Present day...
Isang katutak ang pipirmahan ni Cassandra at mga resebong dapat kalkulahin. Ang maayos na nakasalansan sa kanyang office table. Mga Financial Reports na dapat basahin at mga proposals ng mga bagong business sa mga stall na pinarerentahan ng CM Mall na kanyang pag-aari. Two-story mall ito na nakatayo sa isang ektaryang lote. Ito a ng pinakamalaking mall sa Santa Fe. Kompleto ito mula supermarket hanggang sa mga pinakasikat na mga branded na mga gamit. Tulad ng damit and accessories. Designers bag and shoes.
Pasimple niyang nilingon ang orasan sa dingding ng kanyang opisina quarter to eleven in the morning. Hindi niya minamadali ang kanyang trabaho. She always maintains her own style in managing dapat maayos ang lahat walang butas sa bawat transaksyon. Very keen in all ways.
Tumunog ang telepono.
"Yes," sagot ko pagkatapos kong damputin ito.
"Ma'am." Si Lyka ang aking secretary. "Meron pong babae sa ASTARTE'S COLLECTION nag-eeskandalo po”.
Tiningnan ko sa CCTV ng mall ang sinumbong ng aking secretary. Medyo mataray ang babae base sa kilos into. Dahil may audio ang mga secret CCTV ko. Dinig na dinig ko ang pagsigaw ng babae sa dalawang staff ko sa ASTARTE'S COLLECTION. Naningkit ang aking mga mata. Ang pinaka-ayaw ko sa mga customer ay iyong inaalila ang mga tauhan ko. We give excellent service sa mga costumer na maayos makitungo at tao kausap. Hindi man mababait ang lahat ng customer pero nadadala naman sa maayos na usapan.
Hinilot ko ang aking sintido.
Fine...
Inayos ko ang aking sarili. At lumabas sa aking opisina. Hindi naman kalayuan ang aking lalakarin dahil nasa loob ng ASTARTE'S COLLECTION ang opisina ko.
Nasa pintuan pa lang ako naririnig ko na ang boses ng babae. Naka-sound proof kasi ang opisina ko dahil ayaw ko ng maingay habang nagta-trabaho.
"Nanloloko na kayo ke mahal mahal ng bag niyo eh peke naman. Nasaan 'yong manager ninyo baka ipasara ko ang tindahan na ito." Mataray niyang pagwasiwas ng kamay na parang donya. Habang pinapagalitan ang dalawang staff ko.
Malapit na akong mapuno.
"They we're not fake, Ma'am." Firm kong sabi sa kanyang likuran.
Nilingon niya ako at matalim na tiningnan.
"You're the manager?" Taas kilay niyang tanong sa akin.
"Yes."
Tiningnan ako ng mga staff ko. Parang naiiyak na ito kanina pa. Dahil sa pang-iinsulto ng costumer.
"₱100,000 para sa pekeng bag? Sundalo ang asawa ko pwede ko kayong ireklamo." Mataray na at suplada pang sabi nito habang dinuduro-duro ako.
Fuck ang sarap kalbuhin. Walang pipigil.
Kinuha ko ang bag at pinakita ang katibayan na nasa loob nito. May quote ang bawat bag na naka-engrave sa loob at happy face.
"How come na peke ito, Ma'am?" Kulang na lang ay ipagduldulan ko sa kanya ang bag.
Mukhang hindi pa rin naniniwala.
"You making a scene in my mall, Ma'am so please find your way out." Madiin kong sabi. "I don't want to be rude."
Napatda ang babae, ngunit hindi nagpatinag.
Ang lakas ng hangin. Ang taas ng lipad.
Gustong makipag-sukatan sa akin.
"Oh, Ms. Montejar good to see you."
Napatingin ang lahat sa gawi ng nagsalita.
Isang babaeng sopistikada at miyembro ng mataas na lipunan ang bumungad sa pinto ng store. Nakangiti ito at maaliwalas ang mukha ng nasa 60's nang babae. Maputi at may lahing Chinese.
Tinapunan ko ng walang emosyong tingin ang eskandalosang customer. "If you want to buy just buy it Ma'am my staff will accommodate you. Thank you."
Nilagpasan ko ito at sinenyasan ang mga staff ko. Malapad ang aking ngiti na naglakad patungo kay Mrs. Emelita Chua-Lim isa mga VIP ng mall. Kumuha ng mauupuan ang mga staff ko. Kawawa naman ang matanda mabait ito at nag ti-tip kaya kahit matagal ito makapili inaasikaso talaga nila ito.
"Tita Emy." Sabay pakikipag-beso dito.
Umupo muna ito.
"Naku hija pasensya ka na late ko nang pinauwi si Chef Allie kagabi hah siya kasi ang kinuha naming personal chef sa date namin ni Eduardo."
May kilig sa boses ng babae. Lihim akong napangiti. Ganoon talaga ang silang mag-asawa napaka-sweet.
Mapapa-Sana all ka talaga.
"It's ok Tita." nakangiti kong sagot sa kanya.
Nakipag-kwentuhan pa ako saglit sa kanya bago bumalik opisina ko. Kaya na ng mga staff ko 'yan. They we're highly trained in costumer hospitality. VIP Costomer man o ordinary. Labor based ang sahod ng mga ito at may incentives sa bawat item na nabebeta nila at may nagti-tip pa. Halos mga bread winner ang mga tauhan ko kaya hindi ako kuripot sa sahod. Local and international tourist ang usual clients namin. Kaya pinipilit kong ma-meet ang standards ng mga ito.
Pumasok na ako sa opisina ko.
"Hi." Bati ni Allie sa akin nakatalikod ito na may hinahanap sa drawer na nasa aking opisina. Hindi man lang ito nag-abalang lingunin ako. Kumuha ito ng isang t-shirt at pumasok sa CR. Umupo ako sa office chair ko at pinanonood ang mga kuha ng CCTV footage sa laptop ko.
Lumapit siya sa aking likuran at minasahe ang balikat ko. Napapikit ako.
"Stress?" Tanong nito.
"Yeah." tipid kong sagot. Napadako ang tingin ko sa monitor ng aking laptop. Nandoon pa rin ang babae, inaasikaso pa rin ito ng dalawang staff sa ASTARTE'S COLLECTION.
"Hindi ka umuwi kagabi?" tanong ko sa kanya habang nakatotok pa rin ako sa mga tao ko sa store. "Saan ka natulog kagabi?"
Walang malisyang tanong ko I know this man very well there's something that bothering him. Hinintay ko siyang sumagot ayaw ko siyang pangunahan. After all he’s my best friend.
Bumuntong-hininga muna siya bago sumagot. Talagang may problema.
"I just don't want to see him." may halong galit ang bawat salitang iyon.
Napakunot-noo ako. I know kung sino ang sinasabi n'ya. Hinawakan ko ang kamay niya na nasa balikat ko at pinisil ito. Gusto ko siyang damayan at nginitian siya. Ayaw kong I-force siyang magpatawad. In time mahahanap din niya ang kapatawaran sa kanyang puso ganoon din ako.
Biglang tumunog ang tiyan ko. At dinig na dining iyon ni Allie. At ngumiti siya. Labas na naman ang kanyang mga gwapung dimples. Para siyang si Aga Muhlach na Spanish Version. Hindi maputi si Allie medyo tan. Malaking tao din ito. He has that gray eyes na nakuha niya sa inang pure blood Spanish. Mapapalingon ka talaga sa hunk hotel owner na ito ng Sta. Fe. A young businessman and a chef.
"Gutom lang 'yan,dear." pa bakla nitong sabi.
Napatingin ako sa Eco-bag na nasa center table ng sofa set sa aking opisina. Laman noon ang tanghalian namin.
"Baba na tayo. "Nagpatiuna na ako sa kanya.
"Okey," sang-ayon naman niya.
Minsan dito kami sa office kumakain. Pero madalas sa labas o sa resort. Ayaw kasi niyang kumakain kami sa office dahil parang laging nakikita ko daw ang trabaho.
"He’s, here right?" Pagbubukas ko ng isang topic na ng nasa food court na kami ng mall. Mas pinili namin dito kumain ngayon dahil dito mabibili ang mga pinakamamasarap na lutong bahay na ulan at mga panghimagas sa buong Sta. Fe. May pagkaing dala si Alejandro nakalagay sa stainless food storage may tatlong layer ang bawat isa. Inaayos niya iyon sa mesa.
