Home / Romance / Falling To The Arrogant CEO / CHAPTER 4         

Share

CHAPTER 4         

last update Huling Na-update: 2023-03-15 22:04:29

“Hey! Where’s my dad?”Bulyaw ng batang babae kay Loisa.

“Aba! Kay bata-bata mo pa wala kang galang ah! Hindi ka ba tinuruan ng tatay mo kung ano ang magandang asal? Bastos to ah!”Gigil na sabi ni Loisa ng nalingunan niya ang may-ari ng munting boses.

Abala sya noon sa pag-aayos ng mga folders sa cabinet nang bigla siyang sinigawan ng bata. Kaya hindi rin siya nakapagtimpi at kinagalitan niya ito. Nakapamaywang pa siyang tinaasan ng boses ang batang babae.

“Bakit mo sa akin hinahanap ang ama mo? Taguan ba ako ng tatay?”Matapang na tanong niya sa bata.

“Isusumbong kita sa daddy ko,”umiiyak ng sabi ng bata.

“E, di magsumbong ka, tawagin mo ng maturuan ko rin ng leksiyon ang konsentidor mong ama,”dagdag pa nitong sabi sa batang umiiyak.

Nasa ganon silang sitwasyon ni Loisa at ng batang babae ng halos magkasabay na dumating si Ciara mula sa stock room, samantalang si Steve naman nagmula sa opisina ni Abegail na nasa 5th floor.

“What happened baby?”Alalang tanong ni Steve sa anak ng makita itong umiiyak.

“Where’s your yaya?” Dagdag pa nitong tanong.

“She’s a monster daddy!”Sumbong ng bata kay Steve sabay turo kay Loisa.

Nanlisik ang mga mata ng among lalaki kay Loisa sa sobrang galit nya ay nilapitan niya ito at hinawakan ng mahigpit ang braso ng babae.

“What the hell you’re doing, huh?”Galit na bulong nito sa tainga ng babae.

“Ah s-sir nasasaktan po ako,”reklamo ni Loisa habang pinipilit na alisin ang kamay ng lalaki sa kanyang braso.

“Ciara bring Bianca Louise in her Tita Abegail’s office!”Galit na utos ni Steve sa kanyang sekretarya.

“Y-yes po sir,”kinakabahan ring tugon ni Ciara sa amo.

“Come baby let’s go to your Tita Abegail,”anyaya nito sa bata.

“But why, I want to see daddy,”iyak ng bata.

“Later baby ha, good girl naman si baby Bianca right?”Pag-aalo nito sa bata.

Siya namang pagdating ng yaya nitong humahangos pa, biglang nawala raw sa kanyang paningin ang bata. Kaya hinanap niya muna ito sa halos lahat ng palapag. Sasabihin niya na sana sa kanyang among lalaki ang nangyari sa bata ngunit mabuti na lang pala at dito sa opisina ng daddy nito ito nagpunta. 

 “Salamat naman ate Karen at nandito na po kayo, utos po ni sir dalhin po muna natin si Bianca Louise kay Ma’am Abegail.”Pagkasabi nito ay hinila na agad ang kamay ng yaya upang makalayo na sila sa opisina ni Steve.

Sa loob ng opisina ni Steve dinala nito si Loisa, halos pabalibag niya itong itinulak sa malabot na mahabang sofa na naroon. Napangiwi si Loisa sa sobrang sakit na nararamdaman sa kanyang braso, ngunit tiniis niya na lamang ito. 

“Now tell me, who the hell are you to let my daughter cry!?”Sigaw ni Steve kay Loisa.

“Tell me!”Sigaw nitong muli ng hindi sumagot ang babae.

“I I-m s-sorry sir, hindi ko po sinasadya na pagtaasan po ng boses kanina ang bata,”nakayukong hinging paumanhin nito sa among lalaki.

“How dare you to raise your voice to her! Ikaw ba ang ina? Don’t you know how traumatized you’ve done to my child?”Galit nitong tanong sa babae.

“Akala ko ba dalagang ina ka!”At mariing binigkas nito ang salitang “dalagang ina”.

Nasasaktan man si Loisa dahil pakiwari niya ay iniinsulto na siya ng kanyang bagong amo sa pagiging dalagang ina niya, ngunit pinilit niya na lang ding magpakumkumbaba dahil kung iisipin kasalanan niya rin naman kung bakit umiyak ang anak nito.

“Dapat alam mo kung papaano makihalubilo sa mga bata, bakit parang ang nangyari ikaw itong mukhang isip bata!?”Nanggagalaiti na sa galit si Steve.

