CHAPTER 15 p.1 The Billionaire's Vulnerable Heart Pigil hininga ang ginawa ko na huminto ito sa tapat mismo kung saan ako nakatayo. Pwede naman siyang tumingin sa kabila pero sa akin pa talaga siya nakatanaw. Titig na titig like hello, ilang beses niya na akong nakita sa restaurant na ito o hindi siya makapaniwala na narito ako at nagbigay galang sa kanya. Kaya ba, narito siya sa tapat ko? Palipat-lipat ang tingin ko sa kanya at sa ibang kasamahan at sa manager, bakit hindi pa siya umalis? Tumikhim ako at agad yumuko. “We-welcome si…sir Drak…..I mean del Rego.” Shit, kamuntikan ko na masabi ang pangalan niya at baka magtaka sila kung bakit alam ko na wala pa silang binanggit kanina kahit pwede namang idadahilan ko ay narinig ko lang noong kumakain sila sa vip pero hindi ko na tinapos na sa sabihin ang pangalan at baka mapatunayan na nakichismiss nga ako noong mga panahon na iyan. Bumaling si Drake sa manager at may sinabi. “Black coffee sir?" “Yes-" tipid nitong sagot.
CHAPTER 15 TBVH part 2 "Sige na at mauna na ako sa iyo, Kimberly. Baka masisante ako nito ng maaga kung matagalan ako sa paghatid nito sa opisina ng ating temporary boss." paalam ko sa kaibigan. "Sige ...sige at dadalhin ko na rin itong kape sa kabilang table at ikaw na babae ka, bago ka lumabas galing sa office niya, tingnan mo siya siya ng mabuti kahit mga five to ten minutes para masabi mo sa sarili mo na, 'ay oo nga, tama si Kimberly, ang gwapo nga ni sir del Rego,' okay?" napailing nalang ako sa sinabi niya. Kahit naman hindi ko siya tingnan ay alam ko na ibang-iba na siya noon at ngayon. Dahan-dahan ang mga kilos ko habang naglalakad patungo sa office ni Drake para dalhin sa kanya ang coffee na hinihingi niya. Tanghaling tapat, coffee? Hot pa talaga. Sa bagay, aircon sa loob. Black coffee ito, ayaw niya na ba na may kulay ang coffee niya? Dati kasi…. nevermind. Pagdating sa tapat ng kanyang office ay kumatok na muna ako ng tatlong beses bago pumasok sa loob. Walang suma
CHAPTER 16The Billionaire's Vulnerable Heart “Yes...Ikaw nga-" aniya sa malamig na boses.“Ako? A—ano…ano naman ang kailangan mo sa akin?" Nauutal ko na tanong ko sa kanya. Anong kailangan niya sa akin? Aawayin niya ba ako? Sasaktan dahil sa nangyari sa amin noon? Ngayon ba siya maghihiganti? At bakit siya maghihiganti, naiwan din naman ako sa ere ah. Natawa ito dahil sa nakita siguro sa aking mukha na natatakot. Anong nakakatawa sa reaksyon ko, this is a normal reaction kung hindi niya alam. tsked."Relax, Sarmiento, I won't bite you." umiwas ako na makita ang mapanglaro niya na ngisi sa akin. Hindi na ako nagsalita at baka mauutal pa ako. “Anyway, wala pa akong tanghalian kaya ikaw ang inataasan ko na kumuha ng pagkain.” aniya kaya binalik ko ang tingin sa kanya. “Sige po…ano pong gusto niyong kainin?” "Ikaw—” natigil na naman ako sa mabilisan niyang sagot. "Hindi po ako pagkain!” Halos malakas ang boses ko na sabi pero siya? Tingnan mo at tumawa pa.“Ikaw… ikaw na ang ba