Muling naging pormal ang kanyang mukha.
"Ang papa mo nagsabi sa'yo?"
Marami-rami na rin ang mga tao kumakain sa food court dito din kasi kumakain ang mga empleyado ng mall.
"Oo, kaninang umaga. May meeting yata sila ng iyong Papa kaya maaga siyang umalis kanina. And I called kagabi sa inyo pero hindi ka raw umuwi sabi ni Nanay Elsa." Sagot ko.
Hindi ito umimik mukhang malalim ang iniisip niya. Don't tell me nagladlad na ang bestfriend ko. Wala na ba talagang pag-asa? Lalaki na ang gusto niya? God bakit po? Joke…
Lalaki siya proven and tested ko na yan hahaha…
Nang maalala kong siya ang naging personal chef nina Mr. and Mrs. Lim kagabi kaya siguradong late na ito umuwi. Sa resort ba ito natulog?
Pwede naman kasi ito matulog doon.
The party plan "Okey, speak up Alejandro Ybanez-Arevalo. Mahina kong tawag sa buo niyang pangalan. Ayaw kong taasan siya ng boses sa ganito karaming tao. Tinitigan niya ako at bumuntong-hininga. "I'm not with another guy, OK," seryoso niyang sagot."Lagi kang nag-iisip na nanlalaki ako. Alam mo naman kung ano ako di'ba?" He said sa baritonong boses na may halong galit at poot. Minsan kasi over thinker ako. Alam ko naman mahinhin lang talaga ito pero hindi ito bakla. Hahaha kung anu-ano na naman ang iniisip ko sa best friend ko. Kung may nakakakilala sa kanya nang higit pa sa anong makikita mo the way he moves, it is me. His only best of friend. And he’s long time girlfriend. Hahaha. Muli siyang bumuntong-hininga. "Dinala na ni Papa ang anak niya sa labas." Mas lalong sumeryoso at humina ang kanyang boses."Siya ang bagong commanding officer sa military base ng Sta. Fe." Hindi ako nagre-react nakikinig lang ako sa kanya. Alam ko kung gaano kagalit it
Birthday Party (part 1) "Oh, my Ate Cassy, Wow." namimilog na mga mata ni Astarte na nakatingin sa akin. Katabi niya si Abby na abot-teynga ang ngiti. "Ang torpe kasi ni Kuya eh," palatak pa niya habang papalapit sa akin. Maingat akong niyakap para hindi masira ang gown ko. "Maganda ka gwapo siya sayang ang hina kasi eh." "Ikaw talaga." Natatawa kung turan. "Hindi naman torpe ang kuya mo." Namimilog ulit ang kanyang mga mata. May gusto pa sana siyang sabihin. She gave a questionable glare. And a mysterious smile that I can't explain. "You're beautiful, Mommy." Si Abby. She's wearing a twinnie gown like mine—sleeping beauty-inspired gown with modern style on it. And even our shoes are the same. But my dress and shoes have garnet stones because I was born in January my birth month, she's has aquamarine birthstone of August. "You're more beautiful, baby." Pinisil ko ang tungki ng ilong niya. Yes, she's more beautiful than me and way smarter. "
Birthday Party (part 2) At seventeen I'm already a mother. Salamat sa Diyos at hindi ako iniwan ni Papa lalo na ni Alejandro. To stop the rumors because I’m underage. Alejandro gave his name to Abby and signed her birth certificate as her father. Nilingon ko siya. Mahal niya talaga anak ko. He looks a proud father to her. Kunsabagay, siya naman ang talaga ang naging ama ni Abby. He's disciplinarian and the same time cool Dad. And I'm the strict mother to her. All I want is to protect her. Ayaw kong mangyari sa kanya ang nangyari sa akin. Nakikinig naman siya pero mas nakikinig siya kay Alejandro. Nakakaselos minsan pero ok lang. Inalalayan siya ni Papa habang lumalakad papunta sa kinatatayuan namin ni Allie. "Thank you po, Grandpa," ngumiti siya kay Papa. "Mom, can I?" Hininhingi niya ang mic sa akin na agad kong binigay. She confidently smiles at nilibot ang kanyang mga mata sa mga bisita. "Thank you po sa lahat ng dumating. Sa mga kapamilya. Tit
