“An– Sir Anthony!”
Nagulat si Analyn nang makita si Anthony na nasa harap ng mesa niya.
Bakit nandito itong taong ito? Hindi ba at iniwan namin siya ni Michelle sa elevator? Kanina pa ba siya sa harapan ko?
Pasimpleng sinuyod ni Analyn ng tingin ang paligid. Baka mamaya ay may nakatingin na naman sa kanilang dalawa na mga kasamahan nila at mapag-usapan pa sila.
“I want to see the company’s proposed packaging design,” pautos na sabi ni Anthony.
Nang narinig iyon ay agad na tumayo si Analyn at saka kinuna ang laptop niya. “Ah yes, Sir.”
Bubuksan na sana niya ang laptop, nang bigla siyang natigilan at napahinto.
“Ah, Sir… Sir Anthony. Sorry. Wala po sa akin ang approved design. Kung gusto mong makita, kay V– kay boss Vi na lang.”
Naningkit ang mga mata ni Anthony. Nalito siya bigla. Mabilis niyang inalisa ang nangyayari.
“From the last time I talked with Richie, nabanggit niya na he is
“In that case, I will fulfill your wish.”Muling tiningnan ni Anthony ang pamilyar na disenyo at nagmamadaling lumabas na ng opisina ni Vi.Kinakabahang nasundan na lang ng tingin ni Vi si Anthony. Hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin ng sinabi nito. Pero base sa timbre ng boses nito, parang may alam siya sa disenyo. Iniisip niya kung nagsumbong nga ba talaga si Analyn sa kanya.Pero kahit pa nagsumbong si Analyn kay Anthony, hindi gumagana ang laptop nito. Wala siyang pruweba kay Anthony na totoo ang sinasabi niya. At alam ni Vi na hindi basta-basta maniniwala ang isang tulad ni Anthony sa isang sabi-sabi lang at walang katibayan.Nagmartsa si Vi sa loob ng opisina niya. Naglakad siya paroon at parito sa maliit na espasyo nito. Hindi siya mapakali. Hindi siya makampante. Hindi niya matukoy ang totoong damdamin ni Anthony. Wala siyang makitang emosyon sa mukha nito kanina.Samantala, pagkalabas ni Anthony mula sa opisina ni Vi ay dumiretso siy
Naramdaman ni Anthony na tila may nakatingin sa kanya kaya mabilis niyang sinupil ang ngiti bago nilingon si Raymond. Nahuli niyang nakangiti ito sa kanya na tila nanunukso. Tiningnan niya ng masama ang lalaki na nagbibigay babala na wala siyang nakita kay Anthony.“Salamat, Sir Anthony, salamat,” masayang-masaya na sabi ni Analyn habang yakap-yakap ang laptop niya.Napukaw nun ang atensyon ng dalawang lalaki at sabay silang lumingon kay Analyn. Nagpatuloy ito sa masayang pag-indak yakap ang laptop niya. Tunay na walang pagsidlan ang saya na nararamdaman niya ngayon.“Instead of thanking me, use your brain on your work,” sa halip ay sagot ni Anthony.Hindi alam ni Anthony kung maaawa o maiinis siya sa dalaga. Tinatapakan na siya sa departamento niya, pero hindi niya makuhang lumaban. Sayang ang talento niya na inaabuso ng mga nagiging boss niya. Kung hindi pa niya nakita mismo ng dalawang mata niya ang disenyo na iyon ni Analyn, malamang
