CHAPTER 19 TBVHKumatok ako ng dalawang beses sa pinto ng manager bago pumasok. Sumilip ako sa loob at nakita si ginang Maui, ang manager ng restaurant na kanina pa naghihintay sa akin. “Pasok ka Ashera-” masaya niyang sabi, samantalang ako ito at kinakabahan sa sasabihin niya palang at kung bakit ako pinatawag. Mamaya pa ako uuwi dapat para kunin ang sahod. Pumasok ako sa loob kahit nanginginig ang mga paa ko. Takot talaga na marinig ang salitang ‘sorry ngunit pinapatanggal ka na sa trabaho mo Ashera.’ Di ba? "Upo ka-” utos nito sa akin. Umupo ako sa silya na malapit sa kanyang table at nakatitig sa kanya na may kinuha ito sa kanyang drawer at binasa. Hindi kaya iyan na ang mga bio data ko at tinitingnan kung may ibibigay pa ito sa akin na sahod? Paano kung wala na akong matatanggap na pera lalo na sa kapalpakan ko na ginawa kanina? Makakaltasan pa pala ako nito. Bakit ba kasi hindi nalang ako nakinig sa lalaking iyon, wala sanang gulo. Pwede ko naman siyang sabayan na kumain k
CHAPTER 20 The Billionaire's Vulnerable Heart Wala akong ganang pumasok ngayon sa restaurant pero kailangan. Sayang naman ang kikitain ko mamaya. Di bale na at bukas, wala na akong trabaho at nasa apartment lang ako o di kaya mamasyal kami ng anak ko na si Ian sa mall or parking area or pwede naman sa bahay lang kami at samahan ko siyang maglaro. Ngayon palang ay nag-iisip na ako kung ano ang ihahanda ko sa anak ko, malapit na ang birthday niya kaya ngayon palang ay todo kayod na ako para may pang birthday ako sa kanya. Nangako ako sa kanya na kahit anong mangyari ay gagawa ako ng paraan para maging memorable ang lahat lahat kay Ian. Hindi ko akalain na may big boy na ako. Ang bilis nga ng panahon, hindi ko namalayan na may binata na ako soon. Sana, bigyan pa ako ng mahabang buhay at malakas na pangangatawan. Hindi pa ako handa na iwan ang anak ko kung sakali. Gusto ko pa siyang makasama ng matagal kaya sisikapin ko na pareho kaming healthy sa isa't-isa kahit sa kabila
CHAPTER 21 THE BILLIONAIRE'S VULNERABLE HEART "Ahh, iyan po ba, may abiso na po kami diyan ma’am, sige pasok ho kayo at pumunta po kayo sa receptionist para ituro sa inyo kung saan niyo iyan dadalhin,” tumango ulit ako sa guard at nagpasalamat. “Yes ma’am, ano po sa atin?" nakangiting wika ang babae sa reception table ng makarating ako. Sinabi ko sa kanya ang pakay ko. “Wait lang po ma’am ha, tatawagan ko muna kung nasa office pa ba si sir ngayong oras." “Sige lang po-" ani ko at naghihintay na tawagan niya muna ang may-ari. D & A hotel ang pangalan ng hotel na ito. Marami na talaga akong nababasa na mga ganyang name na isa lang ang pangalan sa mga company nila, hindi ko alam kung ayaw nilang malaman kung sino sila o talagang tamad na sila mag-isip na ipapangalan nila tulad na lang nitong hotel na ito. Medyo aesthetic nga lang ang lugar sa lobby, parang ayaw sa sobrang makulay kundi nagfofocus ang may-ari sa iisang kulay ng kanyang hotel at design. “Ma’am diretso ka nalang
