Malakas ang aircon ng sinasakyang kotse nila Vivian at Mr. Lee. Pero kapansin-pansin na pinagpapawisan ng sobra ang lalaki.
“Assistant Vivian, tama ba ang mga sinabi ko kay boss Anthony? Hindi kaya nagalit sa akin ‘yun?”
Seryoso ang mukha ni Vivian, “huwag kang mag-alala, Mr. Lee. Sa pagkakakilala ko kay boss, wala siyang favoritism. Tinitimbang niya rin kung ano ang tama. Basta kung tatanungin ka uli niya tungkol doon, dapat firm ka. Pareho lang sa sinabi mo sa kanya ngayon.”
“Nag-aalala kasi ako. Para kasing may something sa kanila ni Analyn, kaya ang nakikita ko mas–”
“No! Walang ganyan, Mr. Lee. Huwag kang maniwala sa mga naririnig mo. Nasa HR ka pa naman.”
Nasasaktan man si Vivian sa kaalamang baka may namamagitan nga sa boss niya at sa empleyada mula sa 31st floor, pero nangako siya kay Anthony na walang makakaalam ng lihim nito kung hindi siya lang.
“Okay. Naniniwala ako sa ‘yo, assistant Vivian. Mas kilala mo si boss kays
Humalukipkip si Anthony habang seryosong nakatingin kay Analyn.“I remember when you moved here in my house I gave you a piece of information. Isa sa mga nakalagay dun ay ang hindi ko pagkain ng matatamis.”Napamaang si Analyn. Nakalagay nga ba dun sa papel?“Analyn, mag-ingat ka naman. Paano kung nandito si Lolo? Eh di, nabuking na tayo, malamang. Do you know how much trouble it will cause me kapag nagalit sa akin si Lolo?”Nagbaba uli ng ulo niya si Analyn. Pakiramdam niya ngayon ay para siyang trabahador na pinapagalitan ng amo niya. Para silang hindi mag-asawa.Bahagyang natigilan si Analyn. Saka lang niya naalala na ang lolo nga lang pala ni Anthony ang nakakaalam na mag-asawa sila.Muling nag-angat ng tingin si Analyn kay Anthony. Kailangan niyang mag-sorry rito. Patong-patong na ang kasalanan niya sa lalaki.“Sir Anthony, I-”“Payo lang, Analyn. Spend more time on your work. At hindi sa kung ano-anon
Nagmamadaling bumaba ng jeep si Analyn. Humahangos na tumakbo siya papasok ng ospital. Lahat ng makasalubong niya ay kakaiba ang tingin sa kanya, pero wala siyang pakialam. Kailangan niyang makarating agad sa kuwarto ng Papa niya.Agad na binuksan ni Analyn ang pintuan ng kuwarto ng Papa niya. Naroroon si Doc Jan at may binabasa sa clipboard na hawak.“Doc Jan! Ano’ng nangyari?”Agad na lumingon si Jan sa gawi ng pintuan, para lang magulat kay Analyn.“Bakit ganyan ang mukha mo?”Napapikit si Analyn. Sa pagmamadali niyang makarating sa ospital ay nakalimutan niyang alisin ang make-up niyang pang-multo, pati na ang suot niyang damit na gutay-gutay ang laylayan at may pa-epek pa ng bahid ng dugo. Kaya pala ganun na lang ang tingin sa kanya ng mga kasama niang pasahero sa jeep, pati na ang mga taong nakakasalubong niya sa koridor ng ospital,“Sorry. Nakalimutan kong alisin bago ako pumunta rito. Nataranta sako sa tawag mo. Bakit ba?” Sini
Walang balak magsampa ng reklamo si Karla. Unang-una, magagastusan pa siya. Pangalawa, maaabala pa siya.“May araw din kayong dalawa sa akin!” sabi niya kay Analyn at Jan, bago umalis ng ospital.Naiiling na sinundan na lang ng tingin ni Analyn ang papalayong ina-inahan. Wala na yatang pag-asang magbago ang babae.Nang nawala na sa paningin ni Analyn si Karla, hinarap niya si Jan.“Salamat, Doc Jan. Kung hindi mo siya siguro nakita, baka na-refund niya ‘yung advance payment dito sa ospital. Hindi ko alam ang gagawin ko kung sakaling nangyari ‘yun. Saka mabuti na rin siguro ‘yung nangyari. Iyong pagsampal mo sa kanya. Baka sakaling matauhan siya at makapag-isip-isip.”Ngumiti si Jan. “Kanina ka pa sabi ng sabi ng salamat. Meron sigurong masa magandang paraan para mapasalamatan mo ko.”Tumingin si Analyn sa relo niya.“Tutal naman, hindi na ako makakapasok sa escape room, at tapos na ang duty mo, iti-treat na lan
Pagkatapos kumain nila Analyn at Jan, pinili nilang maglakad na lang pabalik ng ospital. Sabi ni Analyn, para raw matunaw ang kinain nila."Bakit ba kasi kailangan mo pang bumalik ng ospital?”"Duty ko na mamaya, ano ka ba?” natatawang sagot ni Jan."Kawawa ka naman. Nakakaawa iyong mga taong kailangang magtrabaho kapag weekends,” pagbibiro ni Analyn.“Ah talaga? Naaawa ka sa akin?” Huminto si Jan at saka pinisil ang ilong ni Analyn, dahilan para huminto rin ito at piliting alisin ang mga daliri ni Jan sa ilong niya.“Doc Jan, masakit ha.”“Mas nakakaawa ‘yung umeeskapo sa part time job niya. Pera na, naging bato pa,” sagot ni Jan at saka binuntutan ng tawa.Natawa rin si Analyn nang maalala ang ginawa niya kanina.“By the way, kailangan mo pa ba ng bagong part time job? Makakabalik ka pa ba sa Escape Room? Abandonment of duty ang ginawa mo kaya.”Samantala, sa kabilang panig ng kalsada, lumabas si Anth
“What I mean is… if I remember it right, your monthly salary is at least thirty five thousand. Binayaran ko na ang medical expenses ng Papa mo. Nag-advance payment na rin ako sa ospital. Bakit kailangan mo pa ng part-time job?”Nag-iwas ng tingin si Analyn. Nahihiya siyang sabihin kay Anthony ang rason niya.“You see, gusto kong makaipon.”“Makaipon?” ulit ni Anthony.“Makaipon. Kailangan kong maging handa. Kung sakaling dumating na ang panahon na tapos na ang pagiging asawa ko sa ‘yo, hindi pa rin naman matatapos ang mga pasanin ko. Iyong pansamantala mong pinasan para sa akin, babalik na uli sa akin iyon. Sa ngayon, libre ako sa lahat. At salamat sa iyo. Pero pagkatapos ng palabas natin, sagot ko na uli lahat. Bigas, mantika, gasul, patis, toyo, suka, asin, asukal, kape, gatas, at marami pang iba. Aba! Hindi ka siguro aware, pero linggo-linggo, tumataas ang bilihin. Salamat sa inflation.”Tuloy-tuloy ang pagsasalita ni Analyn at tila hindi siya h
Tulak-tulak ni Anthony ang cart habang naglalakad sa tabi niya si Analyn. Nagulat si Anthony ng bigla itong tumakbo.“Analyn!” tawag niya sa dalaga, “saan ka pupunta?”Nakita niyang dumiretso ang dalaga sa mga lalagyan ng ice cream. Sinundan niya ito roon habang tumitingin ito sa lalagyanan.Parang bata na nakangiti si Analyn habang iniisa-isa ang mga flavor ng ice cream. Ganunpaman, bigla siyang nalungkot ng tingnan niya ang presyo ng bawat isa.Matagal na tumayo roon si Analyn habang naghihintay si Anthony. Mayamaya ay bumalik na si Analyn sa tabi ni Anthony.“Akala ko bibili ka?”Nagkibit-balikat si Analyn, “mahal, eh! Tara na, uwi na tayo.”Hindi kumilos si Anthony. Pinagmasdan niya si Analyn.“Bakit?” tanong naman ni Analyn.Akala ko ba gusto mo ‘yan? Bakit hindi ka kumuha?”Sumimangot si Analyn.“Super mahal. Sayang pera,” pagkatapos ay ngumiti siya, “saka na lang a
Napakamot sa ulo niya si Analyn. Hindi pa rin ba tapos ang issue na ‘yun?“Okay, para matapos na, ikukuwento ko na sa iyo lahat ng nangyari sa akin sa raw na ‘to.”Umayos ng upo si Analyn at saka inumpisahang ikuwento ni Analyn lahat-lahat.“So, ako pala ang puno’t dulo ng nangyari sa iyo maghapon?”Napataas ang isang kilay ni Analyn.“Hala! Bakit ikaw? Hindi ko naman binanggit ang pangalan mo.”“The two hundred thousand.”Nakagat ni Analyn ang ibabang labi niya nang mabanggit ni Anthony ang perang gustong i-refund ng ina-inahan kanina sa ospital.“Last year, pinlano ng DLM na makipag-collaborate sa Luca Capital for expansion, but it was rejected. Ni-reject nila ng hindi pa nila nababasa ang proposal namin. Ang reason nila sa pag-reject, may other plans ang Project Manager ng Luca Capital at iyon ang gagamitin niya para sa job promotion niya.”Nagtaka si Analyn kung ano ang kinalaman ng sinasab
“A rough estimate of more than one hundred thousand ang kabuuang utang ni Jiro ngayon. Wala naman siyang trabaho, saan siya kukuha ng pambayad? Magkano ba ang sahod mo ngayon? Nasa kulang-kulang fifteen thousand a month? Kung pakakasalan mo siya, ilang taon n’yo matatapos bayaran ang mga utang niya?”Mabuting tao si Frances. At alam niyang mahal na mahal nito si Jiro. Ayaw man niyang saktan ang damdamin ng dalaga, walang pagpipilian si Analyn kung hindi sabihin ang totoo rito. Isa pa, ayaw niyang dumagdag pa sa magiging pasanin ni Frances ang Mama niyang si Karla kung sakaling magiging asawa na siya ni Jiro. Sa palagay niya, two birds hitting in one stone itong ginawa niya. Nailigtas na niya ang babae sa pagbabayad ng mga utang ni Jiro, nailigtas pa niya ito sa mukhang pera nilang ina.Nakatulala pa rin si Frances. Tila ina-analisa ang mga sinabi ni Analyn sa kanya.Kumuha si Analyn ng dalawang basong tubig mula sa counter ng coffee shop. Ang isa ay
“Hi, Analyn! Laki ng damage nung kuwarto ko nang dahil dito kay Ton kaya ako naparito.”Nakagat ni Analyn ang ibabang labi. Alam naman niyang siya ang dahilan ng pagkasira ng property ni Edward at hindi si Anthony. Iniligtas lang siya ng amo. Tumayo si Edward at saka lumapit kay Analyn. Sinipat nito ang mukha ng dalaga kung alin ang may gasa dahil sa sugat niya.“Masakit pa ba?”Nailang naman si Analyn sa pagsipat ni Edward sa pisngi niya kaya nag-iwas siya ng tingin sa lalaki. Hindi naman sinasadyang kay Anthony siya napatingin. Saktong nakatingin din pala sa kanya ang lalaki kaya nagbaba siya ng tingin. Nahihiya siya kay Anthony.Nahalata ni Edward ang tensyon sa pagitan ng dalawa kaya minabuti niyang magpaalam na para umalis.“Aalis na muna ako. Aasikasuhin ko muna ang kapatid mo,” sabi ni Edward kay Analyn.“Ako na ang humihingi ng pasensiya para sa kapatid ko. Pasaway kasi talaga ‘yun.”Tinapik ni Edward ang braso ni Analyn.“Don’t worry. Ako’ng bahala sa kapatid mo. Ibabalik ko
Nagmamadaling tinapos na ni Anthony ang paliligo para mapuntahan na niya si Analyn sa kuwarto ng dalaga. Hindi pa nawawala ang anestisya sa katawan ng dalaga kaya hindi pa ito nagigising.Tahimik na pumasok si Anthony sa kuwarto ng dalaga. Lumapit siya sa kama nito at saka matamang pinagmasdan ang mukha nito. Maputla pa rin ang mga labi niya, at natatakpan pa ng gasa ang kaliwang bahagi ng mukha niya. Napakapayapa nitong pagmasdan. Sinamantala ni Anthony na pagmasdan ang dalaga habang hindi pa ito nagigising.Nang biglang tumunog ang telepono ni Anthony na nasa bulsa ng pantalon niya. Bago pa magising si Analyn sa ingay ng telepono niya ay minabuti ni Anthony na lumabas na muna ng kuwarto ng dalaga.NANG nagdilat ng mga mata si Analyn, isang nag-aalalang Manang Edna
Muling ngumisi si Carlito habang nakatingin sa kutsilyo niya na may bahid ng dugo ni Analyn. Mukhang natutuwa siya sa dugong nakikita. Habang si Analyn ay putlang-putla na ang mukha sa takot na nararamdaman.Balak sanang ulitin uli ni Carlito ang ginawa niya sa mukha ng dalaga nang biglang may ingay siyang narinig sa pintuan kaya napalingon siya roon.“De– De la Merced?”Nakatayo lang si Anthony sa tapat ng pintuan. Matiim siyang nakatingin kay Carlito. Napansin niya ang dalawang tao na nasa tapat ni Carlito kaya lumipat ang tingin niya sa mga iyon. Doon niya nakita ang hindi okay na itsura ni Analyn at may dugong bahagyang umaagos mula sa pisngi nito.Agad na nagdilim ang awra ng mukha ni Anthony. Lumipat muli ang tingin niya kay Carlito. Agad namang n
Hindi pa nakaka-move on si Analyn dahil sa nalamang kay Edward ang casino na kinaroroonan niya ngayon nang tabihan uli siya ni Carlito sa sofa.Inakbayan siya ng lalaki, habang ang isang kamay ay dumampot ng stick ng sigarilyo mula sa mesa. Agad namang dinampot ni Analyn ang lighter na naroroon din sa ibabaw ng mesa sa kabila ng kabang nadarama niya. Sinindihan niya ang sigarilyong nasa mga labi ni Carlito, na ikinatuwa naman ng huli.“Michelle, eh kung sumama ka kaya mamaya sa bahay ko? Ang dami kasing istorbo rito. Doon, walang iistorbo sa atin,” nakangising sabi ni Carlito. Inilapit pa nito ang mukha niya sa mukha ni Analyn na parang gustong halikan ang dalaga.Nagkunwari naman si Analyn na nahulog ang lighter para magkaroon siya ng dahilan na yumuko at para hindi mahalikan ni Carlito.&nbs
“Boss Edward?” gulat na sabi ni Carlito sa taong nasa labas ng pintuan.Nanlaki naman ang mga mata ni Analyn. Hindi niya alam ang gagawin. Nakatingin sa kanya ngayon si Edward, ang lalaking ka-meeting ni Anthony nung nakaraang araw.Agad na nagbawi ng tingin si Analyn. Hindi niya alam kung ano ang tumatabo sa isip ngayon ng lalaki sa itsura ng make up niya ngayon at sa mapangahas niyang pagdadamit.Agad na tumayo si Carlito at sinalubong si Edward.“Boss Edward… ano’ng masamang hangin ang nagtaboy sa iyo sa kuwarto ko?” nakangiting sabi ni Carlito sa bagong dating.“May palabas ka raw rito, nasagap ko,” walang emosyon na sagot ni Edward.Humalakhak si Carli
Matamis na ngumiti si Analyn sa lalaki.“Hi. Nandiyan ba si Mr. Sy? Dito ako pinapunta ng amo ko. Room 349, tama naman, di ba?” Kumindat pa si Analyn sa lalaki.Lumingon naman sa loob ng kuwarto ang lalaki.“Bosing Carlito, humingi ka ba ng babae kay Mr. Sy?”Bigla namang kinabahan si Analyn. Mabubulilyaso pa yata ang plano niya. Naisipan niyang alisin ang pangalawang butones ng pang-itaas niya kaya bahagyang lumitaw ang itaas na bahagi ng pisngi ng dibdib niya. Sakto namang muli siyang nilingon ng lalaki at sa dibdib niya ito napatingin.“Babae? Maganda ba?” sabi mula sa loob, malamang iyong Carlito na tinawag ng lalaking kausap ngayon ni Analyn.
“Magtatagal ka ba rito, Analyn? Dinner tayo,” yaya ni Jan sa dalaga.Sandaling nag-isip si Analyn. Parang gusto na niyang pagbigyan ang binata. Ilang araw na siyang kumakaing mag-isa sa bahay ni Anthony at nalulungkot siya. At least ngayon may kakuwentuhan siya at kasabay kakain.Sasagot na sana siya kay Jan nang biglang mag-ring ang telepono ni Analyn. Tiningnan ni Analyn ang screen, nakita niya ang isang hindi naka-rehistrong numero.“Sandali, Jan. Sasagutin ko lang ito.”Tumango lang si Jan. Naglakad na palabas si Analyn.“Hello?” agad na sabi niya pagkalabas niya ng pintuan.[“Miss Ferrer, hawak namin ang kapatid mo. Gusto mo bang mabuhay pa siya?”]Nanlaki ang mga mata ni Analyn. Bigla siyang kinabahan. Muli niyang tiningnan ng screen ng telepono niya. Paano kaya nila nalaman ang numero niya?Muling ibinalik ni Analyn ang telepono sa tapat ng tenga
Hindi pa rin umuuwi si Anthony sa bahay niya. Subsob siya sa trabaho sa opisina. Ngayong hapon, may appointment siyang dinner sa may-ari ng Del Mundo Corp. Isinama niya si Vivian.Nang nasa loob na sila ng elevator, nagtaka si Vivian nang biglang pindutin ni Anthony ang 31st floor nang nasa ika-33rd floor na sila, sa halip na sa lower basement na una niyang pinindot.Nagkaroon ng hinala sa isip ni Vivian nang lumabas si Anthony ng elevator at naglakad patungo sa salaming pinto ng opisina ng Creatives, Inc.Sumilip si Anthony sa loob. Iyong mesa agad ni Analyn ang tinignan niya. Nakita nyang wala roon ang dalaga. Nagkataon naman na palabas na ng kuwarto si Michelle.“S-Sir Anthony? May kailangan po kayo?”Lumunok muna si Anthony bago nagsalita. Ayaw niya sanang hanapin si Analyn pero parang may nagsasabi sa kanya sa isip niya mapapalagay lang siya sa pupuntahan kung alam niya kung nasaan ang dalaga.“
“Have a seat, Ms. Employee,” yaya ng lalaking kasama ni Anthony sa kuwarto.Tiningnan muna ni Analyn si Anthony. Nang nakita niyang bahagya itong tumango sa kanya, tanda ng pagsang-ayon nito ay nagsimula na siyang naglakad patungo sa sofa na kinauupuan ng dalawa. Minabuti niyang maupo sa pang-isahang upuan.Nakaupo na si Analyn ay nakatingin pa rin sa kanya ang kasama ni Anthony.“Ako nga pala si Edward, Ms. Employee,” sabay abot nito ng kamay niya kay Analyn, “tutal mukhang walang balak ang boss mo na ipakilala ako sa ‘yo,” nakangiting sabi ni Edward.Napilitang abutin ni Analyn ang kamay ni Edward. Isa pa, kaibigan ito ng amo niya kaya kailangan niyang maging magalang dito.Nang magdaop ang mga kamay nila ay mabilis na sumulyap si Edward kay Antony, tila sinusubukan ang binata.“Oh? Baka pwede ko ng malaman ang pangalan mo, Ms. Employee. Nagpakilala na ako sa &ls