CHAPTER 17The Billionaire's Vulnerable Heart “Umupo ka at sabayan mo akong kumain-" “Ho? Hindi—hindi ho pwede Mr. Del Rego." Tumingala itong nakatingin sa akin at nagtataka.“Why not? Hindi ko ito mauubos sa sobrang dami na dinala mo, ano tingin mo sa akin, last kain ko na ito?" Paliwanag nito. Mas lalong umiling ako at bumaling sa pinto, paano kung may biglang pumasok at makita ako na kumakain kasama ang boss namin. Malilintikan talaga ako sa totoong boss ko. “Basta, hindi po pwede, pinagbabawal po iyan na sumabay sa pagkain ang tulad namin sa-” natahimik ako na makita siyang titig na titig sa akin. Maya-maya ay umiwas ito ng tingin at binalik ang mga mata sa pagkain na dala ko. “Naririnig ko ang tiyan mo, so ibig sabihin na gusto niyang kumain. At saka marami nga ito, paano ko ito mauubos?” Hindi ko na rin alam kung ano ang sasabihin ko. Kumain naman ako kanina pero dahil kanina ko pa naaamoy ang ulam sa ilong ko habang dinadala rito sa office nya at akala siguro ng mga bul
Chapter 18TBVH Isinandal niya ang kanyang likod sa sofa at mariin na nakatitig sa akin habang nakacross ang mga braso sa kanyang dibdib, nakaigting ang mga panga, nakikita ko na ang galit sa kanyang mga mata na kanina ay mapaglaro pa, bigla akong kinabahan na hindi ko maipaliwanag. Katamtaman ang lamig ng aircon sa loob ng opisina pero sa katagalan ay parang naging yelo na sa paligid dahil lang sa salitang nabitawan ko. “Do you want to talk about our past Sarmieto?" Ang lakas ng dibdib ko dahil sa tanong niya. Bigla atang nanigas ang katawan ko at hindi ako nakagalaw ngunit ng makita ko itong tumawa ay kahit papano ay bumalik ako sa katinuan. “Hindi- hindi po sa ganoon Mr del Rego, iba po ang ibig kong sabihin," nakayuko kong sabi. “Sa tingin ko, hindi ka pa handa na sabihin sa akin ang totoo, don't you? Now leave….” aniya ngunit hindi pa rin ako gumalaw. "I said…. leave and find someone to come over here!" halos napalukso ako sa gulat na tumaas ang boses niya, ibang-iba sa ma
CHAPTER 19 TBVHKumatok ako ng dalawang beses sa pinto ng manager bago pumasok. Sumilip ako sa loob at nakita si ginang Maui, ang manager ng restaurant na kanina pa naghihintay sa akin. “Pasok ka Ashera-” masaya niyang sabi, samantalang ako ito at kinakabahan sa sasabihin niya palang at kung bakit ako pinatawag. Mamaya pa ako uuwi dapat para kunin ang sahod. Pumasok ako sa loob kahit nanginginig ang mga paa ko. Takot talaga na marinig ang salitang ‘sorry ngunit pinapatanggal ka na sa trabaho mo Ashera.’ Di ba? "Upo ka-” utos nito sa akin. Umupo ako sa silya na malapit sa kanyang table at nakatitig sa kanya na may kinuha ito sa kanyang drawer at binasa. Hindi kaya iyan na ang mga bio data ko at tinitingnan kung may ibibigay pa ito sa akin na sahod? Paano kung wala na akong matatanggap na pera lalo na sa kapalpakan ko na ginawa kanina? Makakaltasan pa pala ako nito. Bakit ba kasi hindi nalang ako nakinig sa lalaking iyon, wala sanang gulo. Pwede ko naman siyang sabayan na kumain k
CHAPTER 20 The Billionaire's Vulnerable Heart Wala akong ganang pumasok ngayon sa restaurant pero kailangan. Sayang naman ang kikitain ko mamaya. Di bale na at bukas, wala na akong trabaho at nasa apartment lang ako o di kaya mamasyal kami ng anak ko na si Ian sa mall or parking area or pwede naman sa bahay lang kami at samahan ko siyang maglaro. Ngayon palang ay nag-iisip na ako kung ano ang ihahanda ko sa anak ko, malapit na ang birthday niya kaya ngayon palang ay todo kayod na ako para may pang birthday ako sa kanya. Nangako ako sa kanya na kahit anong mangyari ay gagawa ako ng paraan para maging memorable ang lahat lahat kay Ian. Hindi ko akalain na may big boy na ako. Ang bilis nga ng panahon, hindi ko namalayan na may binata na ako soon. Sana, bigyan pa ako ng mahabang buhay at malakas na pangangatawan. Hindi pa ako handa na iwan ang anak ko kung sakali. Gusto ko pa siyang makasama ng matagal kaya sisikapin ko na pareho kaming healthy sa isa't-isa kahit sa kabila