“P-patawarin po ninyo ako sir, hindi ko po sinsadya,”nanginginig na sa takot si Loisa

Nang makita ni Steve ang nanginginig at namumutlang si Loisa tiim-baga na lamang siyang lumapit sa kanyang silya at umupo nang nakatalikod sa babae. Humugot siya ng malalim na hininga, nang pakiramdam niya na kalamado na siya ay inikot nito nang paharap ang upuan upang masilayan ang awra ng babae.

Nanginginig pa rin ang halos buong katawan ni Loisa, ang kaninang pinipigilan niyang luha ngayon ay nagpapaligsahan ng dumaloy sa kanyang makikinis na pisngi. Nasasaktan siya sa hindi magandang pagtrato dito ng kanyang amo, gayunpaman sisikapin niya pa ring maging mabuti at responsableng empleyado nito. Malaki ang maitutulong ng pasweldo nito sa kanilang mag-ina kaya kahit gaano man ito kalupit sa kanya ay kakayanin niya.

Samantala sa opisina ni Miss Abegail Monteclaro.

“Good morning po Ma’am Abegail tulungan nyo po si Miss Sanchez, kinagagalitan po siya ngayon ni sir Steve ma’am,”humahangos na sumbong ng batang sekretarya sa amo nitong babae.

“But why!?”Takang tanong ni Abegail.

“Hindi ko po sigurado ma’am kung ano po ang dahilan kasi po pumunta ako kanina ng stock room at naiwan po si Miss Loisa sa area ko po. Nang makabalik po ako, actually magkasabay kami ng dating ni sir Steve nang maabutan naming pareho na umiiyak po si Bianca Louise kaharap si Miss Sanchez na nakapamaywang po.”Mahabang detalye ni Ciara.

“Tapos po nagsumbong si Bianca kay sir Steve at tinatawag si Miss Loisa na monster,”dagdag pa nito.

“Ganon ba, nasaan si Bianca ngayon?”Tanong nito patungkol sa kanyang pamangkin.

“Nakasunod na po sila ni Ate Karen ma’am, nagmamadali po kasi akong pumunta dito pag-labas ko po ng elevator e,”turan ng sekretarya.

“Momyta!”sigaw ng tumatakbong batang babae na nakangiti ng makita nito ang kanyang Tita Abegail.

“Hello baby, how are you my little one?”Salubong nito sa pamangkin sabay halik sa pisngi nito.

Ganon din ang bata na matapos siyang halikan ay mahigpit itong yumakap sa kanyang Tita Abegail. Animo ilang taon silang hindi nagkita.

“Where is daddy baby?”Tanong niya sa pamangkin ng maibaba niya ito mula sa kanyang pagkarga.

“In his office momyta with the monster,”sumbong pa nito sa kanyang Tita.

“Oh really, there’s a monster in daddy’s office?”Kunwaring gulat niyang sabi dito.

“Yeah! A pretty monster and she made me cry,”nakasimangot pa nitong sabi.

“Oh I see, do you think daddy can defeat that pretty monster?”Nakangiti nitong tanong sa pamangkin.

Natatawa siya sa asal ng kanyang pamangkin.

“Oh my little princess, Bianca Louise, you’re just honest in your own opinion, indeed Loisa is such a pretty woman,”bulong niya sa kanyang sarili.

“Yes momyta, won’t you help daddy?”Inosenteng tanong pa nito kay Abegail.

“Of course I will help your daddy, so you better stay here and be a good girl my little Bianca. While momyta will go upstair to your daddy’s office, it’s that okay?”Malambing nitong sabi sa kanyang pamangkin.

Nang pumayag na ang bata na siya ay pupunta sa opisina ng daddy nito ay inihabilin niya kina Karen at Ciara na siguraduhing hindi hahanapin ni Bianca ang ama nito habang hindi niya pa naaayos ang problema sa pagitan nina Steve at bago nitong sekretarya.

Kumatok muna si Abegail bago pumasok sa opisina ni Steve.

“Why are you still sitting, hindi mo ba narining ang mga katok sa pinto Miss Sanchez?”Inis na sabi nito sa babae.

“S-sorry po sir,”hinging paumanhin nito sa lalaki sabay tayo upang makalapit na sa pinto.

“Stupido!”Mariing sabi pa nito.

Hindi nakaligtas sa pandinig ni Loisa ang winika ng lalaki, ngunit binaliwala nya na lamang ito. Maga na ang kanyang mata sa lihim na pag-iyak kanina. Kung seseryosohin pa nito ang masakit na salita na kakarinig niya pa lang ay malamang baka hindi niya na maibuka ang kanyang mga mata. Pinunasan niya ang kanyang pisngi saglit at inaayos ang sarili bago binuksan ang pinto.

“Hey, look at yourself what happened Loisa, ano itong nasa braso mo?”Nag-aalalang tanong nito sa babae ng makita ang mukha nitong animo’y nilunod ng kanyang mga luha, gayundin ang pasa sa braso nito.

“W-wala po ‘to ma’am Abegail, nabangga lang po ako kanina sa cabinet habang nagfi-file ng mga folders,”pagsisinungaling dito ni Loisa.

“Really, Miss Sanchez?,”dudang tanong ni Abegail sa babae.

Alam ni Loisa na hindi naniniwala ang kanyang among babae, ngunit kilangan niyang sabihin ‘yon upang hindi na lumaki pa ang gulo, sabagay siya rin naman ang may mali.

“Pambihira talaga itong lalaking ‘to,”dagdag pang wika ni Abegail sabay pasok sa loob ng opisina ng lalaki.

“What happened, Steve, pinagbuhatan mo ba ng kamay si Loisa?”Matalim ang mga mata nitong nakatitig sa pinsan habang papalapit sa lamesa ng lalaki.

“Hindi mo ba narinig ang sinabi niya, nabangga nga raw siya sa cabinet, kasalanan ko pa ngayon kung tatanga-tanga siya?”Sarkastikong tanong nito sa pinsan.

“C’mon Steve bakit ba ang init ng ulo mo sa kanya, kanina ka pang umaga ganyan ah?”Naiirita nang sabi ni Abegail sa pinsan.

“Sinong hindi maiinis sa tatanga-tanga mong empleyado? Pumili ka ng maayos Abegail, don’t tell me nag-iisa lang siyang aplikante mo?”Nakataas na naman ang boses nito.

“Are you questioning my capability in hiring people?”Hindi makapaniwalang tanong ni Abegail sa pinsan.

Biglang natauhan si Steve ng makita ang pigil na galit sa mukha ng pinsan. Oo nga naman bakit niya ba kinukwestiyon ang kakayahan ng babae sa pagtanggap ng mga bagong empleyado? In the first place ipinag-katiwala niya naman dito noon pa ang pagkuha ng mga tauhan, kaya nga ginawa niya itong head ng kanilang HR department.

“I’m sorry caz, I never meant it, what I’m trying to say is that she is not capable of being my new secretary.”Prangkang sabi nito sabay titig sa mga mata ni Loisa.

 Nakatingin rin dito si Loisa, ngunit una siyang nagbaba ng kanyang paningin. Parang hiniwa-hiwa ni Steve ang kanyang puso ng marinig ang salitang “she is not capable”.

“Hindi mo pa nga nasubukan, Steve nag-conclude ka na agad. Bakit kilala mo na ba siya?”Malumanay na nitong sabi sa pinsan.

Pagod na siyang makipagbangayan dito mula pa kaninang umaga, for the sake of Loisa pipilitin niyang magpakumbaba sa kanyang pinsan upang matanggap lamang ang babae bilang bago nitong sekretarya.

“Give me five months, Steve kung hindi talaga magiging maayos ang trabaho ni Miss Sanchez sa ‘yo by then I will transfer her to other department or worst I will be fired her. Please bigyan mo siya ng chance to prove herself.” Pagsumamo pa niya.

“Okay fine! Pero huwag mo akong sisihin kung araw-araw ko siyang bubulyawan dahil sa katangahan niya!”Mariin nitong sabi.

“If that what you wish, well hihiramin ko muna si Loisa.”Sabi nito sa pinsan na sabay tayo at isinama na rin ang bagong sekretarya sa paglabas nito ng opisina ng lalaki.

Kaugnay na kabanata

  • Falling To The Arrogant CEO   CHAPTER 5

    “Be honest with me Miss Sanchez, ano ba ang totoong nangyari?”Malumanay na tanong nito sa bagong sekretarya. Dinala siya ni Abegail sa opisina nito pagkagaling nila sa opisina ni Steve Monteclaro. Awang-awa siya sa babae, unang araw pa lang nito sa trabaho ay ang bulyaw na agad ni Steve ang pa-welcome sa kanya. “Huwag kang mag-alala Miss Sanchez hindi ko kinokonsente ang ano mang maling ginagawa ng mga empleyado ng Monteclaro Corporation, walang exemption dito kahit ang CEO pa ng kumpanya.”Seryoso niyang sabi kay Loisa. “P-pasensiya na po Ma’am Abegail, hindi ko po sinasadyang pagtaasan ng boses ang bata kanina.”Nakayukong sabi nito sa among babae. “Hindi ko rin naman po masisisi si Sir Steve na magalit po sa akin kaya huwag nyo na po siyang awayin Ma’am Abegail,”dagdag pang sabi ni Loisa. “It’s okay, ganyan talaga kami ni Steve, laging nagbabangayan. Kung minsan naman kasi ay sumusobra na siya, gaya ngayon pyshical injury na ‘yang ginawa niya sa iyo.”Sabay turo nito sa pasa na n

    Huling Na-update : 2023-03-15
  • Falling To The Arrogant CEO   CHAPTER 6

    “Inay!”Masayang salubong sa kanya ni Loyd pagpasok niya ng kanilang bakuran. Kasalukuyang naglalaro si Loyd gamit ang mga bagong biling laruan ng kanyang ninang Ysabelle. Masigla na naman ang bata sa katunayan pa nga ay nagagawa na nitong tumakbo. “Oh dahan-dahan anak baka madapa ka,”ngiting sabi nito sa bata. Nagyakap ang mag-ina na tila ilang dekadang hindi nagkita. “Kamusta ang araw ng baby ko, hindi ba naging pasaway kay nanay Marie?” Ngiting tanong nito sa bata. “Good boy po ako inay,”ngiti nitong turan sa ina. “Talaga? Nanay Marie good boy po ba si Loyd?” Kunwari hindi siya naniniwala sa bata. “Aba oo naman iha, mabait na bata naman si Loyd e, hindi siya nagpasaway kay nanay Marie.”Ngiti ring sagot nito kay Loisa. Si Nanay Marie ay ang kanilang kapitbahay na matagal ng biyuda. Mula nang nagsipag-asawa ang kanyang apat na mga anak ay mag-isa na lamang siyang naninirahan sa kanilang bahay. Doon naisipan ni Loisa na kunin ang serbisyo nitong mag-alaga kay Loyd at mag-asikas

    Huling Na-update : 2023-04-11
  • Falling To The Arrogant CEO   CHAPTER 7

    “Good morning po sir,” nakangiting bati ni Ciara sa bagong dating na amo. Kunot ang noo ni Steve na hinarap si Ciara nang mapansin nitong mag-isa pa lang ang babae sa kanyang lamesa. “Alone?”Seryoso ang mukha nitong tanong sa babae. “Ah e, sir paakyat na raw po si Miss Loisa, medyo matagal raw po kasing naka-alis ang sinsakyan niyang jeep kanina kaya po nahuli siya ng kaunti,”mahabang paliwanang ni Ciara sa kanyang among lalaki na kay aga-aga ay masungit na naman. “M-magandang u-umaga po sir,”hinihingal na bati ni Loisa kay Steve nang makita ito sa opisina nina Ciara. “How good it is in the morning Miss Sanchez?” Walang ngiti sa mukha na wika nito sa babae. “Fix yourself and follow me in my office,”dagdag pa nitong sabi. Kinakabahan na naman si Loisa, gayunpaman ay sinunod pa rin nito ang utos ng kanyang boss. Saglit niya lamang inaayos ang kanyang sarili at tinanong ang kasama kung maayos na ba ang kanyang itsura. “Okay na ‘yan Miss Loisa, maganda ka na sa ayos mo. Bilisan mo

    Huling Na-update : 2023-04-11
  • Falling To The Arrogant CEO   CHAPTER 8

    Kararating lang ni Abegail noon sa kanyang opisina ng tinawagan siya ng kanyang pinsan, hanggang ngayon natatawa pa rin siya kung papaano nagsumbong sa kanya si Steve na animo bata. “Hello may I help you?”Tanong ni Abegail sa kabilang-linya nang tumunog ang kanyang telepono. “Yes and I need a big help!”Halos pasigaw na sabi ni Steve sa pinsan. “Hey! Kaaga-aga ano ba, just calm down caz mabibingi ako niyan sa boses mo, ano bang meron at high blood ka na naman?”Pasimpleng ilag niya sa receiver ng telepono nang tumaas ang boses ng pinsan. “Why don’t you ask your new secretary nang malaman mo kung bakit nag-iinit ang ulo ko ngayon?”Tanong niya na sarkastik ang boses. “Okay fine, tell me directly what’s the problem na naman ba?”Naguguluhan niyang tanong sa pinsan. “Ang magaling mong alaga huli na nang dumating kanina at take note ha, pangalawang araw niya pa lang nagyon. Paano na lang kaya kung tumagal na siya dito baka mas malala pa diyan,”galit na sabi nito sa babae. “Relax caz,

