Falling To The Arrogant CEO

Falling To The Arrogant CEO

last updateLast Updated : 2024-12-08
By:   The Silent Mode  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
3 ratings. 3 reviews
101Chapters
7.1Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Isang dalagang ina si Loisa Sanchez kahit mahirap ay kinakaya niya ang lahat para maalagaan ng mabuti ang kanyang nag-iisang masakiting anak na si Loyd at maibigay din dito ang kung anumang makakapagpasaya sa bata. Mabuti na lang at nariyan ang kanyang matalik na kaibigan na laging nakasuporta sa kanya. She chose to be independent until she met Steve Monteclaro, the arrogant CEO na naging boss niya, paano kaya sila magkakasundo kung parati siya nitong sinasabunan at pinagbubuntunan ng galit?

View More

Latest chapter

Free Preview

CHAPTER 1

“‘Yan ang hirap sa’yo Roy kapag humihingi ako ng pera ang dami mong reklamo at rason, hindi ba pwedeng sabihin mo man lang na gawan mo ng paraan?” Galit na sabi ni Loisa.Ganito ang kanilang drama noong magkasama pa sila sa iisang bubong maging hanggang ngayon. Tuwing humihingi siya dito ng pera ay nauuwi sa sigawan ang kanilang pag-uusap. Buong akala niya ay nag bago na ang lalaki makalipas ang halos limang taon. Kaya nga sinubukan n’yang tawagan ito at nagbabakasakaling meron itong iaabot kahit papano, katwiran niya nga sa sarili ay anak pa rin naman ni Roy si Loyd. Ngunit mali siya ng inakala.“Talaga naman ah, wala akong pera anong gusto mong gawin ko magnakaw?!” Pabalik na tanong ni Roy.“Ewan ko sa’yo kung gusto mong makulong bahala ka, may utak ka naman gamitin mo nga!” Hindi niya rin napigilan na hindi sigawan ang nasa kabilang-linya.“Matagal na tayong hiwalay bakit ka ba nanghihingi pa sa akin? Akala ko ba kaya mong buhaying mag-isa ang bata, baka nakakalimutan mo ipinamukha...

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Juanmarcuz Padilla
Nice. Highly Recommended po
2024-03-11 11:58:21
0
user avatar
The Silent Mode
hi po, sa lahat po ng nakabasa ng aking story maraming-maraming salamat po... sana po marami pa pong makabasa...
2023-05-07 23:58:29
2
user avatar
Queenregina1994
Great Start!
2023-04-11 06:31:00
2
101 Chapters
CHAPTER 1
“‘Yan ang hirap sa’yo Roy kapag humihingi ako ng pera ang dami mong reklamo at rason, hindi ba pwedeng sabihin mo man lang na gawan mo ng paraan?” Galit na sabi ni Loisa.Ganito ang kanilang drama noong magkasama pa sila sa iisang bubong maging hanggang ngayon. Tuwing humihingi siya dito ng pera ay nauuwi sa sigawan ang kanilang pag-uusap. Buong akala niya ay nag bago na ang lalaki makalipas ang halos limang taon. Kaya nga sinubukan n’yang tawagan ito at nagbabakasakaling meron itong iaabot kahit papano, katwiran niya nga sa sarili ay anak pa rin naman ni Roy si Loyd. Ngunit mali siya ng inakala.“Talaga naman ah, wala akong pera anong gusto mong gawin ko magnakaw?!” Pabalik na tanong ni Roy.“Ewan ko sa’yo kung gusto mong makulong bahala ka, may utak ka naman gamitin mo nga!” Hindi niya rin napigilan na hindi sigawan ang nasa kabilang-linya.“Matagal na tayong hiwalay bakit ka ba nanghihingi pa sa akin? Akala ko ba kaya mong buhaying mag-isa ang bata, baka nakakalimutan mo ipinamukha
last updateLast Updated : 2023-03-15
Read more
CHAPTER 2
“Good morning, miss kanina ko pa po kayo napapansin na nakatayo riyan sa tapat ng pinto at pasilip-silip,”puna dito ng gwardiya. “Ah e, mamang ano k-kasi po..,”naputol ang kanyang sasabihin ng biglang tumalikod at tumakbo ang kanyang kausap ng marinig nito ang pamilyar na bosena ng kotse. “Bastos ‘yon ah, may sasabihin pa ako at bigla na lang akong iniwan dito,”maktol na sabi ni Loisa sa sarili. “Maayos naman ang itsura ko ah,”dagdag pa nitong wika ng mapagmasdan ang sarili sa wall glass ng building. Biglang tumunog ang cellphone ni Loisa, ng makita ang pangalan ng kanyang kaibigan ay agad nitong pinindot ang receive call. “Good morning, beshy nasa loob ka na ba ng building? Tinawagan kasi ako ng dati kung kaklase, tinatanong kung nasaan ka na raw?”Sabi nito sa kaibigan. “Beshy, nandirito pa ako sa labas e, nilapitan nga ako nong guwardiya kaya lang nang sasabihin ko na sana ang pakay ko e, bigla akong tinalikuran at tumakbo ng walang pasabi.”Sumbong nito kay Ysabelle. “Bakit
last updateLast Updated : 2023-03-15
Read more
CHAPTER 3
Tumunog ang telepono sa lamesa ni Ciara.“Monteclaro Corporation, Good morning, this is Ciara Lapid may I help you?”Nakangiting bati ni Ciara sa kabilang-linya.“It’s me Ciara, let her in,”utos ni Abegail dito.“Yes po ma’am,”sagot naman ni Ciara.“Miss Loisa Sanchez, pumasok na raw po kayo ulit sa opisina ni Sir Steve sabi po ni Ma’am Abegail.”Sabi ng batang sekretarya kay Loisa.“Ha? Ah e, ganon ba?”Kinakabahang tanong niya sa sekretarya.“Huwag na po kayong mag-alala, kapag ganyan pong si Ma’am Abegail na ang nag-utos na papasukin po kayo ay malamang natalo na po si Sir Steve sa tungali nilang mag-pinsan.”Pakalma nitong wika sa babae.“Sana nga Ms. Ciara hindi na galit ang amo mo,”sabi nito sa kausap na kinakapa pa rin ang dibdib sa kaba.“Sigurado po ‘yon Miss Loisa,”nakangiti nitong sabi.Kumatok muna ng tatlong beses si Loisa bago niya narinig ang hudyat para sa kanyang pagpasok.“Have a seat Miss Sanchez,”sabi ni Abegail sabay turo sa bakanteng upuan na nasa harapan ng lamesa n
last updateLast Updated : 2023-03-15
Read more
CHAPTER 4         
“Hey! Where’s my dad?”Bulyaw ng batang babae kay Loisa. “Aba! Kay bata-bata mo pa wala kang galang ah! Hindi ka ba tinuruan ng tatay mo kung ano ang magandang asal? Bastos to ah!”Gigil na sabi ni Loisa ng nalingunan niya ang may-ari ng munting boses. Abala sya noon sa pag-aayos ng mga folders sa cabinet nang bigla siyang sinigawan ng bata. Kaya hindi rin siya nakapagtimpi at kinagalitan niya ito. Nakapamaywang pa siyang tinaasan ng boses ang batang babae. “Bakit mo sa akin hinahanap ang ama mo? Taguan ba ako ng tatay?”Matapang na tanong niya sa bata. “Isusumbong kita sa daddy ko,”umiiyak ng sabi ng bata. “E, di magsumbong ka, tawagin mo ng maturuan ko rin ng leksiyon ang konsentidor mong ama,”dagdag pa nitong sabi sa batang umiiyak. Nasa ganon silang sitwasyon ni Loisa at ng batang babae ng halos magkasabay na dumating si Ciara mula sa stock room, samantalang si Steve naman nagmula sa opisina ni Abegail na nasa 5th floor. “What happened baby?”Alalang tanong ni Steve sa anak ng
last updateLast Updated : 2023-03-15
Read more
CHAPTER 5
“Be honest with me Miss Sanchez, ano ba ang totoong nangyari?”Malumanay na tanong nito sa bagong sekretarya. Dinala siya ni Abegail sa opisina nito pagkagaling nila sa opisina ni Steve Monteclaro. Awang-awa siya sa babae, unang araw pa lang nito sa trabaho ay ang bulyaw na agad ni Steve ang pa-welcome sa kanya. “Huwag kang mag-alala Miss Sanchez hindi ko kinokonsente ang ano mang maling ginagawa ng mga empleyado ng Monteclaro Corporation, walang exemption dito kahit ang CEO pa ng kumpanya.”Seryoso niyang sabi kay Loisa. “P-pasensiya na po Ma’am Abegail, hindi ko po sinasadyang pagtaasan ng boses ang bata kanina.”Nakayukong sabi nito sa among babae. “Hindi ko rin naman po masisisi si Sir Steve na magalit po sa akin kaya huwag nyo na po siyang awayin Ma’am Abegail,”dagdag pang sabi ni Loisa. “It’s okay, ganyan talaga kami ni Steve, laging nagbabangayan. Kung minsan naman kasi ay sumusobra na siya, gaya ngayon pyshical injury na ‘yang ginawa niya sa iyo.”Sabay turo nito sa pasa na n
last updateLast Updated : 2023-03-15
Read more
CHAPTER 6
“Inay!”Masayang salubong sa kanya ni Loyd pagpasok niya ng kanilang bakuran. Kasalukuyang naglalaro si Loyd gamit ang mga bagong biling laruan ng kanyang ninang Ysabelle. Masigla na naman ang bata sa katunayan pa nga ay nagagawa na nitong tumakbo. “Oh dahan-dahan anak baka madapa ka,”ngiting sabi nito sa bata. Nagyakap ang mag-ina na tila ilang dekadang hindi nagkita. “Kamusta ang araw ng baby ko, hindi ba naging pasaway kay nanay Marie?” Ngiting tanong nito sa bata. “Good boy po ako inay,”ngiti nitong turan sa ina. “Talaga? Nanay Marie good boy po ba si Loyd?” Kunwari hindi siya naniniwala sa bata. “Aba oo naman iha, mabait na bata naman si Loyd e, hindi siya nagpasaway kay nanay Marie.”Ngiti ring sagot nito kay Loisa. Si Nanay Marie ay ang kanilang kapitbahay na matagal ng biyuda. Mula nang nagsipag-asawa ang kanyang apat na mga anak ay mag-isa na lamang siyang naninirahan sa kanilang bahay. Doon naisipan ni Loisa na kunin ang serbisyo nitong mag-alaga kay Loyd at mag-asikas
last updateLast Updated : 2023-04-11
Read more
CHAPTER 7
“Good morning po sir,” nakangiting bati ni Ciara sa bagong dating na amo. Kunot ang noo ni Steve na hinarap si Ciara nang mapansin nitong mag-isa pa lang ang babae sa kanyang lamesa. “Alone?”Seryoso ang mukha nitong tanong sa babae. “Ah e, sir paakyat na raw po si Miss Loisa, medyo matagal raw po kasing naka-alis ang sinsakyan niyang jeep kanina kaya po nahuli siya ng kaunti,”mahabang paliwanang ni Ciara sa kanyang among lalaki na kay aga-aga ay masungit na naman. “M-magandang u-umaga po sir,”hinihingal na bati ni Loisa kay Steve nang makita ito sa opisina nina Ciara. “How good it is in the morning Miss Sanchez?” Walang ngiti sa mukha na wika nito sa babae. “Fix yourself and follow me in my office,”dagdag pa nitong sabi. Kinakabahan na naman si Loisa, gayunpaman ay sinunod pa rin nito ang utos ng kanyang boss. Saglit niya lamang inaayos ang kanyang sarili at tinanong ang kasama kung maayos na ba ang kanyang itsura. “Okay na ‘yan Miss Loisa, maganda ka na sa ayos mo. Bilisan mo
last updateLast Updated : 2023-04-11
Read more
CHAPTER 8
Kararating lang ni Abegail noon sa kanyang opisina ng tinawagan siya ng kanyang pinsan, hanggang ngayon natatawa pa rin siya kung papaano nagsumbong sa kanya si Steve na animo bata. “Hello may I help you?”Tanong ni Abegail sa kabilang-linya nang tumunog ang kanyang telepono. “Yes and I need a big help!”Halos pasigaw na sabi ni Steve sa pinsan. “Hey! Kaaga-aga ano ba, just calm down caz mabibingi ako niyan sa boses mo, ano bang meron at high blood ka na naman?”Pasimpleng ilag niya sa receiver ng telepono nang tumaas ang boses ng pinsan. “Why don’t you ask your new secretary nang malaman mo kung bakit nag-iinit ang ulo ko ngayon?”Tanong niya na sarkastik ang boses. “Okay fine, tell me directly what’s the problem na naman ba?”Naguguluhan niyang tanong sa pinsan. “Ang magaling mong alaga huli na nang dumating kanina at take note ha, pangalawang araw niya pa lang nagyon. Paano na lang kaya kung tumagal na siya dito baka mas malala pa diyan,”galit na sabi nito sa babae. “Relax caz,
last updateLast Updated : 2023-04-11
Read more
CHAPTER 9
“Good morning Miss Loisa,” bati sa kanya dito ni Chesca nang mabungaran niya na itong nakaupo sa loob ng saksakyan. “Good morning din sa iyo Miss Chesca, Mang Nelson,”bati niya sa dalawa. “Magandang umaga rin sa iyo Loisa,”sagot naman ni Mang Nelson. “Naku, this time natitiyak kong hindi ka na kagagalitan Miss Loisa,” nakangiting sabi ni Chesca sa babae. “Magdilang angel ka sana Chesca,”sabad naman ni Mang Nelson. Sabay na nagtawanan ang tatlo, marami silang napag-usapan habang nasa daan lalo na ang tungkol sa buhay ni Loisa. Matagal na kasing magkakilala sina Chesca at Mang Nelson kaya halos alam na nilang pareho ang talambuhay ng bawat isa. Maaga nilang narating ang kanilang opisina, tinuruan agad ni Chesca si Loisa kung papaano ang tamang timpla ng kape para sa among magpinsan. Itinuro niya na rin dito kung ano ang dapat at hindi dapat gawin sa umaga bago dumating ang kanilang among lalaki. Lahat nang iyon ay nakalista sa maliit na notebook ni Loisa para hindi niya raw makali
last updateLast Updated : 2023-04-11
Read more
CHAPTER 10
“Daddy why is she with us?”Tanong ng bata nang makita nito ang babae na naka-upo sa harapan ng kotse. “Because Nanny Karen was absent and daddy needs a companion to take care of you,”malambing na sagot ni Steve. Namangha si Loisa sa kalambingan ng mag-ama, tama pala ang sabi ng mga taong nakapaligid sa kanya na sadyang mabait ang kanyang among lalaki. Marahil labis itong nalulungkot sa pagkawala ng asawa kaya nga siguro laging mainit ang ulo nito. “Again, Loisa you’re out of your mind!?”Pigil ang galit nitong halos pabulong niyang sabi sa babae. “Ha ah e, pasensiya po sir may na-alala lang po ako,”nakayuko niyang sabi sa amo. Malamang kung wala ang bata nag-eechoe na dito sa loob ng kotse ang boses ng lalaki, naisip niya na rin tuloy na sana lagi siyang kasama ni Bianca nang sa gayon makakaiwas siya sa bulyaw ng ama nito. “Is she deaf, daddy why she’s not answering my question?”Takang tanong ng bata sa ama. “Oh no baby, she’s not a hearing impaired person. But I don’t know why
last updateLast Updated : 2023-04-11
Read more
DMCA.com Protection Status