Nang pumasok si Analyn sa Design department, kitang-kita ang lungkot sa mga mata niya. Agad siyang nilapitan ng mga kasamahan niya.“Bakit? Ano’ng nangyari? Bakit ka pinaakyat ni boss Anthony sa opisina niya?” Si Michelle ang nagtanong.Malalim na bumuntong-hininga si Analyn. “Gusto nga kasing makita ni Sir Anthony ang ga drawings ko sa laptop ko, kaso hindi talaga nito mabuksan. Napagalitan pa tuloy ako.”“Kawawa ka naman,” sabi ng isang kasamahan ni Analyn.“Oo nga. Pakiramdam ko tuloy para rin akong napagalitan ni boss Anthony,” sabi naman ng isa pa.Tahimik na naglakad si Analyn papunta sa mesa niya. “Tapusin ko na nga ang mga papel na ‘to.”Samantala, hindi mapigilan ng nakatagong si Vi ang mapangiti. Biglang nawala ang kabang kanina pa niya nararamdaman. Ngayon, nakakasigurado siya na talagang walang kamukha ang disenyo niya.Umalis na siya sa may pintuan at kinuha ang bag niya. Mabuti pang umuwi na siya. Panatag na ang lo
“Okay. Okay. Sorry. Nakalimutan ko ‘yan sabihin. Sorry. First time ko lang kasi mag-present, medyo kinakabahan ako.” Bahagya pang yumukod si Vi sa mga tao niya.Pagkatapos ay nilingon niya si Analyn.“Thank you for adding that up, Analyn. You are very meticulous, napansin mo ang maliit na bagay na ‘yun,” nakangiting sabi ni Vi kay Analyn, kahit sa loob niya ay gigil na gigil na siya sa babae.“You may take your seat, Analyn.”Pero hindi sumunod si Analyn. Hindi siya umalis sa kinatatayuan niya na ipinagtaka ni Vi.“Hindi mo ba itatanong boss Vi kung bakit alam na alam ko?Biglang nanlamig ang mga kamay ni Vi sa tanong na iyon ni Analyn. Idagdag pa ang confident na aura ngayon ng babae. Habang siya ay kanina pa kinakabahan at ang gisto na lang niya ay matapos na ang panahon na ito.Pero naisip niya, kahit ano pa ang sabihin ni Analyn ngayon, wala naman siyang patunay na sa kanya ang disenyo.“Okay, pagbibigyan
Pero nagpumiglas si Vi sa mga humawak sa kanya.“Ayoko! Hindi ako aalis dito! Walang makakapagpaalis sa akin dito kung hindi si boss Anthony lang!”“Nagnakaw ka ng design ng ibang tao, tapos ang lakas ng loob mong sabihing ayaw mong umalis?” nanunuyang sabi ni Mr. Lee kay Vi.Humulagpos si Vi mula sa mga humahawak sa kanya at saka niya sinugod si Analyn.“Ikaw! Kasalanan mo ‘to! Sinet-up mo ko!” galit na galit na sabi niya rito habang nakaturo ang daliri niya kay Analyn at panay ang tulo ng mga luha.Bahagyang tumaas ang isang kilay ni Analyn. “Ako na nga ang ninakawan mo ng design, ikaw pa ang may ganang magalit sa akin? Dapat lang ‘yan sa ‘yo.”“Sige na, ilabas n’yo na ‘yan,” utos ni Mr. Lee sa mga security guard na naroroon.Sa pagkakataong ito, hindi na nagreklamo si Vi at kusang sumama na sa mga guwardiyang kumuha sa kanya.“Hmp! Sino na ngayon ang nag-plagiarized daw? Hah! Ang matindi pa, ngayon, alam na ng bu
Nakakaloko ang ngiti ni Anthony habang nakatingin kay Analyn. Samantalang halos mawalan ng kulay ang mukha ni Analyn.“Sir! Hindi maganda ‘yan! Nakikinig ka sa mga usapan ng may usapan.”“Nakikinig? If I remember it correctly, nakatayo kayo nun sa tapat ng kotse ko.”Nanlaki ang mga mata ni Analyn. Saka lang niya naalala ang eksena na iyon na nakatayo sila ni Michelle sa tapat ng isang magarang sasakyan. Malay ba niya na may nakasakay doon, tapos ang malas pa niya dahil si Anthony pala ang sakay nun.Umirap si Analyn sa hangin.“Bakit kasi ibang sasakyan ang gamit mo nun? Malay ko ba. Eto lang ang alam kong sasakyan mo.”Bahagyang natawa si Anthony.“Tara na. Ano pa’ng ginagawa mo riyan? Sumakay ka na at ipagluluto mo pa ako, di ba?”Humalukipkip si Analyn.“Sorry, Sir. Dahil nakinig ka sa usapan ng may usapan, binabawi ko na na ipagluluto kita ngayon.“Tsk! You’re so ruthless.”“Kasalanan mo.”
Alam ng mga kasambahay ni Lolo Greg na nung araw na iyon ang uwi niya galing sa ospital. Kaya naman, napakaraming nilutong ulam sa mansyon. Kung noong unang kumain sila kasama ni Lolo Greg ay hindi pamilyar si Analyn sa mga kinain nila, ngayon ay pamilyar na pamilyar na siya sa mga nakahain.“Pagkatapos n’yo kumain, sumunod kayong dalawa sa study room.” Iyon lang ang sinabi ni Greg, pagkatapos ay tumayo na.Agad namang umalalay ang isang may edad ng kasambahay kay Greg. Sabay na silang maglakad palayo roon.Napatingin si Analyn kay Anthony. Gusto niya sanang itanong sa binata kung alam niya ang dahilan kung bakit sila kakausapin ng matanda ng pribado, pero parang hindi naman nababahala ang lalaki at tuloy-tuloy lang sa pagkain. NANG makapasok si Analyn sa loob ng study room ni Greg, agad siyang napahinto at sinuyod ng tingin ang silid. Walang nakaligtas sa paningin niya maski ang mga antique na
“Bakit gusto mong magpalipas ng gabi rito?” tanong ni Analyn ng mapag-solo sila ni Anthony.Hinarap siya ni Anthony. “Unless, gusto mong tamaan ng kidlat ang sasakyan natin.”Saka naman biglang kumidlat nang malakas, kasunod ang malakas na kulog.“P-Pero… alam mo ba ang ibig sabihin nun? Kailangan nating magsama sa iisang kuwaerto dahil mag-asawa tayo.”“And so?” tanong ni Anthony kay Analyn.“Eh di ba, ayaw mong pumapasok ako sa kuwarto mo? Hindi namantayo pwedeng matulog sa magkaibang kuwarto, magtataka si Lolo Greg.”Napansin ni Anthony na hindi komportable si Analyn habang sinasabi sa kanya iyon. Tila pa nga nahihiya ito at hindi makatingin ng derecho sa kanya. Naisipan niyang biruin ang dalaga.“Okay lang. Wala naman tayo sa bahay ko. Pwede tayong matulog sa iisang kuwarto ngayon.”“Ha?”Magpo-protesta pa sana si Analyn pero dumating ang may edad nang kasambahay ng mansyon, si Manang Edna.
Matamang tiningnan ni Analyn si Elle, habang iniisip niya ang isasagot sa tanong nito.“Alam mo, I should hate you. I must hate you. But sad to say… I do not hate you all. Sa totoo lang,” sa wakas ay sagot ni Analyn.Nagsalubong ang mga kilay ni Elle, naguguyluhan sa isinagot ni Ansalyn. “Bakit hindi?”“Oo nga at isa kang spoiled-brat, parang prinsesamaka-asta, minsan mayabang at unreasonable… pero mabait ka naman,”Ikiniling ni Elle ang ulo niya. “Paano mo nasabi?”“Kasi hindi ka mapupunta sa ospital kung hindi ka naglakas-loob na iligtas ako nung nakaraan. Maganda ka pero kadalasan, hindi ka nag-iisip. Ano bang pwedeng itawag dun? Brainless beauty?” Pagkatapos ay bahagyang natawa si Analyn sa naisip niyang salita. Umirap naman si Elle sa kanya. Hindi niya alam kung pinupuri ba siya ni Analyn o inaalipusta siya. “Ikaw ang brainless beauty! Excuse me lang…” Pagkatapos ay sumandok na si Elle ng pagkain mula sa plato ng pagkain na ibinigay sa kanya ni Analyn. Sunod-sunod ang ginawa
“Sa tingin mo, bakit nga ba?” Nauubos na ang pasensiya ni Analyn sa babae. Unang una, pinuntahan niya ito para komprontahin sa pagnanakaw nito sa disenyo niya.“Alam mo, Analyn… wala akong panahong makipaglaro ng guessing game sa ‘yo. Sabihin mo na ang gusto mong sabihin.”Matamang tinitigan ni Analyn si Elle. Ganun dun ito. Direkta itong nakatingin sa mga mata ni Analyn na parang wala itong ginawang masama sa kanya.Nalilito si Elle sa ikinikilos ni Analyn. Idagdag pa na may kasalukuyan siyang pinagdadaanan.“Ano ba, Analyn? Nagpunta ka ba rito para pagtawanan ako?”Humugot ng malalim na hininga si Analyn. Bakit parang pakiramdam niya ay may hindi tama sa mga
Apat na araw na ang lumipas pero wala pa ring balita si Analyn mula kay Edward. Minabuti niyang pumasok na rin sa trabaho. Binabayaran pa rin naman siya ng kumpanya kahit ilang araw na siyang hindi pumapasok. Ayaw niyang maging issue na naman sa kanila ni Anthony ang bagay na iyon. Pagkarating ni Analyn sa Design department, agad siyang nagpa-meeting dahil matagal siyang nawala. Nasa kalahatian sila ng diskusyon ng may tumawag sa telepono niya. Nakita niya na Unknown Number ang tumatawag kaya binalewala lang ni Analyn iyon. Ipinagpatuloy na niya ang pagsasalita. Pero hindi nagtagal ay muling tumunog ang telepono niya at ang kaparehong numero pa rin ang tumatawag. “Bakit hindi mo muna sagutin, Mam? Baka importante,” suhestiyon ng staff niya na malapit sa kinauupuan ni Analyn. “Excuse me.” “Hello?” kunot-noong tanong ni Analyn sa tumatawag. [“Is this Ms. Analyn Ferrer?”]“Speaking.”[“Hello, Ms. Analyn. I hope that you are having a good day. I am Renz from the Philippine Designer
Ilang minuto na sila nagbibiyahe pero hindi sila nag-uusap. Nang malapit na sila sa destinasyong lugar, nagsalita na si Jan.“Analyn, okay ka na ba pagkatapos n’yong mag-bonding ni Elisa? Sabihan mo lang ako kapag kailangan mo pa ng karamay. Alam ko, very short lang ang naging bakasyon dito ni Elisa. Pero ako, any time, pwede ako magpaalam sa ospital.”Humugot ng malalim na hininga si Analyn. Ayaw man niyang sabihin kay Jan ang mga nabuong salita sa isip niya, pero sa tingin niya ay dapat na niyang tapatin ang binata. Magiging unfair siya sa binata kung hindi pa niya sasabihin ang totoo. “Doc Jan, thank you for trying your best to help me. Pero hindi maso-solve ng ganun-ganun lang ang mga problema ko. Hindi ang pag-aliw lang sa akin ang makakatapos sa mga problema ko.”Hindi sumagot si Jan. Tahimik lang siyang nag-drive. “Doc Jan, huwag na ako. Iyong mga taong nagmamahal sa akin, hindi nagiging maganda ang buhay. Kaya, Doc Jan–”“Naalala mo pa ba nung una tayong nagkakilala?” tanon
“Doc Jan.”[“Analyn, let’s have dinner. Pumunta ka sa JB Building along C Circle. There is a revolving restaurant at the top floor. Nagpa-reserve na ko and I am on my way there. I don’t take no as an answer.”]Walang nagawa si Analyn kung hindi ang magpunta. Inasikaso siya kanina ni Jan sa ospital, at maliit na bagay lang ang sabayan niya itong kumain ng hapunan.Mabuti na lang din at malapit lang sa hotel na kinaroroonan niya ang nasabing lugar. Nagdesisyon si Analyn na lakarin na lang ang papunta sa sinabing building ni Jan. Na-enjoy niya ang paghampas ng hangin sa kanyang mukha habang naglalakad siya.Nang ihatid si Analyn ng staff sa mesang naka-reserba kayJan, napahinto si Analyn bago pa makarating sa mesang okupado ng binata.&nbs
Nagising si Analyn sa amoy ng disinfectant. Saka lang niya naalala na nasa ospital nga pala siya. Mabigat ang katawan na bumangon mula sa sofa si Analyn at saka naglakad papunta sa kama ng Papa niya. Hinila niya ang isang upuan at saka soya naupo sa tabi nito.“Papa… hindi masaya ang pakiramdam ko.” Tila isang batang nagsusumbong na sabi ni Analyn sa ama-amahan.Peto ang tanging sagot na narinig niya ay tunog. ng mga aparato. Masyado pang maaga kaya hindi pa dumadating si Jan. Hindi pa oras ng shift nito. Pero siyempre ang mga nurse, beinte kuwatro oras ang shift nila. Kaya ng may pumasok na nurse sa kuwarto ay nagulat pa ito. “Ang aga mo, Mam!”Tipid na ngiti lang ang isinagot ni Analyn dito. Pagkaraan ng ilang oras, saka lang dumating si Jan. Agad niyang nakita ang itsura ni Analyn at nakutuban niyang may problema. “Analyn, ano’ng nangyari sa ‘yo?”Nagmadali siyang lumapit sa dalaga at saka hinipo ang noo nito, pero okay naman ang temperatura niya.“Analyn?” ungkat ni Jan sa ba
