WANTED MR. GROOM

WANTED MR. GROOM

last updateLast Updated : 2023-06-09
By:  FiercelywritesOngoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
3 ratings. 3 reviews
52Chapters
3.7Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Synopsis

Si Cally Del Silvia ay kilala bilang isang dalagang arogante ngunit mapagmahal na apo sa kanyang Lolo Frederico. Dahil nag-iisa lang na apo si Cally sa kanilang pamilya ay sapilitan na siyang pinag-aasawa ng kanyang Lolo base sa kanyang tipo. Dahil dito, nakaisip si Cally na mag-hire ng lalaking willing magpabayad sa kanya para maging groom. Makikilala ni Cally si Vin Lycan Devarra na siya palang magiging solusyon sa problema niya. Si Vin ang lalaking ipapakilala ni Cally sa kanyang Lolo upang mapangasawa. Ngunit, paano kung si Vin pala ay may lihim na totoong pagkatao? Matanggap kaya ito ni Cally? May mamuo kayang pagmamahalan sa pagitan nila kung simula umpisa pa lang alam na nilang kasinungalingan lang ang lahat?

View More

Chapter 1

Chapter 1

"Gusto kong mag-asawa ka na, hija. Matanda ka na kaya bigyan mo na ako ng apo ko sa tuhod," sabi ni Federico sa apo niyang si Cally.

"Matanda na po ba sa inyo yung edad na 25? Ayoko pang mag-asawa madami pa 'kong gustong gawin sa buhay," reklamo ni Cally sa kanyang Lolo Fredrico.

"Aba, at kailan mo balak? Kapag lagpas ka na sa kalendaryo? Ang tao ay hindi pabata kaya dapat lang na mag-asawa ka na," giit ni Federico kay Cally.

Nag-iisang apo lang si Cally na naiwan ng kanyang nag-iisang namayapang anak na si Suzanne. Gusto niya, bago man niya iwan si Cally ay may makakasama na ito sa buhay kaya gusto niya na itong pagasawahin hangga't maaga pa.

"Hay nako! Tigilan niyo nga ako Lolo, kayo ang magpakasal kung gusto niyo," nababagot na sagot ni Cally sa kanyang Lolo.

"Hindi ka man lang ba nababahala? Niisa ay wala ka pang nagiging boyfriend sa talang buhay mo," panguusig ni Federico.

"Eh, ano naman po kung wala pa? Kailangan ba dapat may experience na sa pag-bo-boyfriend?" tanong ni Cally.

"Kaya walang magtangkang manligaw sa 'yo dahil napaka-taray mo kasing bata kaya dapat magbago ka na, kung ayaw mong tumanda ng dalaga," sabi ni Federico na ikinasalubong ng kilay ni Cally.

"Bakit po ba madaling-madali kayo na pag-asawahin ako?" tanong ni Cally.

Tila naging seryoso ang mukha ni Frederico at kinuha niya ang kanyang tungkod mula sa tabi niya at ipinakita sa kanyang apo.

"Nakikita mo ba ito, hija?" tanong ni Federico na ikinakunot naman ng noo ni Cally dahil parang nahihibang na ang kanyang Lolo.

"That's your tungkod," nababagot na sagot ni Cally.

Ilang sandaling natahimik ang kanyang Lolo Federico habang pinagmamasdan nito ang hawak na tungkod na parang kay lalim ng iniisip.

"As you can see, it's been years since I've started to use this. You know what I mean?" sabi ni Federico na may kasamang pahulang tanong.

"No, I don't get it," sagot ni Cally na siyang ikinangiti ni Frederico at muli niyang binalingan ang hawak niya.

"It's a sign that I'm weak and old," sabi ni Federico habang nakangiti ngunit bakas ang lungkot sa kanyang boses.

Pinakatitigan ni Cally ang kanyang Lolo nang mapansin niyang nagbago ang himig ng boses nito na parang bigla itong nalumbay.

"Lolo... " tawag ni Cally kay Frederico.

"I want you to understand the value of age. So, let me educate you," sabi ni Federico kay Cally.

"Go on, I will listen," sabi ni Cally.

Kung kanina ay pinagtataasan niya ito ng boses ngunit ngayon ay tila nag-iba ang atmosphere at mas gusto niya na lang makinig sa gusto nitong sabihin.

"I'm too old, my child. I'm already 70 years old man. Madami na akong naging karanasan sa buhay at mga pinagsisisihang desisyon na kailan man ay hindi ko na maibabalik pa dahil lipas na ang panahon," madamdaming sabi ni Federico.

Hindi nagsalita si Cally at tahimik lang siyang nakikinig at naghihintay sa susunod nitong sasabihin.

"You know why I want you to get married at the age of 25?" tanong ni Federico sa apo.

"Why?" tanong din ni Cally.

"Like what I've said, I'm too old hija, sandaling panahon na lang ang ilalagi ko rito sa mundo. Kaya bago man ako mawala gusto ko ay may kasama ka na dahil ayokong maiwan kang mag-isa sa buhay kapag wala na ako sa tabi mo, mahirap ang nag-so-solo apo," sabi ni Federico.

Biglang nakaramdaman ng lungkot si Cally sa sinabi ng kanyang Lolo Frederick. Kahit noon pa ay naiintindihan niya naman ito. At kung minsan man naiinis na siya sa kakulitan nito ay wala pa rin makakapantay ng pagmamahal niya para dito dahil ito na ang taong tumayong magulang niya at ito lang din ang nag-iisang pamilya na meron siya.

"Don't say that, tingnan niyo nga oh! Ang lakas niyo pa! Tumayo kayo at sasayaw tayo!" sabi ni Cally sabay tumayo siya para pasayahin ang kanyang grandpa.

Tumawa lang si Federico at tumanggi siya sa pagaaya ni Cally na sumayaw ng salsa dahil nanakit na ang kanyang mga tuhod.

"Maupo ka na, hija. Hindi ako makakasayaw at masakit ang mga tuhod ko," tanggi ni Federico sa apo.

Bumalik na si Cally sa pagkakaupo at muling pinakatitigan ang kanyang Lolo Frederick na hindi mapalis ang ngiti sa mukha. Kilala ni Frederick ang apo niyang si Cally simula pagkabata nito. Aam niya na ubod ito ng bait at masiyahin din sa likod ng masungit nitong panlabas. Kaya alam niyang makakatagpo rin ito ng lalaking karapat-dapat para dito.

"Kaylan niyo po ba 'ko gustong magpakasal?" biglang tanong ni Cally na labis na ikinagulat ng kanyang Lolo Frederico.

Natawa naman si Cally sa nakita niyang reaksyon ng kanyang grandpa na halos malaglag ang pustiso sa gulat.

"Sandali, ibig sabihin ay pumapayag ka na? Teka, wala ka pa ngang naipapakilala sa 'kin na boyfriend mo tapos itatanong mo sa 'kin kung kaylan ko gustong maikasal ka?" gulat na tanong ni Federico sa apo.

Naisip ni Cally na pagbigyan na ang hiling kanyang Lolo para maging masaya na ito at nakaisip siya ng isang paraan ngunit hindi niya ipapaalam dito ang tungkol sa gagawin niya.

"Basta po, ako na pong bahala sa lalaking mapapangasawa ko. May tiwala ba kayo sa taste ko?" sabi ni Cally na may kasamang pabirong tanong.

Nangunot bigla ang noo ni Federico dahil pakiramdam niya ay may pinaplano ang apo niya at wala itong balak ipaalam sa kanya.

"Baka kung ano 'yan, Cally. Ikaw ay mag-hunus dili kang bata ka. Baka kung saan ka kumuha ng lalaki para lang ipakilala sa 'kin," dudang sabi ni Frederico na ikinatawa ni Cally.

"Of course not!" natatawang sabi ni Cally.

Akmang hahampasin ni Federico si Cally ng baston nang awatin siya nito habang tuloy pa rin sa pagtawa.

"Lolo, naman, syempre hindi. Ikaw itong gusto na 'kong mag-asawa tapos ngayon namang pumayag na 'ko saka ka magagalit. Ano ba talaga grandpa?" nalilitong sabi ni Cally.

Tumikhim si Frederico sabay umayos na ulit ng upo. Muling niyang hinarap ang apong si Cally at ibinalik ang tungkod sa tabi ng inuupuan niyang sofa.

"Kaya nga, pero h'wag ka naman kukuha d'yan sa tabi-tabi para lang may maipakilala ka sa 'kin. Mas maganda ay 'yung makikilala mo siya unexpectedly," paglilinaw ni Frederico.

"Mamimili naman po ako. Hindi ako basta papatol kung kani-kanino lang d'yan. Anong tingin niyo sa 'kin, cheap?" sabi ni Cally sabay napairap sa ere.

"Sinasabi ko lang naman, dahil baka ganu'n ang gawin mo. Kilala kitang malikot din ang isip kaya ako ay nangangamba sa kung anong natakbo d'yan sa utak mo," sabi ni Frederico kay Cally.

"Relax, grandpa. Leave it to me. Ako naman ang makikisama hindi ikaw kaya magkamali man ako kasalanan ko na 'yon labas na kayo ro'n," sabi ni Cally na ikinasalubong ng kilay ni Frederico.

"Cally, always remember na ang pag-aasawa ay hindi isang biro kaya ayusin mo ang pagpili" paalala ni Frederico sa apo.

"You sounds odd, kanina lang ay kayo itong madaling-madali sa 'kin na mag-asawa pero ngayon parang ang daming daga d'yan sa isip at dibdib niyo," puna ni Cally sa kanyang Lolo.

"Iyon ay paalala lang naman, hija. Kaya matuto kang makinig," giit ni Frederico na ikinangiti ni Cally.

Kilala na talaga siya ng kanyang Lolo, alam nito ang takbo ng isip niya kaya ganu'n na lang ang mga pagpapaalala nito sa kanya.

"I know that, and thank you for your love and concern to your dearest granddaughter. Don't worry, I will grant your wish the way you wanted." Nakangiting sabi Cally.

Tumungo-tango na lang si Frederico at ibinibigay niya ang buo niyang tiwala sa kanyang apo dahil alam niyang hindi nito ipapahamak ang sarili pagdating sa mga desisyon sa buhay. Tiwala siyang magaling itong pumili kaya naman iwinaksi niya ang kanyang pangamba.

"Sana ay makatagpo ka ng isang lalaking kayang unawain ang kagaspangan ng iyong ugali pati na rin ang malakas mong soy sauce sa utak," pabirong sabi ni Frederico na siyang ikinasimangot ni Cally.

"Lolo! You're bringing me down!" angil ni Cally na pagak na ikinatawa ni Frederico.

"Biro lang, hija. Sige na at maiwan na muna kita. Aalis ako at may kailangan aasikasuhin sa company," sabi ni Frederico.

Nagtaka namang tiningnan ni Cally ang kanyang Lolo nang tumayo na ito na may kabagalan dahil na rin sa kanyang katandaan. Kaya agad niya itong nilapitan para alalayan.

"Bakit pa kayo pupunta sa company? Anong gagawin niyo doon? Pupunta pa kayo hirap na nga kayong humakbang," pigil ni Cally sa Lolo niya.

"Hayaan mo na ako at kasama ko naman ang PA ko. Kahit na ikaw na ang nag-ma-manage ng company ay kailangan pa rin ng presensya ko doon dahil hindi ko pa naman ganap na naililipat sa 'yo ang mga shares ko," ayaw papigil na sabi ni Federico.

"Sige, gusto niyo 'yan eh. Baka lang madapa pa kayo ah. Saka niyo sasabihin na sana hindi na lang kayo nagpunta doon," sabi ni Cally na may paalala.

Ngingiti-ngiting binalingan ni Frederico si Cally sabay ginulo ang buhok nito na siyang ikinainis ni Cally.

"Not my hair, old man!" angil ni Cally sa kanyang Lolo Frederick na ikinatawa lang nito.

Mayamaya lang ay lumabas na sila ng mansion at sinalubong sila ng ilang maids para alalayan si Frederico sa paglalakad nito hanggang makarating sa sasakyan. Dumako ang tingin ni Cally sa PA ng kanyang Lolo na si Ryan nang makalapit sila sa sasakyan.

"Ryan, please take care of my grandpa and look after him. Understand?" utos ni Cally sa personal assistant ng kanyang Lolo Frederico.

"Yes, Ma'am. Don't worry, ako na po ang bahala kay Sir," sagot ni Ryan kay Cally at tumango lang ito sa kanya.

"Lolo, maupo ka na kaya sa wheel chair, kapag nakarating na kayo doon?" suhestyon ni Cally na ikinakunot ng noo ni Frederico.

"Ginagawa mo naman akong lumpo! Hala at pumasok ka na nga lang sa loob o di kaya ay maggala ka at maghanap ka na ng boyfriend!" sabi ni Frederico dahil sa kakulitan ng apo niya at pumasok na siya loob ng sasakyan.

Dumako ang tingin ni Cally kay Ryan at sa mga maid, halatang nagpipigil sila ng tawa sa sinabi ng kanyang Lolo Federico kaya naman sinamaan niya lang tingin ang mga ito sabay tumalikod na at pumasok sa loob ng mansion.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Donna Candoleta-Marte
maganda sana kaya lang Ang tagal Naman po mag up date 2 months na akong nag antay
2023-10-02 22:20:48
0
user avatar
CristineMay💖
highly recommended story
2023-05-20 11:30:12
1
user avatar
CALLIEYAH JULY
Support!! Must read story!! it's highly recommended <3
2023-04-08 11:15:29
1
52 Chapters
Chapter 1
"Gusto kong mag-asawa ka na, hija. Matanda ka na kaya bigyan mo na ako ng apo ko sa tuhod," sabi ni Federico sa apo niyang si Cally."Matanda na po ba sa inyo yung edad na 25? Ayoko pang mag-asawa madami pa 'kong gustong gawin sa buhay," reklamo ni Cally sa kanyang Lolo Fredrico."Aba, at kailan mo balak? Kapag lagpas ka na sa kalendaryo? Ang tao ay hindi pabata kaya dapat lang na mag-asawa ka na," giit ni Federico kay Cally.Nag-iisang apo lang si Cally na naiwan ng kanyang nag-iisang namayapang anak na si Suzanne. Gusto niya, bago man niya iwan si Cally ay may makakasama na ito sa buhay kaya gusto niya na itong pagasawahin hangga't maaga pa."Hay nako! Tigilan niyo nga ako Lolo, kayo ang magpakasal kung gusto niyo," nababagot na sagot ni Cally sa kanyang Lolo."Hindi ka man lang ba nababahala? Niisa ay wala ka pang nagiging boyfriend sa talang buhay mo," panguusig ni Federico."Eh, ano naman po kung wala pa? Kailangan ba dapat may experience na sa pag-bo-boyfriend?" tanong ni Cally.
last updateLast Updated : 2023-04-05
Read more
Chapter 2
Kinabukasan, naisipan ni Cally na makipag-kita sa kaibigan niyang si Ellise upang hingin ang tulong nito para humanap ng lalaking p'wedeng upahan o bayaran para maging asawa niya gaya ng hiling ng kanyang Lolo Frederico. Alam niyang mali ang gagawin niya pero susugal na siya para sa ikaliligaya ng Lolo niya.Kasalukuyang pababa ng hagdan si Cally nang salubungin siya ng kanyang Lolo sa baba at nagtataka itong tiningnan siya."Mukang may lakad ang maganda kong apo, saan ang punta mo?" tanong ni Frederico kay Cally nang mapansin niyang bihis na bihis ito."Makikipag-kita lang po ako kay Ellise, baka mga hapon na ang uwi ko h'wag niyo na po akong hintayin," sagot ni Cally sa kanyang Lolo."O, siya ika'y mag-ingat sa lakad mo," sabi ni Frederico kay Cally at naglakad na ito paakyat."Lolo, kaya niyo ba?" pahabol na tanong ni Cally nang mapagtanto niyang paakyat nga pala ito ng hagdanan."Oo, kayang-kaya," lakas-lakasang sagot ni Frederico at nagpatuloy na sa mabagal na paghakbang sa baita
last updateLast Updated : 2023-04-05
Read more
Chapter 3
"Ganito ang unang gagawin natin, makinig ka. Para kasing job hunting 'yan eh, ang kaibahan lang, tayo 'yung hahanap ng tao para pumayag sa trabahong iaalok natin," panimula ni Ellise.Tahimik lang na nakikinig si Cally sa mga sasabihin ng kanyang kaibigan. Kilala niya ito na magaling pagdating sa mga pag-pa-plano ng kalokohan."Magpapakalat tayo ng flyers," sabi ni Ellise na ikinakunot ng noo ni Cally at tiningnan siya nito na tila naguguluhan."Flyers?" Kunot noong tanong ni Cally."Yes, flyers at ang ilalagay lang naman natin doon ay ang mga katagang: WANTED, MR. GROOM," sagot ni Ellise."Hindi ba parang masyado naman atang desperada pakinggan?" tanong ni Cally na may pagaalangan."Eh, bakit? Hindi nga ba? Desperada ka naman talaga kaya ka nga nagpapahanap ng lalaking pakakasalan kahit hindi mo pa kilala," sagot ni Ellise na may pagka-sarcastic.Napaisip bigla si Cally na may punto naman ito sa sinabi niya. Hindi man niya aminin ay muka na nga talaga siyang desperada."Kung sa baga
last updateLast Updated : 2023-04-05
Read more
Chapter 4
"I accidentally heard your conversation... " kiming sagot ng estranghero kay Cally sabay napahawak sa batok."You accidentally heard our conversation?" pag-uulit ni Cally sabay lumingon sa likuran niya kung saan kaninang nakaupo ang lalaki."Yes, and I'm really sorry," hinging paunmanhin ng estranghero na parang pinagsisisihan nito ang nagawang pakikinig.Dumako naman ang tingin ni Cally sa kaibigang si Ellise na may nakapaskil na kakaibang ngiti sa mukha na para bang may kakaibang natakbo sa isipan nito na hindi niya mawari. Akmang magsasalita na sanang muli si Cally nang maunahan siya ni Ellise."Wala 'yon Kuyang pogi! Halika maupo ka rito at baka gusto mo pa malaman ang iba pang kabuuang detalye ay willing naman kaming sabihin sa 'yo lahat!" sabi ni Ellise sa estranghero na tila ba excited.Dali-daling kumuha ng isa pang silya si Ellise at inilagay sa tabi ng estranghero at sapilitan niyang pinaupo ito sabay kindat niya kay Cally at hindi ito makapaniwalang tiningnan siya."So, let
last updateLast Updated : 2023-04-05
Read more
Chapter 5
Kasalukuyang nasa sasakyan sina Vin at Cally na pagmamayari ni Ellise na siya namang kasalukuyang nagmamaneho ng kotse."Ano bang next plan?" tanong ni Ellise kay Cally habang abala siya sa nagmamaneho."Sa ngayon pumunta muna tayo sa condo mo para pagusapan ang susunod nating gagawin. Hindi pa kasi natin p'wedeng ipakilala agad si Vin kay Lolo dahil siguradong magtataka 'yon kung saan lupalop ko siya nakuha," sagot ni Cally sa kaibigan."May point ka, siguradong magtataka ang Lolo mo dahil kahapon lang naman kayo nag-usap tapos biglang may ipapakilala ka na kaagad sa kanya ngayon," pagsangayon ni Ellise.Bumaling si Cally kay Vin na tahimik lang sa buong biyahe habang nakatanaw sa bintana ng sasakyan. Nagulat pa ito nang humarap siya kay Cally at nahuli niya itong titig na titig sa kanya."Kaloka ka, ikaw pa talaga 'yung nagulat sa mukha ko??" mataray na tanong ni Cally kay Vin na siyang ikinahagikgik nito."Sorry, kasi naman titig na titig ka sa 'kin, pakiramdam ko parang gusto mo n
last updateLast Updated : 2023-04-08
Read more
Chapter 6
Kasalukuyang nakaupo sina Vin at Cally sa magkabilang sofa ng living room ng condo ni Ellise. Umalis sandali si Ellise dahil bigla itong nagkaroon ng urgent meeting sa trabaho kaya ang naiwan lang ay sina Vin at Cally."First, I need you to sign this," utos ni Cally kay Vin sabay iniabot niya rito ang isang papel na naglalaman ng mga kasunduan.Sandali munang binasa ni Vin ang nakasaad sa papel at biglang nangunot ang noo niya nang may mabasang bawal sumama o makipagkita sa kahit na sinong ibang babae."What's this?" kunot noong tanong ni Vin."Ang alin?" tanong din ni Cally."Bawal ako makipagkita sa ibang babae?" patanong na sagot ni Vin na tila naguguluhan."Yes?" patanong na sagot ni Cally."Bawal ako makipagkita sa ibang babae kahit na peke lang naman ang magiging relasyon natin?" tanong ni Vin na tila hindi siya sangayon."Of course! What did you expect? Nakalimutan kong sabihin na ang isa sa mga kailangan sa pagiging groom ko ay dapat single ka at wala kang sabit," sagot ni Call
last updateLast Updated : 2023-04-09
Read more
Chapter 7
"Baby after marriage??" hindi makapaniwalang tanong ni Vin kay Cally at hanggang ngayon hindi pa rin nagsi-sync in sa utak niya ng maayos ang sinabi nito."Bakit gulat na gulat ka? We are now talking about possibilities, so, what did you expect?" tanong ni Cally na parang isang normal na bagay lang 'yon para sa kanya."Sandali lang. Wala naman sa kontrata natin na aanakan kita after marriage, kasi nga peke lang ang magiging pagsasama natin kaya bakit bigla mo na lang ipinasok ang tungkol sa pagkakaroon ng baby?" sabi ni Vin na may kalituhan.Unti-unting sumilay ang nakakalokong ngiti sa mukha ni Cally hanggang sa tuluyan na itong humagalpak ng tawa habang sapo niya ang tiyan at mayamaya rin ay tumigil na ito at hilam ang luha niyang tumingin kay Vin."You're so funny! Nagbibiro lang naman ako! Anong akala mo talagang hahayaan kitang anakan mo 'ko? Kung nakita mo lang sana ang reaksyon ng mukha mo kanina para kang hindi mapakali at seryosong-seryoso, damang-dama ko pa nga yung pagiging
last updateLast Updated : 2023-04-11
Read more
Chapter 8
"Cally, kamusta ang lakad mo?" tanong ni Frederico sa kanyang apo na kadarating lang."It goes well naman po Lolo, worth it ang maghapon ko," sagot ni Cally at pasalampak siyang naupo sa mahabang sofa ng study room nito."You look exhausted, young lady. Ano bang nilakad niyo ng kaibigan mong si Ellise at napagod ka?" panguusisa ni Fredrico sa apo."H'wag niyo nang alamin Lolo, ma-stress ka lang sa life," sabi ni Cally para ilihis sa kanya ang usapan."Kapag talaga nakakasama mo ang kaibigan mong 'yon ay para kang nagiging jologs kapag kausap kita," pabirong sabi ni Fredrico kaya napasimagot si Cally."Jologs? Ang ewww naman ng term niyo," angil ni Cally na siyang ikinatawa ng pagak nito."Ika'y matulog na hija, magpahinga ka na," sabi ni Fredrico sa apo at bumalik na siya ulit sa kaninang ginagawa niya bago pa man ito dumating."Lolo, ikaw ang matulog na at matanda ka na para magpuyat sa paper works. Ipaubaya niyo na 'yan sa 'kin ako nang bahala diyan bukas," sabi ni Cally ngunit hind
last updateLast Updated : 2023-04-13
Read more
Chapter 9
"May lakad ka na naman?" tanong ni Frederico kay Cally nang makita niya itong palabas na ng mansion kaya napahinto ito at hinarap siya."Nakalimutan kong sabihin, may importante lang akong aasikasuhin Lolo," sagot ni Cally."Anong oras ang uwi mo?" tanong ng matanda."Baka gabihin ako kaya h'wag niyo na akong hintayin and I'll bring my car," sagot ni Cally.Nagtaka naman si Frederico kung bakit naisipan nitong magdala ng sasakyan kahit tamad itong mag-drive at sanay itong palaging may driver na kasama."Himala ata at mag-da-drive ka?" Nabibiglang tanong ni Frederico sa kanyang apo na mas bihis na bihis ngayon kumpara kahapon."I need some privacy, dahil may pupuntahan ako," sagot ni Cally ngunit nangunot ang noo niya nang unti-unting sumilay ang pilyong ngiti sa mukha nito."Saan ang punta? Makikipag-date ka lang ano? This is the first time na lalakad kang mag-isa na walang kahit na sinong kasama," nanunuksong tanong ni Frederico sa dalaga."Oo, Lolo. Makikipag-date ako kay Ellise," s
last updateLast Updated : 2023-04-13
Read more
Chapter 10
"Hatid na kita," prisinta ni Cally kay Vin ngunit umiling lang ito sa kanya."Hindi na Ma'am, ako nang bahala sa pag-uwi ko. Kayo nga itong inaalala ko at mag-isa lang kayong uuwi," sagot ni Vin."Don't worry, tamad lang talaga 'kong mag-maneho pero sanay naman ako," paninigurado ni Cally dito."Gusto niyo ba ako na mag-drive?" alok ni Vin ngunit umiling lang din ito sa kanya."H'wag ka nang makulit, kung ipag-da-drive mo 'ko paano ka naman uuwi? Sige nga? Saka mo na 'ko alukin ihatid pag may sarili ka nang sasakyan," sabi ni Cally kaya napakamot na lang sa ulo si Vin."Pasensya na kayo Ma'am, nakakahiya tuloy sa inyo," nahihiyang sabi ni Vin ngunit para kay Cally hindi 'yon big deal."Tsss! Sige na ihatid na nga kita kaya tara na sa parking lot," pagpupumilit ni Cally ngunit ayaw talaga ng binata."Hindi na Ma'am, hindi ako sasakay kahit na anong pilit niyo," pagtanggi ulit ni Vin kaya bumuga ng malakas na hangin si Cally.Kinuha niya ang bag niya para kunin ang kanyang wallet at kumu
last updateLast Updated : 2023-04-14
Read more
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status