CHAPTER 22 The Billionaire's Vulnerable Heart Kinalma ko ang sarili. Narito na ako at dapat maging professional pa rin ako. “Go-good morning, Mr del Rego. Uhmmm…pi-pinabigay po sa inyo ng manager.” Tukoy ko sa paper bag na hindi niya pa rin kinukuha sa kamay ko. Kakainis, nauutal pa talaga. At dahil wala pa rin siyang plano na kunin ang bitbit ko kaya humarap na ako sa kanya bago pa lumabas itong pagkatigre na ugali ko. Mahirap na at nakadepende ang gagawin ko kapag ako mainis, pero ang maisip na mawalan ako ng trabaho dahil lang sa personal na buhay naming dalawa noon ay ito ang dahilan ng kamalasan ko ngayon kaya hanggat maaari, pipigilan ko. “Mr del Rego?" "Get in, and put it on my table.” Seryoso ba siya? Bakit hindi niya na lang kunin at siya na mismo ang maglagay sa loob ng makaalis na ako. Wala naman siyang ginagawa o hawak kundi ang maliit na towel na hawak niya habang hindi pa rin natatapos sa kakapunas ng basang buhok niya kung pwede naman yan gamitan ng mahiwag
CHAPTER 23The Billionaire's Vulnerable Heart “Binigay ko na po ma’am Maui-" “Ganoon ba? Thank you Ashera. Sana kainin niya at hindi niya sinasayang ang pagkain niya.” Tahimik lang ako sa sinabi ng manager dahil hindi ko rin alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Sana nga…huwag siyang pasaway kung para naman iyon sa kanya. Kung may nararamdaman siya na hindi maganda sa katawan at iyan ang habilin ng doctor sa kanya ay dapat sundin niya ang tamang kinakain niya kung ayaw niyang mapagalitan siya ng girlfriend niya na wala sa bansa para bantayan siya kung magkasakit man siya. Ang alam ko masarap ang luto ng chef namin sa restaurant at kung may sinusunod man siya na menu o ingredients na dapat ay ganoon ang iluluto ay wala pa naman siyang palya. Ang ibang simpleng luto nga, sa kanya ako natuto. Hindi naman sobrang perfect pero atleast pwede ng kainin. Tapos siya...maging pasaway lang ang gagawin niya. “Siya pala ang may-ari ng bagong pinatayo na building ma’am?" Sinilip ako ng ma
CHAPTER 24The Billionaire's Vulnerable Heart “Manong, maniwala po kayo sa akin, wala po talaga akong kinuha o magtangka man na kukunin sa loob ng drugstore po. Nakapili na po ako, ito po ang resibo. Kakahiya naman ito." “Pero bakit ganoon po ang kinikilos niyo kanina miss?" Napabuntong hininga na lamang ako. Ang hirap naman sabihin nito. "Marami na rin kasi kaming na encounter na ganyan kaya nag-iingat lang." “Kasi…kasi po may iniiwasan po ako na tao-” sabi ko pero nakikita ko sa guard at manager na hindi kumbinsido, na hindi pa rin sapat ang sinabi ko, kailangan ko bang banggitin ang pangalan na iniiwasan ko para maniwala siya?. "Ganyang mga palusot ang naririnig namin miss kapag nahuli namin pero totoo pala na may kinuha,” aniya kaya mas lalo akong nahiya. "Manong- ma’am! Nasa mukha ko ba ang ganyang gawain? Nagtatrabaho ako ng marangal kaya bakit ako ang ginaganyan niyo, at isa pa may anak po ako, kailangan ako ng anak ko ngayon.” giit ko pa para pakawalan nila ako. "Nagtatag
CHAPTER 25 The Billionaire's Vulnerable Heart Nandito raw sa office si Mr del Rego kaya pala pagpasok ko kanina ay seryoso ang mga mukha ng mga staff, di tulad no'ng andito si boss o wala si Drake ay ang iba may pakanta-kanta pa na nalalaman sinasabayan ang ingay ng speaker at kung makapag-usap ay malakas na akala mo hindi nagkakarinigan. Pero ngayon, kabaliktaran na si Mr del Rego na ang naging boss namin pansamantala. “Ashera!" “Yes Leo!" “Tawag ka ni chef," dali-dali naman akong pumanhik sa kitchen kung saan nagluluto ang chef ayon sa sinabi ni Leo na kasamahan ko. Sa pinto palang ng kusina ay bigla naman akong nagutom na naamoy ko ang iba't-ibang mga ulam. Kumain naman ako kanina sa bahay pero nagugutom na naman ako. “Yes po-" “Ashera- pakibigay na itong pagkain kay Mr del Rego. Tumawag na magpahain." ani ng chef sa akin. Magrereklamo man ako na ayokong maghatid ng pagkain niya ay hindi naman pwede lalo at nakataya dito ang sahod ko. “Sige po chef-" ani ko sab
