Nawala man si Vi, pero kailangang ituloy pa rin ang proyekto. At dahil design ni Analyn iyon, responsibilidad niyang ayusin ang nabinbing proyekto. Ang unang ginawa ni Analyn ay gawan ng major revision ang design. Ayaw niyang sa tuwing maiugnay kay Vi ang lalabas na design. Walang duda na nakapassa sa final review at final approval ang bagong disenyo ni Analyn.Pagkatapos ng matagumpay na contract signing, naging mainit na usapan sa departamento kung makukuha ba ni Analyn ang posisyon ng pagiging manager. Pero marami rin ang nagsasabi na malakas din ang laban ni Fatima dahil sa mga achievements nito sa kumpanya. “Ayokong maging manager, maraming trabaho ‘yun.” Iyan ang sagot ni Analyn kay Michelle ng banggitin ng huli ang naririnig niyang usap-usapan.“Ha? Tatanggihan mo if ever na i-offer sa ‘yo? Gagi. Hindi ba at kailangan mo ng pera para sa medical expenses ng Papa mo? Siyempre, promotion ‘yun. Kapag na-promote ka, madadagdagan ang sahod mo. Okay ka lang?”Medical expenses? Upd
Lahat ng mga kasamahan ni Analyn ay tila gulat na gulat sa narinig. Ayaw man ni Analyn na magsimula ng ganung tsismis, pero wala na siyang maisip na pwedeng idahilan para makaiwas sa mga kasamahan niya. And besides, tama lang ‘yun. Makaganti man lang ako sa kanya sa pag-take advantage niya sa akin kaninang umaga! Hah!“Oo. May ano ‘yung asawa ko eh… ano… ‘yung mga legs niya lumalaki, ganyan,” pagmumuwestra pa ni Analyn sa sariling binti niya, “pati paa niya. Grabe! Mula nung bata siya ganun na siya. Kaya ayaw niyang may nakakakita sa kanya na ibang tao. Alam n’yo naman ang mga lalaki, mataas ang ego niyan. Ma-pride. Ayaw nilang napipintasan sila. Ganun.”Pagkasabi ni Analyn nun ay walang nangahas na magsalita o magtanong pa. Lahat ay nakatingin kay Analyn na may awa. Si Fatima lang ang may lakas ng loob na nagsalita.“Napaka-santa mo naman pala, Analyn. Willing kang mag-sacrifice para sa asawa mo.”“Sinabi mo pa,” malungkot na sagot ni Analyn, “kung hindi ko lang nga na mahal na maha
Malakas ang aircon ng sinasakyang kotse nila Vivian at Mr. Lee. Pero kapansin-pansin na pinagpapawisan ng sobra ang lalaki.“Assistant Vivian, tama ba ang mga sinabi ko kay boss Anthony? Hindi kaya nagalit sa akin ‘yun?”Seryoso ang mukha ni Vivian, “huwag kang mag-alala, Mr. Lee. Sa pagkakakilala ko kay boss, wala siyang favoritism. Tinitimbang niya rin kung ano ang tama. Basta kung tatanungin ka uli niya tungkol doon, dapat firm ka. Pareho lang sa sinabi mo sa kanya ngayon.”“Nag-aalala kasi ako. Para kasing may something sa kanila ni Analyn, kaya ang nakikita ko mas–”“No! Walang ganyan, Mr. Lee. Huwag kang maniwala sa mga naririnig mo. Nasa HR ka pa naman.”Nasasaktan man si Vivian sa kaalamang baka may namamagitan nga sa boss niya at sa empleyada mula sa 31st floor, pero nangako siya kay Anthony na walang makakaalam ng lihim nito kung hindi siya lang.“Okay. Naniniwala ako sa ‘yo, assistant Vivian. Mas kilala mo si boss kays
