"Ganito ang unang gagawin natin, makinig ka. Para kasing job hunting 'yan eh, ang kaibahan lang, tayo 'yung hahanap ng tao para pumayag sa trabahong iaalok natin," panimula ni Ellise.
Tahimik lang na nakikinig si Cally sa mga sasabihin ng kanyang kaibigan. Kilala niya ito na magaling pagdating sa mga pag-pa-plano ng kalokohan."Magpapakalat tayo ng flyers," sabi ni Ellise na ikinakunot ng noo ni Cally at tiningnan siya nito na tila naguguluhan."Flyers?" Kunot noong tanong ni Cally."Yes, flyers at ang ilalagay lang naman natin doon ay ang mga katagang: WANTED, MR. GROOM," sagot ni Ellise."Hindi ba parang masyado naman atang desperada pakinggan?" tanong ni Cally na may pagaalangan."Eh, bakit? Hindi nga ba? Desperada ka naman talaga kaya ka nga nagpapahanap ng lalaking pakakasalan kahit hindi mo pa kilala," sagot ni Ellise na may pagka-sarcastic.Napaisip bigla si Cally na may punto naman ito sa sinabi niya. Hindi man niya aminin ay muka na nga talaga siyang desperada."Kung sa bagay tama ka. O, sige agree na 'ko sa plano mo," sangayon ni Cally sa kaibigan."Good! Kasi wala akong naiisip na ibang option, kundi ito lang. H'wag kang mag-alala hndi naman tayo maglalagay ng mga details na ikakabuking mo. Kumbaga eh, anonymous type ang mangyayari," paliwanag ni Ellise na siyang sinangayunan din Cally."Sana may magka-interes, 'yung lalaking papasa naman sana sa standards ko at sa standards ni Lolo Federico," sabi ni Cally na siyang ikinatawa bigla ni Ellise."You're so funny. Syempre, magkakaroon din tayo ng screening pagdating sa mga lalaking applicants na willing magpakasal sa heiress ng Y.C Empire," naaaliw na sabi ni Ellise."Dapat lang talaga na may screening dahil hindi p'wedeng basta lalaking walang class ang pakakasalan ko," maarteng sabi ni Cally."Ay syempre! Ari-arian mo nakataya rito sis! Teka, ano nga pala plano mo sa wealth share niyo ng magiging asawa mo incase na may pumatol sa offer natin at pasok sa tipo mo?" tanong ni Ellise na ikinatigil ni Cally.Ito ang hindi agad sumagi sa isip ni Cally. Ano nga ba ang plano niya before and after the wedding?"Mabuti nabanggit mo! Wala pa akong plans! Gosh! Hindi ko ito napag-isipan mabuti!" sagot ni Cally sabay napatampal sa sariling noo."Ayan ang sinasabi eh! Mabuti at hindi pa tayo nakakahanap kung hindi ay malaki din itong problema," sabi ni Ellise na tila nag-iisip din."My properties and wealth... magiging sharable ito sa magiging asawa ko kapag nagkataon," nagaalangang sabi ni Cally."Exactly! Pero sa atin dalawa ikaw ang may alam tungkol sa mga batas-batas na 'yan eh. Pero isa lang ang sigurado ako na magiging conjugal lahat ng yaman mo," segunda ni Ellise sa kaibigan.Napagakat labi si Cally. Dahil sa kagustuhan niyang mapasaya ang kanyang Lolo Frederico hindi niya kaagad naisip ang mga p'wedeng mangyari."Mag-file na lang ako sa private attorney ko na walang makukuha sa 'kin niisang kusing ang magiging asawa ko," sabi ni Cally na siyang ikinatikhim ni Ellise."Seriously? Niisang kusing talaga? Paano kung halimbawa magka-develop-an kayo, tapos hindi sinasadyang mapahal ka na sa lalaking 'yon at bigla magbago ang isip mo p'wede pa bang baguhin ang kasulatan na 'yon?" sabi ni Ellise na siyang ikinakunot ng noo ni Cally."Naririnig mo ba ang sarili mo? Ako? Mapapahal sa taong babayaran ko ang serbisyo? Ayos ka lang?" sunod-sunod na tanong ni Cally sa kaibigan."H'wag kang magsalita ng tapos. Dahil baka mamaya bandang huli kainin mo iyang sinabi mo," sabi ni Ellise na mas lalong ikinakunot ng noo ni Cally."Ellise, for your information, scripted lang ang magiging relasyon namin! Kaya sa tingin mo paano ko ipagkakatiwala ang puso at yaman ko sa lalaking simula umpisa pa lang bayad na!" sabi ni Cally na siyang ikinatahimik ni Ellise."Kung sa bagay tama ka. So, ayan solved na ang safety ng yaman mo. Pag-usapan naman natin 'yung tungkol sa after the wedding. Ano ang magiging plano mo?" pag-iiba ni Ellise."Simple lang, I will divorce him as soon as possible at hindi na kailangan malaman ni Lolo ang tungkol sa bagay na 'yon," sagot ni Cally na siyang ikinailing ni Ellise."Lumalabas na parang naglalaro ka ng apoy pero sa huli ikaw lang din ang mapapaso," malamang sabi ni Ellise sa kaibigan.Sa totoo lang ay hindi sangayon si Ellise sa gustong mangyari ng kaibigan niyang si Cally pero dahil alam niyang ito ang tipo ng taong hindi magpapaawat ay hindi niya na lang ito kokontrahin."Kung kailangan kong gumawa ng isang malaking kasinungalingan para lang maging masaya si grandpa, gagawin ko," ayaw paawat na sabi ni Cally na siyang ikinailing ni Elise."Wala naman akong magagawa kung 'yan talaga ang gusto mong gawin. Nandito lang naman ako para tulungan ka wala rin ako sa posisyon para pigilan ka," sabi ni Ellise na may himig ng pagsuko."My grandpa almost begged me to get married as soon as possible. So, now I'm making a way to find a perfect groom for my perfect taste," sabi ni Cally."Minsan hindi rin kita maintindihan kung matino ba utak mo o may sayad ka lang talaga. Maraming namang nanliligaw sa 'yo pero niisa wala kang pinapatos, tapos ngayon nagpapatulong kang humanap ng groom, adik ka ba?" naguguluhang sabi ni Ellise na siyang ikinahagikgik lang ni Cally."Wala sa kanila ang gusto ko, miski man ako ay nagugustuhan na rin sa sarili ko kung ano ba talagang gusto kong mangyari," pag-amin ni Cally."Ano ba ang gusto mo sa isang lalaki? Bigyan mo ako ng idea," biglang tanong ni Ellise sa kanyang kaibigan."Gusto ko sa isang lalaki? Syempre 'yung ako lang din ang gusto. 'Yung tipong, Im the apple of his eyes at hindi pera ko ang habol," sagot ni Cally."Mukang mahihirapan tayo doon sa part na, hindi pera mo ang habol. Maliban na lang ba kung likas nang mayaman 'yung lalaking mapapapunta sa 'yo," sabi ni Ellise."Bakit kaya nahihirapan ako makipag-commit sa isang relasyon? You know what, It's really hard for me to deal with my own standards," reklamo ni Cally sa kanyang sarili."Ikaw na rin ang sumagot d'yan sa tanong mo. Kasasabi mo lang na ang problema sa 'yo ay 'yang standards mo," segunda ni Ellise na siyang ikinairap ni Cally."Sa tingin mo, may magka-interes kayang kumagat sa offer ko na maging groom?" tanong ni Cally sa kaibigan."Meron 'yan, sa hirap ba naman ng buhay ngayon sigurado akong may papatol d'yan basta pera ang usapan," sagot ni Ellise kay Cally."Kung sa bagay, money can buy everything," sabi ni Cally na siyang hindi sinangayunan ni Ellise."If money can buy happiness, bakit hanggang ngayon malungkot ka pa rin? Did money give you satisfaction that you're craving for?" tanong ni Ellise na ikatigil ni Cally.Nasaktan si Cally sa sinabi ng kanyang kaibigan pero hindi maitatangging tama naman ito. Ang kaso lang minsan hindi niya gusto ang pagiging prangka nito masiyado."Bakit mo naman biglang naipasok ang tungkol d'yan? Nangaano ka ba?" tanong ni Cally na tila napipikon."Sorry! Na-carried away lang ako sa naging usapan natin, kung saan-saan na kasi tayo nakarating," hinging paunmanhin ni Ellise.Inirapan na lang ito ni Cally at iwinaksi ang inis na kanyang nararamdaman para kay Ellise at pilit niyang ibinalik ang magandang mood dahil ayaw niya namang magkatampuhan pa sila ng kaibigan dahil sa maliit lang na bagay."Kalimutan mo na. So, let's go back to our topic, kailan ba tayo magpapakalat ng mga flyers?" pag-iiba ni Cally ng usapan."Gusto mo bukas na bukas rin simulan na natin, pero bago ang lahat, kailangan natin kumuha ng tao na magpapakalat ng flyers dahil hindi naman p'wede na tayo ang gumawa no'n," sabi ni Ellise."Tama ka, sige, ako nang bahala. Madali lang namang kumuha ng tao," sabi ni Cally."Iba talaga kapag mayaman, isang pitik lang napapadali na agad ang mga bagay-bagay," manghang sabi ni Ellise na may ngiti sa mukha."Hindi rin. Ikaw na nga ang may sabi kanina na hindi naman lahat ng bagay kayang bilhin ng pera," sabi ni Cally na siyang ikinatahimik naman ni Ellise."Bakit feeling ko, ako pa itong kinukunsensya mo?" tanong ni Ellise na ikinatawa ni Cally."H'wag mong bigyan ng meaning ang sinabi ko, bruha ka. Sadyang nakukunsensya ka lang talaga dahil alam mong nasaktan mo ang loob ko," Tumatawang sabi ni Cally sa kaibigan kaya natawa na rin si Ellise.Walang kamalay-malay sina Cally at Ellise na may isang estranghero na kanina pa nakikinig sa usapan nila mula sa kanilang likuran. At bigla na lang itong tumayo at lumapit sa kinaroroonan nila.Kapwa naman napahinto sina Cally at Ellise nang may lalaking estranghero ang bigla na lang lumapit sa pwesto nila. Nagkatinginan silang dalawa at parehas nag-uusap gamit ang mga mata. Dumako ang tingin ni Cally sa mukha ng lalaki ag ganu'n na lang ang naging pagkamangha niya sa taglay nitong kakisigan na ngayon niya lang nasaksihan.Napansin naman kaagad ni Ellise ang reaksyon ng kanyang kaibigan kaya naman pasimple niya itong kinalabit para bumalik ito sa katinuan dahil kita niya sa mukha ni Cally na na-star struck ito sa gwapong lalaki na bigla na lang silang nilapitan."Sino ka? Anong kailangan mo?" mataray na tanong ni Cally sa estranghero kahit na halata sa mukha niya ang labis na pagkamangha."I accidentally heard your conversation... " kiming sagot ng estranghero kay Cally sabay napahawak sa batok."You accidentally heard our conversation?" pag-uulit ni Cally sabay lumingon sa likuran niya kung saan kaninang nakaupo ang lalaki."Yes, and I'm really sorry," hinging paunmanhin ng estranghero na parang pinagsisisihan nito ang nagawang pakikinig.Dumako naman ang tingin ni Cally sa kaibigang si Ellise na may nakapaskil na kakaibang ngiti sa mukha na para bang may kakaibang natakbo sa isipan nito na hindi niya mawari. Akmang magsasalita na sanang muli si Cally nang maunahan siya ni Ellise."Wala 'yon Kuyang pogi! Halika maupo ka rito at baka gusto mo pa malaman ang iba pang kabuuang detalye ay willing naman kaming sabihin sa 'yo lahat!" sabi ni Ellise sa estranghero na tila ba excited.Dali-daling kumuha ng isa pang silya si Ellise at inilagay sa tabi ng estranghero at sapilitan niyang pinaupo ito sabay kindat niya kay Cally at hindi ito makapaniwalang tiningnan siya."So, let
Kasalukuyang nasa sasakyan sina Vin at Cally na pagmamayari ni Ellise na siya namang kasalukuyang nagmamaneho ng kotse."Ano bang next plan?" tanong ni Ellise kay Cally habang abala siya sa nagmamaneho."Sa ngayon pumunta muna tayo sa condo mo para pagusapan ang susunod nating gagawin. Hindi pa kasi natin p'wedeng ipakilala agad si Vin kay Lolo dahil siguradong magtataka 'yon kung saan lupalop ko siya nakuha," sagot ni Cally sa kaibigan."May point ka, siguradong magtataka ang Lolo mo dahil kahapon lang naman kayo nag-usap tapos biglang may ipapakilala ka na kaagad sa kanya ngayon," pagsangayon ni Ellise.Bumaling si Cally kay Vin na tahimik lang sa buong biyahe habang nakatanaw sa bintana ng sasakyan. Nagulat pa ito nang humarap siya kay Cally at nahuli niya itong titig na titig sa kanya."Kaloka ka, ikaw pa talaga 'yung nagulat sa mukha ko??" mataray na tanong ni Cally kay Vin na siyang ikinahagikgik nito."Sorry, kasi naman titig na titig ka sa 'kin, pakiramdam ko parang gusto mo n
Kasalukuyang nakaupo sina Vin at Cally sa magkabilang sofa ng living room ng condo ni Ellise. Umalis sandali si Ellise dahil bigla itong nagkaroon ng urgent meeting sa trabaho kaya ang naiwan lang ay sina Vin at Cally."First, I need you to sign this," utos ni Cally kay Vin sabay iniabot niya rito ang isang papel na naglalaman ng mga kasunduan.Sandali munang binasa ni Vin ang nakasaad sa papel at biglang nangunot ang noo niya nang may mabasang bawal sumama o makipagkita sa kahit na sinong ibang babae."What's this?" kunot noong tanong ni Vin."Ang alin?" tanong din ni Cally."Bawal ako makipagkita sa ibang babae?" patanong na sagot ni Vin na tila naguguluhan."Yes?" patanong na sagot ni Cally."Bawal ako makipagkita sa ibang babae kahit na peke lang naman ang magiging relasyon natin?" tanong ni Vin na tila hindi siya sangayon."Of course! What did you expect? Nakalimutan kong sabihin na ang isa sa mga kailangan sa pagiging groom ko ay dapat single ka at wala kang sabit," sagot ni Call
"Baby after marriage??" hindi makapaniwalang tanong ni Vin kay Cally at hanggang ngayon hindi pa rin nagsi-sync in sa utak niya ng maayos ang sinabi nito."Bakit gulat na gulat ka? We are now talking about possibilities, so, what did you expect?" tanong ni Cally na parang isang normal na bagay lang 'yon para sa kanya."Sandali lang. Wala naman sa kontrata natin na aanakan kita after marriage, kasi nga peke lang ang magiging pagsasama natin kaya bakit bigla mo na lang ipinasok ang tungkol sa pagkakaroon ng baby?" sabi ni Vin na may kalituhan.Unti-unting sumilay ang nakakalokong ngiti sa mukha ni Cally hanggang sa tuluyan na itong humagalpak ng tawa habang sapo niya ang tiyan at mayamaya rin ay tumigil na ito at hilam ang luha niyang tumingin kay Vin."You're so funny! Nagbibiro lang naman ako! Anong akala mo talagang hahayaan kitang anakan mo 'ko? Kung nakita mo lang sana ang reaksyon ng mukha mo kanina para kang hindi mapakali at seryosong-seryoso, damang-dama ko pa nga yung pagiging
