Share

CHAPTER 07

TBVH 07

Halos malaglag ang puso ko sa sobrang kaba dahil sa muli naming pagkikita. Ang laki ng mundo, ang lawak ng Maynila bakit pa kami nagkita?

Pambihira naman ng tadhanang ito. Sa mukha niya palang ay alam ko na kung gaano siya kagalit na makita ako. Kitang-kita ko kung gaano lumaki ang kanyang mga mata habang nakadungaw sa akin at naka-igting ang panga na ma realize niya yata na ako ito... ang dati niyang girlfriend. Pero hindi pangungulila ang nakikita ko sa kanyang mga mata kundi galit at poot.

Hindi ako nagkamali, siya talaga iyon. Siya talaga. Bigla kong naalala ang anak ko para kalmahin ang sarili ko. Pinikit ko ang mga mata ko, pinigilan na makawala ang isang butil man na luha. Ayoko ng ganitong pakiramdam, parang ang hina-hina ko kaya kapag maalala ko si Ian, ang baby ko ay kahit papano ay kumakalma ako, pinaalala niya sa akin kung paano lumaban at huwag sumuko dahil naghihintay siya sa aking pag-uwi.

Hinawakan ko ang puso ko at ramdam ko kung gaano ito kabilis tumitibok. Parang nauubusan ako ng hangin sa lalamunan dahil sa nangyari kanina. I need water, really really need water right now. Ang tangi ko nalang ginagawa ay huminga ng malalim.

Nandito ako sa restroom at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko rito, parang biglang tumigil ang plano ko na umihi lang sana.

Pinaparinggan ko ang paligid, tahimik at kung may ingay man ay nasa malayo na. For sure, wala na siya ngayon at umalis na, natawa ako sa sarili ko. Nagbabasakali pa ba ako na puntahan niya ako rito?

Pinilig ko ang ulo ko, kung ano nalang ang iniisip ko. Nakita ko lang naman s'ya. Imposible naman na papasok siya para makipagbalikan sa akin.

Ilang minuto muna akong namalagi sa loob ng cubicle. Nakaupo lang at tulala.

At ilang sandali ay tumayo na ako at baka hinahanap na ako sa restaurant. Hindi pa naman ako nagpaalam sa manager namin kundi kina Cha-cha at Kimberly lamang.

Paglabas ko ay mas lalong kumalabog ang puso ko na may pares ng sapatos akong nakita sa loob ng banyo malapit sa sink at kung nasaan ako lumabas na cubicle at pag-angat ko ng tingin ay ang kanina ang lakas ng kabog ng dibdib ko ay mas lalong lumakas ang kalabog ngayon.

Bakit siya pumasok sa girl restroom? Bakit siya narito? Bakit? Paano kung may biglang pumasok na ibang tao at magulat na may lalaki rito?

Humalukipkip siyang nakatingin sa akin habang nakaigting pa rin ang mga panga at madilim ang mga mata. Malapit nang magkasalubong ang mga kilay niya sa kakatitig sa akin.

Halos kapusin na naman ako sa paghinga, humakbang ako para magtungo sa kabilang sink na hindi siya pinapansin. Baka mamaya nandito pala ang girlfriend niya at gumagamit din ng banyo. Tama...baka tama ako.

"You're here, huh? Why?" natigil ang paghugas ko ng kamay. Hindi ko alam kung ako ang kausap niya. Ayokong mag-assume dahil baka biglang may lumabas sa isa sa mga cubicle na girlfriend niya o di kaya may kausap sa phone.

Pinagpatuloy ko ang paghuhugas ng kamay at pagkatapos ay kumuha ng tissue at nagpunas, hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang magmadali, parang chill lang ang mga galawan ko pero halos nanlamig na ang buong katawan ko dahil sa presensya ng dati kong ex.

Kahit papano ay pinilit ko ang sarili ko na humakbang papuntang  pinto palabas  pero....

"I'm talking to you, Sarmiento." Naiwan sa ere ang mga kamay ko para pihitin ang doorknob na marinig ang nakakatakot niyang boses. Napanganga ako dahil sa pagtawag niya sa aking apelyido. Dahan-dahan akong lumingon sa kanya.

"I-im sorry-"nauutal kong sabi,  hindi ko alam kung saan ako nagsosorry.

"You came from a decent family and now," he looks at me like I'm trash,   "you're being slave in this fucking restaurant? Nagmamalaki kapa na mabubuhay ka kapag siya ang kasama mo. Na mas magaling siya sa lahat at responsable." Kunot-noo ko siyang tiningnan, hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi niya.

Umiling ako habang nakatitig sa kanya. "Hindi ko maintindihan...wala akong maintindihan sa mga sinasabi mo-"

"Oh common, akala ko ba matalino ka? Or nakalimutan mo lang? Well, tama nga naman pala ang desisyon mo na umalis sa buhay ko." Napasinghap ako sa sinabi niya, wala akong maintindihan kahit isa man lang pero bakit nasasaktan ako sa huling sinabi n'ya?