CHAPTER 21 THE BILLIONAIRE'S VULNERABLE HEART "Ahh, iyan po ba, may abiso na po kami diyan ma’am, sige pasok ho kayo at pumunta po kayo sa receptionist para ituro sa inyo kung saan niyo iyan dadalhin,” tumango ulit ako sa guard at nagpasalamat. “Yes ma’am, ano po sa atin?" nakangiting wika ang babae sa reception table ng makarating ako. Sinabi ko sa kanya ang pakay ko. “Wait lang po ma’am ha, tatawagan ko muna kung nasa office pa ba si sir ngayong oras." “Sige lang po-" ani ko at naghihintay na tawagan niya muna ang may-ari. D & A hotel ang pangalan ng hotel na ito. Marami na talaga akong nababasa na mga ganyang name na isa lang ang pangalan sa mga company nila, hindi ko alam kung ayaw nilang malaman kung sino sila o talagang tamad na sila mag-isip na ipapangalan nila tulad na lang nitong hotel na ito. Medyo aesthetic nga lang ang lugar sa lobby, parang ayaw sa sobrang makulay kundi nagfofocus ang may-ari sa iisang kulay ng kanyang hotel at design. “Ma’am diretso ka nalang
CHAPTER 34 The Billionaire's Vulnerable Heart Nagulat pa ako paggising ko na makita si Ian na nakaupo na sa kama at nakatingin sa akin. “Good morning baby--" bati ko sa kanya at ngumiti ito sa akin at humalik sa pisngi ko. Niyakap ko siya at tawang-tawa siya. Buti at hindi bad mood ang baby Ian ko ngayon. “Kain na tayo?” Tanong ko sa kanya habang sinusuklay ko ang buhok niya na mas malambot pa sa akin. “Later mama…” " Later? Okay later then…" narinig namin na may kumakatok sa labas ng pinto at wala pang isang minuto na makita ko si Ian na excited bumaba ng kama namin at tumakbong pumunta ng pinto. "Wait Ian, huwag mo munang buksan ang pinto, we need to make sure whose in the outside, okay?” "K…faster mama…" sinilip ko muna kung sino ang nasa labas lalo at excited ang anak ko, may idea naman ako pero mas mainam pa rin kung sigurado. At nang makita ko kung sino ang tao na nasa labas ay agad kung binuksan ang pinto dahil nagmamadali na si Ian. “Paano mo nalaman na si Tito
CHAPTER 33 The Billionaire's Vulnerable Heart “Ashera nandito ka na pala, ano? Kumusta na ang kalagayan mo?” Bumaling ang attention ko kay Miss Maui. “Mabuti na po ako ma’am Maui, pasensya na po na hindi na po ako nakabalik, hindi ko po inaasahan ang nangyari.” "Kahit kami, mabuti na lang at walang kamote na driver at delikado kung nasagasaan ka.” “Kaya po ma’am, uhmmm….maglilinis nalang po ako ng restaurant ma’am para mabayaran ko ang ilang oras na nasayang.” ani ko sa kanya para, madalang na ang customers dahil hapon na at isa pa, uwian ko na kaya kahit maghabol na lang ako sa mga lilinisin dito sa restaurant. "Out mo na di ba? Huwag ka ng magtrabaho at pinapauwi ka na ni boss para makapagpahinga ng maayos, huwag kang mag-alala, siya mismo ang tumawag sa akin, punta ka na lang mamaya sa office ko,” saad ni Miss Maui. Sabagay, bago ang insidente ay nakapagtrabaho pa ako, kahit hindi naman buo ang matatanggap ko mamaya na sahod ay at least meron akong madadala sa bahay at ang
CHAPTER 32 The Billionaire's Vulnerable Heart Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata, so weird dahil may nakita akong chandelier, kailangan pa kami nagkaroon ng ganyang ilaw sa apartment, bumili ba ako? “Oh my, gising ka na- nurse! Gising na siya." Mahinahon na boses ng babae ang narinig ko at nang lingunin ko siya ay naging familiar ang mukha ng babae sa akin. Hindi pa ako nakapag-adjust sa ilaw kaya ilang pikit mata ang ginagawa ko. Anong nangyari sa akin at bakit tinawag niya ang nurse? Napabalikwas ako ng bangon, bigla kong naalala si Ian. "Hi Ashera–huwag ka munang bumangon, yet, saka na kapag sinabi ng doctor." Ashera? At nang matanto ko kung sino ang nasa harapan ko ay kunot noo ko itong tiningnan. "Ano po ba ang nangyari?” ngumiti ito sa akin habang hinahaplos ang buhok ko. Napabaling ang tingin ko sa pinto at pumasok ang isang ginang na may suot na puting roba na pang nurse at si Drake? Inikot ko ang pangingin ko sa paligid, hindi naman ako nakahiga sa hospita
CHAPTER 31The Billionaire's Vulnerable Heart “Thank you Jaymark!" Hindi ko pinansin si Drake at binalik ang attention kay Jaymark. “No problem, anong oras ang uwi mo mamaya? Matagal ka ng nagtatrabaho rito?" Turo niya sa restaurant. Tumango ako sa kanya at ngumiti. “Mamayang five pa ng hapon and yes, matagal na rin po, baby pa si Ian." “Wow- nice job. Pambihira nalang sa ngayon ang nagtatagal sa trabaho at isa pa-" “Miss Sarmiento–" natigil ang pag-uusap namin ni Jaymark na sumulpot si Drake sa harapan namin. Nilingon ko siya at kung ano ang nakikita ko sa mukha niya kanina ay ganoon pa rin ngayon, madilim at walang kabuhay-buhay ang mga mata, at nasa magkabilaan ng kanyang black pants ang dalawang kamay.“Yes boss" “You're late -" “Po? Hindi kaya…I mean, sorry po,” hingi ko na lang ng sorry at yumuko kahit hindi naman talaga ako late, fifteen minutes pa kaya bago ako magsimula. Nakalimutan niya na ba o wala siyang relo. “Sige….aalis na ako. Ingat ka, susunduin kita mamaya,
CHAPTER 30The Billionaire's Vulnerable Heart Lasing ba siya? Marahil lasing siya kaya siya napatawag at ganoon ang sinasabi. Nagkamali lang siya ng pindot ng numero at agad nagsalita na hindi muna nagtanong. Na wrong send pa s'ya na para sana sa kanyang girlfriend. Binaba ko ang cellphone pagkatapos niyang patayin ang tawag at humiga. Ngunit hindi ako mapakali sa kama dahil naglalaro sa isip ko ang sinabi ni Drake bago lang. Pero hindi maaari na palalimin ko masyado itong nararamdaman ko lalo at wala na kami at may girlfriend na ang tao. Pinilit ko nalang na makatulog ng maayos para hindi naman ako puyat sa trabaho kinabukasan. Kinabukasan ay talagang mapapaiyak na lang ako na makita ang mga mata ko sa salamin na kitang-kita ang eye bags dahil sa puyat ako kagabi, madaling araw na akong nakatulog kaya ito at inaantok pa pero hindi pwede na tamarin lalo at kailangan ko pang asikasuhin ang anak ko at may trabaho ako. Lumabas kami ng kwarto ni Ian pagkatapos ko siyang paliguan a
CHAPTER 29 The Billionaire's Vulnerable Heart Masaya din pala kapag marami kayong kumakain sabay-sabay. Ang huling naalala ko na kumain ng sabay kami ay noong kasama ko ang mga magulang ko bago sila nagtrabaho sa ibang bansa, but, what happened between me and Ian ay hanggang doon na lang ang lahat, hindi na naulit dahil kinamumuhian nila ako na makita si Ian. That was hell experience for me pero no'ng na itaguyod naming dalawa ni Ian at hanggang ngayon ay narito pa rin kaming dalawa ay masasabi ko na ang swerte ko dahil hindi kami pinabayaan ni Ian. Wala mang kadugo na tumulong pero nahanap ko naman ang tulong sa ibang tao. Sa bahay kami ni Manang Sidra kumakain lalo at wala ang kanyang asawa dahil may pasada pa sa jeep at mamaya pa uuwi, kilala na si Chacha and Kimberly kaya ayos lang. Para na rin namin silang mga pamilya. “Yam…yam…” "Yummy?” Tumango ako kay Kimberly na tama siya, iyan ang gustong sabihin ni Ian. Nasasarapan siya sa ulam na manok na lechon kaya sunod-sunod
