"I accidentally heard your conversation... " kiming sagot ng estranghero kay Cally sabay napahawak sa batok.
"You accidentally heard our conversation?" pag-uulit ni Cally sabay lumingon sa likuran niya kung saan kaninang nakaupo ang lalaki."Yes, and I'm really sorry," hinging paunmanhin ng estranghero na parang pinagsisisihan nito ang nagawang pakikinig.Dumako naman ang tingin ni Cally sa kaibigang si Ellise na may nakapaskil na kakaibang ngiti sa mukha na para bang may kakaibang natakbo sa isipan nito na hindi niya mawari. Akmang magsasalita na sanang muli si Cally nang maunahan siya ni Ellise."Wala 'yon Kuyang pogi! Halika maupo ka rito at baka gusto mo pa malaman ang iba pang kabuuang detalye ay willing naman kaming sabihin sa 'yo lahat!" sabi ni Ellise sa estranghero na tila ba excited.Dali-daling kumuha ng isa pang silya si Ellise at inilagay sa tabi ng estranghero at sapilitan niyang pinaupo ito sabay kindat niya kay Cally at hindi ito makapaniwalang tiningnan siya."So, let's talk with this beautiful creature," sabi ni Ellise habang titig na titig sa estranghero na siyang ikinasalubong naman ng kilay ni Cally."So, bakit ka nga nakikinig sa usapan namin kanina ng kaibigan ko?" seryosong tanong ni Cally sa estranghero habang pinagmamasdan itong mabuti."Because... uhm... " tanging 'yun lang ang naisagot ng estranghero na para bang nahihiya ito."Because?" naiinip na tanong ni Ellise kaya si Cally na ang sumagot para sa estranghero."Because, he is interested. Obvious namang interesado siya dahil hindi niya tayo lalapitan kung hindi," maarteng sabi ni Cally."Tingnan mo nga naman ang pagkakataon, tayo na nilalapitan ng solusyon sa problema!" sabi ni Ellise habang hindi pa rin mapalis ang titig niya sa estranghero."Baka matunaw na 'yung tao kakatitig mo!" mataray na sita ni Cally sa kaibigang si Ellise at inirapan lang siya nito."Ang pogi kasi niya oh! Perfect na perfect para sa 'yo!" hayagang puri ni Ellise sa estranghero na siyang ikinailing ni Cally."Let's take it seriously. So, tama nga ba ako na interesado ka sa pinag-uusapan namin kanina nitong kasama ko?" tanong ni Cally nang muli niyang balingan ang estranghero."Yes," walang pagdadalawang isip na sagot ng estranghero habang diretsong nakatingin sa mga mata ni Cally.Ilang sunod na napatikhim si Cally para iwaksi ang atraksyon na kanyang nararamdaman sa mga oras na 'to dulot ng presensya ng lalaki."Simula ba umpisa ng pag-uusap namin ay nakikinig ka na?" muling tanong ni Cally habang nakikipag-titigan dito. "Yes, I heard your whole conversation from the very beginning and I must say that you're too desperate to meet your grandfather's expectations," sagot ng estranghero."Ohh... wow. Talaga ngang nakinig siya at inintindi niya. Hindi ka rin chismoso, ano?" pamimilosopo ni Ellise na siyang pagak na ikinatawa ng lalaki."Nagkataon lang talaga at saktong kailangan ko rin ng pera," sabi ng estranghero na siyang ikinatahimik ng paligid.Nagkatinginan sina Cally at Ellise na tila ba nagkakaintindihan na sila sa mga sandaling ito."What's your name?" tanong ni Cally sa estranghero na may kaseryosohan na."I'm Vin Lycan Delvarra," pakilala ni Vin sa kanyang sarili na ikinatigil ni Cally dahil sa nabanggit nitong apilido."Woah! Bagay na bagay sa 'yo ang buo mong pangalan, parang