"Gustuhin ko man ipaubaya sa'yo ang asawa ko, ngunit hindi p'wede.... Hindi p'wede dahil..." Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago nagsalita muli upang pigilan ang pagkamuhi sa babaeng kaharap ko! "Marahil ay hindi mo pa maiintindihan ang salitang hindi p'wede dahil wala ka pang anak. Anak na handa kang magsakripisyo maibigay lang ang nararapat para sakanya! Kaya kong tiisin na marami akong kahati sa asawa ko at isa kana ron! Ngunit wag lang ang anak ko...ibang usapan 'yon! Dahil ilalagay ko kayo sa tamang paglalagyan nyo." -Dina Sedest Sa isang relasyon, may isang haligi at may isang ilaw. Paano kung ang haligi ay bumigay at hindi na nakayanan pang tumayo ng matatag. Hanggang saan kaya kayang ilawan ng ating ilaw ng tahanan ang isang madilim na parte ng buhay nila? Ngunit makakaya kaya n'yang harap harapan na syang ginagago ng kaniyang asawa? Ito na ba ang senyales na hinihingi n'ya mula sa itaas upang sumuko na..
View MoreLieutenant Sedest POV“Akala ko hindi ko na muling makikita pa ang aking pamilya,Akala ko ‘di na ako makakauwi pa ng buhay, at akala ko rin wala na akong babalikan, ngunit maling akala lang pala.” nakangiting sambit ni Sedest, kay Dave“Bakit ba kasi inaabot ng halos limang taon ‘yang misyon mo, Bro?Hirap na hirap rin ako dahil sa mga pinagdaanan ng kapatid ko habang wala ka. Masakit sa damdamin na makita siyang gan’on.” “Nabuking ako, Bro kaya kinailangan kong hiwalayan ang aking asawa at magpakalayo layo sa kanila para hindi sila ang balingan ng galit ni Ica, kaya wala sa plano na magkaroon ako ng anak sa kanya kinailangan lang talaga para makuha kong muli ang kanyang tiwala para sa aking misyon at makauwi sa pamilya.” aniya sabay malalim na buntong hininga “Hindi madali, Bro kasi ng mga oras na kailangan ako ng asawa at ng Anak namin ay wala akong nagawa bagkus iniwan ko pa siyang parang walang silbi. Napakasakit isipin ngunit kailangan kong gawin ‘yun. Sa mga oras na pinanghihi
Masayang pinagmamasdan ni Dina ang paligid na maaliwalas habang buhat buhat ang kaniyang pangatlong anak na babae.“Ang sarap. Ang tahimik ng paligid at nakakarefresh ang hangin!” masayang sambit ni Dina sabay taas sa ere ng kaniyang anak“Happy na ba ang baby ko na ‘yan, huh, happy?” nakangiting tugon ni Dina habang nakikipag usap sa pitong buwang gulang n’yang sanggol. Sinagot naman siya nito ng isang matamis na ngiti. “Ang sarap sa taingang pakinggan na ang tanging ingay lamang ay hampas ng alon na mula sa dagat. Malayong malayo sa syudad.” aniya habang patuloy na naglalakad lakad“Mommy! Mommy!” tawag ng kambal kay Dina habang tumatakbo at agad silang sinunggaban ng yakap. "Oh-h wait mga Kuya, baka maipit si Baby." saway n’ya sa kambal “Sorry, baby!” sabay na tugon ng huli “Oh, s’ya tara na umuwi na tayo para makapag-almusal na tayong lahat mga babies ni Mommy.” pag-anyaya n’ya sa kanyang mga anak.“Sige po, Mommy kasi nagugutom na po kami ni Klaus, eh!” si Matt“Ikaw lang ka
“Nagmamahalan kayo?” balik n’yang tanong dito sabay tango na kaagad rin kinatango ng kaharap bilang sagot. “Oo, mahirap bang intindhin?”“Hindi, syempre. Hindi naman kasi ako sing-tanga mo! Ang hindi ko talaga lubos maintindihan maganda ka naman, sexy, mayaman at higit sa lahat ay lahat na yata ay nasa sayo na pero bakit, bakit sa pamilyadong tao ka pa pumatol? Sino sa ating dalawa ang mahirap umintindi, ikaw o ako?” ngising tanong ni Dina “Wala akong pakialam kung pamilyado si Ken dahil ang mas mahalaga ay nagmamahalan kami. At bakit ba hindi mo na lang siya palayain kaysa maging tanga ka at martir.”“May pinag-aralan ka naman pero hindi mo alam ang ibig sabihin ng kasal at pagmamahal. Kung totoo ngang nagmamahalan kayo, eh, ‘di isaksak mo sa makati mong buday ang asawa ko at lumayas na rin kayo rito!” nanggigil n’yang saad sa kirida ng kanyang asawa “Bigyan n’yo naman ng konsiderasyon ang mararamdaman ng mga anak ko, Sedest!” baling n’ya sa asawang tahimik na nakikinig sa palitan
