The hotel magnate's very precious wife is his best friend. She is the woman he protects at all costs and to whom he gives all his love and affection. Cassandra was fortunate indeed. She has a beautiful and loving family. Pero isang gabi nauwi ang lahat sa bangungot na hindi na niya nanaising balikan pa. Isang pangyayari ang mas lalong nakagimbal sa kanya, bumalik ang kanyang memorya. Muling nagpakita ang taong mas lalong gugulo sa kanyang utak at puso. gumulo man ang kanyang puso sa kanyang utak mas pinili niyang panindigan ang taong naging sandigan niya sa lahat ng nangyari sa kanya at ni hinding natakot na nagbigay ng kamay sa kanya. Dahil sa kaibuturan ng kanyang puso alam niyang ang pag-ibig ng taong iyon ay naging lakas niya sa lahat ng dagok na dumaan sa kanyang buhay. She will fight for her family. Alejandro is her knight in shining armor her best friend, and her companion in every storm in her life and she knows that this man is her husband’s material if the past comes and tries to win her back will Cassandra give her a chance to the once her heart desired. Choosing her past can destroy her present life forever. Sometimes love and connection are not the basis to choose the person we want to be with. But the feeling of secureness, love, and passion will be our choice.
view moreALEXANDER POV Nagtaka ako sa lugar na aking pinuntahan. Hindi naman siguro ako nagkamali? Tiningnan ko ang tinext na address ni Bryan sa akin tama naman pati lahat ng description niya sa lugar. Pero walang ilaw. May ilan-ilang mga sasakyan na nakaparada sa gilid ng daan. Iilan lang naman ang may sasakyan sa isla at iyong may kaya. Nandoon ang military vehicle na ginamit ni General Arevalo, kaya hindi ako nagkakamali. Kung ako lang ayokong dumalo sa party na ito. Pero dahil sa pinadalhan ako ni Abby anak ni Alejandro ng invitation kailangan kong makisama. Lalo pa at ako ang bagong commander ng army detachment dito sa Santa. Fe. Ipinarada ko ang motor na aking gamit kasunod ng sasakyan ng mga tauhan ni General. Inalerto ko ang akong sarili. Hindi ko ugaling magdala ng baril kapag off-duty ako. Hindi rin ako naka-uniform simpleng polo shirt ang suot ko ngayon na pinaresan ko ng Jag na pantalon. Tinaggal ko ang aking helmet. Naglalakad na ako sa paligid walang katao-tao sa
WHAT HAPPENED YESTERDAY MORNING “Perfectly just for you my dear Cassandra.” Si Alejandro na hinawakan ang kamay ko nang pagkahigpit-higpit. Namula ako. At talagang kinilig hehehe. I can’t help eh aaminin ko kilig na kilig ako. Shocks. We have our happy moments and lambingan nang wala sa loob akong napatingin sa kinaroroonan nila Abby. Nagpalinga-linga kami sa paligid. At halos sabay na na nagwika. “Where is she? Halos sabay naming nasabi. Pasensya at over reactor talaga ako. Napatayo kami bigla. Hindi na nga ako naalalayan ni Alejandro. Hawak kamay kaming naglakad papunta sa mga ka-klase ni Abby at nagtanong sa kanila. Wala silang maisagot dahil nagpa-alam lang daw itong may titingnan. Alejandro take a second thought habang nag-iisip samantalang inilibot ko muli ang aking mga mata sa paligid. Nakita ko ang garahe ng yate ni Alejandro sa di-kalayuan nasa more or less fifty-meter lang ang layo nito sa kinatatayuan namin ngayon. Nahuli ko siyang nakatitig doon