The Party (part 3) "Hon, kumain ka pa ng marami. Mahirap magpatakbo ng isang bayan." Paglalambing ni Astarte kay Marco. Naku, naglalambingan talaga sa harapan namin. "Aray... Ouch..." Mahinang sigaw ni Sonya. Na tumitingin pa sa frog grass sa ilalim ng mesa. "Gosh anak balik ka na sa mga kalaro mo." Tiningnan siya ni Cyril na may pag-alala. "Why Heart what happened?" "Hindi ka ba kinakagat ng mga langgam Heart? Andami kasi." Pinapagpag pa niya ang kanyang mga paa kahit naka-upo. Nakiki-tingin na rin ako sa kanila dahil nasa harap namin sila naka-upo. "Nasaan?" Nakakunot-noo na si Kuya Cyril. "Wala naman." Si Allie. "Sonya, pinagloloko mo ba kami?" I ask minsan kasi loka-loka ito. "Hantik na yata, Heart." Pati sila Papa Cornelio ay nakiki-hanap na rin pati ang ama ni Allie. Pati ang mag-ina ay nagsitayuan na rin. Si Astarte sa takot sa langgam kulang na lang ay kargahin ni Marco. Mas lalong kumunot ang noo ni K
The Proposal Talagang sumayaw ako ng todo. Inilabas ko ang hidden talent ko sa pagsayaw . Napahiyaw ang mga nasa table. Pumalakpak pa sina Astarte at Sonya, samantalang nagtitili si Abby. Lahat ng mata'y nasa akin. Ito'y nasa saliw ng Hips don't Lie ni Shakira. University dancer kaya ako. Hindi inaasahang nagtama ang mga mata namin ni Alejandro. My God... He was grinning at me. Na para bang may malaki akong kasalanan. Talagang galit siya. Hindi ko maintindihan ang ugali n'ya ngayon nagagalit ba siya dahil sumayaw ako? He was pissed off and why I felt guilty? Wala naman akong ginawang masama. I tried to composed myself. Kasalanan na pala ang sumayaw at maging masaya. It's a party duh! I rolled my eyes. I know that grinned smile his upset. It's Alejandro anyway showing his grin smile means he didn't like what I do. Should I care or not? Blackout... Biglang dumilim ang lahat sa gitna ng pagdadalawang-isip ko. Rinig na rinig ko ang tib
Bad dream “Ahh b-bitiwan n’yo ako.” Isang malakas na sigaw ang pumailanlang sa madilim na lugar. “Please po iuwi n’yo na ako hinihintay na ako ng mga magulang ko.” Nagmamaka-awang hikbi ng dalagita. Ngunit nakabibiging mga tawa lamang ang pumailanlang sa buong paligid. Lahat ng mga mata’y nagpipiyesta sa magandang dalagang nasa ikalabing-anim na taong gulang lamang. Kutis porselana ito at mahaba ang buhok. Puno ng luha ang mga mata at halos hubaran na nang tingin ng mga lalaking nakapaligid sa kanya. Hinawakan ng isa ang mukha ng babae na ang mga mata’y puno ng pagnanasa. Pilit na umiwas ang dalaga at muling nanglaban. “Bitiwan n’yo ako. Tulong… Tulong…” Pilit pa ring pumipiglas ang dalaga habang hawak-hawak ng mga lalaking naglalaway sa dalaga. Isang malakas ulit na sigaw. Umalingawngaw ang paghikbi at paglaban sa puso ng dalaga. Ubod lakas na sumigaw at humingi ng tulong sa mga magulang. “Cassandra, gising.” Nag-aalalang boses ng Allie ang aking
ALEJANDRO'S POV Niyakap ko ng mahigpit si Cassandra at hinalikan sa noo. Muntik pa akong nakalimot sa aking sarili. Ngunit muli pinigilan ko ayaw kong mag-take advantage sa kanya tungkol sa bagay na iyon. Alam kong handa na siya and I’m not questioning her love towards me but ayaw kong isipin niya na iyon lamang ang habol ko sa kanya. Mahal ko siya noon pa man, I tried to protect her since the day we’ve met. When we’re in our younger years. I love her already. Alam ko ‘yon sa sarili ko. Pero minsan mapaglaro ang tadhana kailangan mong mamili and I made my choice but I lose one. She’s my dearest and my mentor. I had no chance to save her, but God gave me a reason to go on and promised to protect them. My love will always protect her at any cost. Cassy and Abby are my life; whatever it is I’m still the man who will be at their side handang pangalagaan at protektahan silang mag-ina. Narinig ko ang pagtilaok ng manok mula sa labas. At mga motor ng mga mangingi
The early meeting “Nag-report ang mga magulang ng mga bata sa pulisya at may nakakita na sa isang yate isinakay ang mga dalagita.” Inilapag nito ang folder na dala-dala sa mesa na malapit sa projector. Nakipagsukatan ako sa mga titig niya. “Nasa garahe ang yate ko at walang gumagamit.” Matigas kong sagot. “Are you accusing me Captain? Again.” Tanong ko sa kanya. Hindi siya sumagot agad tinitigan lang niya ako. Parang may kakaiba sa mga titig niya siguro dahil ngayon lang kami nagkita o dahil alam niyang malaki ang kasalanan ng mga magulang niya sa amin ni Mama. “Nasa garahe ang yate na sinasabi mo pwede mong patingnan sa mga tauhan mo Kapitan kung nagamit ba.” Tumayo ako at inilapag ang susi ng garahe na kinalalagyan ng yate. Espesyal ang garaheng pinagawa ko at ang susing binigay ko hindi basta-bastang susi lang ito. At ang lock nito ay may security features at nalalaman kung ang susi ba talaga niya ang gamit sa pagbukas. At ito din
ALEXANDER THOUGHTS of PAST Napangiti ako sa sarili ko habang binabaybay ko ang kalsada papunta sa kubong inuupahan ko at ni Cass. Sigurado akong matutuwa iyon sa mga grocery na dala ko. At sa mga damit na binili ko sa mall. Ini-imagine ko ang maganda niyang ngiti habang inaabot ko ang mga pinamili ko. Hindi naman siya maarte pero gusto kong may brand ang sinusuot niya. Kahit papaano napapasaya ko siya dahil alam kong nalulungkot siya na laging mag-isa sa kubo at hindi ako laging umuuwi sa kanya. Gustuhin ko man na lagi siyang kasama pero hindi maaari. Kaylangan kong unahin ang aking tungkulin at responsibilidad. Naiintindihan naman niya iyon. Alam din niya nanganganganib ang buhay niya kaya hindi na siya nagtatanong. At matiyaga na lang niya akong hinihintay. Nasa dulo ng mga paupahang kubo ang unit namin. Meron ding mga kalapit bahay. Katabi mg inuupahan naming ang bahay ng may-ari. Mag-asawang matanda na nasa Maynila nagtatrabaho ang mga anak. Kaya sila nalang dalawa mag-
ALEXANDER POV Nagtaka ako sa lugar na aking pinuntahan. Hindi naman siguro ako nagkamali? Tiningnan ko ang tinext na address ni Bryan sa akin tama naman pati lahat ng description niya sa lugar. Pero walang ilaw. May ilan-ilang mga sasakyan na nakaparada sa gilid ng daan. Iilan lang naman ang may sasakyan sa isla at iyong may kaya. Nandoon ang military vehicle na ginamit ni General Arevalo, kaya hindi ako nagkakamali. Kung ako lang ayokong dumalo sa party na ito. Pero dahil sa pinadalhan ako ni Abby anak ni Alejandro ng invitation kailangan kong makisama. Lalo pa at ako ang bagong commander ng army detachment dito sa Santa. Fe. Ipinarada ko ang motor na aking gamit kasunod ng sasakyan ng mga tauhan ni General. Inalerto ko ang akong sarili. Hindi ko ugaling magdala ng baril kapag off-duty ako. Hindi rin ako naka-uniform simpleng polo shirt ang suot ko ngayon na pinaresan ko ng Jag na pantalon. Tinaggal ko ang aking helmet. Naglalakad na ako sa paligid walang katao-tao sa