tunog ma-impluwensyang tao," namamanghang sabi ni Ellise."Your surname... parang familiar sa 'kin," naningkit ang mga matang sabi ni Cally habang tila nag-iisip."Marami akong ka-apilido Ma'am. Kaya hindi imposibleng narinig mo na 'yon kung saan," sabi ni Vin ngunit duda pa rin si Cally."Kaya nga! Naku, hayaan mo 'yang si Cally. Ang dami-dami diyan na magkaka-apilido kaya familiar para ka sa kanya," sabi ni Ellise kay Vin."Kailangan pa ba namin magpakilala sa 'yo? Mukang alam mo na ata dahil kanina ka pa nakikinig sa 'min," pag-iiba ni Cally."Ah, yes. I already know your names, you are Cally and this is your friend Ellise," sabi ni Vin sabay turo sa kanilang dalawa."Hindi ka lang gwapo ano? Matalas din ang memorya mo at tutok ka rin sa mga detalye," puri ni Ellise kay Vin sabay napahawak lang ito sa batok na tila nahihiya pa rin."Shy type ka?" tanong ni Cally nang mapansin niya ang panaka-nakang kilos nitong mga kilos na nagpapakita ng pagkamahiyain."Uhm, sorry, ganito lang talaga ako kapag may bago akong nakikilalang babae," sagot ni Vin."Sabihin mo nga, anong tingin mo sa 'kin?" wala sa loob na tanong ni Cally kay Vin dahil naaaliw siya rito."Yung totoo?" Well, kung titignan muka kang insensitive na tao at walang pakialam sa iba," diretsuhang sagot ni Vin na ikinagulat ni Cally at Ellise."What did you say?!" hindi makapaniwalang tanong ni Cally kay Vin gamit ang mataas niyang boses.Hindi ito ang inaasahan niyang isasagot ng lalaki sa kanya kaya pakiramdam niya bigla siyang na-offend sa sinabi nito. Ang akala niya pupurihin siya nito sa panlabas pero parang pinersonal siya nito."Ays! Bakit mo 'yun sinabi?? pabulong na sita ni Ellise kay Vin sabay natampal ang sariling noo."Tinanong mo ako kung anong tingin ko sa 'yo kaya sinabi ko kung anong totoong nasa isip ko. May mali ba doon?" pangangatwiran ni Vin kay Cally na siyang ikinailing naman ni Ellise at napakagat labi na lang.Mariin na lang na napapikit si Cally at pilit niyang pinapakalma ang sarili dahil nasa public place sila. Ayaw niya gumawa ng iskandalo kahit gusto niya pagwalaan ito."Nandito ka ba para mag-apply na maging groom ko o para pakuluin lang ang dugo ko?" nagtitimping tanong ni Cally."Pasensya na, sinagot ko lang naman po ang tanong niyo sa 'kin. H'wag ka sanang magalit," sagot ni Vin sa maamo niyang mukha.Ganu'n na lang ang pagtataka ni Cally sa sarili dahil parang magic na bigla na lang humupa ang inis niya kay Vin nang mapatitig siya sa makisig nitong mukha."Fine, let's go back to our topic," sabi ni Cally sa kalmado niya nang boses na ikinapagtaka naman ni Ellise.Hindi nakaligtas sa paningin ni Ellise ang ikinilos ng kanyang kaibigan. Siya nga ay nahihirapang pakalmahin si Cally lalo na pag talagang nagalit na ito pero nagtaka siya nang isang beses lang na humingi ng tawad si Vin ay kaagad din humupa ang galit niya."Willing ka bang pakasalan ako kahit na niisang kusing ay wala kang magiging hati mula sa wealth and properties na meron ang pamilya ko?" tanong ni Cally.Kailangan ni Cally na makasigurado siyang wala interes si Vin sa yaman niya at sa yaman ng pamilya nila dahil unang-una sa lahat, hindi naman sila papasok sa relasyon ng totoong mag-asawa."Willing akong pakasalan ka, hindi dahil mayaman ka o sa yaman ng pamilya mo. Pakakasalan kita dahil alam kong kailangan mo 'ko," sabi ni Vin na siyang ikinatili ni Ellise."Ano ba kayo?! Totohanin niyo na kaya! Bagay kayo! Para akong nanunuod ng romance sa television! Ewan ko lang kung hindi pa siya magustuhan ng Lolo mo!" eksaheradang sabi ni Ellise na may pag-tili."Tumigil ka nga Ellise! Pinagtitinginan na tayo ng mga tao kakatili mo at walang nakakakilig sa sinabi niya," mataray na awat ni Cally sa kaibigan na siyang ikinasimangot nito."KJ!" angil ni Ellise.Hindi na lang pinansin ni Cally si Ellise at muli niya nang binalingan si Vin na muka pangang naaaliw sa nangyayari."Mabuti at nagkakaintindihan tayo, Mr. Delvarra," seryosong sabi ni Cally kay Vin."Sabihin niyo lang sa 'kin kung anong mga Do's and Don'ts para maiwasan ang aberya," sabi ni Vin na siyang ikinangiti ni Cally.Sa tingin ni Cally ay mukang professional ito pagdating sa trabaho kaya naman mas lalo siyang nagkaroon ng dahilan para tanggapin itong maging groom."Let's discuss first about your monthly salary, ikaw na ang bahala kung magkano ang gusto mo. Name your price," sabi ni Cally na siyang ikinatikhim ni Vin at sandaling nag-isip."Mahal ang talent fee ko Ma'am, pero dahil ako mismo lumapit sa inyo ay bababaan ko," sabi ni Vin na ikinataas ng kilay ni Cally."So, ikaw pa ang nag-o-offer ng discount sa service fee mo dahil sa tingin mo baka hindi ko afford, ganu'n ba?" naniningkit ang mga matang tanong ni Cally sa lalaki."Wala po akong sinasabing hindi niyo ako afford Ma'am," pagdadahilan ni Vin na mas lalong ikinasalubong ng kilay ni Cally."Magkano ka ba? Sabihin mo na, h'wag ka nang mahiya," tanong ni Cally na siyang ikinangiti bigla ni Vin.Kanina pa naaaliw si Vin sa magandang mukha ni Cally lalo na kapag nakikita niya na nagtataray ito at sa tingin niya mas lalo itong gumaganda kapag nagagalit."Serbisyo ko po ba ang gusto niyong bayaran o ako na mismo?" malamang tanong ni Vin.Hindi naman inaasahan ni Cally ang naging tanong ni Vin. Samantala, kilig na kilig naman si Ellise habang nanunuod sa kanila."Your service! Idiot!" gigil na sagot ni Cally."Relax lang Cally, wala pa nga, LQ na kaagad?" awat ni Ellise sa kaibigan nang makita niyang galit na naman ito."Saka na po kaya natin pag-usapan kung magkano ang ibabayad niyong halaga sa serbisyo ko?" patanong na sabi ni Vin na siyang ipinagtaka ni Cally at Ellise.Nagkatinginan ang magkaibigan dahil ang ang akala nila ay desperado ito sa pera kaya ito lumapit sa kanila kanina."Ang akala namin ay kailangan mo na agad ng pera kaya ka biglang lumapit sa 'min para lang mag-apply bilang groom ng kaibigan ko?" nagtatakang tanong ni Ellise kay Vin."Yes, kailangan ko nga. Pero may policy akong tinatawag pagdating sa serbisyo ko at 'yun ay trabaho muna bago bayad," sabi ni Vin gamit ang pormal niyang boses.Kasalukuyang nasa sasakyan sina Vin at Cally na pagmamayari ni Ellise na siya namang kasalukuyang nagmamaneho ng kotse."Ano bang next plan?" tanong ni Ellise kay Cally habang abala siya sa nagmamaneho."Sa ngayon pumunta muna tayo sa condo mo para pagusapan ang susunod nating gagawin. Hindi pa kasi natin p'wedeng ipakilala agad si Vin kay Lolo dahil siguradong magtataka 'yon kung saan lupalop ko siya nakuha," sagot ni Cally sa kaibigan."May point ka, siguradong magtataka ang Lolo mo dahil kahapon lang naman kayo nag-usap tapos biglang may ipapakilala ka na kaagad sa kanya ngayon," pagsangayon ni Ellise.Bumaling si Cally kay Vin na tahimik lang sa buong biyahe habang nakatanaw sa bintana ng sasakyan. Nagulat pa ito nang humarap siya kay Cally at nahuli niya itong titig na titig sa kanya."Kaloka ka, ikaw pa talaga 'yung nagulat sa mukha ko??" mataray na tanong ni Cally kay Vin na siyang ikinahagikgik nito."Sorry, kasi naman titig na titig ka sa 'kin, pakiramdam ko parang gusto mo n
Kasalukuyang nakaupo sina Vin at Cally sa magkabilang sofa ng living room ng condo ni Ellise. Umalis sandali si Ellise dahil bigla itong nagkaroon ng urgent meeting sa trabaho kaya ang naiwan lang ay sina Vin at Cally."First, I need you to sign this," utos ni Cally kay Vin sabay iniabot niya rito ang isang papel na naglalaman ng mga kasunduan.Sandali munang binasa ni Vin ang nakasaad sa papel at biglang nangunot ang noo niya nang may mabasang bawal sumama o makipagkita sa kahit na sinong ibang babae."What's this?" kunot noong tanong ni Vin."Ang alin?" tanong din ni Cally."Bawal ako makipagkita sa ibang babae?" patanong na sagot ni Vin na tila naguguluhan."Yes?" patanong na sagot ni Cally."Bawal ako makipagkita sa ibang babae kahit na peke lang naman ang magiging relasyon natin?" tanong ni Vin na tila hindi siya sangayon."Of course! What did you expect? Nakalimutan kong sabihin na ang isa sa mga kailangan sa pagiging groom ko ay dapat single ka at wala kang sabit," sagot ni Call
"Baby after marriage??" hindi makapaniwalang tanong ni Vin kay Cally at hanggang ngayon hindi pa rin nagsi-sync in sa utak niya ng maayos ang sinabi nito."Bakit gulat na gulat ka? We are now talking about possibilities, so, what did you expect?" tanong ni Cally na parang isang normal na bagay lang 'yon para sa kanya."Sandali lang. Wala naman sa kontrata natin na aanakan kita after marriage, kasi nga peke lang ang magiging pagsasama natin kaya bakit bigla mo na lang ipinasok ang tungkol sa pagkakaroon ng baby?" sabi ni Vin na may kalituhan.Unti-unting sumilay ang nakakalokong ngiti sa mukha ni Cally hanggang sa tuluyan na itong humagalpak ng tawa habang sapo niya ang tiyan at mayamaya rin ay tumigil na ito at hilam ang luha niyang tumingin kay Vin."You're so funny! Nagbibiro lang naman ako! Anong akala mo talagang hahayaan kitang anakan mo 'ko? Kung nakita mo lang sana ang reaksyon ng mukha mo kanina para kang hindi mapakali at seryosong-seryoso, damang-dama ko pa nga yung pagiging
"Cally, kamusta ang lakad mo?" tanong ni Frederico sa kanyang apo na kadarating lang."It goes well naman po Lolo, worth it ang maghapon ko," sagot ni Cally at pasalampak siyang naupo sa mahabang sofa ng study room nito."You look exhausted, young lady. Ano bang nilakad niyo ng kaibigan mong si Ellise at napagod ka?" panguusisa ni Fredrico sa apo."H'wag niyo nang alamin Lolo, ma-stress ka lang sa life," sabi ni Cally para ilihis sa kanya ang usapan."Kapag talaga nakakasama mo ang kaibigan mong 'yon ay para kang nagiging jologs kapag kausap kita," pabirong sabi ni Fredrico kaya napasimagot si Cally."Jologs? Ang ewww naman ng term niyo," angil ni Cally na siyang ikinatawa ng pagak nito."Ika'y matulog na hija, magpahinga ka na," sabi ni Fredrico sa apo at bumalik na siya ulit sa kaninang ginagawa niya bago pa man ito dumating."Lolo, ikaw ang matulog na at matanda ka na para magpuyat sa paper works. Ipaubaya niyo na 'yan sa 'kin ako nang bahala diyan bukas," sabi ni Cally ngunit hind
"May lakad ka na naman?" tanong ni Frederico kay Cally nang makita niya itong palabas na ng mansion kaya napahinto ito at hinarap siya."Nakalimutan kong sabihin, may importante lang akong aasikasuhin Lolo," sagot ni Cally."Anong oras ang uwi mo?" tanong ng matanda."Baka gabihin ako kaya h'wag niyo na akong hintayin and I'll bring my car," sagot ni Cally.Nagtaka naman si Frederico kung bakit naisipan nitong magdala ng sasakyan kahit tamad itong mag-drive at sanay itong palaging may driver na kasama."Himala ata at mag-da-drive ka?" Nabibiglang tanong ni Frederico sa kanyang apo na mas bihis na bihis ngayon kumpara kahapon."I need some privacy, dahil may pupuntahan ako," sagot ni Cally ngunit nangunot ang noo niya nang unti-unting sumilay ang pilyong ngiti sa mukha nito."Saan ang punta? Makikipag-date ka lang ano? This is the first time na lalakad kang mag-isa na walang kahit na sinong kasama," nanunuksong tanong ni Frederico sa dalaga."Oo, Lolo. Makikipag-date ako kay Ellise," s
"Hatid na kita," prisinta ni Cally kay Vin ngunit umiling lang ito sa kanya."Hindi na Ma'am, ako nang bahala sa pag-uwi ko. Kayo nga itong inaalala ko at mag-isa lang kayong uuwi," sagot ni Vin."Don't worry, tamad lang talaga 'kong mag-maneho pero sanay naman ako," paninigurado ni Cally dito."Gusto niyo ba ako na mag-drive?" alok ni Vin ngunit umiling lang din ito sa kanya."H'wag ka nang makulit, kung ipag-da-drive mo 'ko paano ka naman uuwi? Sige nga? Saka mo na 'ko alukin ihatid pag may sarili ka nang sasakyan," sabi ni Cally kaya napakamot na lang sa ulo si Vin."Pasensya na kayo Ma'am, nakakahiya tuloy sa inyo," nahihiyang sabi ni Vin ngunit para kay Cally hindi 'yon big deal."Tsss! Sige na ihatid na nga kita kaya tara na sa parking lot," pagpupumilit ni Cally ngunit ayaw talaga ng binata."Hindi na Ma'am, hindi ako sasakay kahit na anong pilit niyo," pagtanggi ulit ni Vin kaya bumuga ng malakas na hangin si Cally.Kinuha niya ang bag niya para kunin ang kanyang wallet at kumu
"Good morning Lolo! Good morning everybody!" masayang bati ni Cally at naupo na siya harap ng hapag kainan."Mukang maganda ang gising ng apo ko ah," puna ni Fredrico nang mapansin niyang hindi mapalis ang ngiti sa mukha ni Cally."It's just a normal day Lo, nasa mood lang ako today," sabi ni Cally at nag-umpisa na siyang kumain.Nakangiting pinagmamasdan ni Frederico ang kanyang apo habang maganang kumakain at ngayon lang ito gumising nang maganda dahil madalas madalas itong masungit."Stop staring at me Lolo, kumainkayo diyan. Hindi naman kayo mabubusog sa panunuod sa 'kin," sabi ni Cally habang patuloy lang sa pagkain."Natutuwa lang kasi ako dahil ngayon lang kita nakitang ganiyan," puna ni Fredrico."Kailangan ko ng positive vibes ngayong araw dahil start na ulit ako sa work at siguradong magiging busy at pagod na naman ako sa susunod na mga linggo," paliwanag ni Cally."May dalawang linggo ka ring nag-leave, siguradong na-miss ka ng mga empleyado sa kumpanya," sabi ni Frederico n