CHAPTER 28 The Billionaire's Vulnerable Heart Hindi ko inaasahan na sila pala ang tinutukoy sa isa't-isa na narinig ko. Bagay silang dalawa. Model ang babae habang si Drake naman ay isang business owner. Kaya bagay na bagay silang dalawa para sa akin. Sobrang bagay na maging sila. “Hoy! Ano na naman ang nangyayari sa iyo at tulala ka na naman. Kung may problema ka kahit naiihi pa iyan ay sabihin mo lang sa akin o sa amin ni Chacha para matulungan ka.” hindi ko alam kung tatawa ba ako o may kahulugan ang sinasabi ni Kimberly. Nasa comfort room kami ng mga babae para makapagbihis ng bagong damit. Maaga ngayon magsasara ang restaurant kaya maaga din silang uuwi katulad ko. Mamaya pa naman ng gabi magbubukas ang night club na pagmamay-ari rin ng boss namin pero itong restaurant ay hindi na muna magbubukas, iyon ay utos ni boss del Rego. “Sobrang obvious ba ang ginawa ko kanina?" tanong ko rito. “Sa akin…oo. Bakit ba? Ano ba talaga ang nasa isip mo sa mga panahon na iyan ha?" N
CHAPTER 27The Billionaire's Vulnerable Heart “Sa susunod na Linggo, may birthday celebration ang isa sa kaibigan ng boss natin at dito nila naisipan na mag-celebrate ng lunch at dinner dahil after ng dinner ay baka ang iba ay diretso na sa bar para doon magsaya. So, magiging busy tayo next week, kaya advance ko ng sinabi ito sa inyo para makapaghanda tayo.” saad ng manager namin. Kanya-kanya naman kami ng pagsang-ayon sa sinabi ni ma’am. Hindi pa rin naman nagbabago ang isip ko. Doon pa rin ako sa nakasanayan na hindi na aabot pa ng sobrang hapon o madilim ang oras ko. Dapat nasa bahay na ako sa mga oras na iyan kaya ang mga kasamahan ko na ang bahala, tanghalian lang talaga ang kaya ko. “Alam ko na ang nasa isip mo kaya ngayon palang Kimberly, tigilan mo iyan kung ayaw mong masaktan ka lang." si Chaha kay Kimberly. "Grabe ka talaga sa akin, bruha ka, pero sige nalang tatandaan ko nga iyang sinabi mo, iyon kung matandaan ko pa.” aniya sabay irap sa kaibigan. Kahit kailan talaga a
CHAPTER 26The Billionaire's Vulnerable Heart “Salamat, masarap ang ulam ngayon." Habol niya pa na may ngiti ang mga labi."Masarap naman talaga magluto ang chef namin dito Mr del Rego." tingnan mo at nagsusungit pa ako. "Pasensya na, ngayon ko lang nalaman." Ano raw? Sa bagay, pinabalik ba naman kung ayaw niyang kumain, so, ano pala ang nangyari doon sa binigay ko sa kanya sa hotel niya mismo na pagkain? Hindi ba siya nasasarapan? Nilagay niya kaya sa ref o tinapon?Tsk, mahilig talaga magsayang ng pagkain itong lalaki na ito. Niligpit ko ang mga pinagkainan namin. Pasalamat siya at gutom ako kanina at ngayon ay busog na dahil ako lang yata ang umubos ng pagkain na dala ko. Wala ako sa mood na awayin siya, bukod na masaya ang mga bulate ko ay naging maaliwalas ang mukha niya ngayon. Baka maganda ang kita niya sa kanyang hotel kaya ayokong sirain ang araw niya. Iyan nalang ang iisipin ko para hindi na mag-isip pa ang utak ko. Narinig ko na may tumawag sa cellphone ni Drake at