CHAPTER 26The Billionaire's Vulnerable Heart “Salamat, masarap ang ulam ngayon." Habol niya pa na may ngiti ang mga labi."Masarap naman talaga magluto ang chef namin dito Mr del Rego." tingnan mo at nagsusungit pa ako. "Pasensya na, ngayon ko lang nalaman." Ano raw? Sa bagay, pinabalik ba naman kung ayaw niyang kumain, so, ano pala ang nangyari doon sa binigay ko sa kanya sa hotel niya mismo na pagkain? Hindi ba siya nasasarapan? Nilagay niya kaya sa ref o tinapon?Tsk, mahilig talaga magsayang ng pagkain itong lalaki na ito. Niligpit ko ang mga pinagkainan namin. Pasalamat siya at gutom ako kanina at ngayon ay busog na dahil ako lang yata ang umubos ng pagkain na dala ko. Wala ako sa mood na awayin siya, bukod na masaya ang mga bulate ko ay naging maaliwalas ang mukha niya ngayon. Baka maganda ang kita niya sa kanyang hotel kaya ayokong sirain ang araw niya. Iyan nalang ang iisipin ko para hindi na mag-isip pa ang utak ko. Narinig ko na may tumawag sa cellphone ni Drake at
CHAPTER 45 The Billionaire's Vulnerable Heart Kinabukasan, pagkarating ko sa restaurant ay halos pinagtitinginan ako sa mga kasamahan ko, lalo na itong si Kimberly, kanina pa nakangiti na animo gusto na akong puntahan at yakapin na ewan. Tinaasan ko siya ng kilay habang patungo ako sa counter. “What?" Tanong ko pero bigla na lang akong nagulat dahil bigla ba naman akong niyakap. Talagang hindi na makapagpigil. “Congrats! Ang ganda mo doon sa awarding." Natawa naman ako, akala ko kung ano na. "At bakit ka sa akin nagsasabi ng ganyan? Dapat sa boss natin, iyong original boss ha, dahil sa kanya naman dapat ang award na ito, napag-utusan lang ako na tumanggap.” Paliwanag ko pero tinampal ba naman ang likod ko malapit sa puwetan. Ang babae na ito talaga. “Kahit na, eh sa wala siya rito, look oh, wait kukunin ko sa bulsa ang cellphone ko. Ito oh, look at yourself Ashera, look at your face, look at your make-up, look at the way you smile,look at the way you walk, you're so pretty
CHAPTER 44 The Billionaire's Vulnerable Heart “Are you okay?" Narinig ko na tanong ni Jaymark sa akin. Nilingon ko siya at ngumiti. Maayos ba ako? Hindi ko alam. Pero sa tingin ko ay maayos naman ako, praning lang yata ang utak ko ngayong gabi at anak inaantok lang ako. “Oo naman," sagot ko na lang para hindi siya mag-alala habang nakangiti. “It's okay, sinigurado ko na walang nakasunod sa atin kung iyan man ang kinatatakutan mo-" nagulat ako sa sinabi niya dahil halata ba ang kinikilos ko? Pero hilaw na lang akong ngumiti at tumango ulit sa kanya. Hindi ko alam kung alam niya ba kung sino ang taong iniiwasan ko. Wala naman akong binanggit sa kanya. Hindi rin naman nagtagal ay nakarating na rin ako sa apartment na kung saan kami nakatira ng anak ko na si Ian. “Are you sure na hindi ko na babayaran?" Tanong ko ulit kay Jaymark dahil babayaran ko sana ang nagastos niya sa pamasahe kaso ayaw naman niyang tanggapin kanina ko pa inaabot sa kanya ang pera ko, may dala naman ako
CHAPTER 43The Billionaire's Vulnerable Heart “Hindi naman at saka pa tingnan mo oh, may mga tao pa nga ang naghihintay ng masasakyan sa waiting area." Turo ko rin sa tinutukoy naming dalawa. Pero magdilim lang lalo ang kanyang mga mata na nakatitig sa waiting area at kitang-kita ko ang panga niya na umiigting. At nang mapansin niya na nakatitig ako sa kanya ay biglang lumambot ang expression ng mukha niya. Pareho kaming huminga ng malalim. “Okay na? Bababa na ako, maraming salamat sir at ingatan mo yang award or thropy para maibigay natin yan sa boss natin ay boss ko pala.” Paliwanag ko sa kanya. "Ako na ang bahala diyan,” tumango ako sa sinabi niya at akmang bubuksan ko na sana ang pinto para makalabas sa kotse ay pinigilan na naman niya ako. “Ihahatid na lang kita, malapit na ba ang bahay mo rito?" “O-opo…malapit lang. Huwag kang mag-alala, makarating din naman ako. Lalakarin ko na lang” "Na ganyan ang damit mo?” Sinilip ko naman ang suot ko na dress at doon ko lang nais
CHAPTER 42 The Billionaire's Vulnerable Heart “Here!" “Are you okay?" Tumikhim ako at kinuha sa kanyang kamay ang supot na bitbit niya. “Oo naman, thank you at pasensya ka na." “Go and change, malapit na magsimula ang program, we can go home after that–" aniya sa malamig na boses. Sinarado ko naman ang pinto para makapagbihis na. Binuksan ko ang supot at nakita ko ang pack ng napkin, mabuti na lang at dalawa lang ang binili niya, alangan naman magdadala ako nitong supot na may napkin habang may program lalo at maliit ang dala ko na lalagyan na bag. Maliit na pouch na pahaba na tanging kasya lamang ang cellphone, lipstick at powder at pocket money unlike before, kapag maabutan ako ng dalaw at sasabihin ko sa kanya ay laging isa o dalawang pakete mismo na may lamang twelve o walo. Dati ito, noong naging kami pa at nag-aaral. Ngayon, iba na. Babayaran ko siya mamaya sa nagastos n'ya pambili. At hindi rin mawawala na bilhan niya ako ng black panty pamalit. Marahil nakahanap
CHAPTER 41The Billionaire's Vulnerable Heart “Hi! Ikaw! Narito ka rin?" Nakangiti kong tanong sa kanya.“Yeah, I have work." Nakita ko nga ang pang-uniporme niya na suot. Nakasuot ito ng black suit at itim ba panloob at black pants. At nakita ko sa kanyang kabilang tenga ang isang earpiece, oh, I know kung ano ang trabaho niya. Gusto kong itanong sa kanya kung sino ang binabantayan niya rito pero wala yata akong karapatan para itanong ito lalo at baka bawal sa field ng trabaho nila kaya tumahimik na lang ako sa bahay na uya at tanungin siya ng ilang bagay. “I see…” bagkos ito lamang ang naisagot ko sa kanya habang nakangiti .“Saan ka pupunta?" Tinuro ko ang restroom na nasa likuran niya lang pala.“Restroom lang, excuse me." Paalam ko sa kanya na siya naman ang pagbigay saan sa akin. Kaya pala hindi ko na siya nakikita sa apartment ni Manang Sidra dahil may trabaho pala siya.Kanina, nakausap niya ang anak ko. My baby Ian , namimiss ko na siya. Sana maaga matapos ang event or m
CHAPTER 40The Billionaire's Vulnerable Heart “Hi!" “Miss Cole, you're here too?" Ngumiti ang babae na tinawag ni Drake na Miss Cole. Bigla akong nanliit sa sarili ko na makita siya. Tulad ng girlfriend ni sir Drake, ang ganda nilang tingnan at higit sa lahat alam mong nasa disenteng pamilya.Ayokong maging insecure kaya umiwas na lang ako ng tingin. Alam ko naman sa sarili ko na hindi ako nababagay sa event na ganito pero ito ako at sumama pa talaga pero kung hindi dahil sa boss ko ay hindi ako sasama Kay sir Drake, sana pala ang girlfriend niya na lang ang pinasama niya ngayon. Kaso may work daw eh at saka, hindi raw allowed kung hindi naman naging worker sa restaurant. “Of course naman, aside from modelling ay isa sa ginagawa ko ay magiging architect, ayoko sanang pumunta but may Lola, ang kulit, super. Oh, siya na ba ang sinabi mo na girlfriend?” Tanong niya Kay sir Drake at nakangiting lumingon sa akin. "Hi there, call me Shanna.” "Hello– Uhmmm.. Ashera po." “Nice meeting yo
CHAPTER 39 The Billionaire's Vulnerable Heart Tumikhim ako. Saka palang siya tumayo ng tuwid at nakatingin pa rin sa akin. “Uhmmm…..hi…late na ba ako?” Nahihiyang tanong ko sa kanya, bagay na bagay sa kaya ang suot niya na puting polo na nakatupi sa ibabaw ng kanyang braso with black pants. Akala ko magsusuot siya ng black suit? Baka nasa sasakyan niya na ito. Umiwas siya ng tingin at tinaas ang kaliwang braso niya kung saan ang kanyang relo at sinilip ang oras, at binalik muli sa akin ang kanyang tingin. “Not really! Let's go." Aniya sa malamig na boses. Umirap ako sa aking isipan. Mainit ang panahon pero malamig ang ugali. Tumango ako at naglakad ng dahan-dahan para hindi matisod dahil sa heels ko na suot papunta sa nakabukas na kotse. Dahil sa damit ko na gown ay medyo nahihirapan ako kaya tinulungan niya akong bitbitin ang dulo nito papasok. “Makapal ang dulo ng damit mo pero halos wala ng tela sa bandang itaas,” narinig kong bulong niya na parang bubuyog s
CHAPTER 38The Billionaire's Vulnerable Heart “Ito pa, wait lang, last na ito. Wait lang…diinan ko muna, ayan…para kumapit talaga.”Dinilat ko ang mga mata ko para matingnan sa salamin ang kabuuan ng mukha ko. Magsisimula raw ang event bandang alas 3 ng hapon hanggang mamayang gabi ng eleven sa BGC daw gaganapin. At dahil gabi ang bigayan ng mga award kaya alas dose palang ay abala na ako sa pag-aayos. Ayaw ko pa sana pero mas excited pa ang dalawang kaibigan ko. At dahil marunong naman si Chacha at Kimberly sa mga make-up at hairstyle kaya silang dalawa ang sinabihan ko na sobrang ikasiya nilang dalawa dahil maayusan na raw nila ako sa wakas at hindi ko naman inaasahan na ganito sila ka experts pagdating sa make-up. May hairstylists and make-up artist si Drake pero ayoko naman na sa kanya na iasa lahat-lahat. I mean kahit na bayad na galing sa kompanya mismo ay pwede naman na ibigay ko sa iba at ang nakikita ko ay ang kaibigan ko. Pumayag naman ang make-up artist dahil meron din
CHAPTER 37 The Billionaire's Vulnerable Heart "Okay lang baby Ian na doon ka muna matulog sa kwarto ni nanay Sidra kasama ang playmate mo?” tanong ko sa anak ko habang busy ito sa kanyang laruan na eroplano. " Baby? Look at mama.” Napangiti ako na sumunod siya sa sinabi ko, nagkatinginan kami habang nangungusap ang kanyang mga mata. “May pupuntahan lang na event si mama kaya doon ka muna matutulog kay nanay, okay ba baby?” Tumango siya kaya mas lalong lumapad ang ngiti ko. He understands me very well. Pagkatapos kong matupi ang mga damit namin ay pinatulog ko na si Ian dahil alas otso na ng gabi. Habang nagpapa-antok ako ay nahagip ko ang cellphone ko na umiilaw at nagva-vibrate, ibig sabihin may tumatawag. Kinuha ko ito at sinilip kung sino ang tumatawag at nagulat ako na makita ko ang pangalan ni Drake. “Ano na naman kaya ang sasabihin niya at napatawag." bulong ko sa sarili ko. Sinilip ko muna si Ian at nang makita ko siya na mahimbing na ang tulog ay bumangon ako sa kam