Papunta sina Cally at Ryan sa isang kilalang restaurant para makipag-meet sa isa sa mga investor ng company at pagkapasok nila sa loob ay agad na nila itong nilapitan."Mr. Enriquez!" magiliw na bati ni Cally sa lalaking may katandaan na at nakipag-kamay rito."Ms. De Silvia! Lalo ka atang gumaganda," ganting bati ng investor kay Cally sabay halik nito sa ibabaw ng palad nito na lihim namang ikinaasiwa ng dalaga.Gustong matawa ni Ryan sa lihim na reaksyon ni Cally at nang tumingin ang investor ay siya namang ngiti nito ulit ng ubod ng tamis kahit na ang totoo ay hindi nito gusto ang ginawang paghalik ng matanda sa kamay niya."Kayo talaga, napaka-bolero niyo pa sa edad niyong 'yan," sabi ni Cally habang patuloy lang siya sa pag-ngiti ng pilit na kunwari ay gusto niya talaga itong kaharap.Kung hindi lang investor ang matandang si Mr. Enriquez ay hindi niya ito kakausapin dahil noon pa man hindi na talaga siya komportable sa presensya nito tuwing may meeting sila."Don't mention my ag
"Lolo... I-I'm s-sorry... I didn't mean to—" hindi na naituloy ni Cally ang sanang sasabihin niya nang putilin siya ng kanyang Lolo."No, it's okay. Tama naman ang sinabi mo hija, I was the one who's always in control of our marriage kaya nasakal na ang Lola mo sa 'kin, kaya ikaw, palagi mong ipaglalaban ang kung anong karapatan mo, para hindi dumating ang araw na parehas kayong magsisi," malungkot na sabi ni Frederico sabay tayo at tumalikod na.Naiwan mag-isang nakatulala si Cally habang nakatanaw sa papalayong pigura ng kanyang Lolo, miski siya nagulat sa sinabi niya at hindi niya intensyon sagiin ang damdamin nito.Labis siyang nilukob ng kunsensya kaya napasabunot na lang siya sa kanyang sarili sabay sandal sa sandalan ng silya, nawalan na siya ng ganang kumain kaya tumayo na rin siya para magpallt ng damit.Wala sana siyang balak pumasok ng office ngayon kahit kaka-day off niya lang kahapon, pero dahil siguradong masama ang loob sa kanya ng kanyang Lolo ay hindi muna siya magpap
Nagising si Cally mula sa masarap na tulog, bumangon siya at nag-inat ngunit nang imulat niya ang kanyang mga mata ay nagulat siya nang mapagtanto niyang umaga na pala.Ang huling natatandaan niya ay nakatulog siya sa sasakyan ni Vin kagabi habang nasa biyahe sila pauwi. Ganu'n ba siya ka-pagod kaya hindi na siya nakaramdaman ng kamalayan?Tumayo na siya at dumiretso sa banyo upang gawin ang pang-umagang routine, humarap siya sa salamin at sabay hawak sa suot niyang damit simula pa kahapon."Hindi man lang ako nakapag-linis ng katawan at nakapagpalit ng damit," sabi niya sa sarili.Agad na niyang hinubad ang suot at sumalang sa shower, may kalahating oras siyang naligo at agad na tinapos. Kinuha niya ang bathrobe at isinuot, saka siya lumabas para magbihis.Nang masigurado niyang maayos na ang sarili ay bumaba na siya ng kanyang silid para mag-breakfast. Pagkarating niya sa dining room ay agad siyang binati ng mga servant at ng kanyang Lolo."Kamusta ang naging tulog mo?" tanong ni F
"You know how to do house chores?" manghang tanong ni Cally."Of course, ilan taon din kaming magkasama ni Ryan sa iisang condo, madalas ako naiiwan palagi kaya ako ang gumagawa lahat," sagot ni Vin na ikinabigla ng dalaga kaya nanlalaki ang mga mata nitong tinapunan siya ng tingin."Magkakilala kayo ni Ryan?!" gulantang na tanong ulit ni Cally na ikinatango nito."Yes, we have known each other since we were little," pag-amin ni Vin kaya hindi ito makapaniwalang tiningnan siya."Bakit ngayon mo lang sinabi??" angil ng dalaga."For some reason, alam mo naman kung bakit. Ngayon wala na 'kong dahilan para ilihim pa, ayoko nang mag-sikreto sa 'yo," paliwanag ni Vin."Mabuting sinabi mo na hangga't maaga hindi 'yung ako pa mismong makakaalam lalo lang akong magagalit sa 'yo dahil may inililihim ka na naman sa 'kin," sabi ni Cally at kumalma na."Last na 'yan, wala na 'kong tinatago. Buong identity ko alam mo na, disorder ko alam mo na rin," pagtatapat ni Vin ng lahat."Meron pa," hirit ng
Napahinto sila sa paguusap nang biglang may mag-door bell sa labas ng condo ni Ellise kaya nagkatinginan silang dalawa."May iba ka pa atang bisitang inaasahan?" tanong ni Cally ngunit umiling lang ito."Wala, pati anong oras na," sagot ni Ellise sabay tumayo na para tingnan kung sinong nasa labas.Tiningnan niya ang intercom at laking gulat niya nang makita si Vin na matiyagang nakatayo sa labas ng pinto."Vin! Naparito ka?" Nakangiting bungad na tanong ni Ellise pagbukas niya ng pinto sabay kaway nito sa kanya."Nandito ako para sunduin si Cally," sagot ni Vin kaya nilawakan ni Ellise ang pakakabukas ng pinto para papapasukin ito."Pasok ka, nando'n siya sa may living room," pagpapatuloy ni Ellise sa binata kaya naman dumiretso na ito papasok."Nandito ang boyfriend mo, sinusundo ka na, anong oras na kasi hindi ka pa umuuwi," sabi ni Ellise nang makarating na sila sa living room kasunod si Vin.Agad namang napalingon si Cally at nanlaki ang mga mata niya nang makita si Vin sa condo
"We're getting married this week," imporma ni Cally sa kaibigan na halos ikalaglag ng panga nito."Agad-agad? Akala ko ba ayaw mo makasal? Anyare, bakit nag-iba ata ihip ng hangin? Iba 'to sa pinalano mo ah?" nabibiglang tanong ni Ellise kaya huminga ng malalim si Cally bago ito sagutin."Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa 'yo, madami kasing nangyari nitong nakalipas na mga araw, after ng pagtatalo namin ni Vin nang makalabas ako ng hospital," sagot ni Cally na ikinasalubong naman ng dalawa nitong kilay."Friend, paki-diretso ako kasi ayoko ng paligoy-ligoy eh! So, after that, ano nangyari?" inip na tanong ni Ellise habang matamang nakatitig sa mukha ng kaibigan, naghihintay ng kwento nito."Sinuyo niya 'ko at dinala sa pribadong lugar na pagmamayari ng family niya and that place was so beautiful, and... and..." sagot ni Cally na may pabitin sabay napakagat labi dahil bigla siyang nahiya nang maalala niya ang ginawa ni Vin na paghalik sa kanya nang gabing 'yon."And?" Kunot noon
Palabas na sila ng Club Solitas para sana umuwi na nang may isa na namang kakilala si Vin ang humarang sa kanila nang patungo na sila sa exit."Vin? Is that you?" may gulat na tanong ni Nat, ang lalaking minsan nang nakainitan ni Vin noon, ilan taon na ang nakakalipas."Woah, ikaw nga... Kamusta na pare? Long time no see ah?" pangangamusta nito ngunit halata kay Vin na hindi niya ito gustong makita."Ayos lang naman, ikaw ba? Kamusta ang ilegal mong negosyo? Going smooth pa rin ba?" sarkastikong tugon ni Vin at talagang sinadya niyang sabihin 'yon kahit na kasama niya ang Lolo ni Cally.Naramdaman naman ni Vin ang pagsiko ni Frederico na tila sinasaway siya nito sa paraan ng pakikitungo niya."Pasmado pa rin bibig mo kahit kailan, oo naman pre, going smooth pa rin," tila proud pang sagot nito habang nakangising loko.Dumako naman ang tingin nito sa kasama ni Vin na si Don Frederico at ganu'n na lang din ang panlalaki ng mga mata nito dahil sa gulat nang makilala ang matanda."Don Fred
"Dati po akong umakyat ng ligaw sa apo niyo, hindi niyo na po siguro ako natatandaan kasi dalawang taon na po ang nakakalipas," sagot nito kay Don Frederico."Norman? Ikaw na pala 'yan? Hindi kita nakilala. Pumayat ka ata? Nagkasakit ka ba?" may gulat sa tanong ng Don nang mapagsino niya ito."Ah, eh... o-opo nagkasakit ako eh, kaya ganito," pagsisinungaling ng lalaking si Norman pero ang totoo, dahil sa bisyo."Talaga bang nagkasakit ka lang?" sarkastikong singit ni Vin dito kaya pinanlakihan siya nito ng mata na ibig iparating na manahimik siya.Tumango na lang si Frederico bilang tugon sa sinabi nito ngunit ang totoo halata niya naman na nagbibisyo ang lalaki at laking pasalamat niya, hindi ito sinagot ng apo niya."Kamusta na po si Cally, Sir? May boyfriend na po ba siya? O asawa?" tanong ni Norman na tila interesado pa rin sa dalaga hanggang ngayon."Ikakasal na ang apo ko, she has a fiance," sagot ni Frederico at kahit single man ang apo niya hindi naman siya papayag na manligaw
"Kamusta pare? Ngayon ka na lang ata ulit napabisita rito sa Club Solitas?" tanong ni Jared na kakilala ni Vin na member din ng club."Busy eh, pati may kasama ako gusto ko lang siyang i-tour. This is Mr. Del Silvia, he is the owner of Y.C Empire," pakilala ni Vin kay Don Frederico kaya agad nitong inabot ang kamay upang makipag-shake hands."It's my pleasure to meet you Sir, I'm Jarred Quintal, hindi ko akalain dito ko makikita ang beteranong business man na laman din palagi ng news," nagagalak na pakikipagkilala nito sa matanda."It's nice to meet you too, hijo," sabi ni Don Frederico sabay nagbitaw na ang kanilang mga kamay."Sir, hindi po ba may maganda kayong apo? May boyfriend na po ba siya? Baka p'wede—" hindi na naituloy nito ang sanang sasabihin nang putilin siya ni Vin."She's taken," maagap na sabi ni Vin kaya napakamot na lang ito sa ulo at lihim naman natawa ang Don."Taken na nga apo ko, kaya pasensya ka na," sagot ng matanda kaya ngumiti na lang ito ng mapakla dahil sa
"Bihis na bihis kayo Lolo ah, saan ang punta?" tanong ni Cally nang maabutan niya ito sa living room habang nagbabasa ng magazine."May lakad kami ni Vin ngayon, hindi ba niya nasabi sa 'yo?" tanong ni Frederico na ipinagtaka ng dalaga."Wala naman siyang nababanggit kahit na magkasama kami kahapon," sagot ni Cally."Ngayon niya ako naisipang dalhin sa club na pagmamay-ari niya—este ng kaibigan niya para doon kami mag-golf," sabi ng matanda sabay napakamot sa ulo dahil ang alam niya ay hindi pa alam ng apo niya kung sino talaga ang binata."Alam ko na ang totoo Lolo, so stop denying it. Kay Vin na club 'yon hindi sa kaibigan niya," sabi ni Cally na ikinabigla nito."Alam mo na? Sinabi niya sa 'yo?" naguguluhan tanong ni Fredrico ngunit inilingan lang siya nito at bumuga ng hangin."I discovered it by myself, hindi naman ako mangmang para hindi mahalata kung anong meron sa lalaking 'yon, nakakatampo lang na sa inyo sinabi niya, sa akin hindi," sagot ni Cally sabay crossed arms."Ikaw na