"Cally, kamusta ang lakad mo?" tanong ni Frederico sa kanyang apo na kadarating lang."It goes well naman po Lolo, worth it ang maghapon ko," sagot ni Cally at pasalampak siyang naupo sa mahabang sofa ng study room nito."You look exhausted, young lady. Ano bang nilakad niyo ng kaibigan mong si Ellise at napagod ka?" panguusisa ni Fredrico sa apo."H'wag niyo nang alamin Lolo, ma-stress ka lang sa life," sabi ni Cally para ilihis sa kanya ang usapan."Kapag talaga nakakasama mo ang kaibigan mong 'yon ay para kang nagiging jologs kapag kausap kita," pabirong sabi ni Fredrico kaya napasimagot si Cally."Jologs? Ang ewww naman ng term niyo," angil ni Cally na siyang ikinatawa ng pagak nito."Ika'y matulog na hija, magpahinga ka na," sabi ni Fredrico sa apo at bumalik na siya ulit sa kaninang ginagawa niya bago pa man ito dumating."Lolo, ikaw ang matulog na at matanda ka na para magpuyat sa paper works. Ipaubaya niyo na 'yan sa 'kin ako nang bahala diyan bukas," sabi ni Cally ngunit hind
"May lakad ka na naman?" tanong ni Frederico kay Cally nang makita niya itong palabas na ng mansion kaya napahinto ito at hinarap siya."Nakalimutan kong sabihin, may importante lang akong aasikasuhin Lolo," sagot ni Cally."Anong oras ang uwi mo?" tanong ng matanda."Baka gabihin ako kaya h'wag niyo na akong hintayin and I'll bring my car," sagot ni Cally.Nagtaka naman si Frederico kung bakit naisipan nitong magdala ng sasakyan kahit tamad itong mag-drive at sanay itong palaging may driver na kasama."Himala ata at mag-da-drive ka?" Nabibiglang tanong ni Frederico sa kanyang apo na mas bihis na bihis ngayon kumpara kahapon."I need some privacy, dahil may pupuntahan ako," sagot ni Cally ngunit nangunot ang noo niya nang unti-unting sumilay ang pilyong ngiti sa mukha nito."Saan ang punta? Makikipag-date ka lang ano? This is the first time na lalakad kang mag-isa na walang kahit na sinong kasama," nanunuksong tanong ni Frederico sa dalaga."Oo, Lolo. Makikipag-date ako kay Ellise," s
"Hatid na kita," prisinta ni Cally kay Vin ngunit umiling lang ito sa kanya."Hindi na Ma'am, ako nang bahala sa pag-uwi ko. Kayo nga itong inaalala ko at mag-isa lang kayong uuwi," sagot ni Vin."Don't worry, tamad lang talaga 'kong mag-maneho pero sanay naman ako," paninigurado ni Cally dito."Gusto niyo ba ako na mag-drive?" alok ni Vin ngunit umiling lang din ito sa kanya."H'wag ka nang makulit, kung ipag-da-drive mo 'ko paano ka naman uuwi? Sige nga? Saka mo na 'ko alukin ihatid pag may sarili ka nang sasakyan," sabi ni Cally kaya napakamot na lang sa ulo si Vin."Pasensya na kayo Ma'am, nakakahiya tuloy sa inyo," nahihiyang sabi ni Vin ngunit para kay Cally hindi 'yon big deal."Tsss! Sige na ihatid na nga kita kaya tara na sa parking lot," pagpupumilit ni Cally ngunit ayaw talaga ng binata."Hindi na Ma'am, hindi ako sasakay kahit na anong pilit niyo," pagtanggi ulit ni Vin kaya bumuga ng malakas na hangin si Cally.Kinuha niya ang bag niya para kunin ang kanyang wallet at kumu