    Huling Na-update : 2023-04-11
  • Falling To The Arrogant CEO   CHAPTER 9

    “Good morning Miss Loisa,” bati sa kanya dito ni Chesca nang mabungaran niya na itong nakaupo sa loob ng saksakyan. “Good morning din sa iyo Miss Chesca, Mang Nelson,”bati niya sa dalawa. “Magandang umaga rin sa iyo Loisa,”sagot naman ni Mang Nelson. “Naku, this time natitiyak kong hindi ka na kagagalitan Miss Loisa,” nakangiting sabi ni Chesca sa babae. “Magdilang angel ka sana Chesca,”sabad naman ni Mang Nelson. Sabay na nagtawanan ang tatlo, marami silang napag-usapan habang nasa daan lalo na ang tungkol sa buhay ni Loisa. Matagal na kasing magkakilala sina Chesca at Mang Nelson kaya halos alam na nilang pareho ang talambuhay ng bawat isa. Maaga nilang narating ang kanilang opisina, tinuruan agad ni Chesca si Loisa kung papaano ang tamang timpla ng kape para sa among magpinsan. Itinuro niya na rin dito kung ano ang dapat at hindi dapat gawin sa umaga bago dumating ang kanilang among lalaki. Lahat nang iyon ay nakalista sa maliit na notebook ni Loisa para hindi niya raw makali

    Huling Na-update : 2023-04-11
  • Falling To The Arrogant CEO   CHAPTER 10

    “Daddy why is she with us?”Tanong ng bata nang makita nito ang babae na naka-upo sa harapan ng kotse. “Because Nanny Karen was absent and daddy needs a companion to take care of you,”malambing na sagot ni Steve. Namangha si Loisa sa kalambingan ng mag-ama, tama pala ang sabi ng mga taong nakapaligid sa kanya na sadyang mabait ang kanyang among lalaki. Marahil labis itong nalulungkot sa pagkawala ng asawa kaya nga siguro laging mainit ang ulo nito. “Again, Loisa you’re out of your mind!?”Pigil ang galit nitong halos pabulong niyang sabi sa babae. “Ha ah e, pasensiya po sir may na-alala lang po ako,”nakayuko niyang sabi sa amo. Malamang kung wala ang bata nag-eechoe na dito sa loob ng kotse ang boses ng lalaki, naisip niya na rin tuloy na sana lagi siyang kasama ni Bianca nang sa gayon makakaiwas siya sa bulyaw ng ama nito. “Is she deaf, daddy why she’s not answering my question?”Takang tanong ng bata sa ama. “Oh no baby, she’s not a hearing impaired person. But I don’t know why

    Huling Na-update : 2023-04-11
  • Falling To The Arrogant CEO   CHAPTER 11

    Limang buwan na ang lumipas halos lahat ng trabaho ni Ciara ay gamay na ni Loisa, kung minsan meron pa rin namang mga araw na nakakatikim pa rin sila ng galit mula sa kanilang boss na lalaki. Kahit kinakabahan pa rin ay pinipilit ni Loisa na maging maayos ang bawat resulta ng kanyang trabaho. “Miss Loisa kamusta nga pala ang lunch meeting ninyo ni sir Steve kay Miss Crystal Lacuesta kahapon?”Usisa ni Ciara sa kasama. “Ayon parang ewan, hindi naman ata ‘yon mahalaga palagay ko rason lang ‘yon ng babae para makita ang boss natin,”wala sa loob na sabi ni Loisa. “Ganon bah, huhulaan ko napapa-cute lang ang ginawa don ni Crystal ano?”natatawang sabi nito sa kausap. “Sinabi mo pa,”matamlay na wika nito kay Ciara. “Teka kanina ko pa napapansin may problema ka ba Miss Loisa?”Puna ni Ciara dito. “Ha, ah e, wala ito Miss Ciara, siguro napagod lang ako,”pagsisinungaling ni Loisa sa kasamahang sekretarya. “Ganon ba, kung gusto mo lumiban ka muna ngayong araw tatawagan ko lang sila Ma’am at

    Huling Na-update : 2023-04-12
  • Falling To The Arrogant CEO   CHAPTER 12

    “Wow ang ganda dito ninang!”natutuwang sabi ni Loyd. “Sabi ko sa iyo e, maganda dito, mamaya sasakay tayo ng mga horses gusto mo ba, Loyd?”Sagot naman ni Ysabelle dito. “Opo ninang, gusto ko po ‘yon,”nakangiting sabi ng bata sa kanyang ninang. “O siya, pero bago ‘yan kumain muna tayo ha, medyo malayo pala ito beshy sa atin?”Sabi naman ni Loisa sa mag-ninang. Bagong bukas ang Amusement Park sa karatig-bayan nasa halos isang oras naman ang naging biyahe nila. Hindi naman sila nahirapan sa byahe gawa ng ang sariling sasakyan ni Ysabelle ang kanilang ginamit. Dahil sa sobrang excitement ay hindi na kumain ng almusal ang bata, kahit may baon silang pagkain ay hindi na rin ito nagagalaw . Maliban sa mga naggagandahang kulay na pwedeng sakyan sa park ay meron ring maraming mga booth ng snack food na pwedeng pagpilian, meron ring restaurant at picnic area. “Anong gusto ninyong kainin Nanay Marie, beshy at ikaw din bulilit,”tanong nito sa anak ng napansin niyang wala sa kanya ang atens

    Huling Na-update : 2023-04-12

Pinakabagong kabanata

  • Falling To The Arrogant CEO   CHAPTER 101

    “Hello, Ciara si Kimberly ‘to,” bati ni Kimberly sa kasamahan.“Milagro anong nakain mo at tinawagan mo ako?” Masungit pa na sagot ni Ciara.“Pwede ka bang maka-usap saglit?” Tanong naman ng babae.“Anong meron at nakuha mong pag-aksayahan ako ngayon ng panahon?” Pagtataray pa rin ni Ciara.“Please, Ciara hindi ito ang tamang panahon para mag-asaran tayo,” sabi naman ni Kimberly. “Oh siya, bilisan mo ang sasabihin mo,”sabi ni Ciara.“Nasaan ka ba ngayon, Cia?” Tanong ni Kimberly.“Huwag mo ng alamin, sabihin mo na kung ano ang gusto mong sabihin,” irritable ng sabi ni Ciara.“Importante kasi itong sasabihin ko sa ’yo gusto kong malaman kung saan ang lokasyon mo?” Paliwanag pa ni Kimberly.“Kung hindi ka magsasalita puputulin ko itong tawag mo,” inis ng sabi ni Ciara kay Kim.“Magsasalita na ako, pero sana atin-atin lang ito, Ciara kasi,”nanginginig pang sabi ni Kimberly.“Ano bang kadramahan mo, napipikon na ‘ko sa ‘yo Kimberly ah,”galit na sabi ni Ciara.“Kalma ka lang kasi ganito

  • Falling To The Arrogant CEO   CHAPTER 100

    Dali-daling bumalik si Kimberly sa kanilang opisina upang kausapin sana ang kanyang among babae na si Abegail. Subalit hindi na pala ito pumasok nang araw na iyon.Sinubukan niyang tawagan ang babae sa telepono ngunit hindi nya na rin ito matawagan.Umupo siya sa kaniyang cubicle at binuksan ang computer, sa isang ticketing website nagmamadali siyang makapag-book ng ticket papuntang Negros.Ngayon niya lang napagtanto na hindi pala kakayanin ng kanyang konsensiya ang masamang balak ni Crystal para sa mag-ina ng kanyang among lalaki na si Steve Monteclaro.“Buti na lang nakahabol pa ako, salamat naman at hindi matraffic,” masayang bulong ni Kimberly sa sarili.Nakalimutan niya palang itanong kay Arnel kung saang barangay sa nayon ng Negros ang bahay nina Loisa.“Arnel,” banggit niya sa pangalan ng lalaki na nasa kabilang-linya.“Napatawag ka ah, di ba bago lang tayong nag-usap na miss mo ko agad?” Nakangiting biro pa ni Arnel.“Tumigil ka nga, may nakalimutan lang akong itanong,” sabi

  • Falling To The Arrogant CEO   CHAPTER 99

    “Talaga nga namang kagwa-gwapo nitong mga anak ni Steve,” bulong ni Crystal sa sarili.Halos isang linggo na siyang nasa Pilipinas at kasalukuyan niyang pinagmamasdan ang larawan ng mga munting anghel nina Steve at Loisa.Mag-lilimang taon na ang mga kambal at mahabang panahon na rin na nangungulila si Steve sa mga anak nito.“Sa palagay ko Loisa sapat na ang limang taon upang makasama mo ang mga anak ni Steve,” nakangiting sabi ni Crystal habang pinagmamasdan ang larawan ng mag-ina.“Napapanahon na na ako na naman ang mga-aalga sa mga bata upang tuluyan ng mapapasa-akin si Steve,” dagdag pa nitong sabi.Dinampot niya ang teleponong nasa ibabaw ng lamesa.Si Arnel ang tumatawag na nasa kabiling-linya.“Siguraduhin mong maganda ang ibabalita mo sa akin,” mataray na sabi ni Crystal sa taong inutusan niya upang maigawa nila ang masamang balak para sa kambal.“Magandang araw po, Ma’am Crystal huwag po kayong mag-alala plantsado na po ang lahat,” nakangising sabi ng kausap.“Mabuti naman k

  • Falling To The Arrogant CEO   CHAPTER 98

    “Ok seryoso, kamusta ka na at ang mga bata?” Tanong ni Miguel kay Loisa.“Okay lang kami, Miguel huwag kang mag-alala,” sabi naman ng babae.“Hindi ka ba nahihirapan sa preparasyon, ang mga kambal hindi ba pasaway sa’yo?” Nag-aalalang wika ni Miguel.Natawa tuloy si Loisa sa mga pinagsasabi ng kaibigan.“Ano ka ba Miguel, kung makapag-alala ka parang ikaw ang ama ng mga anak ko,” sabi pa ni Loisa.“Pwede naman ‘yong ganon di ba, ang maging ama ng mga anak mo,”seryosong wika ng binata.“Naku, Miguel alam kung abala ka diyan sa trabaho mo, pag pasensiyahan mo na ang panganay ko kung na-istorbo ka niya,” iwas ni Loisa sa kanilang usapan.Noong umpisa pa silang magkakilala ni Miguel ay hindi na lingid sa binata kung ano ang totoong nararamdaman niya dito. At alam ‘yon ng binata na hanggang pakikipag-kaibigan lang talaga ang kayang ialay sa kanya ni Loisa.“Wala ‘yon alam mo naman na kahit anong oras ay handa akong pag-alayan kayo ng panahon,” sabi ng attorney kay Loisa.“Alam namin ‘yon a

  • Falling To The Arrogant CEO   CHAPTER 97

    “Sa palagay mo may kinalaman ba sa babaeng mahal ko ang biglaang pag-uwi ni Crystal diyan sa Pinas?” Seryosong tanong ni Steve kay Miguel.“Hindi natin masabi ‘yon bro kasi di ba artista ang kasintahan mo, malamang marami siyang inaasikasong mahahalagang transaksiyon din dito,” sagot naman ng attorney.“Hindi ko siya totoong kasintahan, alam mo ‘yan Miguel,”inis sa boses ang namutawi mula kay Steve.“Kalma bro biro ko lang ‘yon,” natawa pang sabi ni Miguel.“Puwes hindi nakakatawa,”sabi naman ni Steve.“Okay, sorry na,” hinging paumanhin ni Miguel.“Anyways, mabalik tayo sa usapan gusto mo bang sabihan ko na ang grupo na pasundan si Crystal?”Tanong ni Miguel sa kaibigan.“Gawin mo ang nararapat,”simpleng sagot naman ni Steve.“Okay ako na ang bahala,”sabi ni Miguel.“Kapag totoo nga ang hinala ko sa ikinikilos ni Crystal at kung meron ka ng maibigay sa akin na magandang solusyon saka lamang ako papayag sa hiling mo,” sabi naman ni Steve.“Bro, naman parang unfair ‘yata ‘yon,” birong-r

  • Falling To The Arrogant CEO   CHAPTER 96

    “Abegail, papunta ng Pilipinas si Crystal today sabi ng mama,” balita ni Steve sa pinsan pagkarating niya ng opisina.Mula ng malaman niya sa ina ang pagluwas ng babae sa Pilipinas ay hindi na siya napakali kung kaya agad niyang tinawagan ang pinsan.“Oh, really akala ko ba two weeks from now pa ‘yong byahe ninyo papunta dito?”Nagtataka namang tanong ni Abegail.“’That’s as far as I know, ewan ko ba kung ano ang nakain ng babaeng ‘yon at iniba niya ang plano,” nalilitong sabi ni Steve sa pinsan.“Hindi ko nga maintindihan kung bakit biglang sabihin niya kay mama na luluwas siya ng Pinas today?” Dagdag niya pang sabi.“Hindi ba kayo nag-usap lately?”Usisa ni Abegail sa pinsan.“Nope,” maikling sagot naman ni Steve.“O di tawagan mo at itanong kung anong napasok sa kukuti nya at biglang uuwi siya dito,” bigla naiiritang sbai ni Abegail sa pinsan.“Alam mo kung hindi lang dahil sa pinaki-usapan mo akong manahimik, naku Steve sinasabi ko sa ‘yo noon pa binugbog ko na ‘yang babaeng ‘yan,”

  • Falling To The Arrogant CEO   CHAPTER 95

    Nakahanda na ang lahat ng gamit ni Crsytal pabalik ng Pilipinas, kinuha niya ang telepono sa bag upang tawagan ang ina ni Steve.“Hello po mama, good morning po,” bati ni Crystal kay Mrs. Monteclaro.Kahit nasusuka na siyang makipag-mabutihan sa ginang ay nagkukunwari pa rin siya sa pakikitungo dito para meron siyang kakampi upang mapasakanya si Steve.“Oh, iha magandang umaga rin sa ‘yo,”masayang bati rin ng ginang.“Kamusta ka na iha halos isang linggo ka nang hindi nagagawi rito sa mansiyon, nag-away ba kayo ni Steve?”Nag-aalalang tanong pa niya.“Alam n’yo naman po si Steve mama daig pa po ang babae dahil sa pabago-bago ng pagtrato niya po sa akin,” sabi ni Crystal sa ginang.“Pero huwag po kayong mag-alala ma, sanay na po ako sa ugali ng anak ninyo,” dagdag pa niyang sabi.“Pagpasensiyahan mo na muna si Steve iha, hayaan mo kakausapin ko siya ulit na maging mabait sa iyo,” sabi ng matanda.“Huwag na po kayong mag-alala mama, okay lang po sa akin na ganon si Steve,” sagot naman ni

  • Falling To The Arrogant CEO   CHAPTER 94

    “Nanay Marie, sa palagay n’yo po ay kumpleto na itong lahat na gagamitin natin para po sa kaarawan ng kambal?” Kinakabahang tanong ni Loisa sa kanyang nanay-nayan.“Naku iha meron pa tayong dalawang linggo para mailagay sa ayos ang lahat kaya huwag ka ng kabahan diyan,” nakangiting sabi ni Aling Marie.“Dahil pati ako ay natataranta sa ‘yo,” dagdag pa nitong sabi.“Hindi ko din po alam Nanay kung bakit po ako natataranta at kinakabahan hindi naman po ako ganito nong dati,” sabi ni Loisa. “Naku normal lang ‘yan iha kasi di ba nga lumalaki na ang kambal at marunong ng magtanong at maghanap,” sabi naman ni Aling Marie.“At natural lang ang nararamdaman mong kaba kasi maging hanggang ngayon ay hindi pa kayo nagkikita ni Steve,” dagdag pang sabi ng matanda.“Ilang taon na din ang lumipas iha, hindi kaya panahon na para makita at makilala ni Steve ang mga anak n’yo?” Masinsinang tanong pa ni Aling Marie kay Loisa.“Para saan pa po, Nanay ayoko pong makagulo sa pagsasama nila ng kaibigan ko

  • Falling To The Arrogant CEO   CHAPTER 93

    “Finally nahanap na rin kita, Loisa,” masayang wika ni Crystal.Matapos ibinalita ni Kimberly kay Crystal na nasa kabilang-linya ang matagumpay na paghahanap ni Arnel sa kinaroroonan ni Loisa at ng mga anak nito.“Ah, Ma’am Crystal ngayong alam n’yo na po kung nasaan si Loisa pupuntahan n’yo na po ba?” Nakangiting tanong ni Kimberly sa babae.“Nag-iisip ka ba, Kimberly saksakan ka talaga ng kabobohan, sa palagay mo ano ang gagawin ko matapos kung ipahanap sa inyo ang malanding babaeng ‘yan?!” Biglang singhal naman ni Crystal.Subrang naiinis siya sa katangahan ni Kimberly, hindi niya alam kung bakit hindi nito nagagawang pag-isipan muna ang bawat tanong na ibinabato sa kanya.“Sorry po Ma’am Crystal,” hinging paumanhin naman ng babae.“Alam mo bago ka mag-tanong sa akin kung pwede lang sana, Kimberly pag-isipan mo munang mabuti kung dapat mo bang itanong sa akin o hindi,” inis na sabi ni Crytsal sa babae.“Do you understand me, sa palagay mo bakit gumasta ako ng malaking pera para lan

DMCA.com Protection Status