Humalukipkip si Anthony habang seryosong nakatingin kay Analyn.“I remember when you moved here in my house I gave you a piece of information. Isa sa mga nakalagay dun ay ang hindi ko pagkain ng matatamis.”Napamaang si Analyn. Nakalagay nga ba dun sa papel?“Analyn, mag-ingat ka naman. Paano kung nandito si Lolo? Eh di, nabuking na tayo, malamang. Do you know how much trouble it will cause me kapag nagalit sa akin si Lolo?”Nagbaba uli ng ulo niya si Analyn. Pakiramdam niya ngayon ay para siyang trabahador na pinapagalitan ng amo niya. Para silang hindi mag-asawa.Bahagyang natigilan si Analyn. Saka lang niya naalala na ang lolo nga lang pala ni Anthony ang nakakaalam na mag-asawa sila.Muling nag-angat ng tingin si Analyn kay Anthony. Kailangan niyang mag-sorry rito. Patong-patong na ang kasalanan niya sa lalaki.“Sir Anthony, I-”“Payo lang, Analyn. Spend more time on your work. At hindi sa kung ano-anon
Nagmamadaling bumaba ng jeep si Analyn. Humahangos na tumakbo siya papasok ng ospital. Lahat ng makasalubong niya ay kakaiba ang tingin sa kanya, pero wala siyang pakialam. Kailangan niyang makarating agad sa kuwarto ng Papa niya.Agad na binuksan ni Analyn ang pintuan ng kuwarto ng Papa niya. Naroroon si Doc Jan at may binabasa sa clipboard na hawak.“Doc Jan! Ano’ng nangyari?”Agad na lumingon si Jan sa gawi ng pintuan, para lang magulat kay Analyn.“Bakit ganyan ang mukha mo?”Napapikit si Analyn. Sa pagmamadali niyang makarating sa ospital ay nakalimutan niyang alisin ang make-up niyang pang-multo, pati na ang suot niyang damit na gutay-gutay ang laylayan at may pa-epek pa ng bahid ng dugo. Kaya pala ganun na lang ang tingin sa kanya ng mga kasama niang pasahero sa jeep, pati na ang mga taong nakakasalubong niya sa koridor ng ospital,“Sorry. Nakalimutan kong alisin bago ako pumunta rito. Nataranta sako sa tawag mo. Bakit ba?” Sini
Walang balak magsampa ng reklamo si Karla. Unang-una, magagastusan pa siya. Pangalawa, maaabala pa siya.“May araw din kayong dalawa sa akin!” sabi niya kay Analyn at Jan, bago umalis ng ospital.Naiiling na sinundan na lang ng tingin ni Analyn ang papalayong ina-inahan. Wala na yatang pag-asang magbago ang babae.Nang nawala na sa paningin ni Analyn si Karla, hinarap niya si Jan.“Salamat, Doc Jan. Kung hindi mo siya siguro nakita, baka na-refund niya ‘yung advance payment dito sa ospital. Hindi ko alam ang gagawin ko kung sakaling nangyari ‘yun. Saka mabuti na rin siguro ‘yung nangyari. Iyong pagsampal mo sa kanya. Baka sakaling matauhan siya at makapag-isip-isip.”Ngumiti si Jan. “Kanina ka pa sabi ng sabi ng salamat. Meron sigurong masa magandang paraan para mapasalamatan mo ko.”Tumingin si Analyn sa relo niya.“Tutal naman, hindi na ako makakapasok sa escape room, at tapos na ang duty mo, iti-treat na lan
Pagkatapos kumain nila Analyn at Jan, pinili nilang maglakad na lang pabalik ng ospital. Sabi ni Analyn, para raw matunaw ang kinain nila."Bakit ba kasi kailangan mo pang bumalik ng ospital?”"Duty ko na mamaya, ano ka ba?” natatawang sagot ni Jan."Kawawa ka naman. Nakakaawa iyong mga taong kailangang magtrabaho kapag weekends,” pagbibiro ni Analyn.“Ah talaga? Naaawa ka sa akin?” Huminto si Jan at saka pinisil ang ilong ni Analyn, dahilan para huminto rin ito at piliting alisin ang mga daliri ni Jan sa ilong niya.“Doc Jan, masakit ha.”“Mas nakakaawa ‘yung umeeskapo sa part time job niya. Pera na, naging bato pa,” sagot ni Jan at saka binuntutan ng tawa.Natawa rin si Analyn nang maalala ang ginawa niya kanina.“By the way, kailangan mo pa ba ng bagong part time job? Makakabalik ka pa ba sa Escape Room? Abandonment of duty ang ginawa mo kaya.”Samantala, sa kabilang panig ng kalsada, lumabas si Anth
“What I mean is… if I remember it right, your monthly salary is at least thirty five thousand. Binayaran ko na ang medical expenses ng Papa mo. Nag-advance payment na rin ako sa ospital. Bakit kailangan mo pa ng part-time job?”Nag-iwas ng tingin si Analyn. Nahihiya siyang sabihin kay Anthony ang rason niya.“You see, gusto kong makaipon.”“Makaipon?” ulit ni Anthony.“Makaipon. Kailangan kong maging handa. Kung sakaling dumating na ang panahon na tapos na ang pagiging asawa ko sa ‘yo, hindi pa rin naman matatapos ang mga pasanin ko. Iyong pansamantala mong pinasan para sa akin, babalik na uli sa akin iyon. Sa ngayon, libre ako sa lahat. At salamat sa iyo. Pero pagkatapos ng palabas natin, sagot ko na uli lahat. Bigas, mantika, gasul, patis, toyo, suka, asin, asukal, kape, gatas, at marami pang iba. Aba! Hindi ka siguro aware, pero linggo-linggo, tumataas ang bilihin. Salamat sa inflation.”Tuloy-tuloy ang pagsasalita ni Analyn at tila hindi siya h
Tuloy-tuloy na naglakad si Analyn papasok ng gate ng bahay ng mga Esguerra. Pero napansin pa rin siya ng isang guwardiya at hinarang siya. “Saan ka pupunta?” tanong ng guwardiya kay Analyn nakasuot ng malaking uniporme ng isang kilalang pizza store at may hawak na kahon ng malaking pizza.Nagtataka ang guwardiya kung ano ang ginagawa ng isang delivery staff sa lugar na iyon. Naisip niya na imposibleng may mag-order ng pizza mula sa mga amo at sa mga bisita habang napakaraming handang pagkain sa kaarawan ng anak ng amo. “Delivery,” tipid na sagot ni Analyn. Masusing pinagmasdan ng guwardiya ang mukha ni Analyn pero hindi niya makilala ito dahil natatakpan ng face mask ang mukha nito. Idagdag pa na may suot itong cap.“Sino naman ang nagpa-deliver?” nagdududa pa rin na tanong ng guwardiya. “Si Sir Edward Zamora.”“Asan ang resibo?” Agad na inabot ni Analyn ang resibo sa guwardiya. Kaninang umoorder siya sa taksi at habang nag-iisip kung kanino ipapangalan ang pizza, naisip niya si
“Ah, actually dumaan lang ako para kumustahin si Tita. Nabalitaan ko kasi na nandito siya.”Nadismaya si Brittany sa sagot ni Anthony pero hindi siya nagpahalata. Pinilit niyang binalewala ang sagot na iyon, pero ipinangako niya sa sarili na hindi niya paaalisin si Anthony hanggang mamaya. Pinilit niyang ngumiti kay Anthony. “Ganun ba? Tara. Ihahatid kita kay Mama.”Lingid sa kaalaman ni Anthony, kanina pa sila pinag-uusapan ng mga tao sa paligid dahil sa kanina pa sila tila masayang magkasama at magkausap. Iniisip ng ilan na totoo nga ang balita na nanganganib na ang pagsasama ni Anthony at ng asawa nito dahil narito ngayon ang lalaki. Maraming nag-espekula na marahil ay gusto talaga ng lalaking De la Merced ang anak ng mga Esguerra. Maraming humuhula na baka ang kasal ng dalawa ang ibabalita mamaya ni Brittany sa party nito. Naglalakad na sila Anthony at Brittany papunta sa ina ng huli. Agad ding napansin ng Mama ni Brittany ang lalaki. Hindi rin niya inaasahan na dadating ngayon
Punong-puno ang bakuran ng mga Esguerra ng mga bisita. Halos lahat ay nakasuot ng magagarang kasuotan dahil hindi naman basta-basta ang mga Esguerra sa Tierra Nueva. Kasama lang naman sila sa isa sa pinaka-maimpluwensiya at pinakamayaman na pamilya sa lugar.Maingay ang paligid. Kanya-kanyang usapan ang mga mayayaman ding mga bisita ng pamilya Esguerra. Pero nang lumabas na si Brittany, kasama ng kanyang mga magulang, mula sa loob ng bahay, natahimik ang lahat at napunta ang lahat ng atensyon sa babaeng may kaarawan. Tunay na napakaganda nito ng gabing iyon, Bumagay sa kanya ang asul na gown niya na kakulay ng dagat. Ang mahaba niyang buhok ay naka-ayos ng paitaas at may tiara pa, kaya nagmukha siyang isang tunay na prinsesa. Kapansin-pansin ang nagniningning na balat nito sa kinis. Halos lahat ng mga dalagang naroroon ay nakaramdam ng inggit sa taglay niyang kagandahan. Bago hipan ni Brittany ang kandila ng kanyang cake, nagsalita muna siya. “Tierra Nueva will be my permanent hom
Araw ng kaarawan ni Brittany. Maliwanag ang buong kabahayan at bakuran ng mga Esguerra dahil marami silang inimbita para iselebra ang araw na iyon. Walang katapusan ang pagdating ng mga bisita. Lahat ay may dalang mahal at importanteng regalo para sa dalaga ng mga Esguerra. Tuwang-tuwa si Brittany sa atensyon na natatanggap niya. Pero sa dinami-dami ng mga taong dumating, isang tao lang ang hinahanap pa niya. “Bakit wala pa si Anthony?” Tumayo si Brittany at saka muling sumilip sa bakuran sa ibaba kung saan naka-set up ang mga mesa at upuan para sa mga bisita.Iniwan ni Brittany ang bintana at saka wala sa loob na tinanong ang kasama niyang kasambahay sa loob n g kuwarto niya.“Ano’ng oras na ba?” Aware naman si Brittany na maaga pa ang gabi, pero naiinip na kasi siya sa pagdating ni Anthony. Saka naman may pumasok na isa pang kasambahay. “Mam, may dumating pong regalo galing kay Sir Anthony,” sabi nito habang may hawak na maliit na kahon.Hindi malaman ni Brittany kung matutuwa
Dalawang buwan na rin si Analyn sa kumbento. Ngayon, mas payapa na ang kalooban niya. Sa loob ng mga buwan na ito, hindi niya inihinto ang trabaho niya sa maliit na kumpanya niya. Nagdo-drawing pa rin siya at tinapos ang mga naiwang trabaho. Sa email lang niya ipinapadala kay Elle ang mga natapos niyang disenyo. Hindi pa rin niya binubuksan ang telepono niya. May usapan sila ni Elle na hindi pwedeng ipagsabi kahit kanino na may ugnayan sila. Pero hindi rin alam ni Elle kung nasaan talaga siya. Panay ang tanong sa kanya ni Elle. Nag-aalala siya para kay Analyn. Ang nasa isip ni Elle ay ang itsura nito nung huli niya itong nakita. Payat at maputla. [“Basta, ingatan mong mabuti ang sarili mo. Kung ayaw mo munang magpakita sa amin, sige lang. Huwag mong isipin ang Blank, kaya ko ‘to.”]Alam ni Analyn na sinasabi lang iyon ni Elle. Alam naman niyang may sarili ring problemang pinagdadaanan ang babae. Baka nahihirapan na itong balansehin ang trabaho at ang pasaway na asawa nito. Dahil dit
Dalawang buwan na ang nakalipas…Sa unang linggo pa lang ng buwan ay may isang magandang pangyayari ang naganap sa kasaysayan ng DLM Group of Companies. May isang international investor na mula pa sa Germany ang nag-invest ng 500 million US dollars dito. Muling nagbunyi ang buong pamunuan ng DLM. Sa unang pagkakataon mula ng umalis si Analyn, ngayon lang uli humarap sa media si Anthony. Sa tingin ng ibang tao, nakabawi na ito mula sa krisis na kinasadlakan niya dalawang buwan na ang nakakaraan.Sinagot niya isa-isa ang mga tanong ng mga media, at pagkatapos ay nagpaalam na. Pagkasakay sa sasakyan, agad na pinasibad ito ni Karl habang mabilis namang nagpahayag ng mga report ang sekretarya. Pero kung titingnan si Anthony, halata mong hindi siya interesado sa mga sinasabi ng sekretarya niya. “May balita na ba?” Tumigil ang sekretarya sa pagsasalita. Huminga ito ng malalim at saka sinagot ang paulit-ulit ng tanong ni Anthony sa loob ng dalawang buwan. “Wala pa po, boss. Hindi pa rin
“Paano ba nasusukat ang pagiging okay, ‘Nay Mercy?” balik-tanong niya sa ginang.“Huwag mong pilitin ang sarili mo, Analyn. Dadating din ang tamang oras at panahon. Malalaman mo na lang na naghilom na ang sugat sa puso mo. Hindi ko alam kung anong pinagdaanan mo o kung ano’ng problema ang meron ka. Pero lahat ng nararamdaman mo, ibigay mo sa Maykapal. Siya lang ang makakatulong sa iyo. Ituturo niya sa iyo kung ano ang dapat mong gawin.” Nang nagpunta si Analyn dito sa kumbento, hindi niya sinabi kay Mercy ang dahilan ng kagustuhan niya na pansamantalang manirahan sa lugar. Hindi rin naman siya tinanong ng matandang babae, at sa halip ay inirekomend pa siya sa head ng mga madre roon. Tumango-tango si Analyn. Nagbaling siya ng tingin sa iba’t-ibang mga punong nasa harapan ng kumbento, habang kinakapa niya ang damdamin niya ngayon. Pagkatapos ay muling nagbaling ng tingin kay Mercy.“Ikaw, ‘Nay. Matagal ka na kamo rito, hindi ka pa ba okay sa tagal mo na rito sa kumbento?”“Malalaki na
“Get out,” utos ni Anthony kay Karl, na siyang nakaupo sa driver's seat. “Boss, saan tayo pupunta?” tanong ni Karl. “I said get out! Ako ang magda-drive!”“P-Pero, Boss…” atubiling sagot ni Karl dahil napansin nito ang hindi magandang itsura ng mukha ng amo. “Aalis ka riyan o aalisin kita sa trabaho?” tila pikon na pikon na tanong ni Anthony. Nagmamadaling binuksan ni Karl ang pintuan at saka bumaba ng sasakyan.Mabilis namang umakyat ng sasakyan si Anthony pagkababa ni Kar. “Boss, samahan na kita,” alok ni Karl sa amo. “Shut up!” Pagkatapos ay malakas na isinara ni Anthony ang pintuan ng sasakyan niya. Wala ng nagawa si Karl ng pasibarin ng amo ang sasakyan nito. Sakto naman na kalalabas lang ng sekretarya ni Anthony at nakita niya ang pagharurot ng sasakyan na kinalululanan nito.“Bakit mo pinayagang mag-drive?” nag-aalalang tanong ng sekretarya kay Karl habang pareho silang nakatingin sa papalayong sasakyan ng amo. Binitiwan ni Karl ang tingin sa sasakyan at saka nagbaling
May nag-abot ng dokumento kay Anthony. SNakasulat doon na s isang kalapit na bansa nagpunta si Analyn. Pero paano kung pinapalabas lang ni Analyn na naroroon siya, pero ang totoo ay nasa ibang bansa na uli ito? Tinawag ni Anthony ang sekretraya at ang chief security ng security group niya. “Someone arrange a flight for me immediately. Susundan ko ang asawa ko.”“Hindi mo pwedeng gawin ‘yan!” Napalingon ang lahat sa bagong dating. Si Elle. Madilim ang mukha nito habang magma-martsa papunta kay Anhony. “I mean, wala kang karapatan na sundan pa si Analyn. Hindi niya deserve ang isang tulad mo,” deretsahang sabi ni Elle ng nasa harapan na siya ni Anthony.“Paano mo nasabi ‘yan, Elle? Asawa ko si Analyn. Ano’ng reason para hindi ko siya sundan?” sagot ni Anthony.“Reason? Ano rin ba ang reason mo nung iniwan mo si Analyn sa Hongkong para bumalik dito at dalawin si Ate Brittany? Nasaan ka ba nung kailangan ka niya? Wala ka naman sa tabi niya. So ano’ng diprensiya ngayon na nasa ibang