"Good morning Lolo! Good morning everybody!" masayang bati ni Cally at naupo na siya harap ng hapag kainan."Mukang maganda ang gising ng apo ko ah," puna ni Fredrico nang mapansin niyang hindi mapalis ang ngiti sa mukha ni Cally."It's just a normal day Lo, nasa mood lang ako today," sabi ni Cally at nag-umpisa na siyang kumain.Nakangiting pinagmamasdan ni Frederico ang kanyang apo habang maganang kumakain at ngayon lang ito gumising nang maganda dahil madalas madalas itong masungit."Stop staring at me Lolo, kumainkayo diyan. Hindi naman kayo mabubusog sa panunuod sa 'kin," sabi ni Cally habang patuloy lang sa pagkain."Natutuwa lang kasi ako dahil ngayon lang kita nakitang ganiyan," puna ni Fredrico."Kailangan ko ng positive vibes ngayong araw dahil start na ulit ako sa work at siguradong magiging busy at pagod na naman ako sa susunod na mga linggo," paliwanag ni Cally."May dalawang linggo ka ring nag-leave, siguradong na-miss ka ng mga empleyado sa kumpanya," sabi ni Frederico n
"Lolo... I-I'm s-sorry... I didn't mean to—" hindi na naituloy ni Cally ang sanang sasabihin niya nang putilin siya ng kanyang Lolo."No, it's okay. Tama naman ang sinabi mo hija, I was the one who's always in control of our marriage kaya nasakal na ang Lola mo sa 'kin, kaya ikaw, palagi mong ipaglalaban ang kung anong karapatan mo, para hindi dumating ang araw na parehas kayong magsisi," malungkot na sabi ni Frederico sabay tayo at tumalikod na.Naiwan mag-isang nakatulala si Cally habang nakatanaw sa papalayong pigura ng kanyang Lolo, miski siya nagulat sa sinabi niya at hindi niya intensyon sagiin ang damdamin nito.Labis siyang nilukob ng kunsensya kaya napasabunot na lang siya sa kanyang sarili sabay sandal sa sandalan ng silya, nawalan na siya ng ganang kumain kaya tumayo na rin siya para magpallt ng damit.Wala sana siyang balak pumasok ng office ngayon kahit kaka-day off niya lang kahapon, pero dahil siguradong masama ang loob sa kanya ng kanyang Lolo ay hindi muna siya magpap
Nagising si Cally mula sa masarap na tulog, bumangon siya at nag-inat ngunit nang imulat niya ang kanyang mga mata ay nagulat siya nang mapagtanto niyang umaga na pala.Ang huling natatandaan niya ay nakatulog siya sa sasakyan ni Vin kagabi habang nasa biyahe sila pauwi. Ganu'n ba siya ka-pagod kaya hindi na siya nakaramdaman ng kamalayan?Tumayo na siya at dumiretso sa banyo upang gawin ang pang-umagang routine, humarap siya sa salamin at sabay hawak sa suot niyang damit simula pa kahapon."Hindi man lang ako nakapag-linis ng katawan at nakapagpalit ng damit," sabi niya sa sarili.Agad na niyang hinubad ang suot at sumalang sa shower, may kalahating oras siyang naligo at agad na tinapos. Kinuha niya ang bathrobe at isinuot, saka siya lumabas para magbihis.Nang masigurado niyang maayos na ang sarili ay bumaba na siya ng kanyang silid para mag-breakfast. Pagkarating niya sa dining room ay agad siyang binati ng mga servant at ng kanyang Lolo."Kamusta ang naging tulog mo?" tanong ni F
"You know how to do house chores?" manghang tanong ni Cally."Of course, ilan taon din kaming magkasama ni Ryan sa iisang condo, madalas ako naiiwan palagi kaya ako ang gumagawa lahat," sagot ni Vin na ikinabigla ng dalaga kaya nanlalaki ang mga mata nitong tinapunan siya ng tingin."Magkakilala kayo ni Ryan?!" gulantang na tanong ulit ni Cally na ikinatango nito."Yes, we have known each other since we were little," pag-amin ni Vin kaya hindi ito makapaniwalang tiningnan siya."Bakit ngayon mo lang sinabi??" angil ng dalaga."For some reason, alam mo naman kung bakit. Ngayon wala na 'kong dahilan para ilihim pa, ayoko nang mag-sikreto sa 'yo," paliwanag ni Vin."Mabuting sinabi mo na hangga't maaga hindi 'yung ako pa mismong makakaalam lalo lang akong magagalit sa 'yo dahil may inililihim ka na naman sa 'kin," sabi ni Cally at kumalma na."Last na 'yan, wala na 'kong tinatago. Buong identity ko alam mo na, disorder ko alam mo na rin," pagtatapat ni Vin ng lahat."Meron pa," hirit ng
Napahinto sila sa paguusap nang biglang may mag-door bell sa labas ng condo ni Ellise kaya nagkatinginan silang dalawa."May iba ka pa atang bisitang inaasahan?" tanong ni Cally ngunit umiling lang ito."Wala, pati anong oras na," sagot ni Ellise sabay tumayo na para tingnan kung sinong nasa labas.Tiningnan niya ang intercom at laking gulat niya nang makita si Vin na matiyagang nakatayo sa labas ng pinto."Vin! Naparito ka?" Nakangiting bungad na tanong ni Ellise pagbukas niya ng pinto sabay kaway nito sa kanya."Nandito ako para sunduin si Cally," sagot ni Vin kaya nilawakan ni Ellise ang pakakabukas ng pinto para papapasukin ito."Pasok ka, nando'n siya sa may living room," pagpapatuloy ni Ellise sa binata kaya naman dumiretso na ito papasok."Nandito ang boyfriend mo, sinusundo ka na, anong oras na kasi hindi ka pa umuuwi," sabi ni Ellise nang makarating na sila sa living room kasunod si Vin.Agad namang napalingon si Cally at nanlaki ang mga mata niya nang makita si Vin sa condo
"We're getting married this week," imporma ni Cally sa kaibigan na halos ikalaglag ng panga nito."Agad-agad? Akala ko ba ayaw mo makasal? Anyare, bakit nag-iba ata ihip ng hangin? Iba 'to sa pinalano mo ah?" nabibiglang tanong ni Ellise kaya huminga ng malalim si Cally bago ito sagutin."Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa 'yo, madami kasing nangyari nitong nakalipas na mga araw, after ng pagtatalo namin ni Vin nang makalabas ako ng hospital," sagot ni Cally na ikinasalubong naman ng dalawa nitong kilay."Friend, paki-diretso ako kasi ayoko ng paligoy-ligoy eh! So, after that, ano nangyari?" inip na tanong ni Ellise habang matamang nakatitig sa mukha ng kaibigan, naghihintay ng kwento nito."Sinuyo niya 'ko at dinala sa pribadong lugar na pagmamayari ng family niya and that place was so beautiful, and... and..." sagot ni Cally na may pabitin sabay napakagat labi dahil bigla siyang nahiya nang maalala niya ang ginawa ni Vin na paghalik sa kanya nang gabing 'yon."And?" Kunot noon
Palabas na sila ng Club Solitas para sana umuwi na nang may isa na namang kakilala si Vin ang humarang sa kanila nang patungo na sila sa exit."Vin? Is that you?" may gulat na tanong ni Nat, ang lalaking minsan nang nakainitan ni Vin noon, ilan taon na ang nakakalipas."Woah, ikaw nga... Kamusta na pare? Long time no see ah?" pangangamusta nito ngunit halata kay Vin na hindi niya ito gustong makita."Ayos lang naman, ikaw ba? Kamusta ang ilegal mong negosyo? Going smooth pa rin ba?" sarkastikong tugon ni Vin at talagang sinadya niyang sabihin 'yon kahit na kasama niya ang Lolo ni Cally.Naramdaman naman ni Vin ang pagsiko ni Frederico na tila sinasaway siya nito sa paraan ng pakikitungo niya."Pasmado pa rin bibig mo kahit kailan, oo naman pre, going smooth pa rin," tila proud pang sagot nito habang nakangising loko.Dumako naman ang tingin nito sa kasama ni Vin na si Don Frederico at ganu'n na lang din ang panlalaki ng mga mata nito dahil sa gulat nang makilala ang matanda."Don Fred
"Dati po akong umakyat ng ligaw sa apo niyo, hindi niyo na po siguro ako natatandaan kasi dalawang taon na po ang nakakalipas," sagot nito kay Don Frederico."Norman? Ikaw na pala 'yan? Hindi kita nakilala. Pumayat ka ata? Nagkasakit ka ba?" may gulat sa tanong ng Don nang mapagsino niya ito."Ah, eh... o-opo nagkasakit ako eh, kaya ganito," pagsisinungaling ng lalaking si Norman pero ang totoo, dahil sa bisyo."Talaga bang nagkasakit ka lang?" sarkastikong singit ni Vin dito kaya pinanlakihan siya nito ng mata na ibig iparating na manahimik siya.Tumango na lang si Frederico bilang tugon sa sinabi nito ngunit ang totoo halata niya naman na nagbibisyo ang lalaki at laking pasalamat niya, hindi ito sinagot ng apo niya."Kamusta na po si Cally, Sir? May boyfriend na po ba siya? O asawa?" tanong ni Norman na tila interesado pa rin sa dalaga hanggang ngayon."Ikakasal na ang apo ko, she has a fiance," sagot ni Frederico at kahit single man ang apo niya hindi naman siya papayag na manligaw
"Kamusta pare? Ngayon ka na lang ata ulit napabisita rito sa Club Solitas?" tanong ni Jared na kakilala ni Vin na member din ng club."Busy eh, pati may kasama ako gusto ko lang siyang i-tour. This is Mr. Del Silvia, he is the owner of Y.C Empire," pakilala ni Vin kay Don Frederico kaya agad nitong inabot ang kamay upang makipag-shake hands."It's my pleasure to meet you Sir, I'm Jarred Quintal, hindi ko akalain dito ko makikita ang beteranong business man na laman din palagi ng news," nagagalak na pakikipagkilala nito sa matanda."It's nice to meet you too, hijo," sabi ni Don Frederico sabay nagbitaw na ang kanilang mga kamay."Sir, hindi po ba may maganda kayong apo? May boyfriend na po ba siya? Baka p'wede—" hindi na naituloy nito ang sanang sasabihin nang putilin siya ni Vin."She's taken," maagap na sabi ni Vin kaya napakamot na lang ito sa ulo at lihim naman natawa ang Don."Taken na nga apo ko, kaya pasensya ka na," sagot ng matanda kaya ngumiti na lang ito ng mapakla dahil sa
"Bihis na bihis kayo Lolo ah, saan ang punta?" tanong ni Cally nang maabutan niya ito sa living room habang nagbabasa ng magazine."May lakad kami ni Vin ngayon, hindi ba niya nasabi sa 'yo?" tanong ni Frederico na ipinagtaka ng dalaga."Wala naman siyang nababanggit kahit na magkasama kami kahapon," sagot ni Cally."Ngayon niya ako naisipang dalhin sa club na pagmamay-ari niya—este ng kaibigan niya para doon kami mag-golf," sabi ng matanda sabay napakamot sa ulo dahil ang alam niya ay hindi pa alam ng apo niya kung sino talaga ang binata."Alam ko na ang totoo Lolo, so stop denying it. Kay Vin na club 'yon hindi sa kaibigan niya," sabi ni Cally na ikinabigla nito."Alam mo na? Sinabi niya sa 'yo?" naguguluhan tanong ni Fredrico ngunit inilingan lang siya nito at bumuga ng hangin."I discovered it by myself, hindi naman ako mangmang para hindi mahalata kung anong meron sa lalaking 'yon, nakakatampo lang na sa inyo sinabi niya, sa akin hindi," sagot ni Cally sabay crossed arms."Ikaw na