“Wow ang ganda dito ninang!”natutuwang sabi ni Loyd. “Sabi ko sa iyo e, maganda dito, mamaya sasakay tayo ng mga horses gusto mo ba, Loyd?”Sagot naman ni Ysabelle dito. “Opo ninang, gusto ko po ‘yon,”nakangiting sabi ng bata sa kanyang ninang. “O siya, pero bago ‘yan kumain muna tayo ha, medyo malayo pala ito beshy sa atin?”Sabi naman ni Loisa sa mag-ninang. Bagong bukas ang Amusement Park sa karatig-bayan nasa halos isang oras naman ang naging biyahe nila. Hindi naman sila nahirapan sa byahe gawa ng ang sariling sasakyan ni Ysabelle ang kanilang ginamit. Dahil sa sobrang excitement ay hindi na kumain ng almusal ang bata, kahit may baon silang pagkain ay hindi na rin ito nagagalaw . Maliban sa mga naggagandahang kulay na pwedeng sakyan sa park ay meron ring maraming mga booth ng snack food na pwedeng pagpilian, meron ring restaurant at picnic area. “Anong gusto ninyong kainin Nanay Marie, beshy at ikaw din bulilit,”tanong nito sa anak ng napansin niyang wala sa kanya ang atens
Nasa lanai ng mansion si Steve at nagpapahinga ng hapon ding ‘yon kasama si Bianca. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit tila nami-miss niya si Loisa. Simula kasi na naging sekretarya niya ang babae ay halos araw-araw silang nagkikita. Naninibago siya ngayon ito lang yata ang araw ng sabado na hindi niya nakakasama ang babae. “Ano ba ‘tong nangyayari sa akin, why I’m miss her so much,”bulong ni Steve sa sarili. Matagal na rin ang panahon na nakadama siya ng pagkagusto sa isang babae, tatlong taon na ang lumipas nang pumanaw ang kanyang butihing may bahay. Mula ng nawala si Lina ay marami-rami rin naman siyang naging kasintahan dahil ang mga babae ang mismong lumiligaw sa kanya ngunit kahit ni isa sa kanila ay wala siyang sineryoso. Minsan na siyang nangako sa puntod ng kanyang asawa na mamahalin niya ito habang-buhay ngunit bakit ngayon parang gusto niyang laging nasa tabi niya si Loisa? Nagkakagusto na ba siya sa babae? “S—t,!This can’t be,”napabulalas siyang bigla. “Wh
“Good morning girls!”Masayang bati ni Abegail sa mga tauhan. “Good morning po ma’am Abegail,”halos magkasabay na bati naman ng dalawang babae. “Kamusta ang isang linggo ninyo dito na wala ako, hmmm?”Birong tanong ni Abegail. “Okay naman po ma’am,”nahihiya pang sabi ni Loisa. “Wala bang hindi kanais-nais na nangyari, alam n’yo na?”ngiting sabi nito na ang ibig sabihin ay ang mga bulyaw ng kanyang pinsan. “Minsan lang po ma’am pero tolerable na po,”nakangising sabi ni Ciara. “Talaga? Nakakapanibago ha, o baka inspire na naman ang pinsan ko kaya hindi na masyadong na-aaburido. Naku kailangan kung malaman kung sino na naman ang nagpapatibok ng kanyang puso,”nakangiting sabi ni Abegail na nakatingin kay Loisa. Hindi iyon nakita ng babae ang nanunuksong mga mata ng kanyang amo dahil inasikaso niya ulit ang iniutos ni Steve, ngunit nakuha naman agad ni Ciara ang ibig tukuyin ng kanilang amo kaya pinaringgan niya na rin ang kapwa sekretarya. “Ahem, palagay ko nga rin ma’am, kaso paran