WHAT HAPPENED YESTERDAY MORNING “Perfectly just for you my dear Cassandra.” Si Alejandro na hinawakan ang kamay ko nang pagkahigpit-higpit. Namula ako. At talagang kinilig hehehe. I can’t help eh aaminin ko kilig na kilig ako. Shocks. We have our happy moments and lambingan nang wala sa loob akong napatingin sa kinaroroonan nila Abby. Nagpalinga-linga kami sa paligid. At halos sabay na na nagwika. “Where is she? Halos sabay naming nasabi. Pasensya at over reactor talaga ako. Napatayo kami bigla. Hindi na nga ako naalalayan ni Alejandro. Hawak kamay kaming naglakad papunta sa mga ka-klase ni Abby at nagtanong sa kanila. Wala silang maisagot dahil nagpa-alam lang daw itong may titingnan. Alejandro take a second thought habang nag-iisip samantalang inilibot ko muli ang aking mga mata sa paligid. Nakita ko ang garahe ng yate ni Alejandro sa di-kalayuan nasa more or less fifty-meter lang ang layo nito sa kinatatayuan namin ngayon. Nahuli ko siyang nakatitig doon
Midnight Me TimeCASSANDRA POV “Alejandro, you owe me an explanation.” Introduction ko sa kanya ng magkasarili kami. Medyo tipsy na kaming dalawa dahil nagkaroon ng inuman sa bonfire. It’s almost twelve. At natutulog na ang mga bata. At maging halos lahat ng tao. Pinapayagan lang ang bonfire sa resort at inuman pero walang tugtugan to maintain kahit papaano ang solemnity. Puro hampas ng alon ang maririnig sa paligid. Nasa rooftop suite na kami. Sinilip ko muna si Abby at tulog na siya sa kanyang silid. Kanina pa umaandar ang utak ko kung paano tatanungin si Alejandro sa mga nangyayari. Alam kong may tinatago siya sa akin. At alam ko sa porma ng kanyang mukha na nagpipigil siya ng galit. Bumuntong-hininga muna siya bago umupo sa sofa at halatang pagod. Hindi naman marami ang nainom namin pero parang sa hitsura niya ilang bote na ng tanduay ice ang tinungga niya. Nakikita kong nagdadalawang-isip ang kanyang mga mata. Ngunit determinado akong kulitin siya kahit mah
CASSANDRA POV “Nasaan ka na Abby? Tanong ko sa sarili. Nakaupo na ako sa gilid ng isang puno ng niyog na may upuan isa itong malaking troso. Iniwan ko muna sila Sonya sa cottage na madalas naming tinatambayan kapag nasa resort silang lahat. Para hanapin si Abegail. Kanina pa ako naghahanap kay Abegail. More or less five-hectare ang nasasakupan ng resort kaya medyo nahihirapan akong maghanap sa laki nito. Alam kong hindi basta-basta makakapasok ang kahit na sino sa resort at may mga gwardiya sa bawat sulok. Pero ayaw kong makampante kung may mga balitang may mga bandidong nakapasok sa Sta. Fe dapat mas maging maingat kami. Hindi natin alam ang diskrasya. Tinawagan ko na si Alejandro. Hindi daw dapat ako mag-alala dahil nakita na niya si Abby. I felt so relief. He’s always my knight in shining armour. Naghintay pa ako ng ilang minuto at natatanaw ko na si Alejandro sa di-kalayuan. Sa tangkad ba naman niyan imposibleng hindi agad makita. At ang kaputiang kasing sparkling
CASSANDRA POV “Nasaan ka na Abby? Tanong ko sa sarili. Nakaupo na ako sa gilid ng isang puno ng niyog na may upuan isa itong malaking troso. Iniwan ko muna sila Sonya sa cottage na madalas naming tinatambayan kapag nasa resort silang lahat. Para hanapin si Abegail. Kanina pa ako naghahanap kay Abegail. More or less five-hectare ang nasasakupan ng resort kaya medyo nahihirapan akong maghanap sa laki nito. Alam kong hindi basta-basta makakapasok ang kahit na sino sa resort at may mga gwardiya sa bawat sulok. Pero ayaw kong makampante kung may mga balitang may mga bandidong nakapasok sa Sta. Fe dapat mas maging maingat kami. Hindi natin alam ang diskrasya. Tinawagan ko na si Alejandro. Hindi daw dapat ako mag-alala dahil nakita na niya si Abby. I felt so relief. He’s always my knight in shining armour. Naghintay pa ako ng ilang minuto at natatanaw ko na si Alejandro sa di-kalayuan. Sa tangkad ba naman niyan imposibleng hindi agad makita. At ang kaputiang kasing sparkling
ALEJANDRO POV Nagchi-check ako ng email sa opisina pagkatapos kong mag-almusal kasama sina Cassy, Sonya at Astarte. At maging si Marco at si Cyril ay nandoon. Naging ugali na naming sa resort naglalagi kapag weekend. Kanina ko pa pinipigil ang galit ko kay Alexander ay mas tumitindi pa ngayon. Parang gusto ko na siyang sapakin o suntukin sa harapan ng kanyang mga tauhan. Masyado na niya akong pinipersonal. Hindi lang ako sa buong probinsya na may yate at masyado niya akong pinupuntirya. Matagal na akong nagtitimpi sa lalaking ito. Gusto ko na siya patulan kung hindi lang. Buti at nakapag-pigil pa ako sa kanya. Seryoso ang pinag-usapan namin ni Marco tungkol sa mga nangyayari ngayon. Kailangan kong seryosohin kahit ang maliliit na problema. Dahil malaki ang maaring epekyo nito sa negosyo namin ni Cassandra. Dumagdag pa itong si Alexander na puro patama sa akin ang mga sinasabi. Ayaw niyang maniwala na hindi nagamit ang yate magdadalawang buwan na dahil naging busy kami ni Ca
ALEXANDER POV Ilang araw na akong walang maayos na tulog dahil sa mga bumabagabag sa utak ko. At sinamahan pa ng pag-inom ko halos gabi-gabi dahil sa kagustuhan kong makalimot. “Sir, nandito na po tayo.” Si Sgt. Rojo siya din ang kanang kamay ko at investigator kapag may pinalalakad akong papeles o tao. Hindi ko namalayang nasa resort na pala kami na pagdadausan ng urgent meeting na ito. Ang resort na pagmamay-ari ni Alejandro. Nag-aagaw liwanag pa lang ngunit marami nang tao sa dalampasigan at may mga mangingisdang pumapalaot. Natatanaw ang mga ilaw ng mga bangka sa di kalayuan daanan kasi ang resort ng isang komunidad ng mga mangingisda sa likod ng malabong bakawan ilang kilometro mula sa kinaroroonan ng resort. Hindi ito kalakihan ngunit ito ang pinakadinadayong resort sa Sta. Fe. Dahil sa lokasyon nito at mapuputing buhangin at asul at malinis na dagat. Tumango ako at lumabas na ng military jeep na sinasakyan namin ng iba pang mga subordinates. Heightened ale
CASSANDRA POV (part 2) Pumasok na kami sa elevator ni Abby at dumiretso sa ground floor kung nasaan ang restaurant ng resort. Agad na tumakbo si Abegail papunta kina Sonya at Astarte. Kumaway ako sa kanila at hindi na lumabas sa elevator. Pinindot ko ang second floor botton ang second floor kung saan nandoon ang office ni Alejandro. Pero wala siya sa doon. Wala siyang sinabi kung saan siya pupunta, siguro nandito lang ‘yon sa resort. Chineck ko muna ang laptop ko na naiwan dito sa office niya. I checked some emails and messages galing sa mga suppliers and tracked some shipments of supplies. Especially the imported products na inorder ko abroud. I consumed almost half an hour but ni anino ni Alejandro ay wala. Tanging ako lang at si Allie ang nakakapasok sa office niya maliban lang kung pinahihintulutan niyang pumasok ang mga staff. Ayaw kasi niya ng secretary at pati cleaners ayaw niya papasukin. Siya mismo ang gumagawa pati paglilinis ang OC lang may pagka security addic