Pero nagpumiglas si Vi sa mga humawak sa kanya.
“Ayoko! Hindi ako aalis dito! Walang makakapagpaalis sa akin dito kung hindi si boss Anthony lang!”
“Nagnakaw ka ng design ng ibang tao, tapos ang lakas ng loob mong sabihing ayaw mong umalis?” nanunuyang sabi ni Mr. Lee kay Vi.
Humulagpos si Vi mula sa mga humahawak sa kanya at saka niya sinugod si Analyn.
“Ikaw! Kasalanan mo ‘to! Sinet-up mo ko!” galit na galit na sabi niya rito habang nakaturo ang daliri niya kay Analyn at panay ang tulo ng mga luha.
Bahagyang tumaas ang isang kilay ni Analyn. “Ako na nga ang ninakawan mo ng design, ikaw pa ang may ganang magalit sa akin? Dapat lang ‘yan sa ‘yo.”
“Sige na, ilabas n’yo na ‘yan,” utos ni Mr. Lee sa mga security guard na naroroon.
Sa pagkakataong ito, hindi na nagreklamo si Vi at kusang sumama na sa mga guwardiyang kumuha sa kanya.
“Hmp! Sino na ngayon ang nag-plagiarized daw? Hah! Ang matindi pa, ngayon, alam na ng bu
Nakakaloko ang ngiti ni Anthony habang nakatingin kay Analyn. Samantalang halos mawalan ng kulay ang mukha ni Analyn.“Sir! Hindi maganda ‘yan! Nakikinig ka sa mga usapan ng may usapan.”“Nakikinig? If I remember it correctly, nakatayo kayo nun sa tapat ng kotse ko.”Nanlaki ang mga mata ni Analyn. Saka lang niya naalala ang eksena na iyon na nakatayo sila ni Michelle sa tapat ng isang magarang sasakyan. Malay ba niya na may nakasakay doon, tapos ang malas pa niya dahil si Anthony pala ang sakay nun.Umirap si Analyn sa hangin.“Bakit kasi ibang sasakyan ang gamit mo nun? Malay ko ba. Eto lang ang alam kong sasakyan mo.”Bahagyang natawa si Anthony.“Tara na. Ano pa’ng ginagawa mo riyan? Sumakay ka na at ipagluluto mo pa ako, di ba?”Humalukipkip si Analyn.“Sorry, Sir. Dahil nakinig ka sa usapan ng may usapan, binabawi ko na na ipagluluto kita ngayon.“Tsk! You’re so ruthless.”“Kasalanan mo.”
Alam ng mga kasambahay ni Lolo Greg na nung araw na iyon ang uwi niya galing sa ospital. Kaya naman, napakaraming nilutong ulam sa mansyon. Kung noong unang kumain sila kasama ni Lolo Greg ay hindi pamilyar si Analyn sa mga kinain nila, ngayon ay pamilyar na pamilyar na siya sa mga nakahain.“Pagkatapos n’yo kumain, sumunod kayong dalawa sa study room.” Iyon lang ang sinabi ni Greg, pagkatapos ay tumayo na.Agad namang umalalay ang isang may edad ng kasambahay kay Greg. Sabay na silang maglakad palayo roon.Napatingin si Analyn kay Anthony. Gusto niya sanang itanong sa binata kung alam niya ang dahilan kung bakit sila kakausapin ng matanda ng pribado, pero parang hindi naman nababahala ang lalaki at tuloy-tuloy lang sa pagkain. NANG makapasok si Analyn sa loob ng study room ni Greg, agad siyang napahinto at sinuyod ng tingin ang silid. Walang nakaligtas sa paningin niya maski ang mga antique na
“Bakit gusto mong magpalipas ng gabi rito?” tanong ni Analyn ng mapag-solo sila ni Anthony.Hinarap siya ni Anthony. “Unless, gusto mong tamaan ng kidlat ang sasakyan natin.”Saka naman biglang kumidlat nang malakas, kasunod ang malakas na kulog.“P-Pero… alam mo ba ang ibig sabihin nun? Kailangan nating magsama sa iisang kuwaerto dahil mag-asawa tayo.”“And so?” tanong ni Anthony kay Analyn.“Eh di ba, ayaw mong pumapasok ako sa kuwarto mo? Hindi namantayo pwedeng matulog sa magkaibang kuwarto, magtataka si Lolo Greg.”Napansin ni Anthony na hindi komportable si Analyn habang sinasabi sa kanya iyon. Tila pa nga nahihiya ito at hindi makatingin ng derecho sa kanya. Naisipan niyang biruin ang dalaga.“Okay lang. Wala naman tayo sa bahay ko. Pwede tayong matulog sa iisang kuwarto ngayon.”“Ha?”Magpo-protesta pa sana si Analyn pero dumating ang may edad nang kasambahay ng mansyon, si Manang Edna.
