Nagmahal at nasaktan. Sinubukan ni Ashera na magpaliwanag sa kanyang mga magulang kung bakit sa pag-uwi nila galing sa ibang bansa ay may bata ng kasama si Ashera. Handa itong magpaliwanag ngunit itinakwil siya ng kanyang mga magulang at sa pag-asa na ipagtanggol siya ng lalaking mahal niya ay bigla nalang itong lumayo sa buhay niya. At sa pagkikita muli ng kanyang ex-boyfriend ay masasakit na salita at panunumbat ang narinig niya. Buo ang loob ni Drake na kung magkita pa muli ang landas ng dating kasintahan ay nangako ito na gawing miserable ang buhay ng dalaga dahil sa pangloloko na ginawa niya. Ngunit may natuklasan ang binata na nakapagbabago ng mga plano niya. Gaano ba siya kahina sa ngalan ng pag-ibig kung may dalawang tao siyang nasasaktan?
View MoreCHAPTER 37 The Billionaire's Vulnerable Heart "Okay lang baby Ian na doon ka muna matulog sa kwarto ni nanay Sidra kasama ang playmate mo?” tanong ko sa anak ko habang busy ito sa kanyang laruan na eroplano. " Baby? Look at mama.” Napangiti ako na sumunod siya sa sinabi ko, nagkatinginan kami habang nangungusap ang kanyang mga mata. “May pupuntahan lang na event si mama kaya doon ka muna matutulog kay nanay, okay ba baby?” Tumango siya kaya mas lalong lumapad ang ngiti ko. He understands me very well. Pagkatapos kong matupi ang mga damit namin ay pinatulog ko na si Ian dahil alas otso na ng gabi. Habang nagpapa-antok ako ay nahagip ko ang cellphone ko na umiilaw at nagva-vibrate, ibig sabihin may tumatawag. Kinuha ko ito at sinilip kung sino ang tumatawag at nagulat ako na makita ko ang pangalan ni Drake. “Ano na naman kaya ang sasabihin niya at napatawag." bulong ko sa sarili ko. Sinilip ko muna si Ian at nang makita ko siya na mahimbing na ang tulog ay bumangon ako sa kam
CHAPTER 36 The Billionaire's Vulnerable Heart “Bakit mo tinakpan ang bibig ko?" Anas ko sa kanya. Nakatingin pa rin sa amin ang sales lady. Inilapit ni Drake ang kanyang mukha malapit sa tenga ko para bumulong kaya napa-atras ako ng konti. “Let's pretend each other na girlfriend kita at boyfriend mo ako para makuha natin ang malaking discount na sinasabi nila." Nagkatinginan kami ni Drake tumaas ang kilay niya at ganoon din ako. Kailangan naming magkunwari na magkasintahan para lang makasave kami? Marami naman yata siyang pera pero sa bagay, tama naman siya, isang beses lang namin gamitin ang dress na susuotin ko at siya ang magbabayad, may pera naman ako rito pero sa tingin ko, dalawa o tatlong buwan ko pa ito kikitain bago ko mabili ng gamot ang anak ko at pambayad sa renta ng bahay. Tumango ako sa sinabi niya at tumalikod sa kanya para maharap ko ang saleslady. "Gusto ko pong makita ang black dress na meron kayo at para maisukat ko muna. And let my boyfriend decide ku
CHAPTER 35The Billionaire's Vulnerable Heart Magulo ang isip ko na lumabas ng office. Isa kasi sa kinatatakutan ko ay baka magkamali ako at hindi ko magawa ng tama ang speech ko o di kaya ang paglalakad ko. Maraming tao ang dadalo for sure iyan. Tapos anong sasabihin ko sa anak ko? Anong sasabihin ng girlfriend niya na ako ang kasama ni del Rego. Ano ang sasabihin ng iba? First time ko at baka mapahiya lang ako, huwag naman sana. Nakakatakot kaya. “Tulala ka na naman Ashera-” napalingon ako sa gawi kung saan si Cha-cha. Malalim akong napabuntong hininga at talagang narinig niya ang ginawa ko. “Kasi nga…. sasamahan ko si Mr del Rego sa isang event.”"You mean?” " Isa sa nominated ang restaurant natin na ginanap ang botohan and guess what, isa ito sa napili na makatanggap ng award.” Balita ko sa kaibigan."Talaga? And then ikaw ang isa sa magre-represent ng award?”"Oo raw-” malungkot ko na wika habang bagsak ang dalawang balikat ko. "Eh bakit ka malungkot riyan, opportunity mo n
CHAPTER 34 The Billionaire's Vulnerable Heart Nagulat pa ako paggising ko na makita si Ian na nakaupo na sa kama at nakatingin sa akin. “Good morning baby--" bati ko sa kanya at ngumiti ito sa akin at humalik sa pisngi ko. Niyakap ko siya at tawang-tawa siya. Buti at hindi bad mood ang baby Ian ko ngayon. “Kain na tayo?” Tanong ko sa kanya habang sinusuklay ko ang buhok niya na mas malambot pa sa akin. “Later mama…” " Later? Okay later then…" narinig namin na may kumakatok sa labas ng pinto at wala pang isang minuto na makita ko si Ian na excited bumaba ng kama namin at tumakbong pumunta ng pinto. "Wait Ian, huwag mo munang buksan ang pinto, we need to make sure whose in the outside, okay?” "K…faster mama…" sinilip ko muna kung sino ang nasa labas lalo at excited ang anak ko, may idea naman ako pero mas mainam pa rin kung sigurado. At nang makita ko kung sino ang tao na nasa labas ay agad kung binuksan ang pinto dahil nagmamadali na si Ian. “Paano mo nalaman na si Tito
CHAPTER 33 The Billionaire's Vulnerable Heart “Ashera nandito ka na pala, ano? Kumusta na ang kalagayan mo?” Bumaling ang attention ko kay Miss Maui. “Mabuti na po ako ma’am Maui, pasensya na po na hindi na po ako nakabalik, hindi ko po inaasahan ang nangyari.” "Kahit kami, mabuti na lang at walang kamote na driver at delikado kung nasagasaan ka.” “Kaya po ma’am, uhmmm….maglilinis nalang po ako ng restaurant ma’am para mabayaran ko ang ilang oras na nasayang.” ani ko sa kanya para, madalang na ang customers dahil hapon na at isa pa, uwian ko na kaya kahit maghabol na lang ako sa mga lilinisin dito sa restaurant. "Out mo na di ba? Huwag ka ng magtrabaho at pinapauwi ka na ni boss para makapagpahinga ng maayos, huwag kang mag-alala, siya mismo ang tumawag sa akin, punta ka na lang mamaya sa office ko,” saad ni Miss Maui. Sabagay, bago ang insidente ay nakapagtrabaho pa ako, kahit hindi naman buo ang matatanggap ko mamaya na sahod ay at least meron akong madadala sa bahay at ang
CHAPTER 32 The Billionaire's Vulnerable Heart Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata, so weird dahil may nakita akong chandelier, kailangan pa kami nagkaroon ng ganyang ilaw sa apartment, bumili ba ako? “Oh my, gising ka na- nurse! Gising na siya." Mahinahon na boses ng babae ang narinig ko at nang lingunin ko siya ay naging familiar ang mukha ng babae sa akin. Hindi pa ako nakapag-adjust sa ilaw kaya ilang pikit mata ang ginagawa ko. Anong nangyari sa akin at bakit tinawag niya ang nurse? Napabalikwas ako ng bangon, bigla kong naalala si Ian. "Hi Ashera–huwag ka munang bumangon, yet, saka na kapag sinabi ng doctor." Ashera? At nang matanto ko kung sino ang nasa harapan ko ay kunot noo ko itong tiningnan. "Ano po ba ang nangyari?” ngumiti ito sa akin habang hinahaplos ang buhok ko. Napabaling ang tingin ko sa pinto at pumasok ang isang ginang na may suot na puting roba na pang nurse at si Drake? Inikot ko ang pangingin ko sa paligid, hindi naman ako nakahiga sa hospita
CHAPTER 31The Billionaire's Vulnerable Heart “Thank you Jaymark!" Hindi ko pinansin si Drake at binalik ang attention kay Jaymark. “No problem, anong oras ang uwi mo mamaya? Matagal ka ng nagtatrabaho rito?" Turo niya sa restaurant. Tumango ako sa kanya at ngumiti. “Mamayang five pa ng hapon and yes, matagal na rin po, baby pa si Ian." “Wow- nice job. Pambihira nalang sa ngayon ang nagtatagal sa trabaho at isa pa-" “Miss Sarmiento–" natigil ang pag-uusap namin ni Jaymark na sumulpot si Drake sa harapan namin. Nilingon ko siya at kung ano ang nakikita ko sa mukha niya kanina ay ganoon pa rin ngayon, madilim at walang kabuhay-buhay ang mga mata, at nasa magkabilaan ng kanyang black pants ang dalawang kamay.“Yes boss" “You're late -" “Po? Hindi kaya…I mean, sorry po,” hingi ko na lang ng sorry at yumuko kahit hindi naman talaga ako late, fifteen minutes pa kaya bago ako magsimula. Nakalimutan niya na ba o wala siyang relo. “Sige….aalis na ako. Ingat ka, susunduin kita mamaya,
CHAPTER 30The Billionaire's Vulnerable Heart Lasing ba siya? Marahil lasing siya kaya siya napatawag at ganoon ang sinasabi. Nagkamali lang siya ng pindot ng numero at agad nagsalita na hindi muna nagtanong. Na wrong send pa s'ya na para sana sa kanyang girlfriend. Binaba ko ang cellphone pagkatapos niyang patayin ang tawag at humiga. Ngunit hindi ako mapakali sa kama dahil naglalaro sa isip ko ang sinabi ni Drake bago lang. Pero hindi maaari na palalimin ko masyado itong nararamdaman ko lalo at wala na kami at may girlfriend na ang tao. Pinilit ko nalang na makatulog ng maayos para hindi naman ako puyat sa trabaho kinabukasan. Kinabukasan ay talagang mapapaiyak na lang ako na makita ang mga mata ko sa salamin na kitang-kita ang eye bags dahil sa puyat ako kagabi, madaling araw na akong nakatulog kaya ito at inaantok pa pero hindi pwede na tamarin lalo at kailangan ko pang asikasuhin ang anak ko at may trabaho ako. Lumabas kami ng kwarto ni Ian pagkatapos ko siyang paliguan a
CHAPTER 29 The Billionaire's Vulnerable Heart Masaya din pala kapag marami kayong kumakain sabay-sabay. Ang huling naalala ko na kumain ng sabay kami ay noong kasama ko ang mga magulang ko bago sila nagtrabaho sa ibang bansa, but, what happened between me and Ian ay hanggang doon na lang ang lahat, hindi na naulit dahil kinamumuhian nila ako na makita si Ian. That was hell experience for me pero no'ng na itaguyod naming dalawa ni Ian at hanggang ngayon ay narito pa rin kaming dalawa ay masasabi ko na ang swerte ko dahil hindi kami pinabayaan ni Ian. Wala mang kadugo na tumulong pero nahanap ko naman ang tulong sa ibang tao. Sa bahay kami ni Manang Sidra kumakain lalo at wala ang kanyang asawa dahil may pasada pa sa jeep at mamaya pa uuwi, kilala na si Chacha and Kimberly kaya ayos lang. Para na rin namin silang mga pamilya. “Yam…yam…” "Yummy?” Tumango ako kay Kimberly na tama siya, iyan ang gustong sabihin ni Ian. Nasasarapan siya sa ulam na manok na lechon kaya sunod-sunod
TVBH 01Pigil hininga ang ginawa ko dahil kamuntikan ko nang mabitawan ang dala-dala ko na tray. Ang lakas ng pintig ko dahil sa kaba na mahulog ang order ng customer. Nagtatrabaho kasi ako sa isang kilala na restaurant dito sa Mandaluyong. Bawat galaw ay dapat maingat dahil maya-maya ang order ng mga customers na kailangan mo ay mabigyan ng tamang serbisyo. Kaunting pagkakamali ay baka kakaltasan ka ng sahod o di kaya fired sa trabaho. Kaya bago pa iyan mangyari sa akin ay kailangang alerto ako sa bawat kilos ko. Ayoko ng makarinig pa ng salitang lampa dahil hindi ginagawa ang trabaho, what more pa kaya kung taggalan ako ng trabaho na tanging kinukuhanan ng pangkabuhayan. Hindi ko na alam kung saan pa ako maghapo na palakad-lakad sa kalsada para maghanap ng trabaho. "Thank you ma’am, enjoy your meal po," nakangiti kong sabi pagkatapos kong ma-served ang order sa kanilang table, pero imbes na welcome ang matatanggap ko ay umirap lamang ang babae sa akin. Binalewala ko na lamang i...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments