Kasalukuyang nasa sasakyan sina Vin at Cally na pagmamayari ni Ellise na siya namang kasalukuyang nagmamaneho ng kotse.
"Ano bang next plan?" tanong ni Ellise kay Cally habang abala siya sa nagmamaneho."Sa ngayon pumunta muna tayo sa condo mo para pagusapan ang susunod nating gagawin. Hindi pa kasi natin p'wedeng ipakilala agad si Vin kay Lolo dahil siguradong magtataka 'yon kung saan lupalop ko siya nakuha," sagot ni Cally sa kaibigan."May point ka, siguradong magtataka ang Lolo mo dahil kahapon lang naman kayo nag-usap tapos biglang may ipapakilala ka na kaagad sa kanya ngayon," pagsangayon ni Ellise.Bumaling si Cally kay Vin na tahimik lang sa buong biyahe habang nakatanaw sa bintana ng sasakyan. Nagulat pa ito nang humarap siya kay Cally at nahuli niya itong titig na titig sa kanya."Kaloka ka, ikaw pa talaga 'yung nagulat sa mukha ko??" mataray na tanong ni Cally kay Vin na siyang ikinahagikgik nito."Sorry, kasi naman titig na titig ka sa 'kin, pakiramdam ko parang gusto mo na 'kong tunawin," sabi ni Vin na siyang ikinatikhim naman ni Cally."Pinagmamasdan kita dahil hinahanapan kita ng kapintasan o ng kahit anong kapangitan at sa kabutihang palad wala naman ako makita," pag-amin ni Cally na siyang ikinangiti ni Vin."Gusto mo talaga ng perpekto ano?" tanong ni Vin kay Cally at huminga lang ito ng malalim sabay sumandal muli sa sandalan."Wala namang perpekto... " wala sa loob na sabi ni Cally sabay tanaw sa labas ng bintana."Meron sis! Si Fafa Vin! Perfect na siya for you!" sabat ni Ellise na tila kinikilig pa ngunit sinamaan lang siya ng tingin ni Cally."Walang perpekto sa buhay, tingnan mo nga siya, sabihin na nga nating he has the looks na lilingunin ng lahat pero wala naman siyang pera," sabi ni Eunice na tungkol kay Vin kaya sunud-sunod silang napatikhim."Ang harsh mo naman doon sa part na walang pera si Vin, konting preno friend!" sita ni Ellise kay Cally."Totoo lang ang sinasabi ko, kahit ako tingnan mo rin. Mayaman ako pero tanungin niyo ko kung masaya ba 'ko," sabi ni Cally kaya napatingin si Vin sa gawi niya."Masaya ka ba?" tanong ni Vin kay Cally kaya napatingin din ito sa gawi niya at binigyan siya nito ng nagtatanong na tingin.Sandaling tumahimik ang paligid at nag-isip si Cally kung anong tamang isagot sa kanyang soon to be groom."Yes, malungkot ang buhay ko dahil kagaya nga ng sinabi ko walang perpektong buhay," pag-amin ni Cally."Sa tingin mo, ano pa bang kulang sa 'yo?" seryosong tanong ni Vin na mas lalong nagpatahimik kay ni Cally at muli na lang siyang tumanaw sa labas ng bintana."Let's not talk about it," paglilihis ni Cally ng usapan at hindi na muling nagsalita pa si Vin."Cally, gutom na ako," reklamo ni Ellise."Hindi ka pa nabusog sa kinain natin kanina?" nagtatakang tanong ni Cally sa kaibigan."May kinain ba tayo?! Mabubusog ba 'ko sa kapirasong cheese cake??" Iritableng tanong ni Ellise na siyang ikinatawa ni Vin.Nasapo naman ni Cally ang sariling noo dahil naalala niyang malakas nga palang kumain ang kanyang kaibigan at hindi p'wedeng mabitin ito."Let's have a drive thru, sagot ko na," sabi ni Vin at akma sanang bubunot na siya ng wallet nang pigilan siya ni Cally."H'wag na, itabi mo na 'yan. Ako na," sabi ni Cally kay