Midnight Me TimeCASSANDRA POV “Alejandro, you owe me an explanation.” Introduction ko sa kanya ng magkasarili kami. Medyo tipsy na kaming dalawa dahil nagkaroon ng inuman sa bonfire. It’s almost twelve. At natutulog na ang mga bata. At maging halos lahat ng tao. Pinapayagan lang ang bonfire sa resort at inuman pero walang tugtugan to maintain kahit papaano ang solemnity. Puro hampas ng alon ang maririnig sa paligid. Nasa rooftop suite na kami. Sinilip ko muna si Abby at tulog na siya sa kanyang silid. Kanina pa umaandar ang utak ko kung paano tatanungin si Alejandro sa mga nangyayari. Alam kong may tinatago siya sa akin. At alam ko sa porma ng kanyang mukha na nagpipigil siya ng galit. Bumuntong-hininga muna siya bago umupo sa sofa at halatang pagod. Hindi naman marami ang nainom namin pero parang sa hitsura niya ilang bote na ng tanduay ice ang tinungga niya. Nakikita kong nagdadalawang-isip ang kanyang mga mata. Ngunit determinado akong kulitin siya kahit mah
CASSANDRA POV “Nasaan ka na Abby? Tanong ko sa sarili. Nakaupo na ako sa gilid ng isang puno ng niyog na may upuan isa itong malaking troso. Iniwan ko muna sila Sonya sa cottage na madalas naming tinatambayan kapag nasa resort silang lahat. Para hanapin si Abegail. Kanina pa ako naghahanap kay Abegail. More or less five-hectare ang nasasakupan ng resort kaya medyo nahihirapan akong maghanap sa laki nito. Alam kong hindi basta-basta makakapasok ang kahit na sino sa resort at may mga gwardiya sa bawat sulok. Pero ayaw kong makampante kung may mga balitang may mga bandidong nakapasok sa Sta. Fe dapat mas maging maingat kami. Hindi natin alam ang diskrasya. Tinawagan ko na si Alejandro. Hindi daw dapat ako mag-alala dahil nakita na niya si Abby. I felt so relief. He’s always my knight in shining armour. Naghintay pa ako ng ilang minuto at natatanaw ko na si Alejandro sa di-kalayuan. Sa tangkad ba naman niyan imposibleng hindi agad makita. At ang kaputiang kasing sparkling
CASSANDRA POV “Nasaan ka na Abby? Tanong ko sa sarili. Nakaupo na ako sa gilid ng isang puno ng niyog na may upuan isa itong malaking troso. Iniwan ko muna sila Sonya sa cottage na madalas naming tinatambayan kapag nasa resort silang lahat. Para hanapin si Abegail. Kanina pa ako naghahanap kay Abegail. More or less five-hectare ang nasasakupan ng resort kaya medyo nahihirapan akong maghanap sa laki nito. Alam kong hindi basta-basta makakapasok ang kahit na sino sa resort at may mga gwardiya sa bawat sulok. Pero ayaw kong makampante kung may mga balitang may mga bandidong nakapasok sa Sta. Fe dapat mas maging maingat kami. Hindi natin alam ang diskrasya. Tinawagan ko na si Alejandro. Hindi daw dapat ako mag-alala dahil nakita na niya si Abby. I felt so relief. He’s always my knight in shining armour. Naghintay pa ako ng ilang minuto at natatanaw ko na si Alejandro sa di-kalayuan. Sa tangkad ba naman niyan imposibleng hindi agad makita. At ang kaputiang kasing sparkling
ALEJANDRO POV Nagchi-check ako ng email sa opisina pagkatapos kong mag-almusal kasama sina Cassy, Sonya at Astarte. At maging si Marco at si Cyril ay nandoon. Naging ugali na naming sa resort naglalagi kapag weekend. Kanina ko pa pinipigil ang galit ko kay Alexander ay mas tumitindi pa ngayon. Parang gusto ko na siyang sapakin o suntukin sa harapan ng kanyang mga tauhan. Masyado na niya akong pinipersonal. Hindi lang ako sa buong probinsya na may yate at masyado niya akong pinupuntirya. Matagal na akong nagtitimpi sa lalaking ito. Gusto ko na siya patulan kung hindi lang. Buti at nakapag-pigil pa ako sa kanya. Seryoso ang pinag-usapan namin ni Marco tungkol sa mga nangyayari ngayon. Kailangan kong seryosohin kahit ang maliliit na problema. Dahil malaki ang maaring epekyo nito sa negosyo namin ni Cassandra. Dumagdag pa itong si Alexander na puro patama sa akin ang mga sinasabi. Ayaw niyang maniwala na hindi nagamit ang yate magdadalawang buwan na dahil naging busy kami ni Ca
ALEXANDER POV Ilang araw na akong walang maayos na tulog dahil sa mga bumabagabag sa utak ko. At sinamahan pa ng pag-inom ko halos gabi-gabi dahil sa kagustuhan kong makalimot. “Sir, nandito na po tayo.” Si Sgt. Rojo siya din ang kanang kamay ko at investigator kapag may pinalalakad akong papeles o tao. Hindi ko namalayang nasa resort na pala kami na pagdadausan ng urgent meeting na ito. Ang resort na pagmamay-ari ni Alejandro. Nag-aagaw liwanag pa lang ngunit marami nang tao sa dalampasigan at may mga mangingisdang pumapalaot. Natatanaw ang mga ilaw ng mga bangka sa di kalayuan daanan kasi ang resort ng isang komunidad ng mga mangingisda sa likod ng malabong bakawan ilang kilometro mula sa kinaroroonan ng resort. Hindi ito kalakihan ngunit ito ang pinakadinadayong resort sa Sta. Fe. Dahil sa lokasyon nito at mapuputing buhangin at asul at malinis na dagat. Tumango ako at lumabas na ng military jeep na sinasakyan namin ng iba pang mga subordinates. Heightened ale
CASSANDRA POV (part 2) Pumasok na kami sa elevator ni Abby at dumiretso sa ground floor kung nasaan ang restaurant ng resort. Agad na tumakbo si Abegail papunta kina Sonya at Astarte. Kumaway ako sa kanila at hindi na lumabas sa elevator. Pinindot ko ang second floor botton ang second floor kung saan nandoon ang office ni Alejandro. Pero wala siya sa doon. Wala siyang sinabi kung saan siya pupunta, siguro nandito lang ‘yon sa resort. Chineck ko muna ang laptop ko na naiwan dito sa office niya. I checked some emails and messages galing sa mga suppliers and tracked some shipments of supplies. Especially the imported products na inorder ko abroud. I consumed almost half an hour but ni anino ni Alejandro ay wala. Tanging ako lang at si Allie ang nakakapasok sa office niya maliban lang kung pinahihintulutan niyang pumasok ang mga staff. Ayaw kasi niya ng secretary at pati cleaners ayaw niya papasukin. Siya mismo ang gumagawa pati paglilinis ang OC lang may pagka security addic
CASSANDRA POV Nagising ako sa ingay ng hampas ng alon sa dalampasigan. Pero kahit ganoon ito ang isa sa mga pinaka-solemn na lugar na alam ko. Pagkatapos ng medyo nakaka-stress na party ni Abby pero masayang event ng buhay ko. Speaking masayang event Alejandro proposed on me. Sa araw ng kaarawan ni Abby ay inalok niya ako ng kasal. Na hindi ko na pinalagpas pa, for so many years I patiently wait na magkaroon ng tamang definition ang relasyon naming dalawa at ngayon I’m officially his fiancé. And soon to be his wife. Walang pagsidlan ng aking tuwa at walang habas na pagtambol ng aking puso ng oras na iyon. Akala ko pa nga eh aatikihin pa ako ng aking severe anxiety dahil sa nagsipatayang ilaw. Takot talaga ako sa dilim pakiramdam ko aatakehin ako sa puso dahil sa pag-palpitate nito. Pero lahat ng takot ko ay nawala at napalitan ng saya. Kinapa ko ang aking katabi medyo nagtataka akong nagmulat ng dahan-dahan. Wala si Alejandro. Kapag linggo kasi hindi siya maaga pumupunta sa hat
Flashback… Napangiti ako sa sarili ko habang binabaybay ko ang kalsada papunta sa kubong inuupahan ko at ni Cass. Sigurado akong matutuwa iyon sa mga grocery na dala ko. At sa mga damit na binili ko sa mall. Ini-imagine ko ang maganda niyang ngiti habang inaabot ko ang mga pinamili ko. Hindi naman siya maarte pero gusto kong may brand ang sinusuot niya. Kahit papaano napapasaya ko siya dahil alam kong nalulungkot siya na laging mag-isa sa kubo at hindi ako laging umuuwi sa kanya. Gustuhin ko man na lagi siyang kasama pero hindi maaari. Kaylangan kong unahin ang aking tungkulin at responsibilidad. Naiintindihan naman niya iyon. Alam din niya nanganganganib ang buhay niya kaya hindi na siya nagtatanong. At matiyaga na lang niya akong hinihintay. Nasa dulo ng mga paupahang kubo ang unit namin. Meron ding mga kalapit bahay. Katabi mg inuupahan naming ang bahay ng may-ari. Mag-asawang matanda na nasa Maynila nagtatrabaho ang mga anak. Kaya sila nalang dalawa mag-asawa sa bahay. ...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments