“Good morning girls!”Masayang bati ni Abegail sa mga tauhan. “Good morning po ma’am Abegail,”halos magkasabay na bati naman ng dalawang babae. “Kamusta ang isang linggo ninyo dito na wala ako, hmmm?”Birong tanong ni Abegail. “Okay naman po ma’am,”nahihiya pang sabi ni Loisa. “Wala bang hindi kanais-nais na nangyari, alam n’yo na?”ngiting sabi nito na ang ibig sabihin ay ang mga bulyaw ng kanyang pinsan. “Minsan lang po ma’am pero tolerable na po,”nakangising sabi ni Ciara. “Talaga? Nakakapanibago ha, o baka inspire na naman ang pinsan ko kaya hindi na masyadong na-aaburido. Naku kailangan kung malaman kung sino na naman ang nagpapatibok ng kanyang puso,”nakangiting sabi ni Abegail na nakatingin kay Loisa. Hindi iyon nakita ng babae ang nanunuksong mga mata ng kanyang amo dahil inasikaso niya ulit ang iniutos ni Steve, ngunit nakuha naman agad ni Ciara ang ibig tukuyin ng kanilang amo kaya pinaringgan niya na rin ang kapwa sekretarya. “Ahem, palagay ko nga rin ma’am, kaso paran
Sa mini kitchen area ng opisina dumiretso si Loisa nahihiya siyang makita ni Ciara ang kanyang namumulang pisngi dahil sa ginawang paghalik ni Steve sa kanyang noo kanina. Hindi niya maitindihan ang nararamdaman sa halip na magalit ay parang natutuwa pa siya sa ginawad na halik ng among lalaki.“Bakit niya ako hinalikan sa noo at bakit kaya siya nag-request na i-accept ko siya sa I-book hindi kaya may gusto siya sa akin, Ay! Erase-erase masyado naman akong assuming,”nakangiting saway ni Loisa sa sarili.“Bakit hindi ako nagalit ng humalik siya, may gusto na ba ako kay Sir Steve?”Nahihiya pa niyang tanong sa kanyang replica sa salamin.Mahina niyang tinapik-tapik ang mga pisngi habang nakatingin sa salamin. Hanggang ngayon hindi pa rin siya makapaniwala sa ginawang paghalik ng kanyang amo sa kanyang noo. Kinikilig pa rin siya pakiwari niya nasa kanyang harapan pa rin ang lalaki. Kung ‘di nga lang siya nakapagpigil kanina baka siya na mismo ang humalik sa mga labi nito.“Ay naku ang las
Nagising si Loisa sa ingay nang nagtatawanang sina Loyd ay Nanay Marie bumangon siya agad, hindi pa man nakakalabas ng kanyang kwarto ay may narinig pa siyang isang boses ng lalaki na humalakhak din. Hindi siya maaaring magkamali halakhak iyon ng dati niyang kinakasama ang naging iresponsableng ama lang naman ni Loyd.“Bakit siya narito? Hindi kaya…”hindi na nituloy pa ni Loisa ang sasabihin dali-dali niyang sinuot ang kanyang tsinilas at mabilis na lumabas ng kanilang kwarto. “O,Loisa magandang umaga gising ka na pala? Pasensiya ka na ha nagising ka yata ng tawa namin, kasi naman itong si Roy ang galing magpatawa,”natatawa pa ring sabi ni Nanay Marie.“Inay, good morning po, hali po kayo magkuwentuhan po tayo nina itay,”masayang bati sa kanya ni Loyd habang hila ang kanyang kamay upang tumabi dito ng upo.“M-magandang umaga rin sa inyo,”tila wala sa sariling sabi ni Loisa.Nagulat siya sa presensiya ni Roy sa kanilang tahanan, hindi niya mawari kung bakit naroon ang lalaki.“Papaano
“G-good morning Miss Ciara,”hingal na bati nito sa kasama. “Good morning too Miss Loisa, napano ka para kang hinabol ng sandamakmak na kabayo ah,”natatawang sabi naman ni Ciara. “Paano ba naman kasi sinikap kong hindi mahuli sa pagpasok, lakad-takbo kaya ang ginawa ko pero talagang hindi kinaya e,”nakangiti niyang sabi kay Ciara. “Ganon ba? O siya, magmadali ka na riyan kanina pa nasa loob ng kanyang opisina si sir,”sabi nito kay Loisa. “Galit ba si sir, Miss Ciara?”kabadong tanong niya naman habang lumapit na sa kanyang pwesto. “Medyo, kasi ng dumating siya kanina nakasimangot na at salubong ang dalawang kilay ng mapansing bakante pa ito,”sabi ni Ciara sabay turo sa pwesto ni Loisa. “Siyanga pala, Miss Loisa merong ipinapahap si Sir Steve,‘yong proposal raw para kina Mr. Chua,” dagdag pang sabi ng sekretarya. “Naku, ito ng sinasabi ko, hindi ko pa nagagawa Miss Ciara, heto ‘yon oh,”sabi nito sabay angat ng folder. “Ganon ba,tiyak pagagalitan na naman tayo nito,”kinakabahan ng
“Nanay Marie, Nanay!”sigaw ni Loisa habang papasok ng kanilang bahay ng hapon ding iyon..Kanina pa siya hindi mapakali mula ng matanggap niya ang larawan ng kanyang anak kasama ang ama nito.“Nay!”ang sigaw pa rin ni Loisa.“Loisa, iha saglit lang nasa banyo pa ako,”sagot naman ng matandang babae ng marinig ang balisang boses ni Loisa.Nang makalabas na ng banyo ay hinarap nito agad nito si Loisa na kasalukuyang nasa kanilang kwarto.“Oh, iha bakit ka ba nagsisigaw, may problema ba balisa ka ah,”puna ni Nanay Marie kay Loisa.“Nanay, si Loyd po nasaan?”Tanong niya sa matanda habang patuloy pa rin ang pag-impake ng mga importanteng gamit ni Loyd.“Namasyal sila ng kanyang ama, may problema ba? Sabihin mo nga sa akin, magtapat ka iha,”kinakabahan na ring sabi ni Nanay Marie.“Nanay kilangan kung mailayo si Loyd sa ama niya ka-,”hindi na naituloy pa ni Loisa ang sasabihin ng marinig ang bati ng anak.“Inay, andito na po kami ni itay,”sigaw ng bata habang nasa bakuran pa ito ng kanilang
“Ano na naman ba ang nagyari sa Loisa’ng iyon bakit wala pa hanggang ngayon, mag aalas nuwebe na ah.”Galit na tanong ni Steve kay Ciara. “Hindi ko rin po alam sir e,”kinakabahang sagot ni Ciara. Nasa loob siya ng opisina ni Steve upang ibigay sa amo ang pinatimpla nitong kape. “Alam mo ba kung ano ang schedule ko ngayong araw?”Tanong ng lalaki. “Opo sir, for this morning po may meeting po kayo with engineering team, this afternoon naman po with finance department,”sabi ni Ciara. “Okay, sabihan mo ako kung handa na ang meeting room,”sabi ni Steve. Bumalik na si Ciara sa kanyang lamesa, doon sinubukan niyang tawagan si Loisa. Ngunit walang sumasagot sa tawag niya kaya nag-iwan na lamang siya ng mensahe dito. “Nasaan ka na ba Loisa, bakit hindi ka tumupad sa plano natin,”nag-aalalang bulong ni Ciara. Pasado sais na ng gabi nang matapos ang meeting ni Steve. Dinayal nito ang numero ng telepono sa opisina ni Ciara. “Ciara, what is my schedule for tomorrow?”Tanong ni Steve sa sekre
Naka- on leave pa si Ciara pero nasa opisina siya ngayon ng kanyang among babae. “Oh, Ciara akala ko ba sa susunod pa na araw ang balik mo, namiss mo na agad kami?” Nakangiting sabi ni Miss Abegail. “Good morning po ma’am,”nakangiti rin nitong bati sa babae. “Hihingi lang po sana ako ng tulong sa inyo ma’am kung pwede po,”nahihiyang sabi ni Ciara. “Sure, what is it?”Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mukha nito. “Itatanong ko lang po ma’am kung pwede po akong mag emergency loan ng kalahating milyon?”sabi ni Ciara. “What!?”Muntikan ng maibuga ni Abegail ang iniinom na kape dahil sa gulat. “It’s a big amount of penny Ciara, anong gagawin mo sa kalahating milyon?”Tanong nito sa babae. “Kasi po ma’am may kaibigan po ako nasa-ospital e, kelangan ko po ng malaking halaga sana,”naluluha ng sabi ni Ciara. “Kahit tatlong-daang libong peso na lang po ma’am,”pag-sumamo pa rin ni Ciara sa among babae. “Alam mo naman di ba Ciara na ang pinakamalaking amount lang na for emergency loan nat
Makalipas ang isang oras ay nasa helipad na sila nang Monteclaro Hospital. Sa di kalayuan ay naghihintay ang kanyang tito na si Doktor Amando Monteclaro. Ang ama ni Abegail Monteclaro na bunsong kapatid ng ama ni Steve. “Good evening tito, how’s Miss Loisa Sanchez?” Agad na tanong ni Steve sa kanyang tito matapos siyang bumati dito. Kasalukuyan silang nasa elevator pababa sa palapag kung saan naroon si Loisa. “Good evening too, iho about the lady she’s under observation right now. Hindi pa rin siya nagigising mula nang dinala siya rito sa ospital,”sagot naman ni Doktor Amando. “Bakit hindi pa po siya nagigising tito?” Tanong ni Steve. Hindi na maitago pa sa kaharap ang kabang nadarama ni Steve at batid ‘yon ng kanyang tiyuhin. Kaya minarapat na rin ng doctor na sabihin sa pamangkin kung ano ang tunay na kundisyon ng babae nang ito ay dalhin sa ospital. “Actually nagkaroon siya ng internal bleeding that night they brought her here, mabuti na lang at naagapan agad,” sabi ng doctor
“Daddy Miguel,” sigaw ng kambal.Masayang sinalubong ni Miguel ang mga kambal.“Oh, dahan-dahan kids baka madapa kayo,”nakangiting sabi ni Miguel sa mga paslit.“Dahan-dahan mga anak,” paalala naman ni Loisa.Nang mapang-abot ay agad nag-aagawan ang dalawa kung sino ang maunan makarga ni Miguel.“Oh, huwag mag-agawan kids kaya kayong buhatin ng daddy,”masayang sabi naman ng lalaki.Hindi niya mawari kung bakit sobrang saya niya ngayong nakita muli si Loisa at ang mga bata.“Mga anak, naku pagod ang tito Miguel ninyo huwag n’yo munang istorbohin,” nag-aalala pang sabi ni Loisa.“Naku, it’s okay Loise nothing to worry dahil nakita ko na kayo biglang nawala ang halos isang buwan ko nang nararamdamang pagod,”nakangiting sabi ni Miguel ng makita si Loisa.“Ayan ka na naman nambobola,”nakangiti na ring sabi ni Loisa.“Hindi kaya, di ba Aling Marie magandang araw nga po pala,” bati naman ni Miguel sa matanda.“Magandang araw din iho, kamusta ang byahe?” Tanong ni Aling Marie kay Miguel.“Nak
“Magandang araw po ma’am, nandito na po lahat ang resulta ng imbestigasyon ko po tungkol kay Kimberly,” sabi ng lalaki.“Good morning too, sarhento,” bati rin ni Abegail.Inabot ng babae ang sobre at isa-isang tiningnan ang mga litrato na nakapaloob dito.“Kuha po ‘yan noong isang araw ma’am,” sabi naman ng sarhento.“Kung hindi ako nagkakamali dito to sa Negros, tama ba sarhento?” Tanong ni Abegail sa lalaki.“Tama po kayo ma’am,” kumpirma naman ng lalaki.“Sa pagkaka-alam ko ay hindi taga-rito sa Kimberly,”nagtatakang sabi ni Abegail.“At sino naman itong lalaking kasama niya?” Dagdag pa niyang sabi.“Tama po kayo ma’am hindi po tagarito si Kimberly, tubong Maynila po siya ma’am. Ang lalaki pong kasama niya siya po si Arnel ang dating kinakasama ni Kimberly,” kwento naman ng lalaki.“Si Arnel po ma’am ay dating preso dahil sa pag gamit at pagbibinta po ng mga ipinagbabawal na gamot. Siya rin po ang kakuntsaba ni Kimberly sa planong kidnapin ang mga kambal na anak ng isang mayamang
“Tingnan mo lang ‘tong babaeng ‘to tatawag-tawag tapos biglang papatayin ang telepono,” inis na sambit ni Ciara sa sarili.“Matawagan nga,”bulong pa niya.Maka-ilang ulit niyang tinipak ang numero ni Kimberly ngunit hindi niya na ito makontak. Ang ipinagtataka niya ay parang kinakabahan ang babae at tila ba may narinig din siyang biglang bukas ng pinto at boses ng lalaki.“Hay naku alam kong may galit ka sa amin ni Loisa, Kimberly pero bakit parang nararamdaman kong nasa panganib ka?” Sambit pa ni Ciara.Upang mawala ang pagkabalisa ni Ciara ay tinawagan niya ang kanyang amo na si Abegail upang makahingi ng opinion kung bakit kinausap siya ni Kimberly.“Oh, Ciara napatawag ka?” Nagtatakang tanong naman ni Ciara.“Magandang araw po Ma’am Abegail, kasi po ma’am may sasabihin lang po ako sa inyo okay lang po ba?” Nahihiya pang sabi ni Ciara.“Go ahead it’s fine, what is it?” Sabi naman ng babae sa kabilang-linya.“Kasi po tumawag sa akin si Kimberly ma'am, kababago lang po,” sabi ni Ciar
“Hello, Ciara si Kimberly ‘to,” bati ni Kimberly sa kasamahan.“Milagro anong nakain mo at tinawagan mo ako?” Masungit pa na sagot ni Ciara.“Pwede ka bang maka-usap saglit?” Tanong naman ng babae.“Anong meron at nakuha mong pag-aksayahan ako ngayon ng panahon?” Pagtataray pa rin ni Ciara.“Please, Ciara hindi ito ang tamang panahon para mag-asaran tayo,” sabi naman ni Kimberly. “Oh siya, bilisan mo ang sasabihin mo,”sabi ni Ciara.“Nasaan ka ba ngayon, Cia?” Tanong ni Kimberly.“Huwag mo ng alamin, sabihin mo na kung ano ang gusto mong sabihin,” irritable ng sabi ni Ciara.“Importante kasi itong sasabihin ko sa ’yo gusto kong malaman kung saan ang lokasyon mo?” Paliwanag pa ni Kimberly.“Kung hindi ka magsasalita puputulin ko itong tawag mo,” inis ng sabi ni Ciara kay Kim.“Magsasalita na ako, pero sana atin-atin lang ito, Ciara kasi,”nanginginig pang sabi ni Kimberly.“Ano bang kadramahan mo, napipikon na ‘ko sa ‘yo Kimberly ah,”galit na sabi ni Ciara.“Kalma ka lang kasi ganito
Dali-daling bumalik si Kimberly sa kanilang opisina upang kausapin sana ang kanyang among babae na si Abegail. Subalit hindi na pala ito pumasok nang araw na iyon.Sinubukan niyang tawagan ang babae sa telepono ngunit hindi nya na rin ito matawagan.Umupo siya sa kaniyang cubicle at binuksan ang computer, sa isang ticketing website nagmamadali siyang makapag-book ng ticket papuntang Negros.Ngayon niya lang napagtanto na hindi pala kakayanin ng kanyang konsensiya ang masamang balak ni Crystal para sa mag-ina ng kanyang among lalaki na si Steve Monteclaro.“Buti na lang nakahabol pa ako, salamat naman at hindi matraffic,” masayang bulong ni Kimberly sa sarili.Nakalimutan niya palang itanong kay Arnel kung saang barangay sa nayon ng Negros ang bahay nina Loisa.“Arnel,” banggit niya sa pangalan ng lalaki na nasa kabilang-linya.“Napatawag ka ah, di ba bago lang tayong nag-usap na miss mo ko agad?” Nakangiting biro pa ni Arnel.“Tumigil ka nga, may nakalimutan lang akong itanong,” sabi
“Talaga nga namang kagwa-gwapo nitong mga anak ni Steve,” bulong ni Crystal sa sarili.Halos isang linggo na siyang nasa Pilipinas at kasalukuyan niyang pinagmamasdan ang larawan ng mga munting anghel nina Steve at Loisa.Mag-lilimang taon na ang mga kambal at mahabang panahon na rin na nangungulila si Steve sa mga anak nito.“Sa palagay ko Loisa sapat na ang limang taon upang makasama mo ang mga anak ni Steve,” nakangiting sabi ni Crystal habang pinagmamasdan ang larawan ng mag-ina.“Napapanahon na na ako na naman ang mga-aalga sa mga bata upang tuluyan ng mapapasa-akin si Steve,” dagdag pa nitong sabi.Dinampot niya ang teleponong nasa ibabaw ng lamesa.Si Arnel ang tumatawag na nasa kabiling-linya.“Siguraduhin mong maganda ang ibabalita mo sa akin,” mataray na sabi ni Crystal sa taong inutusan niya upang maigawa nila ang masamang balak para sa kambal.“Magandang araw po, Ma’am Crystal huwag po kayong mag-alala plantsado na po ang lahat,” nakangising sabi ng kausap.“Mabuti naman k
“Ok seryoso, kamusta ka na at ang mga bata?” Tanong ni Miguel kay Loisa.“Okay lang kami, Miguel huwag kang mag-alala,” sabi naman ng babae.“Hindi ka ba nahihirapan sa preparasyon, ang mga kambal hindi ba pasaway sa’yo?” Nag-aalalang wika ni Miguel.Natawa tuloy si Loisa sa mga pinagsasabi ng kaibigan.“Ano ka ba Miguel, kung makapag-alala ka parang ikaw ang ama ng mga anak ko,” sabi pa ni Loisa.“Pwede naman ‘yong ganon di ba, ang maging ama ng mga anak mo,”seryosong wika ng binata.“Naku, Miguel alam kung abala ka diyan sa trabaho mo, pag pasensiyahan mo na ang panganay ko kung na-istorbo ka niya,” iwas ni Loisa sa kanilang usapan.Noong umpisa pa silang magkakilala ni Miguel ay hindi na lingid sa binata kung ano ang totoong nararamdaman niya dito. At alam ‘yon ng binata na hanggang pakikipag-kaibigan lang talaga ang kayang ialay sa kanya ni Loisa.“Wala ‘yon alam mo naman na kahit anong oras ay handa akong pag-alayan kayo ng panahon,” sabi ng attorney kay Loisa.“Alam namin ‘yon a
“Sa palagay mo may kinalaman ba sa babaeng mahal ko ang biglaang pag-uwi ni Crystal diyan sa Pinas?” Seryosong tanong ni Steve kay Miguel.“Hindi natin masabi ‘yon bro kasi di ba artista ang kasintahan mo, malamang marami siyang inaasikasong mahahalagang transaksiyon din dito,” sagot naman ng attorney.“Hindi ko siya totoong kasintahan, alam mo ‘yan Miguel,”inis sa boses ang namutawi mula kay Steve.“Kalma bro biro ko lang ‘yon,” natawa pang sabi ni Miguel.“Puwes hindi nakakatawa,”sabi naman ni Steve.“Okay, sorry na,” hinging paumanhin ni Miguel.“Anyways, mabalik tayo sa usapan gusto mo bang sabihan ko na ang grupo na pasundan si Crystal?”Tanong ni Miguel sa kaibigan.“Gawin mo ang nararapat,”simpleng sagot naman ni Steve.“Okay ako na ang bahala,”sabi ni Miguel.“Kapag totoo nga ang hinala ko sa ikinikilos ni Crystal at kung meron ka ng maibigay sa akin na magandang solusyon saka lamang ako papayag sa hiling mo,” sabi naman ni Steve.“Bro, naman parang unfair ‘yata ‘yon,” birong-r
“Abegail, papunta ng Pilipinas si Crystal today sabi ng mama,” balita ni Steve sa pinsan pagkarating niya ng opisina.Mula ng malaman niya sa ina ang pagluwas ng babae sa Pilipinas ay hindi na siya napakali kung kaya agad niyang tinawagan ang pinsan.“Oh, really akala ko ba two weeks from now pa ‘yong byahe ninyo papunta dito?”Nagtataka namang tanong ni Abegail.“’That’s as far as I know, ewan ko ba kung ano ang nakain ng babaeng ‘yon at iniba niya ang plano,” nalilitong sabi ni Steve sa pinsan.“Hindi ko nga maintindihan kung bakit biglang sabihin niya kay mama na luluwas siya ng Pinas today?” Dagdag niya pang sabi.“Hindi ba kayo nag-usap lately?”Usisa ni Abegail sa pinsan.“Nope,” maikling sagot naman ni Steve.“O di tawagan mo at itanong kung anong napasok sa kukuti nya at biglang uuwi siya dito,” bigla naiiritang sbai ni Abegail sa pinsan.“Alam mo kung hindi lang dahil sa pinaki-usapan mo akong manahimik, naku Steve sinasabi ko sa ‘yo noon pa binugbog ko na ‘yang babaeng ‘yan,”