Sa mini kitchen area ng opisina dumiretso si Loisa nahihiya siyang makita ni Ciara ang kanyang namumulang pisngi dahil sa ginawang paghalik ni Steve sa kanyang noo kanina. Hindi niya maitindihan ang nararamdaman sa halip na magalit ay parang natutuwa pa siya sa ginawad na halik ng among lalaki.“Bakit niya ako hinalikan sa noo at bakit kaya siya nag-request na i-accept ko siya sa I-book hindi kaya may gusto siya sa akin, Ay! Erase-erase masyado naman akong assuming,”nakangiting saway ni Loisa sa sarili.“Bakit hindi ako nagalit ng humalik siya, may gusto na ba ako kay Sir Steve?”Nahihiya pa niyang tanong sa kanyang replica sa salamin.Mahina niyang tinapik-tapik ang mga pisngi habang nakatingin sa salamin. Hanggang ngayon hindi pa rin siya makapaniwala sa ginawang paghalik ng kanyang amo sa kanyang noo. Kinikilig pa rin siya pakiwari niya nasa kanyang harapan pa rin ang lalaki. Kung ‘di nga lang siya nakapagpigil kanina baka siya na mismo ang humalik sa mga labi nito.“Ay naku ang las
Nagising si Loisa sa ingay nang nagtatawanang sina Loyd ay Nanay Marie bumangon siya agad, hindi pa man nakakalabas ng kanyang kwarto ay may narinig pa siyang isang boses ng lalaki na humalakhak din. Hindi siya maaaring magkamali halakhak iyon ng dati niyang kinakasama ang naging iresponsableng ama lang naman ni Loyd.“Bakit siya narito? Hindi kaya…”hindi na nituloy pa ni Loisa ang sasabihin dali-dali niyang sinuot ang kanyang tsinilas at mabilis na lumabas ng kanilang kwarto. “O,Loisa magandang umaga gising ka na pala? Pasensiya ka na ha nagising ka yata ng tawa namin, kasi naman itong si Roy ang galing magpatawa,”natatawa pa ring sabi ni Nanay Marie.“Inay, good morning po, hali po kayo magkuwentuhan po tayo nina itay,”masayang bati sa kanya ni Loyd habang hila ang kanyang kamay upang tumabi dito ng upo.“M-magandang umaga rin sa inyo,”tila wala sa sariling sabi ni Loisa.Nagulat siya sa presensiya ni Roy sa kanilang tahanan, hindi niya mawari kung bakit naroon ang lalaki.“Papaano
“G-good morning Miss Ciara,”hingal na bati nito sa kasama. “Good morning too Miss Loisa, napano ka para kang hinabol ng sandamakmak na kabayo ah,”natatawang sabi naman ni Ciara. “Paano ba naman kasi sinikap kong hindi mahuli sa pagpasok, lakad-takbo kaya ang ginawa ko pero talagang hindi kinaya e,”nakangiti niyang sabi kay Ciara. “Ganon ba? O siya, magmadali ka na riyan kanina pa nasa loob ng kanyang opisina si sir,”sabi nito kay Loisa. “Galit ba si sir, Miss Ciara?”kabadong tanong niya naman habang lumapit na sa kanyang pwesto. “Medyo, kasi ng dumating siya kanina nakasimangot na at salubong ang dalawang kilay ng mapansing bakante pa ito,”sabi ni Ciara sabay turo sa pwesto ni Loisa. “Siyanga pala, Miss Loisa merong ipinapahap si Sir Steve,‘yong proposal raw para kina Mr. Chua,” dagdag pang sabi ng sekretarya. “Naku, ito ng sinasabi ko, hindi ko pa nagagawa Miss Ciara, heto ‘yon oh,”sabi nito sabay angat ng folder. “Ganon ba,tiyak pagagalitan na naman tayo nito,”kinakabahan ng
“Nanay Marie, Nanay!”sigaw ni Loisa habang papasok ng kanilang bahay ng hapon ding iyon..Kanina pa siya hindi mapakali mula ng matanggap niya ang larawan ng kanyang anak kasama ang ama nito.“Nay!”ang sigaw pa rin ni Loisa.“Loisa, iha saglit lang nasa banyo pa ako,”sagot naman ng matandang babae ng marinig ang balisang boses ni Loisa.Nang makalabas na ng banyo ay hinarap nito agad nito si Loisa na kasalukuyang nasa kanilang kwarto.“Oh, iha bakit ka ba nagsisigaw, may problema ba balisa ka ah,”puna ni Nanay Marie kay Loisa.“Nanay, si Loyd po nasaan?”Tanong niya sa matanda habang patuloy pa rin ang pag-impake ng mga importanteng gamit ni Loyd.“Namasyal sila ng kanyang ama, may problema ba? Sabihin mo nga sa akin, magtapat ka iha,”kinakabahan na ring sabi ni Nanay Marie.“Nanay kilangan kung mailayo si Loyd sa ama niya ka-,”hindi na naituloy pa ni Loisa ang sasabihin ng marinig ang bati ng anak.“Inay, andito na po kami ni itay,”sigaw ng bata habang nasa bakuran pa ito ng kanilang
“Ano na naman ba ang nagyari sa Loisa’ng iyon bakit wala pa hanggang ngayon, mag aalas nuwebe na ah.”Galit na tanong ni Steve kay Ciara. “Hindi ko rin po alam sir e,”kinakabahang sagot ni Ciara. Nasa loob siya ng opisina ni Steve upang ibigay sa amo ang pinatimpla nitong kape. “Alam mo ba kung ano ang schedule ko ngayong araw?”Tanong ng lalaki. “Opo sir, for this morning po may meeting po kayo with engineering team, this afternoon naman po with finance department,”sabi ni Ciara. “Okay, sabihan mo ako kung handa na ang meeting room,”sabi ni Steve. Bumalik na si Ciara sa kanyang lamesa, doon sinubukan niyang tawagan si Loisa. Ngunit walang sumasagot sa tawag niya kaya nag-iwan na lamang siya ng mensahe dito. “Nasaan ka na ba Loisa, bakit hindi ka tumupad sa plano natin,”nag-aalalang bulong ni Ciara. Pasado sais na ng gabi nang matapos ang meeting ni Steve. Dinayal nito ang numero ng telepono sa opisina ni Ciara. “Ciara, what is my schedule for tomorrow?”Tanong ni Steve sa sekre
“Hello, Ciara si Kimberly ‘to,” bati ni Kimberly sa kasamahan.“Milagro anong nakain mo at tinawagan mo ako?” Masungit pa na sagot ni Ciara.“Pwede ka bang maka-usap saglit?” Tanong naman ng babae.“Anong meron at nakuha mong pag-aksayahan ako ngayon ng panahon?” Pagtataray pa rin ni Ciara.“Please, Ciara hindi ito ang tamang panahon para mag-asaran tayo,” sabi naman ni Kimberly. “Oh siya, bilisan mo ang sasabihin mo,”sabi ni Ciara.“Nasaan ka ba ngayon, Cia?” Tanong ni Kimberly.“Huwag mo ng alamin, sabihin mo na kung ano ang gusto mong sabihin,” irritable ng sabi ni Ciara.“Importante kasi itong sasabihin ko sa ’yo gusto kong malaman kung saan ang lokasyon mo?” Paliwanag pa ni Kimberly.“Kung hindi ka magsasalita puputulin ko itong tawag mo,” inis ng sabi ni Ciara kay Kim.“Magsasalita na ako, pero sana atin-atin lang ito, Ciara kasi,”nanginginig pang sabi ni Kimberly.“Ano bang kadramahan mo, napipikon na ‘ko sa ‘yo Kimberly ah,”galit na sabi ni Ciara.“Kalma ka lang kasi ganito
Dali-daling bumalik si Kimberly sa kanilang opisina upang kausapin sana ang kanyang among babae na si Abegail. Subalit hindi na pala ito pumasok nang araw na iyon.Sinubukan niyang tawagan ang babae sa telepono ngunit hindi nya na rin ito matawagan.Umupo siya sa kaniyang cubicle at binuksan ang computer, sa isang ticketing website nagmamadali siyang makapag-book ng ticket papuntang Negros.Ngayon niya lang napagtanto na hindi pala kakayanin ng kanyang konsensiya ang masamang balak ni Crystal para sa mag-ina ng kanyang among lalaki na si Steve Monteclaro.“Buti na lang nakahabol pa ako, salamat naman at hindi matraffic,” masayang bulong ni Kimberly sa sarili.Nakalimutan niya palang itanong kay Arnel kung saang barangay sa nayon ng Negros ang bahay nina Loisa.“Arnel,” banggit niya sa pangalan ng lalaki na nasa kabilang-linya.“Napatawag ka ah, di ba bago lang tayong nag-usap na miss mo ko agad?” Nakangiting biro pa ni Arnel.“Tumigil ka nga, may nakalimutan lang akong itanong,” sabi
“Talaga nga namang kagwa-gwapo nitong mga anak ni Steve,” bulong ni Crystal sa sarili.Halos isang linggo na siyang nasa Pilipinas at kasalukuyan niyang pinagmamasdan ang larawan ng mga munting anghel nina Steve at Loisa.Mag-lilimang taon na ang mga kambal at mahabang panahon na rin na nangungulila si Steve sa mga anak nito.“Sa palagay ko Loisa sapat na ang limang taon upang makasama mo ang mga anak ni Steve,” nakangiting sabi ni Crystal habang pinagmamasdan ang larawan ng mag-ina.“Napapanahon na na ako na naman ang mga-aalga sa mga bata upang tuluyan ng mapapasa-akin si Steve,” dagdag pa nitong sabi.Dinampot niya ang teleponong nasa ibabaw ng lamesa.Si Arnel ang tumatawag na nasa kabiling-linya.“Siguraduhin mong maganda ang ibabalita mo sa akin,” mataray na sabi ni Crystal sa taong inutusan niya upang maigawa nila ang masamang balak para sa kambal.“Magandang araw po, Ma’am Crystal huwag po kayong mag-alala plantsado na po ang lahat,” nakangising sabi ng kausap.“Mabuti naman k
“Ok seryoso, kamusta ka na at ang mga bata?” Tanong ni Miguel kay Loisa.“Okay lang kami, Miguel huwag kang mag-alala,” sabi naman ng babae.“Hindi ka ba nahihirapan sa preparasyon, ang mga kambal hindi ba pasaway sa’yo?” Nag-aalalang wika ni Miguel.Natawa tuloy si Loisa sa mga pinagsasabi ng kaibigan.“Ano ka ba Miguel, kung makapag-alala ka parang ikaw ang ama ng mga anak ko,” sabi pa ni Loisa.“Pwede naman ‘yong ganon di ba, ang maging ama ng mga anak mo,”seryosong wika ng binata.“Naku, Miguel alam kung abala ka diyan sa trabaho mo, pag pasensiyahan mo na ang panganay ko kung na-istorbo ka niya,” iwas ni Loisa sa kanilang usapan.Noong umpisa pa silang magkakilala ni Miguel ay hindi na lingid sa binata kung ano ang totoong nararamdaman niya dito. At alam ‘yon ng binata na hanggang pakikipag-kaibigan lang talaga ang kayang ialay sa kanya ni Loisa.“Wala ‘yon alam mo naman na kahit anong oras ay handa akong pag-alayan kayo ng panahon,” sabi ng attorney kay Loisa.“Alam namin ‘yon a
“Sa palagay mo may kinalaman ba sa babaeng mahal ko ang biglaang pag-uwi ni Crystal diyan sa Pinas?” Seryosong tanong ni Steve kay Miguel.“Hindi natin masabi ‘yon bro kasi di ba artista ang kasintahan mo, malamang marami siyang inaasikasong mahahalagang transaksiyon din dito,” sagot naman ng attorney.“Hindi ko siya totoong kasintahan, alam mo ‘yan Miguel,”inis sa boses ang namutawi mula kay Steve.“Kalma bro biro ko lang ‘yon,” natawa pang sabi ni Miguel.“Puwes hindi nakakatawa,”sabi naman ni Steve.“Okay, sorry na,” hinging paumanhin ni Miguel.“Anyways, mabalik tayo sa usapan gusto mo bang sabihan ko na ang grupo na pasundan si Crystal?”Tanong ni Miguel sa kaibigan.“Gawin mo ang nararapat,”simpleng sagot naman ni Steve.“Okay ako na ang bahala,”sabi ni Miguel.“Kapag totoo nga ang hinala ko sa ikinikilos ni Crystal at kung meron ka ng maibigay sa akin na magandang solusyon saka lamang ako papayag sa hiling mo,” sabi naman ni Steve.“Bro, naman parang unfair ‘yata ‘yon,” birong-r
“Abegail, papunta ng Pilipinas si Crystal today sabi ng mama,” balita ni Steve sa pinsan pagkarating niya ng opisina.Mula ng malaman niya sa ina ang pagluwas ng babae sa Pilipinas ay hindi na siya napakali kung kaya agad niyang tinawagan ang pinsan.“Oh, really akala ko ba two weeks from now pa ‘yong byahe ninyo papunta dito?”Nagtataka namang tanong ni Abegail.“’That’s as far as I know, ewan ko ba kung ano ang nakain ng babaeng ‘yon at iniba niya ang plano,” nalilitong sabi ni Steve sa pinsan.“Hindi ko nga maintindihan kung bakit biglang sabihin niya kay mama na luluwas siya ng Pinas today?” Dagdag niya pang sabi.“Hindi ba kayo nag-usap lately?”Usisa ni Abegail sa pinsan.“Nope,” maikling sagot naman ni Steve.“O di tawagan mo at itanong kung anong napasok sa kukuti nya at biglang uuwi siya dito,” bigla naiiritang sbai ni Abegail sa pinsan.“Alam mo kung hindi lang dahil sa pinaki-usapan mo akong manahimik, naku Steve sinasabi ko sa ‘yo noon pa binugbog ko na ‘yang babaeng ‘yan,”
Nakahanda na ang lahat ng gamit ni Crsytal pabalik ng Pilipinas, kinuha niya ang telepono sa bag upang tawagan ang ina ni Steve.“Hello po mama, good morning po,” bati ni Crystal kay Mrs. Monteclaro.Kahit nasusuka na siyang makipag-mabutihan sa ginang ay nagkukunwari pa rin siya sa pakikitungo dito para meron siyang kakampi upang mapasakanya si Steve.“Oh, iha magandang umaga rin sa ‘yo,”masayang bati rin ng ginang.“Kamusta ka na iha halos isang linggo ka nang hindi nagagawi rito sa mansiyon, nag-away ba kayo ni Steve?”Nag-aalalang tanong pa niya.“Alam n’yo naman po si Steve mama daig pa po ang babae dahil sa pabago-bago ng pagtrato niya po sa akin,” sabi ni Crystal sa ginang.“Pero huwag po kayong mag-alala ma, sanay na po ako sa ugali ng anak ninyo,” dagdag pa niyang sabi.“Pagpasensiyahan mo na muna si Steve iha, hayaan mo kakausapin ko siya ulit na maging mabait sa iyo,” sabi ng matanda.“Huwag na po kayong mag-alala mama, okay lang po sa akin na ganon si Steve,” sagot naman ni
“Nanay Marie, sa palagay n’yo po ay kumpleto na itong lahat na gagamitin natin para po sa kaarawan ng kambal?” Kinakabahang tanong ni Loisa sa kanyang nanay-nayan.“Naku iha meron pa tayong dalawang linggo para mailagay sa ayos ang lahat kaya huwag ka ng kabahan diyan,” nakangiting sabi ni Aling Marie.“Dahil pati ako ay natataranta sa ‘yo,” dagdag pa nitong sabi.“Hindi ko din po alam Nanay kung bakit po ako natataranta at kinakabahan hindi naman po ako ganito nong dati,” sabi ni Loisa. “Naku normal lang ‘yan iha kasi di ba nga lumalaki na ang kambal at marunong ng magtanong at maghanap,” sabi naman ni Aling Marie.“At natural lang ang nararamdaman mong kaba kasi maging hanggang ngayon ay hindi pa kayo nagkikita ni Steve,” dagdag pang sabi ng matanda.“Ilang taon na din ang lumipas iha, hindi kaya panahon na para makita at makilala ni Steve ang mga anak n’yo?” Masinsinang tanong pa ni Aling Marie kay Loisa.“Para saan pa po, Nanay ayoko pong makagulo sa pagsasama nila ng kaibigan ko
“Finally nahanap na rin kita, Loisa,” masayang wika ni Crystal.Matapos ibinalita ni Kimberly kay Crystal na nasa kabilang-linya ang matagumpay na paghahanap ni Arnel sa kinaroroonan ni Loisa at ng mga anak nito.“Ah, Ma’am Crystal ngayong alam n’yo na po kung nasaan si Loisa pupuntahan n’yo na po ba?” Nakangiting tanong ni Kimberly sa babae.“Nag-iisip ka ba, Kimberly saksakan ka talaga ng kabobohan, sa palagay mo ano ang gagawin ko matapos kung ipahanap sa inyo ang malanding babaeng ‘yan?!” Biglang singhal naman ni Crystal.Subrang naiinis siya sa katangahan ni Kimberly, hindi niya alam kung bakit hindi nito nagagawang pag-isipan muna ang bawat tanong na ibinabato sa kanya.“Sorry po Ma’am Crystal,” hinging paumanhin naman ng babae.“Alam mo bago ka mag-tanong sa akin kung pwede lang sana, Kimberly pag-isipan mo munang mabuti kung dapat mo bang itanong sa akin o hindi,” inis na sabi ni Crytsal sa babae.“Do you understand me, sa palagay mo bakit gumasta ako ng malaking pera para lan