Vin at kinuha niya ang kanyang credit card sabay iniabot kay Ellise."Ang generous mo naman, Vin. Wala ka pang kinikita mula kay Cally pero parang hindi ka talaga nangangailangan ah? Balak mo pa kaming ilibre," puna ni Ellise kay Vin nang kuhain niya na ang credit card ni Cally.Napakamot na lang sa ulo si Vin dahil naalala niya na wala na nga pala siyang pera ngayon."It's okay, Vin. Relax ka lang diyan ako nang bahala sa 'yo," sabi ni Cally sabay nginitian niya lang ito.Napansin naman ni Ellise ang ngiting ibinigay ni Cally kay Vin kaya naisipan niya na asarin ito."Uy! May pag-ngiti ka nang nalalaman, baka type mo na si Vin in real life huh?" pangaasar ni Ellise kay Cally sabay sinamaan lang siya nito ng tingin."Mag-drive ka na lang Ellise at baka ma-bwisit pa ako sa 'yo hindi pa kita pakainin diyan," inis na sabi ni Cally na siyang ikinatawa nila."Ang sama mo talaga!" natatawang sabi ni Ellise ngunit hindi na lang siya pinansin ni Cally.Naalala ni Cally na hindi pa nga pala nila alam kung saan nakatira si Vin at nadismaya siya sa sarili dahil kanina pa nila ito kasama ngayon niya lang naalalang alamin."Saan ka nga pala nakatira? Nakalimutan ko nang itanong kung anong pinanggalingan mo," tanong ni Cally kay Vin at sandali pa itong nag-isip na siyang ipinagtaka niya."Sa condo ko po sa Makati City," tapat na sagot ni Vin na ikinagulat nina Cally at Ellise sabay nagkatinginan sila sa side mirror ng driver's seat."Condo?!" gulat na tanong ni Cally."Really?!" hindi makapaniwalang tanong din ni Ellise.Sabay nilang inulan ng tanong si Vin na ikinagulat ng binata dahil sa nakita niyang mga reaksyon nina Cally at Ellise. Nagtaka siya kung anong nakakagulat sa sinabi niya."Ano pong nakakagulat sa nalaman niyong nakatira ako sa condo? May problema ba?" pa-inosenteng tanong ni Vin sa dalawa."Ang sabi mo wala kang pera. So, expected namin mahirap ka lang kaya paano ka naman nakaka-afford na tumira sa isang condo unit? Eh, ang mahal tumira doon," panguusisa ni Cally."Patira lang po ako doon ng Uncle ko, kumbaga ako ang kinuha niyang care taker ng condo niya habang nagbabakasyon pa siya sa ibang bansa," paglilinaw ni Vin na siya naman naunawaan na nina Cally at Ellise."Ang akala namin talagang sa 'yo ang condo na tinitirhan mo! Very shocking ka naman sa part na 'yon! Pero buti na-explain mo agad," singit ni Ellise na ikinahagikgik ni Vin."Wala akong kakayanan tumira sa ganoong lugar dahil sa budget ko pa lang sa araw-araw kulang na ang pera ko," sabi ni Vin.Biglang nakaramdaman ng awa sina Cally at Ellise kay Vin dahil sa sinabi nito kaya naman may naisip si Cally."Saan ka kumukuha ng panggatos mo sa araw-araw? May allowance ka ba from your uncle?" tanong ni Cally na ikinatango naman ni Vin."Palaki po ako ng Uncle ko, binibigyan niya 'ko ng monthly allowance pero syempre may iba pa akong pangangailangan kaya madalas ay kinakapos ako," paliwanag ni Vin kay Cally na mas lalong nahahabag sa mga oras na 'to."Kaya ba nagdesisyon ka nang lapitan kami kanina para i-offer ang sarili mo na maging groom ko dahil desperado ka na kumita ng pera?" tanong ni Cally na may awa sa boses."Tama po kayo Ma'am, gustuhin ko man pong magtrabaho ng mas disente ang kaso ay wala namang tatanggap sa 'kin," sagot ni Vin kaya nangunot bigla ang noo ni Cally."Bakit naman hindi ka nila tatanggapin? Nasubukan mo na bang mag-apply sa mga companies?" Kunot noong tanong ni Cally."Hindi po kasi ako tapos ng pag-aaral, high school lang ang natapos ko," sagot ni Vin at lihim na nagkatinginan sina Cally at Ellise sa side mirror na tila nagkakaintindihan na sila."I see, pero h'wag kang mawalan ng pag-asa dahil madami pa namang mga company na may consider pa rin sa mga kagaya mong hindi nakatapos," sabi ni Cally upang palakasin ang loob ni Vin."Yes Ma'am, may mga mayayamang mababait pa rin talaga lalo na ngayon na mas lalo kong napatunayan nang makilala ko kayo ni Ma'am Ellise," sabi ni Vin na siyang ikinatuwa nila."H'wag kang padadala Vin dahil isang malaking poor lang din 'yang si Ellise, hindi siya mayaman feeling lang," sabi ni Cally na siyang ikinasimangot naman ni Ellise."Kaibigan ba talaga kita?? Kainis ka talaga! Nanlalaglag ka sis!" angil ni Ellise na ikinatawa lang nina Cally at Vin."I'm just kidding. Pero sa totoo lang hindi talaga poor 'yang si Ellise sa katunayan nga successful business owner na siya," sabi ni Cally na siyang ikinangiti ng malawak ni Ellise na tila nagmamalalaki pa.Naaaliw si Vin habang pinapanuod niya kung paano mag-usap sina Cally at Ellise. Napansin niyang totoo ang pagkakaibigan ng dalawa at ngayon niya napatunayan tama lang ang desisyon niyang lapitan si Cally."Eh, ikaw Ma'am? What do you do for a living? Bukod sa pagiging tagapagmana?" tanong ni Vin na ikinagulat ni Cally dahil wala naman siyang nababanggit dito na isa siyang heiress."Paano mo nalamang tagapagmana ako?" nagtatakang tanong ni Cally at si Ellise ang naunang sumagot."Gorl! Ano ka ba naman? Baka nakakalimutan mo nang from the very beginning nakikinig na siya sa usapan nating dalawa at ako pa nga ang nakabanggit kanina na tagapagmana ka kaya hindi malabong pati 'yon narinig niya," sabi ni Ellise na siyang sinangayunan ni Vin."Your friend is right, I heard it all and I remember all the details about you, Ma'am," sabi ni Vin na siyang naghatid ng kakaibang pakiramdam kay Cally dahil tingin niya kilala na talaga siya nito.Pilit iwinaksi ni Cally ang misteryosong pakiramdam dahil sino nga ba naman ang hindi nakakakilala sa isang Cally Del Silvia na siyang nagiisa lang na tagapagmana ng Y.C Empire?Kasalukuyang nakaupo sina Vin at Cally sa magkabilang sofa ng living room ng condo ni Ellise. Umalis sandali si Ellise dahil bigla itong nagkaroon ng urgent meeting sa trabaho kaya ang naiwan lang ay sina Vin at Cally."First, I need you to sign this," utos ni Cally kay Vin sabay iniabot niya rito ang isang papel na naglalaman ng mga kasunduan.Sandali munang binasa ni Vin ang nakasaad sa papel at biglang nangunot ang noo niya nang may mabasang bawal sumama o makipagkita sa kahit na sinong ibang babae."What's this?" kunot noong tanong ni Vin."Ang alin?" tanong din ni Cally."Bawal ako makipagkita sa ibang babae?" patanong na sagot ni Vin na tila naguguluhan."Yes?" patanong na sagot ni Cally."Bawal ako makipagkita sa ibang babae kahit na peke lang naman ang magiging relasyon natin?" tanong ni Vin na tila hindi siya sangayon."Of course! What did you expect? Nakalimutan kong sabihin na ang isa sa mga kailangan sa pagiging groom ko ay dapat single ka at wala kang sabit," sagot ni Call
"Baby after marriage??" hindi makapaniwalang tanong ni Vin kay Cally at hanggang ngayon hindi pa rin nagsi-sync in sa utak niya ng maayos ang sinabi nito."Bakit gulat na gulat ka? We are now talking about possibilities, so, what did you expect?" tanong ni Cally na parang isang normal na bagay lang 'yon para sa kanya."Sandali lang. Wala naman sa kontrata natin na aanakan kita after marriage, kasi nga peke lang ang magiging pagsasama natin kaya bakit bigla mo na lang ipinasok ang tungkol sa pagkakaroon ng baby?" sabi ni Vin na may kalituhan.Unti-unting sumilay ang nakakalokong ngiti sa mukha ni Cally hanggang sa tuluyan na itong humagalpak ng tawa habang sapo niya ang tiyan at mayamaya rin ay tumigil na ito at hilam ang luha niyang tumingin kay Vin."You're so funny! Nagbibiro lang naman ako! Anong akala mo talagang hahayaan kitang anakan mo 'ko? Kung nakita mo lang sana ang reaksyon ng mukha mo kanina para kang hindi mapakali at seryosong-seryoso, damang-dama ko pa nga yung pagiging
"Cally, kamusta ang lakad mo?" tanong ni Frederico sa kanyang apo na kadarating lang."It goes well naman po Lolo, worth it ang maghapon ko," sagot ni Cally at pasalampak siyang naupo sa mahabang sofa ng study room nito."You look exhausted, young lady. Ano bang nilakad niyo ng kaibigan mong si Ellise at napagod ka?" panguusisa ni Fredrico sa apo."H'wag niyo nang alamin Lolo, ma-stress ka lang sa life," sabi ni Cally para ilihis sa kanya ang usapan."Kapag talaga nakakasama mo ang kaibigan mong 'yon ay para kang nagiging jologs kapag kausap kita," pabirong sabi ni Fredrico kaya napasimagot si Cally."Jologs? Ang ewww naman ng term niyo," angil ni Cally na siyang ikinatawa ng pagak nito."Ika'y matulog na hija, magpahinga ka na," sabi ni Fredrico sa apo at bumalik na siya ulit sa kaninang ginagawa niya bago pa man ito dumating."Lolo, ikaw ang matulog na at matanda ka na para magpuyat sa paper works. Ipaubaya niyo na 'yan sa 'kin ako nang bahala diyan bukas," sabi ni Cally ngunit hind
"May lakad ka na naman?" tanong ni Frederico kay Cally nang makita niya itong palabas na ng mansion kaya napahinto ito at hinarap siya."Nakalimutan kong sabihin, may importante lang akong aasikasuhin Lolo," sagot ni Cally."Anong oras ang uwi mo?" tanong ng matanda."Baka gabihin ako kaya h'wag niyo na akong hintayin and I'll bring my car," sagot ni Cally.Nagtaka naman si Frederico kung bakit naisipan nitong magdala ng sasakyan kahit tamad itong mag-drive at sanay itong palaging may driver na kasama."Himala ata at mag-da-drive ka?" Nabibiglang tanong ni Frederico sa kanyang apo na mas bihis na bihis ngayon kumpara kahapon."I need some privacy, dahil may pupuntahan ako," sagot ni Cally ngunit nangunot ang noo niya nang unti-unting sumilay ang pilyong ngiti sa mukha nito."Saan ang punta? Makikipag-date ka lang ano? This is the first time na lalakad kang mag-isa na walang kahit na sinong kasama," nanunuksong tanong ni Frederico sa dalaga."Oo, Lolo. Makikipag-date ako kay Ellise," s