“Hmm?”Mahina at malat ang boses ni Anthony. Hindi alam ni Analyn kung tulog na ba talaga ito at nagising lang niya. Pero tila may something sa paos na boses ni Anthony, parang ang seksi ng dating sa pandinig ni Analyn. Uminit tuloy ang mukha niya.“Sir, isosoli ko na ‘tong bracelet. Masyadong mahal ‘to. Baka masira o mawala ito, wala akong ibabayad dito.”Bahagyang nilingon ni Anthony sa Analyn.“Ibinigay ni Lolo sa iyo iyan. Gusto mo bang malungkot ang matanda? Saka ano’ng sasabihin mo sa kanya kung bakit mo ibinabalik?”Dinig ni Anthony ang malakas na pagbuntong-hininga ni Analyn.“Kung ganun, ibabalik ko na lang sa’yo kapag naghiwalay na tayo.”Natigilan si Anthony. Alam niyang sa paghihiwalay matatapos ang drama nila na ito ni Analyn. Pero may naramdaman siyang inis ng mismo kay Analyn nanggaling ang mga salitang iyon.“Ik
Bigla na lang nag-preno si Anthony. “Don’t tell me na virgin ka pa?” natatawang tanong niya kay Analyn. Tiningnan siya ni Analyn, tapos ay inirapan. Nagtatalo ang isip niya kung aaminin ba sa binata o hindi. Nakakahiya ba kung aaminin niyang sa edad niyang ito ay wala pa siyang karanasan? Knowing Anthony, paniguradong maraming babae na itong natikman. Pero naisip niya na mas nakakahiya kung aaminin niya kay Anthony na kinain niya ang sinabi niya kagabi tungkol doon sa paglampas nila sa espasyo ng higaan nila sa kama.“How could you? Siyempre… h-hindi na. Ginawa ko na… ‘yun. Dati.” Sa wakas ay naisip niyang isagot.Biglang tumigil ang pagtawa ni Anthony, tapos ay sumama ang timpla ng mukha nito. Hindi nagtagal ay muli na nitong pinaabante ang sasakyan. Napansin ni Analyn ang pagbabago ng itsura ng mukha nito, pero hindi na niya pinansin.LUMABAS si Analyn mula sa elevator. Muntik pa niyang mabangga ang nagmamadali ring si Michelle. “Good morning!” masayang pagbati ni Michelle.“Goo
Nagulat si Vivian pag-akyat niya sa palapag ng opisina ni Anthony. Nandoon na ito at nakaupo na. Nataranta si Vivian. Hindi pa siya nakapaghanda ng almusal ng boss niya. Mabilis siyang kumilos. Naghanda siya ng black coffee at French toast na paboritong almusal ng amo. “Boss, sorry. Heto na ang breakfast mo. Hindi mo naman ako sinabihang maaga kang papasok ngayong araw.”Hindi man lang tiningnan ni Anthony ang pagkaing inilapag ni Vivian sa mesa niya, patuloy lang ito sa binabasa niyang financial report. Sorry. Kumain na ko sa bahay. Maaga kasi akong nagising. Sa iyo na lang muna ‘yan.”Natigilan si Vivian. Kumain na siya? "O-Okay…”Muli niyang kinuha ang plato kahit mabigat sa kalooban niya. Masaya siya kapag kinakain ni Anthony ang inihahanda niyang almusal para rito. Sa ilang taon niyang pagsisilbi sa binata, ngayon lang niya narinig na kumain ito sa bahay niya bago pumasok ng trabaho. Saka naman niya napansin ang kaliwang daliri ni Anthony na may suot na singsing.Natigilan si
Nawala man si Vi, pero kailangang ituloy pa rin ang proyekto. At dahil design ni Analyn iyon, responsibilidad niyang ayusin ang nabinbing proyekto. Ang unang ginawa ni Analyn ay gawan ng major revision ang design. Ayaw niyang sa tuwing maiugnay kay Vi ang lalabas na design. Walang duda na nakapassa sa final review at final approval ang bagong disenyo ni Analyn.Pagkatapos ng matagumpay na contract signing, naging mainit na usapan sa departamento kung makukuha ba ni Analyn ang posisyon ng pagiging manager. Pero marami rin ang nagsasabi na malakas din ang laban ni Fatima dahil sa mga achievements nito sa kumpanya. “Ayokong maging manager, maraming trabaho ‘yun.” Iyan ang sagot ni Analyn kay Michelle ng banggitin ng huli ang naririnig niyang usap-usapan.“Ha? Tatanggihan mo if ever na i-offer sa ‘yo? Gagi. Hindi ba at kailangan mo ng pera para sa medical expenses ng Papa mo? Siyempre, promotion ‘yun. Kapag na-promote ka, madadagdagan ang sahod mo. Okay ka lang?”Medical expenses? Upd
Lahat ng mga kasamahan ni Analyn ay tila gulat na gulat sa narinig. Ayaw man ni Analyn na magsimula ng ganung tsismis, pero wala na siyang maisip na pwedeng idahilan para makaiwas sa mga kasamahan niya. And besides, tama lang ‘yun. Makaganti man lang ako sa kanya sa pag-take advantage niya sa akin kaninang umaga! Hah!“Oo. May ano ‘yung asawa ko eh… ano… ‘yung mga legs niya lumalaki, ganyan,” pagmumuwestra pa ni Analyn sa sariling binti niya, “pati paa niya. Grabe! Mula nung bata siya ganun na siya. Kaya ayaw niyang may nakakakita sa kanya na ibang tao. Alam n’yo naman ang mga lalaki, mataas ang ego niyan. Ma-pride. Ayaw nilang napipintasan sila. Ganun.”Pagkasabi ni Analyn nun ay walang nangahas na magsalita o magtanong pa. Lahat ay nakatingin kay Analyn na may awa. Si Fatima lang ang may lakas ng loob na nagsalita.“Napaka-santa mo naman pala, Analyn. Willing kang mag-sacrifice para sa asawa mo.”“Sinabi mo pa,” malungkot na sagot ni Analyn, “kung hindi ko lang nga na mahal na maha
Tuloy-tuloy na naglakad si Analyn papasok ng gate ng bahay ng mga Esguerra. Pero napansin pa rin siya ng isang guwardiya at hinarang siya. “Saan ka pupunta?” tanong ng guwardiya kay Analyn nakasuot ng malaking uniporme ng isang kilalang pizza store at may hawak na kahon ng malaking pizza.Nagtataka ang guwardiya kung ano ang ginagawa ng isang delivery staff sa lugar na iyon. Naisip niya na imposibleng may mag-order ng pizza mula sa mga amo at sa mga bisita habang napakaraming handang pagkain sa kaarawan ng anak ng amo. “Delivery,” tipid na sagot ni Analyn. Masusing pinagmasdan ng guwardiya ang mukha ni Analyn pero hindi niya makilala ito dahil natatakpan ng face mask ang mukha nito. Idagdag pa na may suot itong cap.“Sino naman ang nagpa-deliver?” nagdududa pa rin na tanong ng guwardiya. “Si Sir Edward Zamora.”“Asan ang resibo?” Agad na inabot ni Analyn ang resibo sa guwardiya. Kaninang umoorder siya sa taksi at habang nag-iisip kung kanino ipapangalan ang pizza, naisip niya si
“Ah, actually dumaan lang ako para kumustahin si Tita. Nabalitaan ko kasi na nandito siya.”Nadismaya si Brittany sa sagot ni Anthony pero hindi siya nagpahalata. Pinilit niyang binalewala ang sagot na iyon, pero ipinangako niya sa sarili na hindi niya paaalisin si Anthony hanggang mamaya. Pinilit niyang ngumiti kay Anthony. “Ganun ba? Tara. Ihahatid kita kay Mama.”Lingid sa kaalaman ni Anthony, kanina pa sila pinag-uusapan ng mga tao sa paligid dahil sa kanina pa sila tila masayang magkasama at magkausap. Iniisip ng ilan na totoo nga ang balita na nanganganib na ang pagsasama ni Anthony at ng asawa nito dahil narito ngayon ang lalaki. Maraming nag-espekula na marahil ay gusto talaga ng lalaking De la Merced ang anak ng mga Esguerra. Maraming humuhula na baka ang kasal ng dalawa ang ibabalita mamaya ni Brittany sa party nito. Naglalakad na sila Anthony at Brittany papunta sa ina ng huli. Agad ding napansin ng Mama ni Brittany ang lalaki. Hindi rin niya inaasahan na dadating ngayon
Punong-puno ang bakuran ng mga Esguerra ng mga bisita. Halos lahat ay nakasuot ng magagarang kasuotan dahil hindi naman basta-basta ang mga Esguerra sa Tierra Nueva. Kasama lang naman sila sa isa sa pinaka-maimpluwensiya at pinakamayaman na pamilya sa lugar.Maingay ang paligid. Kanya-kanyang usapan ang mga mayayaman ding mga bisita ng pamilya Esguerra. Pero nang lumabas na si Brittany, kasama ng kanyang mga magulang, mula sa loob ng bahay, natahimik ang lahat at napunta ang lahat ng atensyon sa babaeng may kaarawan. Tunay na napakaganda nito ng gabing iyon, Bumagay sa kanya ang asul na gown niya na kakulay ng dagat. Ang mahaba niyang buhok ay naka-ayos ng paitaas at may tiara pa, kaya nagmukha siyang isang tunay na prinsesa. Kapansin-pansin ang nagniningning na balat nito sa kinis. Halos lahat ng mga dalagang naroroon ay nakaramdam ng inggit sa taglay niyang kagandahan. Bago hipan ni Brittany ang kandila ng kanyang cake, nagsalita muna siya. “Tierra Nueva will be my permanent hom
Araw ng kaarawan ni Brittany. Maliwanag ang buong kabahayan at bakuran ng mga Esguerra dahil marami silang inimbita para iselebra ang araw na iyon. Walang katapusan ang pagdating ng mga bisita. Lahat ay may dalang mahal at importanteng regalo para sa dalaga ng mga Esguerra. Tuwang-tuwa si Brittany sa atensyon na natatanggap niya. Pero sa dinami-dami ng mga taong dumating, isang tao lang ang hinahanap pa niya. “Bakit wala pa si Anthony?” Tumayo si Brittany at saka muling sumilip sa bakuran sa ibaba kung saan naka-set up ang mga mesa at upuan para sa mga bisita.Iniwan ni Brittany ang bintana at saka wala sa loob na tinanong ang kasama niyang kasambahay sa loob n g kuwarto niya.“Ano’ng oras na ba?” Aware naman si Brittany na maaga pa ang gabi, pero naiinip na kasi siya sa pagdating ni Anthony. Saka naman may pumasok na isa pang kasambahay. “Mam, may dumating pong regalo galing kay Sir Anthony,” sabi nito habang may hawak na maliit na kahon.Hindi malaman ni Brittany kung matutuwa
Dalawang buwan na rin si Analyn sa kumbento. Ngayon, mas payapa na ang kalooban niya. Sa loob ng mga buwan na ito, hindi niya inihinto ang trabaho niya sa maliit na kumpanya niya. Nagdo-drawing pa rin siya at tinapos ang mga naiwang trabaho. Sa email lang niya ipinapadala kay Elle ang mga natapos niyang disenyo. Hindi pa rin niya binubuksan ang telepono niya. May usapan sila ni Elle na hindi pwedeng ipagsabi kahit kanino na may ugnayan sila. Pero hindi rin alam ni Elle kung nasaan talaga siya. Panay ang tanong sa kanya ni Elle. Nag-aalala siya para kay Analyn. Ang nasa isip ni Elle ay ang itsura nito nung huli niya itong nakita. Payat at maputla. [“Basta, ingatan mong mabuti ang sarili mo. Kung ayaw mo munang magpakita sa amin, sige lang. Huwag mong isipin ang Blank, kaya ko ‘to.”]Alam ni Analyn na sinasabi lang iyon ni Elle. Alam naman niyang may sarili ring problemang pinagdadaanan ang babae. Baka nahihirapan na itong balansehin ang trabaho at ang pasaway na asawa nito. Dahil dit
Dalawang buwan na ang nakalipas…Sa unang linggo pa lang ng buwan ay may isang magandang pangyayari ang naganap sa kasaysayan ng DLM Group of Companies. May isang international investor na mula pa sa Germany ang nag-invest ng 500 million US dollars dito. Muling nagbunyi ang buong pamunuan ng DLM. Sa unang pagkakataon mula ng umalis si Analyn, ngayon lang uli humarap sa media si Anthony. Sa tingin ng ibang tao, nakabawi na ito mula sa krisis na kinasadlakan niya dalawang buwan na ang nakakaraan.Sinagot niya isa-isa ang mga tanong ng mga media, at pagkatapos ay nagpaalam na. Pagkasakay sa sasakyan, agad na pinasibad ito ni Karl habang mabilis namang nagpahayag ng mga report ang sekretarya. Pero kung titingnan si Anthony, halata mong hindi siya interesado sa mga sinasabi ng sekretarya niya. “May balita na ba?” Tumigil ang sekretarya sa pagsasalita. Huminga ito ng malalim at saka sinagot ang paulit-ulit ng tanong ni Anthony sa loob ng dalawang buwan. “Wala pa po, boss. Hindi pa rin
“Paano ba nasusukat ang pagiging okay, ‘Nay Mercy?” balik-tanong niya sa ginang.“Huwag mong pilitin ang sarili mo, Analyn. Dadating din ang tamang oras at panahon. Malalaman mo na lang na naghilom na ang sugat sa puso mo. Hindi ko alam kung anong pinagdaanan mo o kung ano’ng problema ang meron ka. Pero lahat ng nararamdaman mo, ibigay mo sa Maykapal. Siya lang ang makakatulong sa iyo. Ituturo niya sa iyo kung ano ang dapat mong gawin.” Nang nagpunta si Analyn dito sa kumbento, hindi niya sinabi kay Mercy ang dahilan ng kagustuhan niya na pansamantalang manirahan sa lugar. Hindi rin naman siya tinanong ng matandang babae, at sa halip ay inirekomend pa siya sa head ng mga madre roon. Tumango-tango si Analyn. Nagbaling siya ng tingin sa iba’t-ibang mga punong nasa harapan ng kumbento, habang kinakapa niya ang damdamin niya ngayon. Pagkatapos ay muling nagbaling ng tingin kay Mercy.“Ikaw, ‘Nay. Matagal ka na kamo rito, hindi ka pa ba okay sa tagal mo na rito sa kumbento?”“Malalaki na
“Get out,” utos ni Anthony kay Karl, na siyang nakaupo sa driver's seat. “Boss, saan tayo pupunta?” tanong ni Karl. “I said get out! Ako ang magda-drive!”“P-Pero, Boss…” atubiling sagot ni Karl dahil napansin nito ang hindi magandang itsura ng mukha ng amo. “Aalis ka riyan o aalisin kita sa trabaho?” tila pikon na pikon na tanong ni Anthony. Nagmamadaling binuksan ni Karl ang pintuan at saka bumaba ng sasakyan.Mabilis namang umakyat ng sasakyan si Anthony pagkababa ni Kar. “Boss, samahan na kita,” alok ni Karl sa amo. “Shut up!” Pagkatapos ay malakas na isinara ni Anthony ang pintuan ng sasakyan niya. Wala ng nagawa si Karl ng pasibarin ng amo ang sasakyan nito. Sakto naman na kalalabas lang ng sekretarya ni Anthony at nakita niya ang pagharurot ng sasakyan na kinalululanan nito.“Bakit mo pinayagang mag-drive?” nag-aalalang tanong ng sekretarya kay Karl habang pareho silang nakatingin sa papalayong sasakyan ng amo. Binitiwan ni Karl ang tingin sa sasakyan at saka nagbaling
May nag-abot ng dokumento kay Anthony. SNakasulat doon na s isang kalapit na bansa nagpunta si Analyn. Pero paano kung pinapalabas lang ni Analyn na naroroon siya, pero ang totoo ay nasa ibang bansa na uli ito? Tinawag ni Anthony ang sekretraya at ang chief security ng security group niya. “Someone arrange a flight for me immediately. Susundan ko ang asawa ko.”“Hindi mo pwedeng gawin ‘yan!” Napalingon ang lahat sa bagong dating. Si Elle. Madilim ang mukha nito habang magma-martsa papunta kay Anhony. “I mean, wala kang karapatan na sundan pa si Analyn. Hindi niya deserve ang isang tulad mo,” deretsahang sabi ni Elle ng nasa harapan na siya ni Anthony.“Paano mo nasabi ‘yan, Elle? Asawa ko si Analyn. Ano’ng reason para hindi ko siya sundan?” sagot ni Anthony.“Reason? Ano rin ba ang reason mo nung iniwan mo si Analyn sa Hongkong para bumalik dito at dalawin si Ate Brittany? Nasaan ka ba nung kailangan ka niya? Wala ka naman sa tabi niya. So ano’ng diprensiya ngayon na nasa ibang