Pinigil ni Analyn na tumulo ang mga luha niya na kanina pa nagbabadya. Huminga siya ng malalim para paluwagin ang dibdib niya. Pakiramdam niya ay hindi na siya makahinga. Aktong lalabas na ng sasakyan si Anthony, kaya agad na nagsalita si Analyn dito.“Ayusin na natin ang hiwalayan natin.”Huminto si Anthony sa gagawing pagbaba. Sinagot niya si Analyn ng hindi lumilingon dito. “Bahala ka. Kung gusto mong ihinto ang gamutan at bayad sa ospital ng Papa mo, gawin mo.”Pagkasabi nun ay agad na lumabas na si Anthony sa sasakyan at saka pabalibag na isinara ang pintuan. Naiwan sa sasakyan si Analyn na naguguluhan. Hindi nagtagal, sumakay sa driver’s seat si Karl. “Nakipagpalit siya ng sasakyan. Iuwi na raw kita,” sabi ng lalaki habang pinapaandar na ang sasakyan.“Ayokong umuwi.”Napahinto si Karl sa pag-atras sa sasakyan. Sa halip ay nilingon niya si Analyn. “Alam ko hindi tayo close. At sandali pa lang tayong nagkakasama. Pero sa unang pagkakataon, ngayon pa lang ako magbibigay ng pay
Muli silang naglabanan ng tingin. “Bakit ka ba ganyan? Ano ba’ng problema mo? Naayos ko naman na iyong issue mo sa contest, ah? Everything has been settled.”Dahil sa muling pagkaka-alala sa topic na iyon, muling bumalik ang lungkot na naramdaman ni Analyn ilang araw na ang nakalipas. Ang kakaibang lungkot na iyon.“Sa tingin mo, pagagalitan kaya ako ng Papa ko dahil nagdesisyon akong mag-isa na magpakasal sa iyo kapalit ng pambayad sa ospital niya pero malungkot naman ako sa buhay ko ngayon?” Pakiramdam ni Anthony ay para siyang sinuntok sa mga binitiwang salita ni Analyn. Masakit para sa kanya na malungkot pala ito sa piling niya. Pero sabi nga ni Analyn, Presidente siya ng isang grupo ng mga kumpanya. Hindi siya pwedeng magbaba ng lebel. “Malinaw naman ang sinabi ko sa iyo noon. Contractual lang ang relasyon natin. Tinulungan mo ako kay Lolo Greg. Tinulungan din naman kita sa pagpapagamot ng Papa mo. Fair deal, di ba? Ano pang ikinagagalit mo ngayon? Tumupad naman ako sa usapan
Pinilit ni Analyn na kalmahin ang sarili niya. Nagpakahinahon siya. Ayaw niyang ipakita sa mga taong kaharap na apektado siya. Sa totoo lang, kanina pa kumakabog ang dibdib ni Analyn. Pilit niyang nilalabanan ang halo-halong emosyon na nararamdaman niya ngayon. Gusto niyang sapakin si Anthony. Gusto niyang sampalin ang babaeng nasa tabi niya. Sa halip ay ngumisi si Analyn sa babae. Kinontrol niya ang emosyon niya at saka naglakad palapit sa dalawa. Inayos niya ang manipis na tirante ng damit ng babae na nakalaylay sa balikat nito. “Girl, nasaan ang delikadesa mo? Hindi dapat ginagawa ang ganyang bagay sa lugar na pwedeng may makakita sa ‘yo.” Pagkatapos ay hinila naman ni Analyn ang laylayan ng damit ng babae. “Hindi ko alam kung tanga ka lang, o sadyang lib*g na lib*g ka na. Alin sa dalawa?” Nakatitig lang sa kanya ang babae, aninaw ang pagkalito sa mukha niya.“So, makakalabas ka ba? O kailangan pa kitang samahang–” Hindi pa tapos ni Analyn ang sinasabi niya ng tumakbo na pal