Matapang akong humarap sa kanya. The way he look at me, ibang-iba na kaysa dati na naging kami pa. Walang bahid na ngiti sa tuwing tinititigan niya ako, hindi kumikislap ang kanyang mga mata kundi tanging nakikita ko lang ay galit at pagkamunghi.

"Wala akong naiintindihan sa mga sinasabi mo. Kung wala na po kayong sasabihin, mauna na po ako sa inyo." saad ko pero bago pa ako tumalikod sa kanya ay bigla niyang hinawakan ang kanang braso ko kaya napadaing ako dahil sa paghawak niya na mahigpit. Halos mabalian ako ng buto-buto dahil sa ginawa niya. Sobrang sakit.

"Masarap ba siya? Magaling ba siya magpaligaya sa 'yo sa kama? Did he satisfied your needs, huh slut-" isang malakas na sampal ang pinadapo ko sa kanyang pisngi. Nanginginig ang mga kamay ko at hindi nagustuhan ang sinabi niya kaya nagawa ko ang pananampal. Nakita ko kung paano tumabingi ang ulo niya dahil sa ginawa ko.

Dinuduro ko siya, "kung may nagawa man ako sa iyo, and then I'm sorry. Pero wala kang karapatan para pagsalitaan ako ng ganyan. Wala kang karapatan para magbato ng salita na hindi mo sigurado kung tama ba o mali. Hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi mo, pero kung ganyan ang paniniwala mo at sa tingin mo na ginagawa ko, and then go on, kung hindi ka masaya at pinagsisihan mo ang nangyari sa atin noon atleast ako...hindi, bagkos masaya ako na matikman ko ang isang del Rego at ikaw iyon." matapang kong sabi sa kanya dahil ayokong sa aming dalawa, ako lang ang nagmukhang kawawa kaya  nakita ko kung paano mas lalong dumilim ang kanyang mga mata na kulang nalang bigyan ako nang magkabilaang sampal. He gritted his teeth na parang anytime ay gusto niya ng sumabog sa harapan ko.

Agad ko siyang tinulak habang kaya ko pang makawala sa kanya at mabuti naman at nagtagumpay ako. Tumakbo ako palabas ng banyo at walang lingon na iniwan siya sa loob na tulala.

Agad pumatak ang mga luha ko habang naglalakad. Ang sakit sa dibdib ang mga binitawan niya, knowing na sa buong buhay ko ay siya lamang ang minahal ko. Siya lang ang kasama ko sa mga panahong malayo ang mga mahal ko sa buhay. Ang mga magulang ko kaya hindi ko alam kung saan n'ya nakuha ang mga sinasabi ukol sa akin.

Sino ang tinutukoy niya? Anong pinagsasabi niya? Marami rin akong tanong sa kanya pero hindi sa ganitong paraan, kung gusto niya ng closure dapat hindi mainitin ang ulo niya.

"Hoy! Ang tagal mo, puntahan sana kita sa banyo, akala ko nga umuwi kana sa inyo pero nakita ko  ang ibang gamit mo kaya... uy anong nangyari sa 'yo at mugto ang mga mata mo? Nagbanyo ka lang, umiyak ka na. Wait... don't say.. okay lang ba si Ian?"

"O-oo naman-" nauutal kong sabi, kinalma ko ang sarili ko para hindi naman mag-alala ang kaibigan at baka umuwi ako ng maaga, sayang ang pera kung mabawasan pa.

"Iyon naman pala eh, namimiss mo?" Tumango na lang ako sa sinabi ni Kimberly kaysa naman sabihin ko na nagkita kami ng ex boyfriend ko.

"Pwede kang umuwi kung gusto mo, total-"

"Mamaya na, tatapusin ko nalang, ayos lang ako." putol ko sa sasabihin niya.

"Sigurado ka?" Tumango ulit ako sa sinabi ng kaibigan ko para hindi na magtanong pa at baka hindi ko mapigilan na humahagulgol ng iyak dahil naalala ko na naman ang lahat na pinagdaanan ko. Ang pagtakwil ng mga magulang ko sa akin. Ang paglayo ng lalaking mahal ko.

Bago ako nagsimula na magtrabaho ay hindi ko maiwasan na lumingon sa loob ng restaurant at baka nariyan lang siya at naghihintay sa akin hindi para kausapin ako at bumalik siya kundi pagsalitaan ulit ako ng masasakit na salita at iyon ang bagay na ayoko ng marinig pa.

Nakahinga lang ako nang maluwag dahil  hanggang pagtapos ko sa ginagawa ay walang del Rego na nakabantay sa akin.

Umuwi ako na payapa at nakangiti na makita ko na ang aking mahal na anak na si Ian Sarmiento.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status