Humalukipkip si Anthony habang seryosong nakatingin kay Analyn.
“I remember when you moved here in my house I gave you a piece of information. Isa sa mga nakalagay dun ay ang hindi ko pagkain ng matatamis.”
Napamaang si Analyn. Nakalagay nga ba dun sa papel?
“Analyn, mag-ingat ka naman. Paano kung nandito si Lolo? Eh di, nabuking na tayo, malamang. Do you know how much trouble it will cause me kapag nagalit sa akin si Lolo?”
Nagbaba uli ng ulo niya si Analyn. Pakiramdam niya ngayon ay para siyang trabahador na pinapagalitan ng amo niya. Para silang hindi mag-asawa.
Bahagyang natigilan si Analyn. Saka lang niya naalala na ang lolo nga lang pala ni Anthony ang nakakaalam na mag-asawa sila.
Muling nag-angat ng tingin si Analyn kay Anthony. Kailangan niyang mag-sorry rito. Patong-patong na ang kasalanan niya sa lalaki.
“Sir Anthony, I-”
“Payo lang, Analyn. Spend more time on your work. At hindi sa kung ano-anon
Nagmamadaling bumaba ng jeep si Analyn. Humahangos na tumakbo siya papasok ng ospital. Lahat ng makasalubong niya ay kakaiba ang tingin sa kanya, pero wala siyang pakialam. Kailangan niyang makarating agad sa kuwarto ng Papa niya.Agad na binuksan ni Analyn ang pintuan ng kuwarto ng Papa niya. Naroroon si Doc Jan at may binabasa sa clipboard na hawak.“Doc Jan! Ano’ng nangyari?”Agad na lumingon si Jan sa gawi ng pintuan, para lang magulat kay Analyn.“Bakit ganyan ang mukha mo?”Napapikit si Analyn. Sa pagmamadali niyang makarating sa ospital ay nakalimutan niyang alisin ang make-up niyang pang-multo, pati na ang suot niyang damit na gutay-gutay ang laylayan at may pa-epek pa ng bahid ng dugo. Kaya pala ganun na lang ang tingin sa kanya ng mga kasama niang pasahero sa jeep, pati na ang mga taong nakakasalubong niya sa koridor ng ospital,“Sorry. Nakalimutan kong alisin bago ako pumunta rito. Nataranta sako sa tawag mo. Bakit ba?” Sini
Walang balak magsampa ng reklamo si Karla. Unang-una, magagastusan pa siya. Pangalawa, maaabala pa siya.“May araw din kayong dalawa sa akin!” sabi niya kay Analyn at Jan, bago umalis ng ospital.Naiiling na sinundan na lang ng tingin ni Analyn ang papalayong ina-inahan. Wala na yatang pag-asang magbago ang babae.Nang nawala na sa paningin ni Analyn si Karla, hinarap niya si Jan.“Salamat, Doc Jan. Kung hindi mo siya siguro nakita, baka na-refund niya ‘yung advance payment dito sa ospital. Hindi ko alam ang gagawin ko kung sakaling nangyari ‘yun. Saka mabuti na rin siguro ‘yung nangyari. Iyong pagsampal mo sa kanya. Baka sakaling matauhan siya at makapag-isip-isip.”Ngumiti si Jan. “Kanina ka pa sabi ng sabi ng salamat. Meron sigurong masa magandang paraan para mapasalamatan mo ko.”Tumingin si Analyn sa relo niya.“Tutal naman, hindi na ako makakapasok sa escape room, at tapos na ang duty mo, iti-treat na lan
Pagkatapos kumain nila Analyn at Jan, pinili nilang maglakad na lang pabalik ng ospital. Sabi ni Analyn, para raw matunaw ang kinain nila."Bakit ba kasi kailangan mo pang bumalik ng ospital?”"Duty ko na mamaya, ano ka ba?” natatawang sagot ni Jan."Kawawa ka naman. Nakakaawa iyong mga taong kailangang magtrabaho kapag weekends,” pagbibiro ni Analyn.“Ah talaga? Naaawa ka sa akin?” Huminto si Jan at saka pinisil ang ilong ni Analyn, dahilan para huminto rin ito at piliting alisin ang mga daliri ni Jan sa ilong niya.“Doc Jan, masakit ha.”“Mas nakakaawa ‘yung umeeskapo sa part time job niya. Pera na, naging bato pa,” sagot ni Jan at saka binuntutan ng tawa.Natawa rin si Analyn nang maalala ang ginawa niya kanina.“By the way, kailangan mo pa ba ng bagong part time job? Makakabalik ka pa ba sa Escape Room? Abandonment of duty ang ginawa mo kaya.”Samantala, sa kabilang panig ng kalsada, lumabas si Anth
“What I mean is… if I remember it right, your monthly salary is at least thirty five thousand. Binayaran ko na ang medical expenses ng Papa mo. Nag-advance payment na rin ako sa ospital. Bakit kailangan mo pa ng part-time job?”Nag-iwas ng tingin si Analyn. Nahihiya siyang sabihin kay Anthony ang rason niya.“You see, gusto kong makaipon.”“Makaipon?” ulit ni Anthony.“Makaipon. Kailangan kong maging handa. Kung sakaling dumating na ang panahon na tapos na ang pagiging asawa ko sa ‘yo, hindi pa rin naman matatapos ang mga pasanin ko. Iyong pansamantala mong pinasan para sa akin, babalik na uli sa akin iyon. Sa ngayon, libre ako sa lahat. At salamat sa iyo. Pero pagkatapos ng palabas natin, sagot ko na uli lahat. Bigas, mantika, gasul, patis, toyo, suka, asin, asukal, kape, gatas, at marami pang iba. Aba! Hindi ka siguro aware, pero linggo-linggo, tumataas ang bilihin. Salamat sa inflation.”Tuloy-tuloy ang pagsasalita ni Analyn at tila hindi siya h
Tulak-tulak ni Anthony ang cart habang naglalakad sa tabi niya si Analyn. Nagulat si Anthony ng bigla itong tumakbo.“Analyn!” tawag niya sa dalaga, “saan ka pupunta?”Nakita niyang dumiretso ang dalaga sa mga lalagyan ng ice cream. Sinundan niya ito roon habang tumitingin ito sa lalagyanan.Parang bata na nakangiti si Analyn habang iniisa-isa ang mga flavor ng ice cream. Ganunpaman, bigla siyang nalungkot ng tingnan niya ang presyo ng bawat isa.Matagal na tumayo roon si Analyn habang naghihintay si Anthony. Mayamaya ay bumalik na si Analyn sa tabi ni Anthony.“Akala ko bibili ka?”Nagkibit-balikat si Analyn, “mahal, eh! Tara na, uwi na tayo.”Hindi kumilos si Anthony. Pinagmasdan niya si Analyn.“Bakit?” tanong naman ni Analyn.Akala ko ba gusto mo ‘yan? Bakit hindi ka kumuha?”Sumimangot si Analyn.“Super mahal. Sayang pera,” pagkatapos ay ngumiti siya, “saka na lang a
Napakamot sa ulo niya si Analyn. Hindi pa rin ba tapos ang issue na ‘yun?“Okay, para matapos na, ikukuwento ko na sa iyo lahat ng nangyari sa akin sa raw na ‘to.”Umayos ng upo si Analyn at saka inumpisahang ikuwento ni Analyn lahat-lahat.“So, ako pala ang puno’t dulo ng nangyari sa iyo maghapon?”Napataas ang isang kilay ni Analyn.“Hala! Bakit ikaw? Hindi ko naman binanggit ang pangalan mo.”“The two hundred thousand.”Nakagat ni Analyn ang ibabang labi niya nang mabanggit ni Anthony ang perang gustong i-refund ng ina-inahan kanina sa ospital.“Last year, pinlano ng DLM na makipag-collaborate sa Luca Capital for expansion, but it was rejected. Ni-reject nila ng hindi pa nila nababasa ang proposal namin. Ang reason nila sa pag-reject, may other plans ang Project Manager ng Luca Capital at iyon ang gagamitin niya para sa job promotion niya.”Nagtaka si Analyn kung ano ang kinalaman ng sinasab
“A rough estimate of more than one hundred thousand ang kabuuang utang ni Jiro ngayon. Wala naman siyang trabaho, saan siya kukuha ng pambayad? Magkano ba ang sahod mo ngayon? Nasa kulang-kulang fifteen thousand a month? Kung pakakasalan mo siya, ilang taon n’yo matatapos bayaran ang mga utang niya?”Mabuting tao si Frances. At alam niyang mahal na mahal nito si Jiro. Ayaw man niyang saktan ang damdamin ng dalaga, walang pagpipilian si Analyn kung hindi sabihin ang totoo rito. Isa pa, ayaw niyang dumagdag pa sa magiging pasanin ni Frances ang Mama niyang si Karla kung sakaling magiging asawa na siya ni Jiro. Sa palagay niya, two birds hitting in one stone itong ginawa niya. Nailigtas na niya ang babae sa pagbabayad ng mga utang ni Jiro, nailigtas pa niya ito sa mukhang pera nilang ina.Nakatulala pa rin si Frances. Tila ina-analisa ang mga sinabi ni Analyn sa kanya.Kumuha si Analyn ng dalawang basong tubig mula sa counter ng coffee shop. Ang isa ay
Pero agad na nawala ang ngiti ni Analyn nang lalapit na siya kay Anthony. Doon niya lang napansin ang masamang tingin nito sa kanya.Awtomatikong napahinto siya sa paglapit sa binata, agad niyang naramdaman na may kakaiba rito ngayon. Mabilis niyang sinulyapan ang kasambahay na nakatayo sa di-kalayuan at saka ito alanganing umiling.Dahil naiintriga, nilakasan ni Analyn ang loob niya para magtanong kay Anthony.“May masama ba akong nagawa, Sir Anthony?”Sa tanong na iyon ni Analyn, lalong tumalim ang tingin ni Anthony sa kanya.“Sige. May ikukwento ka, di ba? Ano’ng ikukuwento mo sa akin? Ikukuwento mo kung saan kayo nag-date nung doktor mo? Kung ano ang kinain n’yo?”Ang excited na itsura ni Analyn ay agad napalitan ng pagkadismaya at inis.“Ano ba’ng problema mo kay Doc Jan? Hindi ba at sinabi ko na sa iyo na magkaibigan lang kami? Bakit kung sitahin mo ako ngayon para bang lumalabas na may relasyon kami at nagkikita kam
Nanlaki ang mga mata ni Analyn. “Ano’ng nangyari? Paano nangyari ‘yun?”Lumipad ang tingin ng dalawang matanda kay Analyn dahil sa timbre ng boses nito.[“Hindi ko pa alam ang buong nangyari. Basta, narinig ko. Pero wala pang nakarating na balita sa press at sa mga pulis as of now. At hindi ko rin alam kung may tao bang na-injured dun o ano.”]Kung nasaan man si Elle ngayon ay halatang patago lang ang ginawang pagtawag nito kay Analyn base sa pabulong na pagsasalita nito. Nahalata iyon ni Analyn. [“Pero bukas ng umaga, hindi natin alam kung maitatago pa iyon sa mga press at sa mga pulis.”]“Iyon nga rin ang iniisip ko.”Pagkababa ni Elle sa tawag, hindi pa rin mapakali si Analyn. Hindi niya maisip kung paano nangyari ang aksidente, pinatutukan niya ang project na iyon at todo bantay ang mga tao niya roon. Biglang tumayo si Analyn at saka hinarap ang dalawang matanda. “‘Lo, Papa, aalis na muna ako. May importante lang akong kailangang asikasuhin sa trabaho. Huwag n’yo na akong hint
Kasama si Damian, sa bahay ni Greg nagdiwang ng pagsalubong sa bagong taon sila Anthony at Analyn. Bagaman, may dinaramdam at nanlalambot ang matanda, nakipag-selebra pa rin ito sa kanilang tatlo, pero maaga itong nagpahinga. Nakatanggap ng dalawang ampao si Analyn, isa galing kay Damian, at isa galing kay Anthony. Namilog ang mga mata niya sa tuwa. Madadagdagan na naman ang ipon niya. Nawala ang tuwa niya ng may napansin siya sa dalawang sobre. “Anthony, bakit ang nipis lang ng ampao mo? Etong kay Papa, ang kapal.” Pagkatapos ay binalingan ni Analyn ang ama.“Papa, ibinigay mo na ba sa akin ang buong pensyon mo? Ang kapal ng envelope mo, eh,” pabirong tanong ni Analyn. “Huwag kang umasa. Puro tigsi-singkwentang papel lang ‘yan kaya mukhang makapal,” sagot ni Damian, kay lumabi si Analyn sa kanya. “Hindi ako naniniwal. Ang kapal nito, eh,” sabi ni Analyn habang pinipisil-pisil ang sobre. Pinagbuntunan namin ni Analyn ang asawa. “Ikaw, Anthony. Hindi ba importante sa iyo ang asa
Malapit na ang Bagong Taon. Marami ng nagtitinda ng kung ano-ano sa mga kalsadang nadadaanan nila Anthony at Analyn. Galing sila sa Annual Year-End Party ng lahat ng investor ng DLM Group. Habang pinagmamasdan ni Analyn ang mga iba’t ibang paninda sa labas ng bintana, maraming tumatakbo sa isipan niya. Parang kailan lang nung huling bagong taon. Bago lang sila na naiksala ni Anthony noon. Sino ang mag-aakala na ang anim buwan ay aabot ng isang taon pala?Nilingon ni Analyn si Anthony. “Malapit na naman sa subdivision, gusto kong maglakad kasama ka.” Tumaas ang isang kilay ni Anthony at saka tiningnan ang mga paa ni Analyn. “Magpalit ka muna ng sapatos.”“Wala akong dala. Okay na ‘to. Eh di, kapag sumakit ang paa ko, kargahin mo ko,” tila naglalambing na sagot ni Analyn. Kinalabit ni Anthony ang balikat ng sekretarya niya na nakaupo satabi ni Karl. Agad namang yumuko ang sekretarya at may kinuha sa paanan niya.May kinuha pala itong paper bag at saka inabot iyon kay Anthony. Mula
Abala si Analyn sa laptop niya ng biglang may nagsalita sa gawi ng pintuan. Kinabukasan na ang araw ng pasahod sa mga empleyado nila ni Elle at ngayon pa lang niya nire-review ang attendance ng mga ito.“Bakit naman salubong ang mga kilay mo diyan?”Nag-angat ng tingin si Analyn mula sa laptop niya. Biglang nagliwanag ang mukha niya ng nakita niyang nakatayo si Elle sa may pintuan ng kuwarto niya. Agad siyang napatayo at saka nagmamadaling nilapitan ang kaibigan. Gusto sana niyang magtampo dahil wala itong sinagot sa mga text niya, pero ngayong nakita niya na okay ito ay kinalimutan na lang niya ang pagtatampo. “Elle! Mariosep, akala ko ipauubaya mo na sa akin ang buong Blank,” pagbibiro ni Analyn.Umirap si Elle sa kanya. “Asa ka, malaki ang inilabas kong pera rito,” ang tipikal na sagot ng isang Elle. Niyakap ni Analyn si Elle. “Saan ka ba kasi nagpunta? Bakit ka umalis ng Tierra Nueva?”Nag-alanganin si Elle. Gusto rin sana niyang yakapin pabalik si Analyn, pero meron sa loob n
Walang nagawa si Damian kung hindi ang gumawa ng listahan at ibigay iyon kay Analyn. “Itong nasa huli ng listahan, kulay pulang kahon ito. Nakapatong ito sa pinaka-itaas ng cabinet ko roon. Huwag na huwag mong kakalimutan ‘yan. Kailangang dala mo ‘yan pabalik dito,” pagbibilin ni Damian kay Analyn.“Ano’ng nasa loob nito, Papa? Kayamanan ba?” “Private matter ko ‘yan, Analyn. Huwag ng maraming tanong.”“Sige na, Papa… ano’ng sikreto ang meron ka dun sa kahon?” pangungulit pa ni Analyn.Tumaas ang isang kilay ni Damian. “Sikreto nga, di ba?”“Pera? Marami kang pera?” namimilog ang mga mata na tanong ni Analyn.“Tsk! Ang kulit nitong batang ‘to…”Ngumiti at nag-peace sign si Analyn sa ama. “Joke lang! Hindi na mabiro si Papa…”NANG naroroon na si Analyn sa dating tinutuluyan ni Damian, inobserbahan niya ang bahay. Mukhang wala namang bakas na may nakapasok. Baka hindi pa umaaksyon si Vhance, o nagbabalak pa lang ito ng pwede niyang gawin. Agad na kinuha ni Analyn ang mga nakalagay sa
Pagkatapos ng hindi pagkikita ng ilang araw, naging napakainit ng naging pagniniig ng mag-asawa. Himbing na himbing ang tulog ni Anthony ng nagising si Analyn. Dahan-dahan siyang bumangon. Nang bigla niyang naalala si Elle, baka sumagot na ang kaibigan sa mga text niya.Agad niyang dinampot ang telepono at saka binuksan iyon. Meron na ngang sagot si Elle. Hindi lang isa, kung hindi marami. Agad niyang binuksan ang mga mensahe nito. Nakalagay doon na nagpunta siya ng San Clemente para may asikasuhin tungkol sa negosyo nila. Sinabi rin niya na huwag siyang mag-alala dahil hindi pa sila nagpapanagpo ulit ni Alfie at okay lang siya. Huling mensahe ni Elle na huwag siyang mag-alala para sa kanya. Napa-isip si Analyn. May mali sa mga mensahe ni Elle. Masyado iyong pormal. Parang malayo sa Elle na kilala niya na laging may halong biro o sarkasmo ang pagsasalita nito kahit pa sa text lang. Parang hindi niya ma-imagine na ganun magsalita si Elle katulad ng nabasa niya.Sandali. Kailan pa kam
Humalakhak ng malakas si Eric.Tila naaliw ito sa sinabi ni Elle. “Joke ba ‘yan, Elle?” Pagkatapos ay muling tumawa ito.Natigilan si Elle, saka umiling. “Hindi. Totoo ang sinasabi ko.”Huminto sa pagtawa si Eric at saka itinulak si Elle. “Tapos na ang pagiging doktor at pasyente natin. Tapos na ang pagiging doktor ko sa ‘yo.”“Aw, come on, Doc Eric. Ang sabi mo noon ako lang ang gusto mong maging pasyente mo bilang isang psychologist. Actually, naguguluhan nga ako. Babalik ka pala rito sa San Clemente para pamahalaan ang mga negosyo ng pamilya n’yo, pero bakit ka pumunta sa Tierra Nueva para maging doktor ko?” Sumilay ang nakakalokong ngiti sa mga labi ni Eric at saka napailing. Bakit ba kasi halos lahat ng mga babae, tingin agad nila sa sarili nila ay espesyal sila sa mata ng isang lalaki? “Sa tingin mo, bakit?” mapanghamong tanong ni Eric kay Elle.Nagsalubong ang mga kilay ni Elle. “Hindi dahil sa akin?” Hinawakan ni Eric ang baba ni Elle, “masyado kang careless, Elle. Ano’ng n
“Sino ang batang ‘yan? Kamag-anak ba ni Anthony ‘yan?” “Hindi… bakit? Bakit parang apektado ka dun sa bata?”Nakahinga ng maluwag si Damian ng marinig niya ang sagot ni Analyn. “Pero bakit may mga litrato siya rito? At kasama pa lagi si Anthony?”“Kababata siya ni Anthony.”Tumango si Damian at saka sunod-sunod na lumunok. Ibinalik niya ang hawak na larawan. “Wala naman. Nagtaka lang ako kasi kamukhang-kamukha mo talaga.”Nagkibit-balikat si Analyn. “Ewan ko lang kung ano ang itsura niya ngayon na malaki na siya.”Piping naidasal na lang din ni Analyn na sana ay buhay pa si Ailyn na kababata ni Anthony.“Sa tingin ko, mas maganda ka sa kanya ngayon,” nakangiting komento ni Damian na may kasama pang pagtapik sa balikat ng anak. SAN CLEMENTE. Huling araw na ni Anthony ngayon sa nasabing lugar. Bukas ay babalik na siya sa Tierra Nueva. Bilang huling gabi, tinipon niya ang mga matataas na opisyal ng DLM, para magsalo silang lahat sa isang hapunan at para na rin magbigay si Anthony n
Kinabukasan ng umaga, nadatnan ni Analyn ang ama na nagpapa-araw sa bakuran. “Papa, ang aga mo namang magising?”“Nako… ganitong oras talaga ako magising. Palibhasa, ang natatandaan mo lang sa akin eh noong tulog lang ako ng tulog sa ospital.”Tumawa si Analyn.“Bakit wala pa siya?” tanong ni Damian. Kumunot ang noo ni Analyn. “Sino'ng siya?” Sumama ang tingin ni Damian sa anak. “Sino pa? Eh, di si Anthony! Sino pa ba?” Muling tumawa si Analyn. Gusto lang naman talaga niyang biruin ang ama.“Bakit kasi hindi mo tawagin sa pangalan niya? Dati naman ang tawag mo kay Eric, ang kaibigan kuno. Hindi rin sa pangalan niya,” natatawa pa ring sabi ni Analyn. Lihim na napangiti si Damian. Napansin niyang kaswal na lang na nababanggit ng anak si Eric. Ibig sabihin ay naka-move on na ito sa relasyon niya dati sa lalaki.“Siyempre! Pinalaki kita, dinamitan, tapos kukunin ka lang sa akin ng kung sinong poncio pilato?” galit-galitan na sagot ni Damian.“Okay, fine,” nakangiting sagot ni Analyn