Muling umalis si Sedest na patungong misyon ngunit napagdesisyonan ni Dina na sundan ito dahil ng binuksan n’ya ang dashboard ng tracker ay nabasa n’ya ang naging pag-uusap sa pagitan ng babae nito. “Mabuti na lang talaga hindi ako naging marupok ng gabing gusto niyang makipag love making sa akin dahil hindi ako sigurado kung malinis ba ang kweba ng haliparot na yun.” pagkwento niya sa kaibigan na si Caren, na kung tawagin n’yang stupid. “Mabuti na lang talaga, Stups. Mabuti na lang talaga dahil hindi ka marupokpo—- aray naman!” daing nito ng bigla itong hampasin ni Dina sa balikat. “Totoo naman kasi… At sandali nga saan ba kasi tayo pupunta, ha?”“Sasamahan mo ko Stups dahil susundan ko ang hudas kong asawa dahil makikipag kita 'yun sa babae n’ya. Gusto ko rin kasi makausap ang higad na ‘yun!” “Sige, pero dapat may back up tayo. Kailangan natin magdala ng armas para kung sakali na madehado tayo.” aniya na kaagad naman sinang-ayunan ni Dina. “Sige, kotse mo na rin ang gamitin nat
Alas tres na ng madaling araw kami umuwi galing sa bar. Pagkarating ko ng bahay ay muli kong tinawagan ang aking asawa ngunit ‘out of coverage area’ na raw ito kaya laglag balikat kong ibinaba ang aking telepono. Sandali kong pinagmasdan ang aking mga anak. “Lahat ay titiisin ko para sa inyo mga anak.” mahinang sambit ko at ginawaran sila ng halik bago ako tumungo sa aming kwarto. Nagising ako sa halakhak ni Matt at Klaus dahil nakikipaglaro ito ng habulan sa kanilang ama na naka-uniform pa. Tahimik akong nanunood sa kanila kaya hindi nila namalayan na ako’y gising na. “Mommy!”“Mommy play tayo.” pag-aya nila sa akin kaya naman napilitan akong tumayo para pagbigyan ang kanilang kahilingan. Masaya ako dahil walang katumbas ang kaligayahan ng mga anak ko ngayong umuwi ang aking asawa kahit na ba hindi nasunod ang kanyang pangako na kagabi s’ya darating. “Aww..” daing nito at mabilis naman itong dinaluhan ng kambal. “Bakit may red, Daddy?” Tanong ng Anak kong si Matt habang nakat
Halos magdamag na gising ang diwa ni Dina kahit na ba’y nakapikit ang kanyang mata ngunit hindi talaga siya dalawin ng antok dahil sa halo halong kabang nadarama. Hindi n’ya kasi malaman kung tama ba ang pagkaka install n’ya n’ong Mobile Tracker sa cellphone ng asawa. Kaya naman minabuti bumangon sa pagkakahiga at sandaling tinapunan ng tingin ang asawa upang masiguro kung ito’y tulog pa. Muli n’yang subukan yung tracker, sinubukan niyang tawagan at i-text ang numero ng asawa upang sa gayon ay malaman na n’ya dahil hindi rin naman siya makatulog sa labis na pag-iisip. Matapos tawagan at itext ay muli siyang nagtipa para maka-log in at para rin makita n’ya ang dashboard ng minomonitor n’ya. Kinabukasan tinanghali ng gising si Dina dahil alas singko na ito ng umaga natulog kaya naman ng magising siya ay wala na ang kanyang katabi. Ginawa muna n’ya ang kanyang morning routine bago nagpasyang bumaba nasa bukana pa lamang siya ng pinto ay dinig na dinig na niya ang mga halakhak mula sa k
