kahon mula kay Anthony at saka nagmamadaling binuksan ito. May kasama ng tinidor sa loob ng kahon kaya kinuha iyon ni Analyn at saka tinikman ang crepe.Sumimangot ang mukha ni
Nang nagising si Analyn, wala na si Anthony sa tabi niya. Bumangon siya at tiningnan kung nasa banyo ang asawa, pero wala ito roon. Dali-dali siyang lumabas ng kuwarto at sumilip sa barandilya. Sakto na nakita niya ang papalabas na si Anthony. Narinig naman ni Anthony ang ingay sa itaas kaya tumingin ito sa itaas. “Saan ka pupunta?” tanong ni Analyn.“Susunduin ko ang Papa mo. Nakalimutan mo na ba na nandoon pa siya sa bahay ni Lolo?” Sa totoo lang, nawala na talaga iyon sa isip ni Analyn sa dami ng iniisip niya. “Ah, okay. Bilhan mo na rin ako ng crepe dun sa paborito kong cake house. Gusto ko ‘yung tiramisu flavor.” “Okay. Aalis na ako.”Tuluyan ng lumabas ng bahay si Anthony. Narinig na lang ni Analyn ang tunog ng papaalis na sasakyan sa labas. Tumalikod na si Analyn para pumasok na uli sa kuwarto nang bigla siyang napatigil sa paghakbang. Bigla niyang naalala na may driver naman si Anthony dito at may driver din si Lolo Greg sa bahay niya. Mas gugustuhin pa talaga ni Anthon
Ibinuka ni Analyn ang mga labi niya, may gusto siyang sabihin pero walang lumabas mula sa lalamunan niya. Iyong tawag ba kanina na natanggap ni Anthony ay para sabihan siya na nakita na nga si Ailyn? At iniwan siya nito para makita niya si Ailyn?Hindi mapaniwalaan ni Analyn na nakabalik na nga si Ailyn. Parang ang hirap paniwalaan. Sa totoo lang, umasa rin naman siya na sana ay buhay pa si Ailyn at makabalik ito sa pamilya niya. Hiniling niya ito dahil naniniwala siyang siya na ang mahal ni Anthony. Naniniwala siyang sa dami at bigat ng mga pinagdaanan nilang dalawa ni Anthony, wala ng makakagiba sa relasyon nila. Pero nagbalik na nga siya…At iba ang nararamdaman ngayon ni Analyn. Pakiramdam niya ay may delubyo na namang darating sa buhay mag-asawa nila ni Anthony. “Na-surprise ka ba?” nang-iinis na tanong ni Edward.Pakiramdam ni Analyn ay biglang nawala ang lahat ng kumpiyansa sa katawan niya. “Biro mo, nagpunta siya sa bahay ng mga Esguerra ng hindi mo alam? Ni hindi man lan
Nanlaki ang mga mata ni Analyn. “Ano’ng nangyari? Paano nangyari ‘yun?”Lumipad ang tingin ng dalawang matanda kay Analyn dahil sa timbre ng boses nito.[“Hindi ko pa alam ang buong nangyari. Basta, narinig ko. Pero wala pang nakarating na balita sa press at sa mga pulis as of now. At hindi ko rin alam kung may tao bang na-injured dun o ano.”]Kung nasaan man si Elle ngayon ay halatang patago lang ang ginawang pagtawag nito kay Analyn base sa pabulong na pagsasalita nito. Nahalata iyon ni Analyn. [“Pero bukas ng umaga, hindi natin alam kung maitatago pa iyon sa mga press at sa mga pulis.”]“Iyon nga rin ang iniisip ko.”Pagkababa ni Elle sa tawag, hindi pa rin mapakali si Analyn. Hindi niya maisip kung paano nangyari ang aksidente, pinatutukan niya ang project na iyon at todo bantay ang mga tao niya roon. Biglang tumayo si Analyn at saka hinarap ang dalawang matanda. “‘Lo, Papa, aalis na muna ako. May importante lang akong kailangang asikasuhin sa trabaho. Huwag n’yo na akong hint
Kasama si Damian, sa bahay ni Greg nagdiwang ng pagsalubong sa bagong taon sila Anthony at Analyn. Bagaman, may dinaramdam at nanlalambot ang matanda, nakipag-selebra pa rin ito sa kanilang tatlo, pero maaga itong nagpahinga. Nakatanggap ng dalawang ampao si Analyn, isa galing kay Damian, at isa galing kay Anthony. Namilog ang mga mata niya sa tuwa. Madadagdagan na naman ang ipon niya. Nawala ang tuwa niya ng may napansin siya sa dalawang sobre. “Anthony, bakit ang nipis lang ng ampao mo? Etong kay Papa, ang kapal.” Pagkatapos ay binalingan ni Analyn ang ama.“Papa, ibinigay mo na ba sa akin ang buong pensyon mo? Ang kapal ng envelope mo, eh,” pabirong tanong ni Analyn. “Huwag kang umasa. Puro tigsi-singkwentang papel lang ‘yan kaya mukhang makapal,” sagot ni Damian, kay lumabi si Analyn sa kanya. “Hindi ako naniniwal. Ang kapal nito, eh,” sabi ni Analyn habang pinipisil-pisil ang sobre. Pinagbuntunan namin ni Analyn ang asawa. “Ikaw, Anthony. Hindi ba importante sa iyo ang asa
Malapit na ang Bagong Taon. Marami ng nagtitinda ng kung ano-ano sa mga kalsadang nadadaanan nila Anthony at Analyn. Galing sila sa Annual Year-End Party ng lahat ng investor ng DLM Group. Habang pinagmamasdan ni Analyn ang mga iba’t ibang paninda sa labas ng bintana, maraming tumatakbo sa isipan niya. Parang kailan lang nung huling bagong taon. Bago lang sila na naiksala ni Anthony noon. Sino ang mag-aakala na ang anim buwan ay aabot ng isang taon pala?Nilingon ni Analyn si Anthony. “Malapit na naman sa subdivision, gusto kong maglakad kasama ka.” Tumaas ang isang kilay ni Anthony at saka tiningnan ang mga paa ni Analyn. “Magpalit ka muna ng sapatos.”“Wala akong dala. Okay na ‘to. Eh di, kapag sumakit ang paa ko, kargahin mo ko,” tila naglalambing na sagot ni Analyn. Kinalabit ni Anthony ang balikat ng sekretarya niya na nakaupo satabi ni Karl. Agad namang yumuko ang sekretarya at may kinuha sa paanan niya.May kinuha pala itong paper bag at saka inabot iyon kay Anthony. Mula