"Hatid na kita," prisinta ni Cally kay Vin ngunit umiling lang ito sa kanya."Hindi na Ma'am, ako nang bahala sa pag-uwi ko. Kayo nga itong inaalala ko at mag-isa lang kayong uuwi," sagot ni Vin."Don't worry, tamad lang talaga 'kong mag-maneho pero sanay naman ako," paninigurado ni Cally dito."Gusto niyo ba ako na mag-drive?" alok ni Vin ngunit umiling lang din ito sa kanya."H'wag ka nang makulit, kung ipag-da-drive mo 'ko paano ka naman uuwi? Sige nga? Saka mo na 'ko alukin ihatid pag may sarili ka nang sasakyan," sabi ni Cally kaya napakamot na lang sa ulo si Vin."Pasensya na kayo Ma'am, nakakahiya tuloy sa inyo," nahihiyang sabi ni Vin ngunit para kay Cally hindi 'yon big deal."Tsss! Sige na ihatid na nga kita kaya tara na sa parking lot," pagpupumilit ni Cally ngunit ayaw talaga ng binata."Hindi na Ma'am, hindi ako sasakay kahit na anong pilit niyo," pagtanggi ulit ni Vin kaya bumuga ng malakas na hangin si Cally.Kinuha niya ang bag niya para kunin ang kanyang wallet at kumu
"Good morning Lolo! Good morning everybody!" masayang bati ni Cally at naupo na siya harap ng hapag kainan."Mukang maganda ang gising ng apo ko ah," puna ni Fredrico nang mapansin niyang hindi mapalis ang ngiti sa mukha ni Cally."It's just a normal day Lo, nasa mood lang ako today," sabi ni Cally at nag-umpisa na siyang kumain.Nakangiting pinagmamasdan ni Frederico ang kanyang apo habang maganang kumakain at ngayon lang ito gumising nang maganda dahil madalas madalas itong masungit."Stop staring at me Lolo, kumainkayo diyan. Hindi naman kayo mabubusog sa panunuod sa 'kin," sabi ni Cally habang patuloy lang sa pagkain."Natutuwa lang kasi ako dahil ngayon lang kita nakitang ganiyan," puna ni Fredrico."Kailangan ko ng positive vibes ngayong araw dahil start na ulit ako sa work at siguradong magiging busy at pagod na naman ako sa susunod na mga linggo," paliwanag ni Cally."May dalawang linggo ka ring nag-leave, siguradong na-miss ka ng mga empleyado sa kumpanya," sabi ni Frederico n
Papunta sina Cally at Ryan sa isang kilalang restaurant para makipag-meet sa isa sa mga investor ng company at pagkapasok nila sa loob ay agad na nila itong nilapitan."Mr. Enriquez!" magiliw na bati ni Cally sa lalaking may katandaan na at nakipag-kamay rito."Ms. De Silvia! Lalo ka atang gumaganda," ganting bati ng investor kay Cally sabay halik nito sa ibabaw ng palad nito na lihim namang ikinaasiwa ng dalaga.Gustong matawa ni Ryan sa lihim na reaksyon ni Cally at nang tumingin ang investor ay siya namang ngiti nito ulit ng ubod ng tamis kahit na ang totoo ay hindi nito gusto ang ginawang paghalik ng matanda sa kamay niya."Kayo talaga, napaka-bolero niyo pa sa edad niyong 'yan," sabi ni Cally habang patuloy lang siya sa pag-ngiti ng pilit na kunwari ay gusto niya talaga itong kaharap.Kung hindi lang investor ang matandang si Mr. Enriquez ay hindi niya ito kakausapin dahil noon pa man hindi na talaga siya komportable sa presensya nito tuwing may meeting sila."Don't mention my ag
"What a tiring day," inda ni Cally nang makauwi na sila sa mansion at dumako ang tingin niya sa tahimik niyang secretary."Ang tahimik mo ata?" tanong ni Cally."Pagod din Ma'am, na-stress ako kanina kay Mr. Enriquez," pagdadahilan ni Ryan ngunit hindi naman talaga 'yon ang dahilan.Gustong-gusto niya nang makausap ang kaibigan niyang si Vin tungkol sa relasyon niya sa boss niyang si Cally dahil hindi nito agad sinabi na ito pala ang babaeng tinutukoy niya kagabi nang mag-usap sila. Gusto niyang kutusan ang kaibigan dahil ang nag-iisang apo pala ni Don Frederico ang babaeng kinababaliwan nito."You can go home, maaga ka pa bukas," sabi ni Cally."Sige po Ma'am, mauna na po ako," paalam ni Ryan at akmang tatalikod na sana siya nang sandali siyang pigilan ng dalaga."Yung nalaman mo at 'yung pinag-usapan natin, don't spill it out," bilin ni Cally kay Ryan at nginitian lamang siya nito at tumango bilang pag-oo."Magtiwala ka lang Ma'am, I won't tell it to your grandfather," may pagpapang
"Lolo... I-I'm s-sorry... I didn't mean to—" hindi na naituloy ni Cally ang sanang sasabihin niya nang putilin siya ng kanyang Lolo."No, it's okay. Tama naman ang sinabi mo hija, I was the one who's always in control of our marriage kaya nasakal na ang Lola mo sa 'kin, kaya ikaw, palagi mong ipaglalaban ang kung anong karapatan mo, para hindi dumating ang araw na parehas kayong magsisi," malungkot na sabi ni Frederico sabay tayo at tumalikod na.Naiwan mag-isang nakatulala si Cally habang nakatanaw sa papalayong pigura ng kanyang Lolo, miski siya nagulat sa sinabi niya at hindi niya intensyon sagiin ang damdamin nito.Labis siyang nilukob ng kunsensya kaya napasabunot na lang siya sa kanyang sarili sabay sandal sa sandalan ng silya, nawalan na siya ng ganang kumain kaya tumayo na rin siya para magpallt ng damit.Wala sana siyang balak pumasok ng office ngayon kahit kaka-day off niya lang kahapon, pero dahil siguradong masama ang loob sa kanya ng kanyang Lolo ay hindi muna siya magpap
Nagising si Cally mula sa masarap na tulog, bumangon siya at nag-inat ngunit nang imulat niya ang kanyang mga mata ay nagulat siya nang mapagtanto niyang umaga na pala.Ang huling natatandaan niya ay nakatulog siya sa sasakyan ni Vin kagabi habang nasa biyahe sila pauwi. Ganu'n ba siya ka-pagod kaya hindi na siya nakaramdaman ng kamalayan?Tumayo na siya at dumiretso sa banyo upang gawin ang pang-umagang routine, humarap siya sa salamin at sabay hawak sa suot niyang damit simula pa kahapon."Hindi man lang ako nakapag-linis ng katawan at nakapagpalit ng damit," sabi niya sa sarili.Agad na niyang hinubad ang suot at sumalang sa shower, may kalahating oras siyang naligo at agad na tinapos. Kinuha niya ang bathrobe at isinuot, saka siya lumabas para magbihis.Nang masigurado niyang maayos na ang sarili ay bumaba na siya ng kanyang silid para mag-breakfast. Pagkarating niya sa dining room ay agad siyang binati ng mga servant at ng kanyang Lolo."Kamusta ang naging tulog mo?" tanong ni F
"You know how to do house chores?" manghang tanong ni Cally."Of course, ilan taon din kaming magkasama ni Ryan sa iisang condo, madalas ako naiiwan palagi kaya ako ang gumagawa lahat," sagot ni Vin na ikinabigla ng dalaga kaya nanlalaki ang mga mata nitong tinapunan siya ng tingin."Magkakilala kayo ni Ryan?!" gulantang na tanong ulit ni Cally na ikinatango nito."Yes, we have known each other since we were little," pag-amin ni Vin kaya hindi ito makapaniwalang tiningnan siya."Bakit ngayon mo lang sinabi??" angil ng dalaga."For some reason, alam mo naman kung bakit. Ngayon wala na 'kong dahilan para ilihim pa, ayoko nang mag-sikreto sa 'yo," paliwanag ni Vin."Mabuting sinabi mo na hangga't maaga hindi 'yung ako pa mismong makakaalam lalo lang akong magagalit sa 'yo dahil may inililihim ka na naman sa 'kin," sabi ni Cally at kumalma na."Last na 'yan, wala na 'kong tinatago. Buong identity ko alam mo na, disorder ko alam mo na rin," pagtatapat ni Vin ng lahat."Meron pa," hirit ng
Napahinto sila sa paguusap nang biglang may mag-door bell sa labas ng condo ni Ellise kaya nagkatinginan silang dalawa."May iba ka pa atang bisitang inaasahan?" tanong ni Cally ngunit umiling lang ito."Wala, pati anong oras na," sagot ni Ellise sabay tumayo na para tingnan kung sinong nasa labas.Tiningnan niya ang intercom at laking gulat niya nang makita si Vin na matiyagang nakatayo sa labas ng pinto."Vin! Naparito ka?" Nakangiting bungad na tanong ni Ellise pagbukas niya ng pinto sabay kaway nito sa kanya."Nandito ako para sunduin si Cally," sagot ni Vin kaya nilawakan ni Ellise ang pakakabukas ng pinto para papapasukin ito."Pasok ka, nando'n siya sa may living room," pagpapatuloy ni Ellise sa binata kaya naman dumiretso na ito papasok."Nandito ang boyfriend mo, sinusundo ka na, anong oras na kasi hindi ka pa umuuwi," sabi ni Ellise nang makarating na sila sa living room kasunod si Vin.Agad namang napalingon si Cally at nanlaki ang mga mata niya nang makita si Vin sa condo
"We're getting married this week," imporma ni Cally sa kaibigan na halos ikalaglag ng panga nito."Agad-agad? Akala ko ba ayaw mo makasal? Anyare, bakit nag-iba ata ihip ng hangin? Iba 'to sa pinalano mo ah?" nabibiglang tanong ni Ellise kaya huminga ng malalim si Cally bago ito sagutin."Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa 'yo, madami kasing nangyari nitong nakalipas na mga araw, after ng pagtatalo namin ni Vin nang makalabas ako ng hospital," sagot ni Cally na ikinasalubong naman ng dalawa nitong kilay."Friend, paki-diretso ako kasi ayoko ng paligoy-ligoy eh! So, after that, ano nangyari?" inip na tanong ni Ellise habang matamang nakatitig sa mukha ng kaibigan, naghihintay ng kwento nito."Sinuyo niya 'ko at dinala sa pribadong lugar na pagmamayari ng family niya and that place was so beautiful, and... and..." sagot ni Cally na may pabitin sabay napakagat labi dahil bigla siyang nahiya nang maalala niya ang ginawa ni Vin na paghalik sa kanya nang gabing 'yon."And?" Kunot noon
Palabas na sila ng Club Solitas para sana umuwi na nang may isa na namang kakilala si Vin ang humarang sa kanila nang patungo na sila sa exit."Vin? Is that you?" may gulat na tanong ni Nat, ang lalaking minsan nang nakainitan ni Vin noon, ilan taon na ang nakakalipas."Woah, ikaw nga... Kamusta na pare? Long time no see ah?" pangangamusta nito ngunit halata kay Vin na hindi niya ito gustong makita."Ayos lang naman, ikaw ba? Kamusta ang ilegal mong negosyo? Going smooth pa rin ba?" sarkastikong tugon ni Vin at talagang sinadya niyang sabihin 'yon kahit na kasama niya ang Lolo ni Cally.Naramdaman naman ni Vin ang pagsiko ni Frederico na tila sinasaway siya nito sa paraan ng pakikitungo niya."Pasmado pa rin bibig mo kahit kailan, oo naman pre, going smooth pa rin," tila proud pang sagot nito habang nakangising loko.Dumako naman ang tingin nito sa kasama ni Vin na si Don Frederico at ganu'n na lang din ang panlalaki ng mga mata nito dahil sa gulat nang makilala ang matanda."Don Fred
"Dati po akong umakyat ng ligaw sa apo niyo, hindi niyo na po siguro ako natatandaan kasi dalawang taon na po ang nakakalipas," sagot nito kay Don Frederico."Norman? Ikaw na pala 'yan? Hindi kita nakilala. Pumayat ka ata? Nagkasakit ka ba?" may gulat sa tanong ng Don nang mapagsino niya ito."Ah, eh... o-opo nagkasakit ako eh, kaya ganito," pagsisinungaling ng lalaking si Norman pero ang totoo, dahil sa bisyo."Talaga bang nagkasakit ka lang?" sarkastikong singit ni Vin dito kaya pinanlakihan siya nito ng mata na ibig iparating na manahimik siya.Tumango na lang si Frederico bilang tugon sa sinabi nito ngunit ang totoo halata niya naman na nagbibisyo ang lalaki at laking pasalamat niya, hindi ito sinagot ng apo niya."Kamusta na po si Cally, Sir? May boyfriend na po ba siya? O asawa?" tanong ni Norman na tila interesado pa rin sa dalaga hanggang ngayon."Ikakasal na ang apo ko, she has a fiance," sagot ni Frederico at kahit single man ang apo niya hindi naman siya papayag na manligaw
"Kamusta pare? Ngayon ka na lang ata ulit napabisita rito sa Club Solitas?" tanong ni Jared na kakilala ni Vin na member din ng club."Busy eh, pati may kasama ako gusto ko lang siyang i-tour. This is Mr. Del Silvia, he is the owner of Y.C Empire," pakilala ni Vin kay Don Frederico kaya agad nitong inabot ang kamay upang makipag-shake hands."It's my pleasure to meet you Sir, I'm Jarred Quintal, hindi ko akalain dito ko makikita ang beteranong business man na laman din palagi ng news," nagagalak na pakikipagkilala nito sa matanda."It's nice to meet you too, hijo," sabi ni Don Frederico sabay nagbitaw na ang kanilang mga kamay."Sir, hindi po ba may maganda kayong apo? May boyfriend na po ba siya? Baka p'wede—" hindi na naituloy nito ang sanang sasabihin nang putilin siya ni Vin."She's taken," maagap na sabi ni Vin kaya napakamot na lang ito sa ulo at lihim naman natawa ang Don."Taken na nga apo ko, kaya pasensya ka na," sagot ng matanda kaya ngumiti na lang ito ng mapakla dahil sa
"Bihis na bihis kayo Lolo ah, saan ang punta?" tanong ni Cally nang maabutan niya ito sa living room habang nagbabasa ng magazine."May lakad kami ni Vin ngayon, hindi ba niya nasabi sa 'yo?" tanong ni Frederico na ipinagtaka ng dalaga."Wala naman siyang nababanggit kahit na magkasama kami kahapon," sagot ni Cally."Ngayon niya ako naisipang dalhin sa club na pagmamay-ari niya—este ng kaibigan niya para doon kami mag-golf," sabi ng matanda sabay napakamot sa ulo dahil ang alam niya ay hindi pa alam ng apo niya kung sino talaga ang binata."Alam ko na ang totoo Lolo, so stop denying it. Kay Vin na club 'yon hindi sa kaibigan niya," sabi ni Cally na ikinabigla nito."Alam mo na? Sinabi niya sa 'yo?" naguguluhan tanong ni Fredrico ngunit inilingan lang siya nito at bumuga ng hangin."I discovered it by myself, hindi naman ako mangmang para hindi mahalata kung anong meron sa lalaking 'yon, nakakatampo lang na sa inyo sinabi niya, sa akin hindi," sagot ni Cally sabay crossed arms."Ikaw na