"Kuya James, kung balak mo ‘kong i-prank o ‘di kaya’y trip trip lang ito….” Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Dina bago ito muling nagsalita.“Hindi ako natutuwa. Hindi nakakatuwa na gawin mong biro ang mga ganitong bagay, Kuya!” mariin nyang sagot sa kabilang linya dahil alam ni Dina kung paano maglambingan ang magkakaibigan. “Hindi ito trip o prank! Hindi ako nagbibiro, Dina—“ anito ngunit kaagad ng pinutol ni Dina.Mabilis nitong kinuha ang susi ng sasakyan sa kanilang kwarto, nagmaneho patungo sa nasabing lugar. “Sana nanaginip lang ako ngayon.” Pagkausap ni Dina sa sarili habang patuloy sa pagmamaneho. Dalangin n’ya’y sana namalikmata lamang ang kanyang pinsan na si James, dahil hindi kayang iproseso ng utak n’ya na niloloko s’ya ng kaniyang asawa.“Parang ang hirap tanggapin, dahil ngayon pa lang ang hirap ng isipin kung totoo talaga.” Makalipas ang halos isang oras na biyahe ay narating niya na ang Bar na pag-aari ni Adam, kung saan nasa loob raw ang kanyan
“Daddy…”“Daddy..” Tawag ng kambal sa kanilang ama habang ito’y papalayo tungo sa Jet na kanilang sasakyan. “Nummy, Daddy…” Aniya ni Matt at itinaas ang braso habang nakaturo sa kanyang Ama.“Daddy…” Umiiyak na saad naman ng Anak kong si Klaus. Sa pagkakataon ito ay parang dinudurog ang puso ko dahil sa reaksyon ng mga anak ko sa pag-alis ni Ken. Ito ang unang beses na lalayo siya muli magmula nang isilang ko ang kambal, kaya naman masakit sa akin na nakikita kong umiiyak sila. “Work work si Daddy, anak. Babalik s’ya sa…” alu ko ngunit naputol dahil hindi ko alam kung kailan nga ba babalik ang kanilang ama, at mahirap rin magsalita o mangako sa bata upang sila ay paasahin. “Babalik si Daddy, baby, so better stop crying..” alu ko at niyakap silang dalawa.“Gusto n’yo kain tayo sa Jollibee?” Masaya kong turan na agad naman kinatango ng mga anak ko.“Bee…”“Yehey! Bee..” Masaya nilang saad dahil sa jollibee ay nakalimutan nilang sandali ang pag alis ng kanilang ama. “Paano na lang ma
Two years later..“Dina, Hija pumasok na ako nakabukas kasi yung gate kaya dumeretso na ako.” Anito at inaabot ang tupperware na naglalaman ng ulam. Halos araw araw yata akong dinadalhan ng ulam ni Mama Maricel, ang Ina ni Matt, opo ‘Mama’ na ang tawag ko sa kanya at ayon iyon sa kagustuhan n’ya upang kahit paano raw ay makalimutan na ang sakit ng pagkawala ng kanyang anak na kaagad ko namang sinang-ayunan. “Salamat po, Mama.” Pasalamat ko rito at nag beso. “Asan ang mga bata? Maari ko bang hiramin muna?” Nakangiting tanong nito, mas madalas ang mga anak ko kay Mama Maricel, lalo na nung kapapanganak ko pa lang ay halos dito na siya matulog. Best friend ito ng aking Ina kaya naman ayos lang kay Mommy dahil naiintindihan n’ya ang pinag dadaan ni Mama Maricel bukod ron ay nag iisa anak si Matt. “Nasa kwarto po, Mama tulog pa po sila dahil napuyat po kagabi ng dumating si ken.” Nakangiti kong saad, kapag kasi dumarating ang kanilang ama ay ginigising sila nito at nakikipaglaro kahit pa
Nagngingitngit sa galit ang damdamin ni Dina, dahil sa nalaman na magkasama na naman ang kanyang asawa at ang umanong kabit nito kung kaya hindi na natiis pa ni Dina, na tawagan ang sangago n'yang feeling poging asawa upang ilabas ang galit at para iparating na rin na alam na n'yang magkasama ang dalawang hayop. Dinukot n'ya sa bulsa ng kanyang slaks ang kanyang telepono upang tawagan na ito at ilang ring bago nito sagutin. "Kainis! Masyado kang busy!" pagkausap n'ya sa sarili"Hello! 'Ma, maya na lang busy kami dahil may activity kami ngayon, eh!" aniya sa kabilang linya"Activity my ass." mahinang tinig n'ya"Ahhh, TALAGA BA!?" sabay malalim na buntong hininga"Hayup ka and'yan ka na naman sa babae mo!ito ang tatandaan mo sangano ka! Tanggap kong marami akong kahati sa oras mo, sa katawan mo, at wala na akong pakialam ron pero oras na ang anak ko na ang may kaagaw sa atensyon at oras mo! Ilalagay ko kayo kung saan kayo nararapat! Fuck now dusa later. Ma expired sana ang itlog mo!"...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments