Alam ng mga kasambahay ni Lolo Greg na nung araw na iyon ang uwi niya galing sa ospital. Kaya naman, napakaraming nilutong ulam sa mansyon. Kung noong unang kumain sila kasama ni Lolo Greg ay hindi pamilyar si Analyn sa mga kinain nila, ngayon ay pamilyar na pamilyar na siya sa mga nakahain.
“Pagkatapos n’yo kumain, sumunod kayong dalawa sa study room.” Iyon lang ang sinabi ni Greg, pagkatapos ay tumayo na.
Agad namang umalalay ang isang may edad ng kasambahay kay Greg. Sabay na silang maglakad palayo roon.
Napatingin si Analyn kay Anthony. Gusto niya sanang itanong sa binata kung alam niya ang dahilan kung bakit sila kakausapin ng matanda ng pribado, pero parang hindi naman nababahala ang lalaki at tuloy-tuloy lang sa pagkain.
NANG makapasok si Analyn sa loob ng study room ni Greg, agad siyang napahinto at sinuyod ng tingin ang silid. Walang nakaligtas sa paningin niya maski ang mga antique na“Bakit gusto mong magpalipas ng gabi rito?” tanong ni Analyn ng mapag-solo sila ni Anthony.Hinarap siya ni Anthony. “Unless, gusto mong tamaan ng kidlat ang sasakyan natin.”Saka naman biglang kumidlat nang malakas, kasunod ang malakas na kulog.“P-Pero… alam mo ba ang ibig sabihin nun? Kailangan nating magsama sa iisang kuwaerto dahil mag-asawa tayo.”“And so?” tanong ni Anthony kay Analyn.“Eh di ba, ayaw mong pumapasok ako sa kuwarto mo? Hindi namantayo pwedeng matulog sa magkaibang kuwarto, magtataka si Lolo Greg.”Napansin ni Anthony na hindi komportable si Analyn habang sinasabi sa kanya iyon. Tila pa nga nahihiya ito at hindi makatingin ng derecho sa kanya. Naisipan niyang biruin ang dalaga.“Okay lang. Wala naman tayo sa bahay ko. Pwede tayong matulog sa iisang kuwarto ngayon.”“Ha?”Magpo-protesta pa sana si Analyn pero dumating ang may edad nang kasambahay ng mansyon, si Manang Edna.
“Hmm?”Mahina at malat ang boses ni Anthony. Hindi alam ni Analyn kung tulog na ba talaga ito at nagising lang niya. Pero tila may something sa paos na boses ni Anthony, parang ang seksi ng dating sa pandinig ni Analyn. Uminit tuloy ang mukha niya.“Sir, isosoli ko na ‘tong bracelet. Masyadong mahal ‘to. Baka masira o mawala ito, wala akong ibabayad dito.”Bahagyang nilingon ni Anthony sa Analyn.“Ibinigay ni Lolo sa iyo iyan. Gusto mo bang malungkot ang matanda? Saka ano’ng sasabihin mo sa kanya kung bakit mo ibinabalik?”Dinig ni Anthony ang malakas na pagbuntong-hininga ni Analyn.“Kung ganun, ibabalik ko na lang sa’yo kapag naghiwalay na tayo.”Natigilan si Anthony. Alam niyang sa paghihiwalay matatapos ang drama nila na ito ni Analyn. Pero may naramdaman siyang inis ng mismo kay Analyn nanggaling ang mga salitang iyon.“Ik
Bigla na lang nag-preno si Anthony. “Don’t tell me na virgin ka pa?” natatawang tanong niya kay Analyn. Tiningnan siya ni Analyn, tapos ay inirapan. Nagtatalo ang isip niya kung aaminin ba sa binata o hindi. Nakakahiya ba kung aaminin niyang sa edad niyang ito ay wala pa siyang karanasan? Knowing Anthony, paniguradong maraming babae na itong natikman. Pero naisip niya na mas nakakahiya kung aaminin niya kay Anthony na kinain niya ang sinabi niya kagabi tungkol doon sa paglampas nila sa espasyo ng higaan nila sa kama.“How could you? Siyempre… h-hindi na. Ginawa ko na… ‘yun. Dati.” Sa wakas ay naisip niyang isagot.Biglang tumigil ang pagtawa ni Anthony, tapos ay sumama ang timpla ng mukha nito. Hindi nagtagal ay muli na nitong pinaabante ang sasakyan. Napansin ni Analyn ang pagbabago ng itsura ng mukha nito, pero hindi na niya pinansin.LUMABAS si Analyn mula sa elevator. Muntik pa niyang mabangga ang nagmamadali ring si Michelle. “Good morning!” masayang pagbati ni Michelle.“Goo
Nagulat si Vivian pag-akyat niya sa palapag ng opisina ni Anthony. Nandoon na ito at nakaupo na. Nataranta si Vivian. Hindi pa siya nakapaghanda ng almusal ng boss niya. Mabilis siyang kumilos. Naghanda siya ng black coffee at French toast na paboritong almusal ng amo. “Boss, sorry. Heto na ang breakfast mo. Hindi mo naman ako sinabihang maaga kang papasok ngayong araw.”Hindi man lang tiningnan ni Anthony ang pagkaing inilapag ni Vivian sa mesa niya, patuloy lang ito sa binabasa niyang financial report. Sorry. Kumain na ko sa bahay. Maaga kasi akong nagising. Sa iyo na lang muna ‘yan.”Natigilan si Vivian. Kumain na siya? "O-Okay…”Muli niyang kinuha ang plato kahit mabigat sa kalooban niya. Masaya siya kapag kinakain ni Anthony ang inihahanda niyang almusal para rito. Sa ilang taon niyang pagsisilbi sa binata, ngayon lang niya narinig na kumain ito sa bahay niya bago pumasok ng trabaho. Saka naman niya napansin ang kaliwang daliri ni Anthony na may suot na singsing.Natigilan si
Nawala man si Vi, pero kailangang ituloy pa rin ang proyekto. At dahil design ni Analyn iyon, responsibilidad niyang ayusin ang nabinbing proyekto. Ang unang ginawa ni Analyn ay gawan ng major revision ang design. Ayaw niyang sa tuwing maiugnay kay Vi ang lalabas na design. Walang duda na nakapassa sa final review at final approval ang bagong disenyo ni Analyn.Pagkatapos ng matagumpay na contract signing, naging mainit na usapan sa departamento kung makukuha ba ni Analyn ang posisyon ng pagiging manager. Pero marami rin ang nagsasabi na malakas din ang laban ni Fatima dahil sa mga achievements nito sa kumpanya. “Ayokong maging manager, maraming trabaho ‘yun.” Iyan ang sagot ni Analyn kay Michelle ng banggitin ng huli ang naririnig niyang usap-usapan.“Ha? Tatanggihan mo if ever na i-offer sa ‘yo? Gagi. Hindi ba at kailangan mo ng pera para sa medical expenses ng Papa mo? Siyempre, promotion ‘yun. Kapag na-promote ka, madadagdagan ang sahod mo. Okay ka lang?”Medical expenses? Upd
Lahat ng mga kasamahan ni Analyn ay tila gulat na gulat sa narinig. Ayaw man ni Analyn na magsimula ng ganung tsismis, pero wala na siyang maisip na pwedeng idahilan para makaiwas sa mga kasamahan niya. And besides, tama lang ‘yun. Makaganti man lang ako sa kanya sa pag-take advantage niya sa akin kaninang umaga! Hah!“Oo. May ano ‘yung asawa ko eh… ano… ‘yung mga legs niya lumalaki, ganyan,” pagmumuwestra pa ni Analyn sa sariling binti niya, “pati paa niya. Grabe! Mula nung bata siya ganun na siya. Kaya ayaw niyang may nakakakita sa kanya na ibang tao. Alam n’yo naman ang mga lalaki, mataas ang ego niyan. Ma-pride. Ayaw nilang napipintasan sila. Ganun.”Pagkasabi ni Analyn nun ay walang nangahas na magsalita o magtanong pa. Lahat ay nakatingin kay Analyn na may awa. Si Fatima lang ang may lakas ng loob na nagsalita.“Napaka-santa mo naman pala, Analyn. Willing kang mag-sacrifice para sa asawa mo.”“Sinabi mo pa,” malungkot na sagot ni Analyn, “kung hindi ko lang nga na mahal na maha
Malakas ang aircon ng sinasakyang kotse nila Vivian at Mr. Lee. Pero kapansin-pansin na pinagpapawisan ng sobra ang lalaki.“Assistant Vivian, tama ba ang mga sinabi ko kay boss Anthony? Hindi kaya nagalit sa akin ‘yun?”Seryoso ang mukha ni Vivian, “huwag kang mag-alala, Mr. Lee. Sa pagkakakilala ko kay boss, wala siyang favoritism. Tinitimbang niya rin kung ano ang tama. Basta kung tatanungin ka uli niya tungkol doon, dapat firm ka. Pareho lang sa sinabi mo sa kanya ngayon.”“Nag-aalala kasi ako. Para kasing may something sa kanila ni Analyn, kaya ang nakikita ko mas–”“No! Walang ganyan, Mr. Lee. Huwag kang maniwala sa mga naririnig mo. Nasa HR ka pa naman.”Nasasaktan man si Vivian sa kaalamang baka may namamagitan nga sa boss niya at sa empleyada mula sa 31st floor, pero nangako siya kay Anthony na walang makakaalam ng lihim nito kung hindi siya lang.“Okay. Naniniwala ako sa ‘yo, assistant Vivian. Mas kilala mo si boss kays
Humalukipkip si Anthony habang seryosong nakatingin kay Analyn.“I remember when you moved here in my house I gave you a piece of information. Isa sa mga nakalagay dun ay ang hindi ko pagkain ng matatamis.”Napamaang si Analyn. Nakalagay nga ba dun sa papel?“Analyn, mag-ingat ka naman. Paano kung nandito si Lolo? Eh di, nabuking na tayo, malamang. Do you know how much trouble it will cause me kapag nagalit sa akin si Lolo?”Nagbaba uli ng ulo niya si Analyn. Pakiramdam niya ngayon ay para siyang trabahador na pinapagalitan ng amo niya. Para silang hindi mag-asawa.Bahagyang natigilan si Analyn. Saka lang niya naalala na ang lolo nga lang pala ni Anthony ang nakakaalam na mag-asawa sila.Muling nag-angat ng tingin si Analyn kay Anthony. Kailangan niyang mag-sorry rito. Patong-patong na ang kasalanan niya sa lalaki.“Sir Anthony, I-”“Payo lang, Analyn. Spend more time on your work. At hindi sa kung ano-anon
Ini-lock kanina ni Edward ang pintuan ng study room mula sa loob para walang sinuman ang makapasok doon. Kaya nakalabas sila ng basement ng ligtas. Inilagay ni Edward ang sumbrero niyang suot sa ulo ni Analyn, tapos ay nauna na siyang lumabas ng kuwarto para makiramdam muna. Wala pa ring tao sa dinaanan nila kanina kaya kampante si Edward na makakalabas ng bakuran ang tatlong kasama niya. Nagpadala siya ng mensahe sa sekretarya na pwede na silang lumabas mula sa study room at hihintayin niya sila sa daan malapit na sa gate. Nakalabas na ng bahay ang tatlo at nag-aabang na sa kanila si Edward sa isang tagong bahagi ng bigla na lang sumulpot si Alfie mula sa kung saan. May kasama itong ilang mga bisita na mukhang ihahatid niya palabas ng gate nila.Agad na umalis si Edward sa pinagkukublihan at saka nilapitan si Alfie. “Alfie!” tawag niya sa lalaki. Nilingon naman siya ni Alfie, tamang-tama naman na nakalabas na ang mga bisitang kasama nito. “Edward!” nakangiting balik-pagbati ni
Pinakinggang mabuti ng dalawa kung saan nanggagaling ang tila pagdaing. Sinundan nila ang tunog nun, hangggang sa nakita nila ang isang nakahigang babae sa isang sulok doon. Agad na nakilala ni Analyn ang kulot na buhok ni Elle. “Elle!” Mabilis na tinakbo ni Analyn ang nakababatang kaibigan. Naupo siya sa tabi nito at saka pinagmasdan ang babae. Kitang-kita niya sa mga mata nito ang kawalan ng pag-asa. Nang nakita ni Elle ang mukha ni Analyn, tila nagkaroon ito ng pag-asa. Hindi niya napigilan ang mapa-iyak. Ibayong tuwa ang nadama niya pagkakita sa tagapagligtas niya. “A-Analyn…”Nakapadapa si Elle sa sahig kaya nakita ni Analyn ang sira-sirang damit nito sa bandang likod, na tila sanhi ng tama na latigo roon. Nahahaluan na nga rin ng dugo ang tela ng damit niya dahil sa pagkakalatigo sa likod niya. Agad na nakaramdam ng awa si Analyn sa babae. Hindi rin niya napigil ang sarili na hindi maiyak sa kalagayang nakikita niya rito ngayon. “Elle…”“Parang balak ka ng patayin ng asawa
Walang nakakaalam sa garden na may dalawang tao sa study room na iba ang motibo. Maingay doon. Puno ng sayawan, halakhakan at kuwentuhan. Na pabor na pabor kina Analyn at Edward. Pero nagulantang na lang sila ng may biglang kumatok sa pintuan ng study room. “Edward!” Napahinto ang dalawa sa kung ano man ang ginagawa nila at sabay pang napatingin sa direksyon ng pintuan. “Edward! Nandiyan na ba kayo sa loob? Okay lang ba kayo riyan? May problema ba?”Nagkatinginan sila Edward at Analyn. Sa labas, nainip si Mercy sa sagot ni Edward. Naisipan niyang pumasok na sa loobb ng kuwarto. Pero nang akmang pipihitin na niya ang door knob ay saka naman iyon bumukas. Isang nakangiting Edward ang bumungad sa babae. “Tita, hindi pa kami tapos. Medyo masalimuot lang ng konti. Pero sandali na lang siguro ‘to.”Nakangiting tumango si Mercy kay Edward, at saka pasimpleng sumilip sa loob ng kuwarto. Nakita niya si Analyn na may suot pa ring face mask habang nagta-type sa likod ng computer doon.
Lumingon si Edward. Napasambit na lang siya ng salamat ng makita na hindi si Brittany iyon. Ngumiti ang babae kay Edward. “Sino siya, Edward?”Kinakabahang nilingon ni Analyn ang babae. Pero ikinagulat ni Analyn ng nakita niya kung sino iyon. Paano’ng napunta si Nanay Mercy dito sa mga Esguerra? Ibang-iba ang itsura nito ngayon kaysa noong kasama niya noong dalawang buwan na ang nakalipas sa kumbento. Maganda at magara ang suot na damit nito ngayon, kabaligtaran sa mga simpleng suot niya doon sa lugar na pinagsamahan nila. Nakadagdag pa sa pagiging sopistikada nito ang bahagyang make up na nasa mukha nito. Tumingin si Mercy kay Analyn. Pero dahil siguro sa may suot itong face mask kaya hindi nakilala ng ginang ang anak-anakan sa loob ng kumbento.“Ah, Tita. Assistant ko. Pinapunta ko rito kasi may emergency sa trabaho. May kailangan lang kaming asikasuhin,” sambot ni Edward. Muling tiningnan ni Mercy si Analyn. “Kawawa ka naman. Ano’ng oras na ng gabi at pinagtatrabaho ka pa rin
Tuloy-tuloy na naglakad si Analyn papasok ng gate ng bahay ng mga Esguerra. Pero napansin pa rin siya ng isang guwardiya at hinarang siya. “Saan ka pupunta?” tanong ng guwardiya kay Analyn nakasuot ng malaking uniporme ng isang kilalang pizza store at may hawak na kahon ng malaking pizza.Nagtataka ang guwardiya kung ano ang ginagawa ng isang delivery staff sa lugar na iyon. Naisip niya na imposibleng may mag-order ng pizza mula sa mga amo at sa mga bisita habang napakaraming handang pagkain sa kaarawan ng anak ng amo. “Delivery,” tipid na sagot ni Analyn. Masusing pinagmasdan ng guwardiya ang mukha ni Analyn pero hindi niya makilala ito dahil natatakpan ng face mask ang mukha nito. Idagdag pa na may suot itong cap.“Sino naman ang nagpa-deliver?” nagdududa pa rin na tanong ng guwardiya. “Si Sir Edward Zamora.”“Asan ang resibo?” Agad na inabot ni Analyn ang resibo sa guwardiya. Kaninang umoorder siya sa taksi at habang nag-iisip kung kanino ipapangalan ang pizza, naisip niya si
“Ah, actually dumaan lang ako para kumustahin si Tita. Nabalitaan ko kasi na nandito siya.”Nadismaya si Brittany sa sagot ni Anthony pero hindi siya nagpahalata. Pinilit niyang binalewala ang sagot na iyon, pero ipinangako niya sa sarili na hindi niya paaalisin si Anthony hanggang mamaya. Pinilit niyang ngumiti kay Anthony. “Ganun ba? Tara. Ihahatid kita kay Mama.”Lingid sa kaalaman ni Anthony, kanina pa sila pinag-uusapan ng mga tao sa paligid dahil sa kanina pa sila tila masayang magkasama at magkausap. Iniisip ng ilan na totoo nga ang balita na nanganganib na ang pagsasama ni Anthony at ng asawa nito dahil narito ngayon ang lalaki. Maraming nag-espekula na marahil ay gusto talaga ng lalaking De la Merced ang anak ng mga Esguerra. Maraming humuhula na baka ang kasal ng dalawa ang ibabalita mamaya ni Brittany sa party nito. Naglalakad na sila Anthony at Brittany papunta sa ina ng huli. Agad ding napansin ng Mama ni Brittany ang lalaki. Hindi rin niya inaasahan na dadating ngayon
Punong-puno ang bakuran ng mga Esguerra ng mga bisita. Halos lahat ay nakasuot ng magagarang kasuotan dahil hindi naman basta-basta ang mga Esguerra sa Tierra Nueva. Kasama lang naman sila sa isa sa pinaka-maimpluwensiya at pinakamayaman na pamilya sa lugar.Maingay ang paligid. Kanya-kanyang usapan ang mga mayayaman ding mga bisita ng pamilya Esguerra. Pero nang lumabas na si Brittany, kasama ng kanyang mga magulang, mula sa loob ng bahay, natahimik ang lahat at napunta ang lahat ng atensyon sa babaeng may kaarawan. Tunay na napakaganda nito ng gabing iyon, Bumagay sa kanya ang asul na gown niya na kakulay ng dagat. Ang mahaba niyang buhok ay naka-ayos ng paitaas at may tiara pa, kaya nagmukha siyang isang tunay na prinsesa. Kapansin-pansin ang nagniningning na balat nito sa kinis. Halos lahat ng mga dalagang naroroon ay nakaramdam ng inggit sa taglay niyang kagandahan. Bago hipan ni Brittany ang kandila ng kanyang cake, nagsalita muna siya. “Tierra Nueva will be my permanent hom
Araw ng kaarawan ni Brittany. Maliwanag ang buong kabahayan at bakuran ng mga Esguerra dahil marami silang inimbita para iselebra ang araw na iyon. Walang katapusan ang pagdating ng mga bisita. Lahat ay may dalang mahal at importanteng regalo para sa dalaga ng mga Esguerra. Tuwang-tuwa si Brittany sa atensyon na natatanggap niya. Pero sa dinami-dami ng mga taong dumating, isang tao lang ang hinahanap pa niya. “Bakit wala pa si Anthony?” Tumayo si Brittany at saka muling sumilip sa bakuran sa ibaba kung saan naka-set up ang mga mesa at upuan para sa mga bisita.Iniwan ni Brittany ang bintana at saka wala sa loob na tinanong ang kasama niyang kasambahay sa loob n g kuwarto niya.“Ano’ng oras na ba?” Aware naman si Brittany na maaga pa ang gabi, pero naiinip na kasi siya sa pagdating ni Anthony. Saka naman may pumasok na isa pang kasambahay. “Mam, may dumating pong regalo galing kay Sir Anthony,” sabi nito habang may hawak na maliit na kahon.Hindi malaman ni Brittany kung matutuwa
Dalawang buwan na rin si Analyn sa kumbento. Ngayon, mas payapa na ang kalooban niya. Sa loob ng mga buwan na ito, hindi niya inihinto ang trabaho niya sa maliit na kumpanya niya. Nagdo-drawing pa rin siya at tinapos ang mga naiwang trabaho. Sa email lang niya ipinapadala kay Elle ang mga natapos niyang disenyo. Hindi pa rin niya binubuksan ang telepono niya. May usapan sila ni Elle na hindi pwedeng ipagsabi kahit kanino na may ugnayan sila. Pero hindi rin alam ni Elle kung nasaan talaga siya. Panay ang tanong sa kanya ni Elle. Nag-aalala siya para kay Analyn. Ang nasa isip ni Elle ay ang itsura nito nung huli niya itong nakita. Payat at maputla. [“Basta, ingatan mong mabuti ang sarili mo. Kung ayaw mo munang magpakita sa amin, sige lang. Huwag mong isipin ang Blank, kaya ko ‘to.”]Alam ni Analyn na sinasabi lang iyon ni Elle. Alam naman niyang may sarili ring problemang pinagdadaanan ang babae. Baka nahihirapan na itong balansehin ang trabaho at ang pasaway na asawa nito. Dahil dit